LOGINA novel written by Ayesha Sky
Matapos ang matagal na pag-pila niya sa mahabang pila ay dumating na rin siya sa wakas, dala-dala ang dalawang plato na may lamang pagkain at ang dalawang supot na nakalagay sa kanyang mag-kabilang braso na mayroong bottled water at iba pa.
Tinulungan ko siya para ibaba isa-isa ang mabibigat niyang hawak dahil mukhang nahihirapan na siya, pero ayaw niya itong iabot saakin dahil ayaw niya daw akong pakuluan.
"Ay teka walang kutsara." inilapag na niya ang mga pinggan na may laman na isang cup na kanin at mimido ang ulam sa gilid, agad siyang tumakbo pabalik sa canteen ng ma-realize niyang walang kutsara ang dala niya.
At ng makabalik na siya ay dala niya ang dalawang kutsara at tinidor hindi kapani-paniwala naman ay dahil sa nagawa pa niyang kumuha ng dalawang mangkok na may nakalagay na mainit na sabaw.
"Ayan na complete na, ito sabaw since may sipon ka today." inilapag niya sa harap ko ang mainit na sabaw mula sa canteen at ipinatong ang kutsara't tinidor sa aking plato.
"Napansin mo pa yun." tinakpan ko ang ilong ko gamit ang bench Bath ko na palaging nawawala sa school at hindi na muling natatagpuan pa.
"Oo, ang cute nga eh namumula yung ilong mo." sinabi niya saakin habang mukha siyang husband material sa mata ko dahil sa pag-hahain niya saakin ng pagkain.
"Epal." wala tuloy akong magawa kung hindi ang takpan ang namumulang ilong mula sa sipon na mayroon ako simula kagabi, pag nagkaka-sipon kasi ako ay parang may blush-on ang ilong ko kaya medyo nakakahiya.
"Wag ng takpan, cute naman eh. Kumain ka na at humigop ng sabaw para mawala ang sipon mo." muli niyang paalala saakin kaya sinubukan kong humigop ng sabaw at grabe! Refreshing mga sis! Sa unang higop nawalan ng bara sa ilong ko, isang malaking kagiwahaan ang naramdaman ko.
"Alam mo ang weird mo." sinabi ko sakanya habang nag-papatuloy saaking pag-kain.
"Bakit?" Nag-tataka niyang tanong habang sumabay na rin sa pag-kain ko.
"Nasa kabilang section ka pero mag-kasabay tayo palaging kumain." sinabi ko sakanya at napatingin lang siya, weird naman talaga hindi ba? Akalain mo nandoon na siya sa kabilang section pero nakaka-sabay pa rin siya sa pag-kain namin every recess at lunch.
"Anong masama dun? Hindi ba pwedeng nakaka-enjoy lang na kasama kita pag-breaktime?" sagot niya saakin na parang may halong pag-tataka sa tono ng kanyang pananalita at ng sinabi niya hindi ba pwedeng nakaka-enjoy lang ako kasama ay halos mabilaukan ako sa kulog.
"Sabi ko nga hindi." sinabi ko sakanya at sabay kaming nag-patuloy sa pag-kain, syempre dahil kaharap ko siya ay titingin-tingin pa ako, dati ngang nakakasalubong ko lang siya ay ay grabe na ako kung naka-tingin. Ngayon pa kayang kaharap ko na siya at kasabay pa kumain.
"Paano yan, campaign niyo na bukas. Ano balak mo?" tanong niya saakin kaya naman muling pumasok sa isip ko na kailangan pala naming mag-usap ng mga tatakbong officers para mapag-usapan ang gagawin.
"Shemay Oo nga pala, buti pinaalala mo. Siguro ay pag-uusapan na lang namin mamaya." napa-tawa nalang ako habang inaalala na napaka-makakalimutin ko talagang babae.
"Good luck, susuportahan kita." sinabi niya pa habang naka-tingin saakin, kaya medyo umatake ang pagiging marupok ko.
"Hindi ba dapat ay si Marie ang susuportahan mo at hindi ako?" tanong ko sakanya dahil si Marie ay kaklase lang niya at same pa sila ng section kaya kataka-takang ako pa ako isu-support niya samantalang hindi naman ako ang kabit niya na si Marie, I mean kaklase.
"President na siya eh, syempre katulad niya ay gusto mo ring maging president. Kaya ba't hindi diba?" makabuluhang sagot niya sa napaka-gaga kong tanong. May point nga naman siya, naranasan na ni Marie ang pagiging president kaya bakit hindi niya ibigay ang oportunidad sakin HAHAHA!
"Ang sweet naman." muntik na akong mabilaukan ng bigla-bigla ko nalang nakita si Erica at marysam na pumapapak ng ulam kong minudo habang sila loryanne at nicolei ay naka-upo na sa tabi ko.
"Ano ba?! Nakakagulat naman kayo!" sigaw ko sakanila habang sila Erica at marysam ay patuloy sa pag-kain ng laman ng plato ko, mabuti nalang at nakakain na ako ng marami. Tsk, mga buraot.
"Pag-inatake ka dalhin ka nalang namin sa ospital sabay-sabay silang tumawa pati na rin si harrison kaya nag-pasabog ako ng tingin na sinabing 'Isang tawa, Sampung sapak' kaya no choice siya kung hindi ang katahimikan at bumalik sa pag-kain.
"Oo nga pala, paki tawag yung mga tatakbo bilang officers sa team hyacinth." sinabi ko kayla loryanne kaya naman agad siyang tumayo mula sa pag-kakasandal saakin at tumayo.
"Oki." umalis na siya at biglang sumunod ang tatlong sisiw na sila Erica, marysam at si nicolei. Para silang mga sisiw na sumusunod sa pupuntahan ng nanay nilang manok na si loryanne.
"Ang cute ng mga kaibigan mo. Pero mas cute yung nasa harap ko." sinabi niya saakin.
"Ako hindi?" medyo nag-process saglit yung utak ko nung na-realize ko na ako nga pala yung nasa harapan niya at ako pala yung tinutukoy niyang cute keye nemen medye keneleg eke pere ente leng nemen.
"Ahh sorry hende ke eged negets." sinabi ko pa habang hinahawi ang buhok with parang bibe na style ng nguso.
"Nakaka-enjoy ka talaga kasama, pero ano ba talaga yung reason kung bakit ka umiyak? Hindi mo pa ako pinansin ng isang araw, nasaktan ako dun ah." at muling nahinto ang aking pag-hinga ko ng tinanong na niya ang inaasahan kong magiging usapan namin sa oras na wala na kaming topic na mapag-uusapan.
Simple lang naman eh, nasaktan ako kasi nakita ko kayong mag-kalapit at mukha kayong mag-jowa, lalo na at gwapo ka at maganda at matalino si Marie.
Eh ako? Isa lang naman akong matabang babae na mahilig kumain at walang kaalam-alam sa buhay, kaya kung gusto mo si Marie ay siguradong wala na akong pag-asa sayo. Dahil ngayon palang ay alam ko ng ikaw yung lalaking nagustuhan ko na never kong makukuha.
"Gusto mo ba si Marie?"
Gustong-gusto kong sabihin sakanya ang laman ng isip ko pero iniisip ko na kung tatanungin ko ay ako lang rin ang masasaktan.
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV