LOGINA novel written by Ayesha Sky
Halos pare-parehas ang ginawa namin sa mga bata simula grade 1 hanggang grade 6, nag-papalaro at nag-papakilala kami sa bawat grades na pupuntahan namin kaya naman sobrang sakit na ng katawan namin kakatakbo at kakalakad.
Kaya ngayon ay kasalukuyan kaming hingal na hingal sa gilid ng room ng grade 7 classroom, si Kyle ay pawis na pawis na rin dahil siya ang nag-papalaro sa mga bata at kami ang host. Kaya naman binigyan ko siya ng malamig na tubig para naman medyo mahimasmasan siya mula sa init na nararamdaman ng kanyang katawan. .
Buti na lang at sumama sila loryanne, kung hindi ay baka mas pagod pa ang aming nararamdaman ngayon. Si lolly ay ayaw na rin mag-lakad dahil masakit na ang tuhod niya kakasayaw dahil sa nakaka-enjoy na tugtog ng speaker.
Pero sila loryanne ay parang hindi napapagod, para silang mga baliw habang nag-lalakad kami kanina dahil nag-momodel pa sila habang namimigay ng candy sa mga batang dumadaan.
Pero ako? Wala akong nararamdamang pagod, ang nararamdaman ko ay lungkot at selos mula kay Marie at kay harrison. Kanina pa ako hindi mapakali sa kinatatayuan dahil bawat silip ko sa labas ay sila ang nakikita ko kaya medyo hindi rin ako komportable.
"Tara na." tinulungan akong tumayo ni kyle mula sa pagka-kasalampak ko sa sahig at tsaka ko ipinagpag ang aking puting pantalon.
"Nasa highschool level na tayo, kailangan with energy tayo para nakuha ang atensyon nila." bulong ni cindy saakin kaya naman bago kami pumasok ay nag-ayos muna kami at nag-pabango isa-isa gamit ang pabango ni cindy.
"Good afternoon grade 7 students! We are team hyacinth, and today ay mag-kakaroon tayo ng laro bilang campaign namin. At kapag nanalo ka ay may apat na balot ka ng candies with chocolates. Pero bago iyon ay hayaan niyo muna kaming magpa-kilala." sinabi ni cindy kaya ang maingay na estudyante ay tunahimik kahit papaano.
"Hi Students! I'm Elizabella snow Cassidy, and I'm running for being your responsible Supreme Court student president! Please vote for me." isang masigabong palakpakan ng mga estudyante ang narinig ko ng ako ay bumati sakanila, ang iba naman ay napangiti dahil sa masigla kong pag-papakilala.
"Hi! I'm Cindy Santiago, running for vice president! Please vote for me!" masiglang pag-bati ni cindy sa mga nag-bubulungang grade 7 students.
"Hi! I'm Lolly Sandra running for being your cutie secretary! Please vote for me!" nag finger heart pa si lolly kaya medyo may mga lalaking estudyante na kinilig.
"Hi! I'm Kyle Agustin, running for senior high school representative! Please vote for me and I will make your life complete." pagpapagwapo pa ni Kyle kaya ang mga babae ay napakasakit sa tainga.
"Hi! I'm Con Garcia running for highschool representative! Please vote for me para sayawan kita." at dito na nag-sigawan ang mga babae ng biglang nagpakita ng abs si con.
Nag-simula na ang palaro ni Kyle kaya naman maingay na naman ang mga estudyante lalo ba't malalaki na itong mga grade 7 students kaya tinulungan na ni con si Kyle para naman madali.
Maya-maya ay natapos na kami kaya naman bukod kayla Con at Kyle ay pagod na pagod din ang mga estudyante na napahilata na sa lapag ang iba at basang-basa sa pawis, kaya naman nang matapos kami ay muli kaming nag-pakilala at tsaka kami nag-paalam.
Sunod-sunod na ang naging campaign namin hanggang sa makarating kami sa pinaka-nakakahiyang stage ng buhay namin ay makatungtong sa grade 11 at 12 rooms, ngayon ay hindi pa kami pumapasok dahil mula ulo hanggang paa ang kaba na nararamdaman namin kahit wala pa kami sa loob ng room.
"Kinakabahan ako." napabuntong hininga si nicolei dahil katulad namin ay kinakabahan din siya.
"Gaga, pano pa kaya kami eh kami ang tatakbo." sagot ni cindy kay nicolei, kaya medyo natahimik kami dahil kabado pala kaming lahat.
"Hep Hep Hep team hyacinth! Nag-bago ang desisyon namin na ililipat ang pag-campaign niyo sa Friday para sa grade 11 to 12 kaya ngayon ay elementary at highschool muna." papasok na dapat kami ng grade 11 classroom ng bigla kaming pigilan ni ate Shaina, kaya naman lahat kami ay hininga ng maluwag mula sa nakaka-kabang campaign sa senior high school level.
"Sa wakas!" napasigaw na lang kami ng lahat kami ay nakapahg-pahinga sa maliit na silungan malapit sa canteen.
Yumuko ako sa mesa tsaka ako huminga ng malalim at duon ako nag-karoon ng konting katahimikan at oras na mag-isip saglit. Ngunit unang pumasok si harrison sa isip ko, hinampas ko ang ulo ko dahil sa naisip.
Tahimik na ang lahat, ang mga boys na si con at Kyle ay tahimik na nag-papahinga sa gilid, habang si lolly at cindy ay umiidlip habang nakasandal sa isa't isa. Sila marysam at Erica naman ay nag-papahinga na rin habang nakayuko sa kaneda. Si loryanne at nicolei naman ay halatang pagod din dahil natutulog na rin sila kahit kaka-upo palang nila dito sa silungan.
Habang ako ay inililibot ang aking sariling bata na parang may hinahanap na hindi naman dapat hanapin, para bang kahit kami-kami lang ang tao dito sa silungan ay parang may hinahanap ako.
Nakakainis! Kailan ba magkakaroon ng araw na hindi ko nakikita ang mukha ni harrison na kasama si Marie? Bakit kahit iwasan ko ng iwasan si harrison ay siya pa rin ang hanap ng mata ko? Nakakainis! Kailan ba mag-kakaroon ng araw na hindi naman puro si Marie.
"Bakit kasi ikaw pa yung palaging naiisip ko?!" Napayuko at napasigaw na lamang ako sa mesa dahip sa nakakainis pangyayari ng buhay ko, dahil sobrang init ng ulo ko dahil sa mga nakikita kong Pag-lalampungan nila! Hmp!
"Bakit nga ba?" natigil na lamang bigla ang mundo ko ng marinig ko ang boses ni harrison mula sa tabi ko.
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV