LOGINA novel written by Ayesha Sky
LORYANNE'S POV
Ang sarap talaga inisin ni elizabella dahil ang cute na nga niya mukhang obvious na obvious pa siya, katulad ngayon habang iniinis namin siya ay napapangiti at kung ano-anong reaksyon ang lumalabas sa kanyang mukha.
Marahil itinatanggi niya na gusto niya si harrison, pero alam na namin ang totoo. Unang pag-kikita pa lamang nila ay parang k-drama na, dahil akalain mong napahinto pa sa kalagitnaan ng daan si elizabella ng makiya niya si harrison. Simula noon ay palagi na siyang naka-titig kay harrison kahit nasa kabilang corridor pa sila ng school, walang araw ang lumipas na hindi mo mahuhuling nakatitig at nakatulala si elizabella sakanya.
At lalo na noong araw na unang naging pag-uusap nila ni harrison, para siyang niregaluhan ng 100 kayamanan dahil sobrang saya niya at halos si harrison ang bukambibig niya buong araw.
Mas lalo nang nagiging maganda ang samahan nila harrison at elizabella dahil halos araw-araw ay mag-kasabay sila sa pag-kain at minsan ay sa pag-uwi pa. Kaya nga minsan ay napapag-kamalan na silang mag-jowa dahil kulang na lang ay mag-sabay silang maligo sa sobrang lapit nila sa isa't isa.
Ang kaso lang ay sa pag-kakaalam ko ang gustong babae ni harrison ay si marie, si marie na bidang-bida sa kabilang section. Well saakin ay hindi na himala na magustuhan ng isang lalaki na katulad ni harrison si marie, maganda kasi siya, matalino, at mabait?
Alam na rin siguro ni elizabella 'yun, pero malakas kasi si elizabella eh. Hindi siya basta-basta sumusuko sa isang bagay lalo na kapag gustong-gusto niya. Kaya minsan napapaisip at napapadasal ako habang pinag-mamasdan ko silang mag-kasama, sinasabi ko sa isip ko na sana sa huli ay walang siyang bagay na pag-sisihan na maaring maging dahilan para bumalik siya sa kalungkutan na dati niyang nararamdaman.
Mahirap na kung masasaktan, lalo na't sa palagay ko ay nag-bibigay na ng motibo si harrison na maaaring magiging dahilan din para mahulog si elizabella sakanya. Dahil hindi rin naman official sa kanilang dalawa kung magkaibigan lang ba sila o mag-jowa na imposibleng mangyari.
Pero actually posible naman eh, kung mawawala sa isip ni harrison si marie.
"Epal nanaman kayo." Nakasimangot na sinabi ni elizabella habang tuwang-tuwa sila harrison at team hyacinth sa pang-iinis sa kanya.
"Pero bakit ka nga ba kasi gumaganun kanina?" Bumalik ang usapan sa main topic at natigil na ang inisan nila, si elizabella kasi ay biglaan nalang hinampas ang sarili niya at tsaka sumigaw.
"Wala, hindi mo na kailangang alamin. Umalis ka na dito, may campaign kayo kasama si marie diba? Go, okay lang kami dito." Napadilat ng malaki ang singkit kong mata ng kay elizabella 'yun mismo manggaling, ipinag-tutulakan niya si harrison at tsaka bumalik sa kaninang niyuyukuan niya na silungan.
"Bakit?" Imbis na umalis si harrison ay mas lalo pa siyang lumapit kay elizabella, pero hindi siya nag-paepekto. Bagamat ay mas lalo pa siyang lumayo kay harrison at tsaka muling bumalik sa pag-yuko.
"Support daw ako, pero kay marie sumama. Okay ka lang sis?" Sarkastikong pagka-sabi ni elizabella kay harrison habang may kasama pang irap.
"Hinila niya kasi ako kaya sakanya na ako sumama." Pag-dadahilan naman ni harrison, napalingon nalang ako kayla cindy at nakita kong nag-ngingisian sila dahil kinikilig. Para kasing mag-jowa na nag-aaway 'tong sila elizabella.
"No need to explain, tapos na ang campaign today." Muling umirap si elizabella, kaya naman napasimangot nalang si harrison sa ginagawa sakanya ni elizabella.
"Bukas nalang." Mahinang pagka-sabi ni harrison na mukhang guilty na guilty talaga sa ginawa niya ngayong araw na kulang na lang ay lumuhod siya para mapatawad ni elizabella.
"Kahit wag na." Pag-susungit ulit ni elizabella at tsaka siya muling yumuko na nag-papanggap pang natutulog.
"Sure ka?" Lahat kami ay natulala at napalingon ng biglang lumapit si harrison kay elizabella at tsaka niya ito binulungan sa isang malalim at hindi kapani-paniwalang boses na nag-mula mismo sakanya.
Lahat kami ay tumindig ang balahibo sa isang wild at makamandag na way ng pag-sasalita ni harrison kay elizabella, maski ang dalawang boys na sila con at kyle at natahimik rin. Si cindy naman at si lolly ay nakanganga na parang nakakita ng multo, pero ang pinaka nakakatawa ay ang itsura ngayon ni elizabella.
"Ha?! Hakdog!" Malakas na sigaw ni elizabella na pulang-pula na ang mukha na parang nabubuhay na kamatis.
"Bakit ka namumula?" Muling sinabi ni harrison gamit ang kanyang malalim at mahiwagang boses, kahit tuloy ako ay napatulala na lang.
"Omg." Mahinang bulong ni cindy habang pinapanood ang dalawa na si harrison at elizabella, habang naka-lagay pa ang kamay sa dibdin at isa sa bibig na parang gulat na gulat.
"Ako namumula? Hindi ah! Kala mo lang iyon, hindi ako namumula. Hindi!" Muling sigaw ni elizabella kay harrison na halatang malapit ng mamatay sa kilig at mag halong kaba na nararamdaman niya habang ginagawa ito sakanya ni harrison.
"Ay ang sweet naman? Kailan pa lumapit sa baboy itong si harrison?" Masaya na sana kami sa pkikipag-inisan kay elizabella ng biglaang dumating ang bruha na si kallea na may sinasabi pang hindi maganda.
"Kallea, ayan ka nanaman. Mataba ka rin naman, chubby lang siya okay?" Sagot pa ni harrison at halatang naiinis sa ginawa ni kallea kay elizabella.
"Paki ko? Omg elizabella, kailan ba maisasaksak sa isip mo na never kang magugustuhan ni harrison?" Sinabi pa ni kallea habang naka-tingin ng sarkastiko kay elizabella.
"Kailan din ba maipapasok sa isip mo na mukha kang kaladkaring babae sa kalsada? You know what? You should take care of yourself before judging others, alam mo ba kung bakit? Mukha may maluwag na sayo sa sobrang kalandian mo." Hindi ko na napigilan pa kung hindi ang mag-salita dahil for sure ay hindi mag-sasalita si elizabella dahil ayaw niya palagi ng gulo.
"Wow! Hiyang-hiya naman sayo miss malaking nguso!" Hiyaw pa ni andrea at nakisama na sa away.
"Anong kaganapan 'to? Bakit kayo nag-sisigawan?" At may dumagdag pa sa iksena na si marie na siya mismong topic namin kanina.
"Eh kasi 'tong elizabella na 'to feeling gusto siya ni harrison, kahit wala namang chance." Umiirap-irap pa na banggit ni ashley kay marie.
"Elizabella, bakit naman ganyan? Alam mo you should listen to kallea, totoo naman di'ba? May mga bagay na hindi talaga para sayo." Dagdag pa sa pang-iinis ni marie kay elizabella, kaya naman nagulat kami ng biglaan siyang tumakbo palayo saamin habang umiiyak.
"Elizabella! Napaka sama ng ugali niyo!" Sigaw ni harrison kaya naman sumunod siya kay elizabella.
"Well luckily, i recorded every single thing you just said. Good luck nalang kung maging president ka pa sa
fridaykapatpinakitako 'to saprinsipal. Attignankolangkungmakagawapangexcuseangmgamagulangniyokapagpinakitako 'to." Bakas ang gulat sa mukha ni marie ng ilabas ni cindy ang cellphone na ginamit niya para i-record lahat ng sinabi nila kasama na si marie. At tsaka kami tumakbo para sundan rin sila elizabella.At dahil parang lola na ni elizabella ang prinsipal sa school ay siguradong may mananagot.
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV