Share

chapter 23

Author: Ayesha_Sky
last update publish date: 2020-10-06 09:41:42

A novel written by Ayesha Sky

"Good morning our beautiful and our handsome GAISians please bumalik

po kayo sa basketball court because today ay mag-papasukat

tayo para sa

tatahiing jersey uniform!" Biglang announce ang narinig namin mula sa office, kaya naman agad kaming pinapila ng president ng classroom at tsaka kami sabay-sabay bumaba.

"Sabi na eh." Sinabi pa ni erica, every year kasi ay may nagaganap na pagpapasukat para sa jersey uniform ng mga bagong lipat at sa mga estudyanteng gusto ulit mag-pagawa.

Ang mga jersey uniform na ipapatahi ay ang gagamitin para sa mga nagaganap na sport fest every saturday sa school at everyone needs to wear their jersey sa ayaw at sa gusto nila.

Syempre mauuna ang mga highschool sa mga senior at elementary dahil mas kaunti lang kami, kaya nauna ang grade 7 at grade 8 bago kaming mga grade 9. Mabilis lang ang nangyaring pag-susulat dahil karamihan sa mga bumaba ay mayroon ng jersey at hindi na kailangan pang mag-pagawa.

Kaya naman labis na lamang ang gulat ko ng makasabay ko sa pila si harrison, matagal na siyang estudyante dito at yearly kung mag-palit ng jersey! Last year ay nag-pagawa na siya kaya laking gulat ko na pati ngayong taon ay mag-papagawa nanaman siya.

"Number ng jersey?" tanong ng babaeng nag-susulat habang ang lalaki naman ay sinusukatan ako, at nakakainis pa dahil sabay kaming sinukatan ni harrison kaya ramdam na ramdam ko ang pag-titig niya saakin.

"14 po." sinabi ko sa babaeng nag-susulat, ibinase ko ang number ng aking jersey sa birthday ko which is april 14, 2006.

"Ikaw anong number ng jersey mo?"  lumingon naman ang babae kay harrison matapos nitong mag-tanong saakin.

"15 po." sagot ni harrison? 15? Ako 14? Omg omayghad! Pilit ako lumingon pa-kanan para ngumiti ng bongga.

"Mag-jowa ba kayo?" Nagulat ako ng biglang mag-tanong ang babaeng nag-susulat sa papel.

"Hindi po ah!" sabay namin itong sinigaw ni harrison sa babae na takang-taka at gulat na gulat sa isinigaw namin.

"Actually ate mag-jowa po sila, hindi lang nila alam parehas." biglang singit nanaman ni marysam kaya napatingin ako sakanya na sinasabing 'Manahimik ka kung hindi ay mapapatay kita' pero wala siyang paki at nag-panggap na hindi niya ako narinig.

"Okay highschool students! Ready na ba kayong malaman kung sino ang mga tatakbong officers para sa GSC at sa pinaka-hinihintay na mag-dedebate para sa pagiging president?" nanh matapos ang matagalang pag-susukat ng mga estudyante ay sa wakas iaannounce na kung sino ang mga tatakbo.

"Ayan na elizabella." kinalabit ako ni harrison pero hindi ko siya nilingon at tinalikuran nalang. Arte ako eh hahaha!

"First we have Team hyacinth with 5 members that contains a president, vice president, secretary, and dalawang representative from highschool and senior high students. Second we have Team Scorpio that contains the same officers like hyacinth. So sino sa tingin nito ang magiging president?" sinabi ni ate Shaina na siyang nag-aannounce ng kung paano ang mangyayari sa mga teams.

"Elizabella!" sigaw ng mga kaklase ko maliban sa grupo nila kallea, at pati si harrison ay nakikisigaw.

"Marie!" sigaw naman ng kabilang section na parang nakikipag-taasan pa ng boses sa section namin.

"Elizabella!" bumwelo pa sila bago sumigaw, sa sobrang lakas nito ay natatawa na lamang ako dahil parang mabubulunan ang mga kaklase ko sa kakasigaw.

"Syempre uunahin natin ang mga ibang officers bago ang president para may thrill!" sinabi ni ate Shaina kaya nag-sigawan ang mga estudyante.

"From team hyacinth we have cindy for vice president and for Team Scorpio we have Nathalie for vice president." sinabi naman ni ate Sally kaya nagpalakpakan ang mga estudyante ng marinig sila cindy na parehas galing sa grade 10.

"Okay now for secretary we have lolly from Team hyacinth and Kai from Team scorpio." sinabi naman ni ate Shaina kaya nag-sigawan ang mga highschool students na nasa second floor.

"For Two representative for highschool level we have con from Team hyacinth and Nowie from Team Scorpio. For

senior

high

naman

we

have

kyle

and

sandy." sinabi ni ate Sally habang sumasabay din sa pagpalakpak ng mga tao.

"Now are you ready to see kung sino ang mag-lalaban sa GSC president?!" masiglang sigaw ni ate Shaina na mas lalong nag-paingay ng mga estudyante.

"Yes!" sagot ng mga estudyante at halatang-halata sa tono ng mga estudyante na excited na sila

"For Team Scorpio automatically we have our previous president Marie from grade 9!" at dahil matagal ng president si Marie ay wala namang pumalakpak syempre obvious at automatic na na kasama si Marie sa mga tatakbo kaya naman medyo akong kinabahan dahil baka hindi ako makuha o hindi ako mapili na tumakbo bilang presidente.

"And for team hyacinth we have Elizabella snow for president from grade 9!" sa wakas! Pangalan ko ang narinig ko ng sabihin ni ate Shaina kung sino ang tatakbo bilang presidente sa team hyacinth.

"Elizabella! Walangya!  Kaibigan ko yan!" nagulat ako ng biglang nag-tatatalon si loryanne sa sobrang tuwang at pinanggigigilan pa ako, sige sige ang pag-palakpak niya at pag-sigaw niya nang narinig namin ang pangalan ko.

"Now calm down students! Tomorrow everyone will start their campaign, you can do anything to show the GAIS students that it's worth voting for you. Every team can have their own strategy okay? One week ang campaign natin students, kaya naman matagal-tagal niyong kukubinsihin ang mga tao para kayo ay iboto,  yun lamang po and good luck to the both teams." nag-palakpakan na ang lahat pero hindi muna kami pinaakyat sa mga classrooms namin dahil magre-recess muna kaya naman grabe na lamang ang gulat ko ng makitang nasa tabi ko na si harrison.

"Kain na tayo, wag ka na magalit." sinabi niya habang sabay kaming nag-lalakad kami papuntang canteen, kaya naman na-isip ko na baka oras na para pansinin siya at baka siya naman ang hindi mamansin.

"Tara." sinabi ko sakanya habang nasa likod namin sila loryanne at hindi madlang gumagalaw.

"Kayo-kayo muna ah? Ayaw pa naming kumain eh." sinabi sakin ni nicolei kaya lahat sila ay umatras at kinindatan pa ako na sinasabing 'This is your moment' kaya hindi ko na sila pinilit at dumiretso na kami ni harrison sa maliit na silungan malapit sa school.

Hindi ko rin alam kung bakit kami dito kakain, siguro ay alam na niyang puno ang canteen kaya dito na lang niya ako dinala upang kumain.

"Anong gusto mo? Ako na ang binili ng pagkain dito ka nalang." Tanong pa niya habang nakabaluktot ang leeg dahil medyo maliit ang silungan na ito kaya bawal ang matatangkad. Hahaha!

"Kung ano nalang yung iyo." sinabi ko sakanya kaya tumango siya at umalis sa silungan na kung saan niya pinag-sisiksikan ang sarili niya.

Hanggang dito sa silungan ay natatanaw ko kung nasaan siya, may apat pwesto kasi sa canteen kung saan ka bibili.

Sa kaliwa ay ang bilihan ng kanin na may ulam o 'di kaya cup noodles, sa kanan naman ay ang bilihan ng mga pangangailangan mo for school.  At ang nasa gitna na dalawang spot ay ang bilihan ng mga chichirya at inumin at ang katabi nito ay ang mga nag-titinda ng burger at iba pa.

Bakit ka ba ganyan saakin?

~

Follow me on my Social Media Accounts!

Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity 
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky


Thank you for reading! I love you!♡

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status