LOGINA novel written by Ayesha Sky
VICTOR HARRISON'S POV
Medyo iba ang ipinapakitang ugali ngayon ni Elizabella, tahimik siya at hindi kumikibo kanino mang tao na kahit lingunin sila ay hindi niya ginagawa.
Kanina naman ay noong pinuntahan ko siya kung saan siya itinuro saakin ni nicolei ay nakayuko siya at umiiyak na parang bata, sinabi naman niya ang dahilan na dahil daw ito sa lalaking nanakit sa kanya at alam niyang wala na siyang pag-asa sa lalaking nabanggit.
Labis ang pag-tataka ko dahil wala naman akong kilala na lalaking nagustuhan niya o lalaking nakakausap niya paminsan-minsan kaya para saakinnay malabong may lalaki siyang magustuhan.
Ngunit kahit na isipin kong imposible ay halata sa pag-iyak niya kanina na nasasaktan talaga siya sa ginawa ng lalaking iyon, dahil singkit na nga ang kanyang mga mata ay mas lalo pang lumiit noong umiyak siya.
Nag-tataka ako kung bakit ganun na lamang ang nangyari samantalang napaka-galing naman niyang mag-perform kanina at napaka-raming tao ang namangha sakanya, kaya iniisip ko kung paano niya nakita ang lalaking iyon sa dami ng gustong magpa-picture sakanya kanina.
Nang makita ko siya ay grabe talaga ang pag-iyak niya na halos mabasa na ang tela ng kanyang dress hindi ko siya matiis na tignan lamang at umiiyak kaya binilhan ko siya ng yakult na napaka-dalas niyang iniinom at snack na pillows na madalas niya kainin.
Kumain naman siya at nakita ko rin na ngumiti pero iba talaga eh, hindi siya yung ngiti na palagi kong nakikita sakanya. Parang yung ngiti lang na maraming gustong sabihin pero hindi niya magawa kasi natatakot siya o iniisip niya na baka may mag-bago kung aaminin niya.
Kaya nandito ako ngayon sa labas ng classroom nila para itanong kay loryanne kung bakit nag-kaganun si Elizabella kanina, hindi naman kasi pwedeng pabayaan ko lang na nagkaka-ganoon siya.
"Oh bakit ka nandito?" pagka-labas niya ay iyon agad ang salubong niya saakin, hindi ko mawari kung bakit parang galit siya saakin dahil sa tono ng kanyang pananalita at sa tingin niya pa lamang ay halatang may problema talaga.
"Kanina kasi diba ikaw yung kasama ni Elizabella habang umiiyak siya? Pwede bang itanong kung bakit? Ngayon ko lang siya nakitang umiyak." pagpapaliwanag ko kahit nasa isip ko na galit siya, saglit pa niya akong tinitigan at hindi muna sumagot hanggang sa nag-buntong hininga siya.
"Mabuti pang sakanya mo nalang itanong, hindi dapat saakin nanggaling yun sakanya dapat." sinabi niya na akala ko ay sasabihin na niya ang dahilan, wala akong choice kung hindi ang bumalik sa room namin at mag-hintay hanggang sa mag lunch na at mag-pilian na ng clubs na sasalihan ng mga estudyante mamaya sa basketball court.
Kapag first week kasi ng school ay lahat ng estudyante may pinag-pipiliang mga clubs, yung iba ay may audition yung iba naman ay wala. Ang clubs na yun ang nagiging parte ng mga okasyon sa school at ang nag-papanatili ng kapakanan nang buong paaralan.
May mga kumakanta, may mga Sumasayaw, may mga tumutula, may mga nagdo-drawing, nagde-design at mayroong club na siya mismong kumokontrol sa mga estudyante.
Nang papasok na ako sa room ay nakasalubong ko ang kaklase kong si Marie, siya ang presidente ng club na tinatawag nilang GAIS supreme court na siyang pinag-kakatiwalaan ng aming prinsipal na pangalagaan ang paaralan.
Hindi ko alam kung mapapalitan siya ngayong taon dahil every year ay may bagong presidente talaga sa GSC kaya hindi imposibleng matanggal na siya at mapalitan sa pwesto.
She is a honor student, genius, pretty, kind, humble, maliit ang size and sweet. She is almost perfect, para kasing na sakanya na ang lahat, sa sobrang ganda niya ay halos lahat nang student na lalaki ay nag kakagusto sakanya at isa na ako dun.
Actually last year ko lang siya nagustuhan dahil kagaya nila Elizabella ay baguhan lang din si marie kakalipat palang niya pero grabe. Madami nang fans, hindi naman fans parang marami lang ang nag-aadmire sakanya.
Close kami ni marie, minsan nga ay sabay na kaming nag aaral. Kaso ay pakiramdam ko nakatuon lang talaga siya sa prayoridad niyang mag aral. Hindi siya palakibo kung pag-ibig na ang pag-uusapan pero never naging problema iyon saakin, sinabi ko naman na kaya kong mag-hintay hanggang kailan at pumayag siya.
Ginawa ko iyon dahil naiintindihan kong sa ngayon ay priority niya ang pag-aaral lalo na't malapit na kaming maging grade 10 students kaya mas ginagalingan niya sa pag-aaral para mas lalo siyang tangkilikin ng mga tao.
Medyo masungit siya kung tutuusin, mahilig siyang mambara at hindi iniisip ang nararamdaman ng ibang tao pero ginagawa niya lang ito sa mga taong karapat-dapat.
"Marie." tawag ko sakanya ng maabutan ko siyang naka-dungaw sa corridor habang naka-upo.
"Bakit?" sagot niya na nakakunot ang noo, palagi siyang ginagawa ang bagay na yun dahil ayaw niya ng ginagambala siya kapag may ginagawa siyang bagay.
"Ang ganda mo." inayos ko ang sasabihin ko dahil baka magalit siya at hindi nanaman ako pansinin.
"Salamat." nag-pasalamat siya at nginitian ako, diyan ako kinikilig. Sa mga cute niyang ngiti na bibihira lang nakakakita, bukod kasi sa mahiyain ay palaging may toyo kaya hindi ngumingiti.
Saglit ko pa siyang tinignan para pag-masdan ang maganda niyang mukha at naalala ko nga palang may itatanong ako sakanya.
"Ikaw pa rin ba ang magiging President ng GSC?" tanong niya dahilan upang muli kong makita ang maaliwalas niyang mukha, kinikilig nanaman ako mula ulo hanggang paa.
"Siguro, kung may boboto pa." Ngumiti nanaman siya kaya mas bumilis ang tibok ng puso ko, hanggang sa nakita kong naka-tingin saamin si Elizabella mula sa corridor nila.
"Sana ikaw nalang, sino kaya makakalaban mo sa trono? Hahaha!" ipinag-patuloy ko ang usapan dahil baka sabihin ni Marie ay Bastos ako kung aalis ako agad-agad.
"Easy na yan sakin! Basta iboboto mo ako." tumango ako na ibig-sabihin ay pagsang-ayon tsaka ako nag-paalam at tumakbo hanggang sa corridor nila ngunit hindi ko naabutan si Elizabella dahil bumaba siya sa court kaya naman muli ko siyang sinundan at nakita kong naka-upo siya sa upuan na inupuan namin noong panahon na nag-practise siya.
"Elizabella, sagutin mo na yung tanong ko. Ano ba talagang nangyari?" hindi siya lumilingon at nag-sasalita kaya saglit pa akong nag-hintay sa sasabihin niya habang humihinga siya ng malalim at nag-simula nanamang umiyak na ikinagulat ko.
"Ang tao, kapag may nakikitang motibo alam agad ang dahilan. Pero ikaw nasa harap mo na ang dahilan pero hindi mo pa rin alam, sabagay kailan mo nga ba ako mapapansin?" mas lalong bumuhos ang kanyang luha habang sinasabi ito saakin pero hindi ko pa rin alam ang ibig-sabihin niya, inabutan ko siya ng bimpo upang punasan ang luha niya ngunit itinaboy niya ito at tsaka siya tumayo at muli akong iniwan.
'kelan ko siya mapapansin?'
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV