Share

chapter 28

Author: Ayesha_Sky
last update Petsa ng paglalathala: 2020-10-12 10:42:01

A novel written by Ayesha Sky

VICTOR HARRISON'S POV

Ngayon ay ang campaign ng mga tatakbong officers para sa GSC kaya naman bilang support kay Elizabella ay pumasok ako ng maaga na hindi ko naman talaga usually ginagawa dahil kahiy malapit ang bahay ko sa school ay tinatamad pa rin akong mag-lakad mula bahay hanggang school.

Ng malapit na ako sa school ay si elizabella agad ang hinanahanap ko, dahil sa aking pagkaka-alam ay dito palagi sa tindahan sila nag-hihintayang mag-kakaibigan at tsaka sabay-sabay pumapasok. Ngunit ng makita ko ang tindahan ay wala siya dito, kaya naman hindi ko na siya hinintay pa at pumasok na lamang ako sa loob ng school upang sa loob nalang ng classroom mag-hintay sakanya.

Siguradong malalaman ko kung nandiyan na siya dahil siguradong sisigaw ang mga sumusuporta sakanya katulad ng dalawang section ng grade 7, mabait at masaya kasama si elizabella kaya naman hindi kataka-taka kung marami ang susuporta sakanya ngayon na tatakbo siya.

Sincere din siya sa lahat ng bagay at madaldal, kaya naman sobrang sarap niyang kasama. Maraming estudyante ang natutuwa sakanya lalo na ang prinsipal ng school, para na siyang anak ng prinsipal dahil palagi siya binabati at sinusuportahan sa lahat ng bagay na ginagawa ni elizabella.

Hindi rin siya marunong mang-insulto ng ibang tao, dahil sa buhay ay alam niya na lahat ng tao ay may imperfections. Hindi siya confident sa lahat ng bagay, dahil katulad ng isang normal na tao ay mayroon siyang tigyawat, stretch marks at iba pa sa katawan at mukha niya.

Kaya naman sa puso niya ay pinapanatili niya ang pagiging hindi judgemental na tao dahil para sa kanya ay alam na niya at naranasan na niya ang lait-laitin ng mga tao dahil lang sa kanyang physical appearance.

Tama naman ang nasa isip niya na ganun at suportado ko rin siya, dahil tama nga naman na kung na experience mo ang isang bagay katulad ng body shaming at bullying ay kailangan hindi mo ito gawin sa iba. At maging isang inspirasyon lalo na sa mga bata na bullying doesn't make you cool, but it makes you look stupid.

"Team hyacinth! Elizabella!" Nawala ang pagiging tulala ko ng marinig ang sigawan ng mga estudyante sa bawat corridor ng school, kaya naman agad akong sumilip mula sa corridor at nakita ko doon ay ang mga tatakbong officers sa team hyacith kaya naman agad akong bumaba upang puntahan sila.

"Team hyacinth and team scorpio

pwede

kayong mag sama

ng

apat na sobrang

estudyante kung need niyo

ng

tulongyun

lang

and good luck!" Bago pa 'man din ako maka-diretso sa baba ay narinig ko na ang announcement kaya naman tumakbo na ako at nagbabaka sakaling makasama ako sakanila.

"Harrison sakto

pinuntahan

mo ako, sama

ka

saamin

sa campaign ha?" Maabutan ko na sana sila ng bigla akong hinawakan ni marie sa braso.

"Eh kasi...Sige

tara." Gusto ko 'man tumanggi ay hindi ko na ito nagawa pa dahil sa sobrang hiya at takot din na baka magalit siya saakin, napilitan tuloy akong sakanila sumama kahit sa hyacinth at kay elizabella ko gustong sumama.

"Okay guys, you can start your campaign now. Team hyacith from grade 1 to grade 12, team scorpio from grade 12 to grade 1 para hindi

magulo." Habol pa sa announcement kaya naman kahit ayoko ay sumama nalang ako sakanila papuntang grade 11 and 12 classrooms.

"Hep Hep Hep team scorpio!  Nag-bago ang desisyon namin na ililipat ang pag-campaign  niyo sa Friday para sa grade 11 to 12 kaya ngayon ay elementary at highschool muna." Papasok na sana kami ng team ni marie habang bitbit-bitbit ko ang candy na ipamimigay sakanila ng biglaan kaming pigilan ni ate shaina, pero si marie ay chill lang kahit na ang saya sa pakiramdam na hindi na sila papasok sa room ng senior high school.

Kaya naman sa grade 10 na kami dumiretso at tsaka sila nag-simula ng campaign, nasa labas lang ako at sinusundan sila. Papasok lang ako kapag mamimigay na ng candy at kung ano 'man dahil medyo nakakahiya sa pakiramdam ang type ng campaign na ginawa nila marie.

Maya-maya ay nasa elementary students na sila nag-kacampaign kaya naman sa palagay ko ay medyo mabilis-bilis ang naging campaign nila kaya naman saglit akong tumabi kay marie para makalabas sa room ng grade 6.

Ng makalabas na ako ay nakita ko si elizabella na nag-papalaro sa mga bata kaya naman saglit ko siyang pinag-masdan hanggang sa biglaan na lamang siyang lumingon dahilan upang mapa-atras ako kay marie sa sobrang hiya.

Kakawayan ko sana siya kaso ay bigla na lamang siyang tumalikod at hindi na muling lumingon pa na walang ka rea-reaksyon o emosyon manlang, kinabahan tuloy ako at hindi mapakali habang nandito sa room ng grade 6 at nag papatuloy sa pag-sama sa campaign nila marie.

Maya-maya ay hindi na natiis pa ng sarili ko ang inip sa kakahintay matapos nila marie sa campaign kaya naman walang paalam akong umalis at nag-ikot ikot sa school bago ko naisipan pumunta ng canteen.

Nang makakapunta na malapit sa canteen ay nasilayan kong nanduon pala ang team ni elizabella sa silungan at sila ay nag-papahinga at halatang pagod na pagod sa nangyaring campaign kaya naman agad ko silang pinuntahan para naman samahan si elizabella.

"Bakit kasi ikaw pa yung palaging naiisip ko?!" Napa-atras na lamang ako ng biglang hampasin ni elizabella ang sariling ulo habang naka-yuko kaya naman pati ang mga kasama niya ay gulat na gulat at sakanya lang nakatuon.

"Bakit nga ba?" Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko ba naisipang itanong yun habang may parang kung ano ang sumapi sakanya dahil pati sarili niya ay sinasaktan niya. Pakiramdam ko lang ay para saakin ang sinabi niya kanina habang hinahampas ang sarili.

"Harrison? Wah!" Biglaan siyang tumili ng makita niya ako kaya naman nanlaki ang mata ko sa mga nakikita kong inaasal niya.

"Bakit

ka

ba sumisigaw? At tsaka

bakit

mo

sinasaktan

ang

sarili

moBaliw

ka

ba?" Inirapan niya ako at tsaka siya muling bumalik sa pag-kakayuko katulad kanina.

"Baliw na baliw

yan

sayo." Pang iinis pa ni cindy kay elizabella kaya medyo mas mukha siyang galit saamin.

"Ano ba

manahimik

ka

nga!" Sigaw ni elizabella kaya naman humagikgik sa tawa si cindy na wari ay mamamatay any time.

"See? Pag

pikon it means totoo." Sinabi pa ni loryanne kay elizabella kaya naman napalingon siya at biglang ngumiti.

"Totoo

ngacharot." Hindi ko alam kung matatawa, kikiligin o maku-cutetan ako sa ginawa niya pero sobrang masaya ako ngayong nakita ko nanaman siyang ngumiti.

Totoo nga kaya?
~

Follow me on my Social Media Accounts!

Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity 
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky

Thank you for reading! I love you!♡

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status