Home / All / Twenty-Four Seconds / CHAPTER EIGHT

Share

CHAPTER EIGHT

last update publish date: 2020-08-05 21:37:43

“I will miss you girl,” naluluhang pahayag ni Dane nang sabihin dito ni Shelby na kukuha siya ng condo unit sa Upper East Side bilang bahagi ng pagsisimula niya sa sarili niyang fashion house.

“Save your tears! Dito pa rin ako makikitulog at makikikain kaya hati pa rin tayo sa renta rito. Kailangan ko lang ng condo doon to make my image more attractive to my high end target clients,” nakangiting pakli ni Shelby.

“But that would be costly. Okay lang naman akong mag-isa rito. I can always have another roomie. I might have somebody at work who needs a place to stay.”

“Hwag!” maagap na tutol ni Shelby. “I mean it. I want to stay here. Para lang sa image ko ang isa. Sure naman ako na hindi ko rin kayang mag-isa ro’n.”

Napangiti na si Dane. “Well, if you insist ako pa ba ang aayaw?”

Natigil ang pag-uusap nila nang mag-ring ang home phone nila sa living room. Sabay pa silang napalingon doon mula sa veranda. Si Dane ang nagboluntaryong sumagot no’n. Pagkatapos sumenyas ito kay Shelby na para raw dito ang tawag.

“Who?” tanong agad ng dalaga habang papalapit sa kaibigan.

Tinakpan ni Dane ang mouthpiece and she mouthed the name, Gunter. Umiling-iling si Shelby.

“Ha? What will I say? Alam na niyang nandito ka. Sagutin mo na.”

“No. Because of him na-cut short ang work ko sa Margaux Quandt. Siya ang naging dahilan kung bakit pinag-interesan ako nila Katarina Horvathova at Lord Randolph na pabagsakin. Mukha kasing nagkakainteres siya sa akin sa kabila ng engagement niya sa babaeng iyon na gustung-gusto ng kanyang pamilya.”

“Then, what would I tell him?”

“Bahala ka na.” At bumalik sa labas ng veranda si Shelby. Mayamaya pa, nandoon na rin si Dane. At pinagsabihan siya tungkol sa paninikis kay Gunter.

“Kasalanan pa rin niya. Hindi man lang niya sinabi sa akin na mommy niya pala si Madame Margaux Quandt. All along I thought, we thought, Margaux Quandt was owned by the Schlossberg.”

“Nagtanong ka ba sa kanya?”

“Kahit na. He should have told me. Isa pa, noong nagpapadala siya sa akin ng mga bulaklak ay engaged na pala siya no’n. I really hate men who cheat on their girlfriends.”

Tumawa si Dane. “Technically, he didn’t cheat. Hindi naman naging kayo.”

“But the intention was there,” pagmamatigas naman ni Shelby.

“We do not know the real score between that woman and Gunter. Sa mga katulad kasi niyang ultra rich uso na ang arranged marriage o mga marriage of convenience to keep the family’s wealth among relatives or friends. Mas naiintindihan mo sana iyan dahil you belong to the same circle.”

Napangisi si Shelby. “We are not in the same circle. Ano ka ba?” At tumawa na ito. “Barya lang ang mayroon kami compared to theirs. At kahit na mayaman ang aming pamilya by Filipino standard, never nagkaroon ng arranged marriage o marriage of convenience sa family history namin. So, no. I do not understand. And even if his engagement was a business deal, hindi pa rin tama ang ginawa niya. Ayaw ko sa lalaking hindi loyal.”

Sa puntong ito, napatingin na si Shelby sa malayo. Nang makita ng kaibigan ang ekspresyon sa mukha ng dalaga, humilig ito sa balikat ng huli saka yumakap.

“Alfonso is for sure having regrets by now.”

Hindi na sumagot pa si Shelby doon pero napakagat siya ng ibabang labi.

**********

“Sir, aren’t we leaving now?” untag ni Frederick kay Gunter dahil kanina pa sila naka-park sa harapan ng isang lumang gusali sa Queens. Ang binata ay nakahawak ng cell phone niya habang nakatingala sa kaharap nilang building. Parehong nakasandal sa pulang Tesla Roadster ang mag-amo. Ang assistant ay mukhang aburido na, samantalang ang lalim naman ng iniisip ng amo nito.

“Sir? Are you allright?” Si Frederick uli.

“Why the hell did she not answer the phone?!” naiinis na wika ni Gunter na tila sarili lang ang kausap. Pumindot na naman ito sa cell phone. Pero kagaya kanina mukhang hindi na naman siya sinagot ng tinawagan niya.

“Is that Ms. San Diego you’re callying again?” tanong ng assistant at itinirik nito ang mga mata.

“It’s none of your business!” asik ni Gunter dito at walang pasabing tumawid sa kabilang kalsada at pumunta mismo sa gusaling kanina pa nila pinagmamasdan.

“Sir, are we going inside?” hindi makapaniwalang tanong ni Frederick.

“I am going in. You stay here.”

Nagpakilala si Gunter sa security personnel na nasa ground floor. Sinabi niya rito na may pupuntahan lang siya sa isa sa mga residente ng mga ito. Pagkakita ng isang gwardiya sa binata, kaagad nitong sinamahan ang huli patungo sa elevator na magdadala rito sa ika-siyam na palapag. Pagdating sa ninth floor, medyo nalito si Gunter kung saang unit ang sa dalaga. Kailangan pa niyang tawagan si Frederick para kompirmahin dito ang tamang numero.

“Sir, I’m not comfortable about this unannounced visit at all. This makes you a bit creepy. She might not warm up towards you at all because you are acting like an ugly stalker.”

“Shut up!” asik ni Gunter dito.

Naglalakad na siya sa pasilyo at hinahanap ang unit ni Shelby nang may biglang lumabas na isang residente. Isang puting blonde woman ang babae. Palagay niya ay hindi nalalayo ang kanilang edad. Nang makita siya nito, nginitian siya nang may halong landi. She even bit her lower lip and seductively tucked a few strands of hair behind her ear as she was looking at him. Naalibadbaran doon ang binata. He even scowled at the woman but it did not stop her from advancing towards him. Naka-one piece body hugging dress ang babae na bahagyang umabot sa kalagitnaan ng hita. She looked pretty and sexy all right but she was not his type. Intensyon niyang hindi ito pansinin ngunit humarang pa talaga sa daraanan niya.

“Sorry, Miss. I am in a hurry.”

“You’re Gunter Klaus Albrecht, right? I have read an article about you on Esquire. But they never did justice to your looks. You’re more good looking and sexy in person.”

Gunter scowled and walked past her. Sinundan siya ng babae.

“Look, Miss. I do not want to be rude, but please go. I have some other things to do.”

May kumudlit na bahagyang pait sa mukha ng babae and Gunter felt a bid bad, but he has no time for her flirtations. Kailangan niya lang talagang makita si Shelby dahil may gusto siyang iaaalok sa dalaga. He has to talk to her now or else he will not have a chance anymore. May meeting siya sa mga stockholders ng Skylark Quandt Corporation in an hour.

Akala ni Gunter magpupumilit ang babae. Mabuti’t hindi naman, pero tiningnan siya nito nang masama bago eksaheradang kumembot-kembot palayo.

Kakatok na sana si Gunter sa unit ng dalaga nang biglang may tumawag. His mom. And she sounded so scared. Dinala raw sa ospital ang kanyang ama dahil inatake ito sa puso. Dali-daling bumaba ng gusali ang binata at tinakbo ang naghihintay na sasakyan sa ibaba. Nasa driver’s seat na si Frederick at mukhang mas nauna pang natawagan ng ina. Hindi na niya kailangan pang sabihan ito kung saan sila pupunta. Ito pa nga mismo ang nagsabi sa kanya na papunta silang Mount Sinai Hospital.

**********

Napansin ni Shelby na matagal na hindi nakaimik sina Markus at Moses nang kausapin niya ang mga ito tungkol sa kanyang plano. Ilang beses pang nagpalitan ng tingin ang dalawa habang sinasabi niya rito ang mga iniisip na stratehiya kung paano sisimulan ang sariling fashion house.

“Are you sure about this?” tanong ni Markus. Hindi sa duda sa kakayahan niya, pero tila nag-aalala ito sa kanyang nararamdaman. Nasabi niya kasi kanina kung gaano siya ka disappointed sa nangyari sa career niya sa Margaux Quandt at medyo may apprehension pa siya sa pagsasarili pero she also said that it was the only option she had left.

“If you tell Papa about your plans for sure he would be willing to help you as well. Mas marami siyang connections dito sa New York kaysa sa amin ni Moses.”

“I do not want to involve Dad. I want to do this on my own. Ang kailangan ko lang sa inyong dalawa ay suporta at sana you will not tell anyone in the family about this lalung-lalo na si Matias.”

Napabuntong-hininga si Moses. “Bakit hindi ka na lang manghiram ng pera sa amin ni Morris? We will gladly provide you with the capital.”

“Iyan nga ang ayaw kong gawin. Kapag nalaman ni Morris, malalaman din ni Matias. And if Matias knew about this, he will tell everyone in the family. Mom and Dad worrying about me here in New York is the last thing I want to deal with. Please. Kahit si Kuya Marius huwag n’yo ring sabihan. Okay ba tayo roon?”

Si Markus naman ang napabuntong-hininga. Pero tahimik itong pumirma sa loan application niya sa isang bangko bilang co-maker. Napa-sign na rin si Moses pagkatapos nito. Napahiyaw sa tuwa si Shelby at hinalikan sa pisngi ang dalawa niyang kuya.

“Oh, I love you both!”

Markus rolled his eyes dahilan para kurutin ni Shelby ang pisngi nito.

“One more thing. Isasagawa ko ang unang-una kong fashion show sa susunod na buwan. Please be there. Not as my brothers but as my models. Please?”

Kapwa napabulalas ng “No!” ang dalawa. Pero bandang huli’y pumayag din. Nagboluntaryo pa si Moses na siya ang gagawa ng website ng bunsong kapatid at siya rin ang magme-maintain nito. Si Markus naman ay nangakong siya na ang bahala sa construction ng magiging boutique ng fashion house maging ang kinakailangan nitong pagawaan ng mga damit. The two men also volunteered to help in the recruitment of the needed personnel.

Naiyak sa tuwa si Shelby sa kabutihang pinakita ng dalawa. Bago nga sila maghiwalay sa tapat ng Carmine’s ay nayakap pa niya at napupog ng halik ang mga kuya.

**********

“Uh-oh,” Si Frederick. Kakitaan ito ng pagkabigla.

Patawid sila ng amo niya papuntang Carmine’s, ang paborito nilang Italian restaurant sa Time Square nang biglang tumambad sa kanilang paningin ang dalagang kinahuhumalingan ng binata at ang tila boyfriend nito. Naabutan pa nilang pinupupog ng halik ng babae ang naturang lalaki.

Si Gunter nama’y nagulat din. Hindi niya kilala ang pinupupog ng halik ni Shelby pero ang isang lalaki sa tabi nito ay na-meet na niya noon. Hindi niya lang masiguro kung alin sa kambal ang nakatayo ngayon sa bungad ng Carmine’s. Pero ang isang guy? Naisip niya agad na baka kapatid din ito ng dalaga, pero dahil na-meet na niya ang tatlo, hindi na siya naniwala na kapamilya pa rin ito. Sa isipan niya napakarami ng limang anak para sa isang pamilya lamang. Kaya mas in-entertain niya ang posibilidad na ang lalaking ito ang dahilan kung bakit aloof sa kanya ang babae. She might be already taken. But that wouldn’t stop him from wanting her, he thought. Matira ang matibay. Iyan ang napagdesisyunan niya agad-agad. Naisip pa niyang, he didn’t leave Adeline for nothing.

“Sir, where are you going? Sir!” Napakamot-kamot sa ulo si Frederick nang dali-daling tumawid ang amo at dere-deretsong naglakad patungo sa dalaga at mga kasama nito.

“Shelby?” kunwari’y nabigla na bati niya rito.

Natigil sa paglalambitin sa lalaki si Shelby at tumingin sa kanya. She looked a bit surprised to see him there. Ang kasama niyang dalawang lalaki ay tila nagulat din. Pero ang isa na na-meet na niya ay matabang na bumati sa kanya.

“Hi, Mr. Albrecht.”

“Hello there. You must be the other twin.” At tumawa si Gunter para ipaalam sa dalaga na natatandaan niya ang kapatid niyang ito. “Marius, right?”

Nang makita niyang bahagyang umangat ang kilay ng lalaki, mabilis niyang kinorek ang sarili. “Markus. Yes. Markus, right?”

Napatingin ang isang lalaki sa kanya at sa tinawag niyang Markus. Nag-usap sila sa kanilang lenggwahe. Hindi niya nahulaan kung tungkol sa ano iyon, pero napansin niyang pinagmasdan siyang mabuti ng kaakbayan ni Shelby. He was tempted to get his arm off Shelby’s shoulder but he restrained himself. Mahirap na. He might anger her more in the process. Sinabihan na lang niya ang sarili na kapag nalaman niyang ito nga ang dahilan kung bakit mukhang iniiwasan siya ng dalaga, gagawa na lang siya ng paraan para makuha ang interes nito. Makikipagkompetensya siya.

“It’s good to see you here, Shelby. I called you up many times to offer you something but you seemed busy. I was thinking of offering to finance your business---”

“Thank you for your offer, Mr. Albrecht. I really appreciate your thoughtfulness but it’s all taken cared of. Don’t worry about me.”

Nakita ni Gunter na nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki. Umubu-ubo pa ang mas bata. Nang sulyapan niya ito, kusa na itong nagpakilala. Mukha kasing walang balak gawin iyon si Shelby.

“I’m Moses San Diego.”

Pagkarinig ni Gunter ng apelyido nito muntik na siyang mapahiyaw sa tuwa. It was good that he was able to restrain himself. He just grinned like crazy.

“Another of Shelby’s brother I suppose?” tanong niya.

Bahagya lang tumango ang lalaki.

“It’s nice to meet you,” sabi niya sabay unat ng kamay dito.

Tinanggap naman iyon ni Moses San Diego. At napansin ni Gunter na mukha itong mas magalang kaysa doon sa isang nakilala niya sa fashion show ng Margaux Quandt.

“Are you also working for your dad’s ad agency here in New York?” tanong pa niya. Hindi niya binigyang-pansin na mukhang ayaw na siyang kausapin ng tatlo. Gusto pa kasi niyang mapahaba-haba ang usapan nang sa gayon ay mahaba-haba niya ring makakasama si Shelby.

“No. I have my own business but not here in New York. In Virginia. I just came to visit my little sister. But I will be heading back to my place in a few days.”

“If that’s the case, maybe we can talk about some business partnership---”

“Thank you for the offer, Mr. Albrecht, but we need to go now. We still have some important appointment to go to.”

“Okay, Moses. But call me Gunter. I insist.”

“Thank you, Gunter.”

At hinila na ng dalawang lalaki si Shelby palayo.

“See you around,” sabi sa kanya ng dalaga at kumaway ito bago sumunod sa mga kapatid.

Tumayo pa nang kung ilang minuto sa labas ng Carmine’s si Gunter at pinanood ang paglayo ng tatlo bago hinarap ang assistant na ngingiti-ngiti sa isang tabi.

“It seemed like you will be passing through a needle’s eye before you finally get to formally court her,” nakangising komento ni Frederick.

“I do not give a tiny rat’s ass. I want her. That’s all I care.”At pumasok na siya sa loob ng Carmine’s kung saan naghihintay ang isang Italyano na may-ari ng tatlong four star hotels sa Milan na gustong i-acquire ng kanilang korporasyon. Humahalakhak namang sumunod ang kanyang assistant sa kanya. Bago nila nilapitan ang naghihintay na ka-appointment, binalingan ni Gunter si Frederick at sinabihang kailangan niya ng isang magtuturo sa kanya ng Filipino language.

“Filipino or Italian?” balik-tanong ni Frederick at tinanaw nito ang Italyanong masayang nakikipag-ussap sa manager ng Carmine’s na kalahi nila.

“What the fvck would I need Italian for?”

“Oh. I know. You want to impress Ms. San Diego?” may himig panunudyong tanong ng assistant.

“No. I want to understand what her brothers are murmuring among themselves as we talk.”

Lalong lumawak ang ngiti ni Frederick. Kaagad itong tumangu-tango. Nang nakipag-usap na ang amo nito sa ka-meeting na Italyanong negosyante, inumpisahan na rin ni Frederick ang paghahanap ng Filipino teacher para sa amo.

**********

Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Shelby nang mabasa ang isang artikulo sa isa sa mga nangungunang fashion magazine sa New York. Nailathala ang nangyaring eskandalo noong birthday party ni Adeline Grayson. Ni kapiranggot na impormasyong tumutukoy sa break up ng dalaga kay Gunter Albrecht ay ni hindi pinag-usapan. Ang sentro ng naturang isyu ay ang di umanong pagnanakaw niya ng disenyo ni Carlota Kolisnyk.

“They did not even get my side of the story!” naghihinanakit na pahayag ni Shelby. Humagulgol siya sa balikat ni Dane. Imbes na magce-celebrate sana sila sa maayos na pagkakatatag ng fashion house ni Shelby ay nagmistula silang namatayan.

“Paano iyan? Are you going to postpone the opening of your fashion house?” nag-aalalang tanong ni Dane. Sa susunod na linggo na kasi iyon.

“Hindi ko alam. I’m confused.”

“Better to postpone it until this issue subsides. Hindi magandang magsimula na may ganitong alingasngas sa pangalan mo.”

Napahilot ng sentido si Shelby. Ni hindi na niya tuloy nagalaw ang steak na inorder. Ang binigyan niya ng pokus ay ang champagne na nasa mesa. Inisang tungga niya lang ang laman ng kopita. It somehow made her feel much better.             

“Kalimutan na nga muna natin ito. Let us celebrate first,” nakangiting sabi ni Dane sabay tago sa magazine at tinaas ang kopita na may lamang champagne. Bago nito mabigkas ang salitang, “cheers” ay may dumaang isang socialite. She paused just right beside their table at Eleven Madison Park and exclaimed. “Oh my. You’re Shelby San Diego, the designer, right?”

Pagkarinig sa pangalan niya, nagsilingunan ang mga naroroon. Tapos nagbulung-bulungan. Kakaiba ang tingin nila sa kanya. Shelby never felt so humiliated. As it it was not enough, there came another woman. Na-recognize agad ng dalaga ang babae. Siya iyong songstress na nagsuot ng diumano’y disenyo ni Carlota Kolisnyk na ninakaw daw niya.

“Well, well, well. Look who’s here. The thief!”

Mukhang lasing na ang babae batay sa pamumungay ng mga mata nito. Pinigilan pa sana ng kasama nitong lalaki, pero ang lakas ng boses niya nang ipahayag niya iyon. Pumalakpak pa ito para kuhanin ang atensyon ng lahat.

“Now that I have your attention, folks, I just want to announce that the design stealer, yeah, yeah, the filthy Philipino designer in that magazine you are reading is here in the house. Here she is!” At tinuro siya ng dalawang kamay. May lumapit na dalawang servers sa babae para sawayin siya pero nagawa na nito ang pagpapahiya kay Shelby.

Bago pa maka-react ang na-shock na magkaibigan, ay nandoon na si Gunter na tila kararating lamang. May kasama itong matandang lalaki na mukhang kahawig niya. Pinaubaya muna nito ang matanda sa isang server at hinarap ang nag-eskandalong songstress.

“Do you know that you can be sued for defamation for what you just said?” kalmadong pahayag nito sa nagulat na celebrity. Tapos ay lumapit ito sa isang table at basta na lang dinampot doon ang isang magazine na naglalaman ng artikulong niyuyurakan ang dangal ni Shelby.

“Christopher P. Ferguson,” basa niya sa writer ng artikulo.

May bigla na lang nagpresinta na siya raw ang Christopher P. Ferguson, ang naturang manunulat ng kontrobersyal na artikulo.

“You’re a poor excuse for a writer. You did not even seek Ms. San Diego’s side of the story. What you printed here is just one-sided. And they’re all lies. I was there for God’s sake! I knew what really happened! I also happen to know Ms. San Diego. And I can vouch for her character!”

Nagkaroon ng alingasngas matapos ang mga sinabing iyon ni Gunter.

“Why do you care too much? This doesn’t even concern you,” tila galit pang balik ng writer kay Gunter. Na sinuportahan naman ng babaeng kasama nito. Isa ring socialit ng New York.

“Because the woman you are insulting is a very special friend of mine,” walang kagatul-gatol na pahayag ni Gunter sa lalaki.

Nagulat lahat ng naroroon. Ang ibang miyembro ng press ay lumapit pa kay Gunter at sinamantala ang pagkakataon.

“Does that mean you and Ms. Adeline Grayson is so over now?”

“Yes. There has never even an ‘us’ in the first place.”

Nagkaroon lalo ng alingasngas sa loob ng restawran. Napanganga sa narinig ang magkaibigang Shelby at Dane. At aminado ang una na sobra siyang na-flatter sa mga sinabi ng binata tungkol sa kanya. Napatitig nga siya rito. Just like always, napabilib na naman siya sa ganda nito magdala ng suit. This time hindi niya kilala ang designer nito. Ganunpaman, mukha pa ring mamahalin ang naturang Amerikana dahil suot-suot ng lalaki. Ang isa pang na-notice niya ay ang kinis ng mukha nito. Parang walang ka-pores-pores. Saka mahahaba at malalantik pala ang pilik-mata ng binata. At ang asul niyang mga mata ay lalong tila napaka-expressive. Nawili nga siya sa kamamasid dito.

Nang humupa ang bulung-bulungan saka lang lumapit si Gunter sa matandang kasama. Ni hindi ito nagtangkang makisali sa mesa nila ni Dane. Na ipinagtaka naman niya. Dati-rati kasi’y kahit hindi ito imbitado ay nakiki-join kapag nakita nitong nandoon siya. Napangiti nga siya nang maalala ang nangyari sa Carmine’s nang kumain sila doon ng dad niya. Pero nang magtama ang paningin nila ng binata ay tinaas naman nito ang kopita ng wine and he mouthed the words ‘Congratulations!’Siguro patungkol iyon sa nalalapit na pagbubukas ng kanyang sariling fashion house.

Dahil sa ginawa ni Gunter sa Eleven Madison park isang gabing pinahiya ng isang kliyente ni Carlota Kolisnyk si Shelby, nagkaroon ng panibagong bersyon ang alegasyon ng pagnanakaw ng disenyo. Sa isang isyu ng isa pang magazine, sinaad doon ang bersyon ng binata. Dahil sa mga naging pahayag ng tinaguriang hottest bachelor in the city nang gabing iyon, pinagdudahan na tuloy ang credibility ni Christopher P. Ferguson. Pinapag-public apology siya ng mga netizens na pabor kay Gunter. Dahil doon naging talk of the town ang pagbubukas ng Shelby M. San Diego Fashion House. Tuloy ay dinaluhan iyon ng mga elitista ng New York City sa pangunguna ng mag-amang Henry Klaus at Gunter Klaus Albrecht. Siyempre pa, nandoon din ang buong angkan ng mga San Diego sa pangunguna nila Don Manuel San Diego ang nobenta y dos anyos na lolo ni Shelby at ang walumpu’t walong taong gulang na asawa nitong si Donya Minerva Peralta San Diego.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Twenty-Four Seconds    EPILOGUE

    Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FIFTY

    Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-NINE

    Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SEVEN

    My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SIX

    Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status