LOGINA story written by Ayesha sky
Ayokong mag-salita, kahit lingunin ang mga nasa paligid ko ay supling gawin. Parang kahit gusto kong mag-salita ay pinipigilan ako ng sarili ko, hindi ko alam kung Bakit ganito ang nararamdaman ko pero parang ayoko lang talagang mag-salita. Maski mga taong nakakasalubong namin ay nginingitian ko lang at nilalagpasan, walang kahit sino ang pinansin ko at hinarap ng diretso.
"Oy Elizabella, anong nangyari sayo ba't tahimik ka yata?" tinapik ako ni loryanne sa balikat, mas lalong binigay ang nararamdaman ko na parang gusto ko nang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Sobrang bigat ng nararamdaman ko." unang beses kong sinabi sakanya ang totoong nararamdaman ko, pero masakit pa rin.
"Hala siya, bakit? Okay ka lang ba?" hinawakan niya ang ulo ko, kasabay ng pag-yuko nito ay ang pag-tulo ng mga luha na hindi ko inaakalang si harrison ang dahilan.
"Masakit, sobrang sakit." hinawakan ko ang dibdib ko dahil hindi ako makahinga, tila ba sa sobrang desperada ng sarili kong ilabas ang problema ko ay hindi na ako makahinga.
"Ano ka ba? Anong nangyari ha? Sabihin mo kasi." hinimas-himas niya ang aking likuran upang patahanin ako pero hindi ito sapat, bagkus ay mas lalong bumuhos ang aking luha na parang bulkan na nag-nanais ng pumutok.
"Nasasaktan ako kasi si harrison pa rin ang tanging sinisigaw ng puso ko kahit na hindi ako ang gusto niya." yumuko na ako sa aking mga tuhod dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako lk
"Dahil kay Marie yan hindi ba? Ano ka ba, ayos lang yan. Sige lang ilabas mo pa." muli niya akong tinapik sa likuran kaya wala na akong nagawa kung hindi ang ilabas ang pagiging iyakin ko.
Alam kong wala akong karapatang magalit ngunit pati sarili ko ay iniisip kung bakit masakit kahit na hindi naman talaga ako dapat kumapit, tinatanong ko sa sarili kung bakit hindi ka maiwasang sulyapan. Bawat lingon ay ikaw ang hinahanap ng aking mga mata ngunit pag-talikod ko pala makikita kong kasama mo siya.
Ano yung mga ipinapakita mo saakin? Isang motibo na alam kong hanggang motibo nalang at hindi naman magka-katotoo, habang iniisip ko ay pumapasok sa isip ko na ang hirap pala talagang umasa sa isang taong imposibleng maging sayo?
"Elizabella, galing mo kanina ah. Bakit ka umiiyak?" biglang dumating ang lalaking dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon, tinitigan ko siya at para bang gusto ko siyang sampalin at ipa-mukha sakanya na mahal ko na siya.
"Thanks, wala 'to. I just realized na wala na talaga akong pag-asa sa taong gusto ko." hindi ko lang masabi na siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak at nasasaktan pero nag-aalala ako na baka ito na ang maging huli naming pag-kikita kung gagawin ko ito kaya nag-explain lang ako ng kaunti at nag pasalamat.
"Umiiyak ka dahil sa lalaki? Sino naman yan?" naupo siya sa tabi ko at halatang curious siya kung sino, sarap niyang hambalusin ng sapatos tsaka sabihing 'Ikaw iyon tanga!'
"Sabihin nalang natin na isang napaka swerteng lalaki na nasa harap na niya yung para sakanya pero hindi niya makita dahil iba yung sinisigaw ng puso niya." salitang hindi ko sinasadyang sabihin sakanya, talagang sobrang sakit lang ng nararamdaman ko na halos isigaw ko sa mukha niyang ako dapat at hindi si Marie. Pero hindi ko masabi dahil ayaw kong mabago ang pagtingin niya saakin.
"Lalim naman niyan, Kain nalang tayo tara?" inabot niya ang kamay niya saakin na nag-ooffer na tumayo ako, gusto kong tumanggi kaso pagkain yung ibibigay niya kaya tumayo agad ako at sumama sakanya pababa.
"Ang rupok naman!" narinig kong sigaw ni loryanne mula sa kalapit na pwesto na malapit saamin ni harrison habang hindi ko namalayang nakahawak pa pala ako sa kamay niya.
Agad kong tinanggal ang kamay na nalalapit kay harrison at pinunasan ang aking mga luha, tumingin ako sa ginagawa ni harrison. Bumibili siya ng isang pack ng yakult at isang pillow na kulay violet, inabot niya ito lahat saakin at tsaka ako binigyan ng isang sa pakiramdam ko ay makahulugang ngiti.
"Ayan kumain ka nalang at kalimutan mo yang lalaki na yan." inabot niya ito lahat saakin at hindi maulang nag-tira ng para sa sarili kaya napalingon ako sakanya, ayaw kitang kalimutan.
"Ayaw kitang kalimutan." madulas ako dahil sa mga bagay na iniisip ko, nasabi ko ang bagay na hindi dapat niyang malaman!
"Ano?" tanong niya saakin habang binubuksan ang yakult at pillows tsaka ito inabot saakin.
"Ehem Ehem! Sabi niya may amnesia na daw siya kay di na daw niya kilala." salamat at sumingit si loryanne sa usapan dahilan upang mawala sa isip ni harrison ang sinabi ko sakanya, kahit medyo masama ang loob ko ay kinain ko ang mga pag-kaing ibinigay niya saakin at tsaka kami bumalik sa basketball court para tunambay habang si loryanne naman ay naka buntot saaming dalawa ni harrison.
Nag-lalakad lang kami hanggang sa makasalubong nanaman namin ang babaeng kasama ni harrison kanina, si Marie.
Muli akong nang hina ng makita kung paano mag-bigay ng pagtingin si harrison kay Marie ng dumaan siya, sinusundan ng tingin niya ang bawat yapak ng pag-alis ni Marie sa direksyon namin kaya't umalis ako at inunahan siya.
Sinundan ako ni harrison hanggang sa napag-isipan kong pumunta ng banyo ng mga babae upang hindi siya makapasok sa loob, nakita ko ang pag-hinto niya sa harap ng Restroom habang hinihintay ako.
Hininga ako ng malalim habang naka-tayo sa maliit na espasyo ng banyo, ayokong umiyak pero gusto ko. Ayokonh tumakbo papalayo sakanya pero kailangan kasi ako naman ang masasaktan kung hindi ako gagawa ng paraan.
"Hihintayin kita dito." narinig kong sigaw niya habang nasa labas ng banyo, ayokong pakinggan ang mga sinasabi niya kasi nahuhulog nanaman ako kahit alam ko yung ending na iiyak nanaman ako kasi sobrang tanga ko.
Pinakalma ko ang sarili ko at inayos ang buhok upang mukhang presintable, nag pabango ako na nakalagay sa pouch na dala ko at nag pulbos.
"Wag mo na akong bolahin, tara na."
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV