LOGINUmiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!
“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito.
Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her new home in Ayala Southvale sa Las Pinas at this time na alam niyang parehong nasa Makati ang upisina ng mga ito.
“Ate, pakibilisan daw po or else aakyat daw po sila rito.”
“What?” pakli niya. Hindi na maikaila ang kanyang pagtataka.
Plano pa sana niyang maligo to freshen up, pero dahil mukha ngang may urgency ang sadya ng mga kapatid ay nagmumog at naghilamos na lamang siya sa banyo saka nagpalit ng damit. Naka-denim shorts na lang siya ngayon at t-shirt na puti.
Bago siya tuluyang bumaba ng first floor ay dinaanan niya muna ang playroom ng mga anak niya sa second floor, ang kambal na sina Gadiel at Gaige saka ang Ate Shy nila. Pagkakita ng tatlo sa kanya, basta na lang hinagis ng mga ito ang nilalarong lego at tumakbo’t yumakap sa kanyang mga binti. Si Shy lang ang nakayakap sa baywang niya. Hinalikan niya ang tatlo sa noo saka binilinan ang mga yaya ng mga ito na huwag silang pahawakin ng tablet o iPad kahit magpupumilit pa.
“Yes, Ate. Masusunod po,” sabi naman ng mga ito.
Sa sala ay makikita nang palakad-lakad ang dalawa niyang kapatid. Panay pa ang tingin nila sa kani-kanilang mga relo. Naulinigan pa niya si Morris na nagsabing akyatin na raw siya sa kuwarto dahil ang tagal niyang bumaba.
“Shit! Shelbita! What took you so long?” salubong sa kanya ni Morris. Nakasimangot ito.
“We thought nag-gown ka pa kaya ang tagal mong makababa,” sabi naman ni Moses.
Pabagsak silang naupo na sa couch. Hinalikan niya ang mga ito sa pisngi saka naupo sa tabi ng mga ito.
“What’s up? Nakakagulat naman kayo. Dapat nagpasabi kayo on the phone so I could have asked Aling Ina to cook something special for you guys.”
“We are not staying long here. May gusto lang kaming malaman. Totoo ba?” Si Morris. He looked so worried.
“Ang alin?” balik-tanong niya rito.
“I heard Sierre and Hailey were talking about something---iyong tungkol sa sinabi ng anak mong si Shy. Totoo ba iyon?” tanong naman ni Moses.
“Ang ano nga?” naiinis niyang tanong din.
Nagtinginan muna ang dalawa bago magsalita. “Your daughter said that you have an atrial septal defect or ASD,” paliwanag ni Moses. Mahina ang tinig na para bagang takot na takot na kompirmahin niya iyon. Sa totoo lang, she had no idea about what he meant. At paanong nakapagsabi no’n ang anak niya? Shy is only six years old!
“Atrial septal defect? Ano iyon?”
Nagtinginan ang dalawang lalaki. Nalilito rin.
“An atrial septal defect is a medical term for a hole in the heart,” paliwanag ni Morris. “Ang sabi ni Sierre, si Shy mismo ang nagsabi na mayroon ka raw butas sa puso kaya bawal kang galitin.”
“Butas sa puso?” tanong niya ulit. Gulat na gulat.
Sinabihan siya ng dalawa na huwag na siyang magkaila. They are family daw at handa raw silang dumamay sa kanya kung kinakailangan. Ano raw ba ang maitutulong ng mga ito sa kanya?
“Look. I do not understand why you had that impression. Shy is only six years old. There’s no way she would know about that ASD thing that you are talking about. Saan naman niya iyan mapupulot? Gunter and I never discussed anything like that in front of her.”
“The medical term came from our research. Iyon daw ang tawag sa butas sa puso. Wait. I will call my daughter,” sagot ni Moses.
Si Shelby nama’y pinatawag din si Shy sa isang katulong.
“Here. You talk to Hailey,” sabi ni Moses kapagkuwan at binigay sa kanya ang cell phone.
Mayamaya pa nga’y nasa linya na ang bulinggit. At sa inosente nitong tinig ay kinompirma sa Mama Shelby niya na totoong sinabi nga raw ni Shy na may butas ang kanyang puso. Ganoon din halos ang sinabi ni Sierre, ang panganay naman ni Morris na halos ay buwan lang ang itinanda kay Shy. Pagdating ng huli roon at makita ang kanyang Tito Morris at Tito Moses nagtititili itong yumakap sa dalawa at tinanong agad kong kasama nila ang mga pinsan.
“No, sweetie. They’re at home now.”
Na-disappoint si Shy. Akala raw nito ay kaya siya pinatawag ay dahil dumating ang mga pinsan.
“Baby, what did you tell your cousins? Totoo bang sinabi mo sa kanila na may butas ang heart ni Mommy?” tanong dito ni Shelby sa mahinahong tinig. Hinahawakan niya sa magkabilang balikat ang bata habang nakatingin sa mga mata nito. Saglit namang natigilan si Shy at parang napaisip tapos ay tumawa ito sabay takip sa bunganga.
“Yes, Mommy. I did. I told them where I came from. I said I came from your heart like what you always told me. Sila po kasi, ang sabi nila they came from their mommy’s tummies.”
Napanganga silang tatlo. Ilang ulit pang kinompirma nina Moses at Morris sa bata kung iyon lang ang sinabi niya sa kanyang mga pinsan. Mabilis namang tumangu-tango si Shy.
“Yes, po. I came from my mommy’s heart!” proud nitong sabi.
Pinangiliran ng luha si Shelby. Hinila niya si Shy at niyakap ito nang mahigpit na mahigpit. Habang yakap-yakap niya ang bata kinuwento naman nito na nag-uusap daw silang magkaklase sa St. John’s noong isang araw tungkol sa kung saan sila galing. Lahat daw halos ng kaklase nito ay sa tummy daw ng mga mommy nila lumabas matapos butasan ito ng doktor. Siya lang daw ang galing sa puso niya.
“They were shocked, Mommy. They said how did I fit in your heart? I proudly said because you have a huge heart!” At ngumiti nang pagkatamis ang bata habang dumidipa. Ganoon daw kasi ka laki ang puso ng ina.
Ang dalawang lalaki ay hindi nakapagsalita. Mayamaya pa’y ginulu-gulo nila ang buhok ni Shy.
“We are so relieved that it is not true, Shelby. Kung sa bagay iyong ASD naman ay usually congenital daw. Kaya nga naisip namin kanina ni Moses na baka mayroon ka na noon pa at ngayon lang ulit na-trigger dahil sa panganganak mo sa kambal.”
Shelby rolled her eyes. “If I had that kind of disease dapat ay sinabi ko na kay Mom, di ba?”
Moses agreed. Hinila siya nito at hinagkan sa noo saka niyakap. Ganoon din ang ginawa ni Morris. Matapos ang madamdaming yakapan ay umalis na ang mga ito.
**********
Pinangunutan ng noo si Gunter nang makita si Shelby na tila may hinahabol. Nasa Panglao Beach sila nang mga oras na iyon. Doon nila ipinagdiwang kasi ang kanilang wedding anniversary. Isang simpleng bakasyon ng buong pamilya.
Iniwan ni Gunter ang kambal na naglalaro sa dalampasigan sa kani-kanilang mga yaya para lapitan ang asawa na ngayo’y palinga-linga na. She was standing just in front of a hotel kung saan ang seafood restaurant na kinainan nilang magpamilya noong nakaraang gabi.
“I lost her!” panghihinayang nito.
“Who?” tanong niya rito sabay lapit.
Shelby adjusted her sombrero and looked up at him. She looked very disappointed and sad. May kung anong kumurot sa puso ni Gunter nang makitang malungkot ang asawa. Inakbayan niya ito at pinisil-pisil sa balikat.
“What’s wrong? Sino ba iyon?” tanong niya rito in English and accentless Tagalog.
“Si Dane! I saw her!” may excitement sa tinig ni Shelby. Pero kung gaano ka bilis lumabas ang excitement na iyon, ganoon naman kabilis iyon naglaho.
“Are you sure? Hindi ba’t napahanap na natin siya noon at ang sabi ng imbestigador ay nasa Italy na ang kaibigan mo?”
“Yeah. But that was three years ago. Maybe she came home this year?”
Napaisip si Gunter. Puwede. Pero naisip din niya na baka ayaw na no’n na makipag-ugnayan pa sa asawa dahil kung may balak iyon ay matagal na sanang ginawa. He felt sorry for his wife. Alam niyang miss na miss na nito ang kaibigan. But he did all he had to do. Pinahanap niya nang ilang beses ang babae sa US at sa Pilipinas. Pero bigo silang matagpuan ito. Ang tanging nasabi lang ng nautusang imbestigador ay nag-migrate na raw ito sa Italya.
“I know how much you missed her. But it seemed like she doesn’t want to reconnect with you anymore. Maybe, she doesn’t want to complicate Shy’s life. Let’s respect her decision.”
Malungkot na tumangu-tango si Shelby saka humilig sa kanyang balikat.
“Mommy! Daddy!” sigaw ni Shy mula sa hindi kalayuan. Hawak-hawak ng yaya nito ang kanyang munting kamay. Naka-bathing suit ng kulay pink pa rin ang bata pero tuyo na ang buhok. In fact, nakatirintas na ito. May hinahawakan ito sa bandang dibdib. “Look, Mommy, Daddy!” At proud nitong pinakita ang isang kuwintas. Gawa iyon sa kabibe. Ang pinaka-pendant no’n ay hugis-dahon na tila nagmula rin sa shell. Hand-painted ang naturang necklace.
“Saan galing iyan, Lena?” tanong ni Shelby sa yaya.
Mabilis na sumagot si Shy. “A kind lady gave this to me because it matches my bathing suit,” nakangiting sagot ng bata. Yumakap na ito sa baywang niya. Nagkatinginan silang mag-asawa. Lumakas ang tibok ng kanyang puso para kay Shelby. Parang alam na niya kung kanino iyon galing. He asked Lena to describe the kind lady Shy was telling them about. Matapos itong isalarawan ng yaya napahawak sa bunganga ang asawa saka tumingin sa kanya nang may luha na ang mga mata.
“It must be Dane!”
He kissed her forehead while putting his other arm around Shy.
“Nasaan na siya?” tanong ni Shelby sa yaya.
“Umalis na po, Ate. Sumakay na po sa tricycle.”
“Did you ask her name? And where did she go?” sunud-sunod na tanong ni Shelby rito.
“Hindi po, Ate, eh. Kasi matapos niyang bigyan ng kabibeng kuwintas si Shy dali-dali rin itong umalis. Baka po taga-Panglao lang din po iyon.”
Nakaisip siya ng ideya. Dahil kilala naman nila ang mayor ng Bohol, binalak niyang tawagan ito mamaya pagkabalik nila sa kanilang hotel.
**********
“Mommy, I want to go back to the beach!” reklamo ng tatlong taong gulang na si Gaige. Mabilis itong sinang-ayunan ng kakambal nitong si Gadiel.
Shelby kissed their foreheads. Dahil napapagitnaan siya ng mga ito she hugged them both as well.
“Where are we going, Mom?” tanong naman ni Shy at lumingon ito mula sa unahang upuan ng van na silang mag-ama lang ang nakaupo.
“We are visiting a friend, sweetie,” sabi niya rito.
“Sino pong friend? Do I know her?”
Shelby smiled at her daughter. Imbes na sagutin ito’y hinalikan na lamang niya sa pisngi. Hindi naman ito nagpumilit. Binalingan nito ang dad niya at nag-usap sila tungkol sa crush nito.
“Have I met this Will you’re talking about?” tanong ni Gunter dito.
“I think so. He’s the most good looking boy in our class!” At bumungisngis si Shy na tila kinikilig. Lumingon ito sa kanya saglit at ngumiti pa saka nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanyang ama.
“Can I kill this boy when we get to Manila?” biro ni Gunter.
“No!” mariing tutol ni Shy. Saka yumakap ito sa ama. And she begged him not to do anything to her future hubby. Nagkatinginan silang mag-asawa sa sinabi nito. They were both shocked.
Nilingon ni Shy si Lena, ang yaya ng bata. “Lena, ano’ng tinuturo mo rito?” pabulong na tanong ni Shelby sa yaya na ngayo’y ngingisi-ngisi na.
“Ate, nakikinood din kasi si Shy sa K-Drama na pinapanood lagi ni Lena kaya ganyan,” natatawang pakli ng mga yaya ng kambal.
Pabirong sinimangutan ni Shelby si Lena. Pinamulahan ng pisngi ang yaya saka nakangiti nitong sinaway ang alaga.
Pagdating nila sa coco farm na sinasabi ng mayor na maaaring kinaroroonan ni Dane, may nadaanan silang lalaki na pasan-pasan ang isang sakong buko. Ito ang pinagtanungan ng driver nila kung saan ang bahay ng katiwala ng farm. Saglit na parang nag-isip ang lalaki bago sumagot.
“Sa amin ang bahay. Sino po sila?”
Saka lang binuksan ni Shelby ang bintana sa kanyang gilid saka siya mismo ang sumagot sa mama.
“Isa po akong kaibigan ni Dane. Ako po si Shelby.”
Pagkabanggit niya sa kanyang pangalan parang nakitaan niya ng pagkagulat ang lalaki. Ramdam ni Shelby na may recall ang name niya sa diwa nito. Naibagsak nga ng mama ang pasan-pasan nito sa lupa at napatitig ito nang matiim sa kanya.
Hindi man ito sumagot sa mga sinabi niya, pero pinaliwanag naman sa driver nila kung paano matunton ang kanila. Humingi ito ng dispensa na hindi sila masasamahan nang personal dahil ide-deliver pa raw nito ang mga nakuhang buko sa isang suki nilang restoran.
“Who was he?” tanong ni Gunter pagkasara na pagkasara ni Shelby ng bintana.
“I do not know. Maybe, Dane’s relative,” sagot na lamang niya rito.
Makaraan ang ilang sandali ay narating ng kanilang van ang nag-iisang bahay sa coco farm na iyon. Nakatirik ito sa may bandang gilid ng lupain kung saan medyo malayu-layo sa mga tanim na niyog, pero napapaligiran naman ng puno ng atis at papaya. Saka ang vegetable garden nito ay kaaya-aya sa mga mata. Malalaki ang bunga ng ampalaya’t upo na nakalawit sa kuwadradong kawayan na ginawang tila bubong ng mga ito. Doon nga gumagapang ang mga vines nila. Saka ang bunga ng mga kamatis ay nagbigay ng kakaibang kulay sa buong hardin. Mayroon kasing berde, dilaw, orange, at pula itong bunga. Ganoon din ang tanim nilang sili.
“Wow!” naibulalas nga ni Shy pagkakita sa mga ito. Binilang pa nito ang mga nakikitang ampalaya at upo. Hindi niya raw kayang bilangin sa kamay.
Isa-isa silang bumaba sa tapat ng bahay. Dahil walang nakapaikot na fence, mabilis silang nakalapit sa front door. Kumatok siya sa pintuan pero sinaway siya ni Gunter.
“Is it okay? I feel like we are trespassing in a private property,” sabi pa ni Gunter.
“No, it’s okay. The mayor said so.”
Umikot si Shelby sa bandang likuran dahil mukhang walang tao sa loob. Pero sarado rin ang pintuan doon. Mayamaya pa, may dumungaw sa bintana na isang mag-a-apat na taong gulang na batang babae. At parang tumalon talaga ang puso niya sa dibdib nang makita ang maamong mukha ng bata. She looked exactly like Shy! No’n niya nasigurong tama nga ang tinuro sa kanilang lugar ng mayor. She felt so excited!
Si Gunter ay tila namalik-mata rin sa bata. Maging si Shy. Nakitaan niya ng pagkunot sa noo ang kanyang anak, pero hindi naman nagtanong. Napahawak nga ito sa kanyang palda.
Mayamaya lang ay may tumikhim sa kanilang likuran. Paglingon ni Shelby nakita niyang nakatayo sa kanyang harapan si Dane. May dala-dala itong mga supot ng groceries. Medyo tumaba ito at nangitim nang kaunti pero mukhang maaliwalas ang mukha.
“Dane!” halos ay naisigaw niya.
“Shelby!” Gulat na gulat si Dane. Pero hindi maikakaila ang saya sa mukha nito. Nabitawan nito ang mga bitbit na supot at napatakbo ito para yakapin siya. “Kumusta ka na? You looked stunning as ever!” Tapos napangiti ito nang makita si Gunter. “Nagkatuluyan din pala kayong dalawa. I am so happy for both of you, guys.” At tumawa ito sabay tulo ng mga luha. Niyakap niya ulit nang mahigpit si Shelby.
“Ang tagal mong hindi nagparamdam. Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka sa Pilipinas? I thought you migrated to Italy!”
Sa mabilisang salaysay naikuwento ni Dane na bigo siyang matuloy sa pagma-migrate sa Italy. Na-decline daw kasi ang application niya kung kaya minabuti niyang umuwi na lang.
Nang makita nito si Shy na nakatanga sa kanya ay natigilan ito at kaagad na nilapitan ang bata.
“I thought she was just my daughter’s doppelganger,” sabi nito na parang sarili lang ang kinakausap. Nakita niya raw kasi ito kahapon sa beach nang mag-deliver siya ng buko sa restoran doon.
“Pinangalan ko siyang Sheila Dane.”
Napaluhod si Dane sa harapan ni Shy at sinapo ang pisngi nito. Nawala ang ngiti ng bata at napatingin ito kay Shelby na tila nagtatanong. Tumalungko siya sa harapan nito.
“Remember my story, sweetie? I told you that a very special lady gave you to me when you were just a baby. That special lady is this woman. Meet your birth mother, anak.”
Nanlaki ang mga mata ni Shy, pero mabilis ang dating ng kanyang pang-unawa. Napayakap agad ito kay Dane. Napaatras sila nang kaunti ni Gunter para bigyan ng pagkakataong magkakumustahan ang mag-ina.
“I am so sorry, anak,” sabi ni Dane. Humagulgol ito at paulit-ulit na humingi ng dispensa sa bata.
“Thank you, po,” magalang namang pakli ni Shy.
Saglit na nalito si Dane. Napatingin ito kay Shelby.
“My mom said that you gave up everything so I will be born. Thank you, po.”
Napanganga si Dane at lalo itong napahagulgol. Nagulat naman si Shy at napalingon ito sa ama na nasa likuran lamang nito. Tila nagpapasaklolo. Nilapitan ito ni Gunter at pinisil-pisil sa balikat. Pero si Shy ay humulagpos sa yakap ni Dane at napayakap na kay Gunter.
“Pasensya na. Nagulat siya sa reaksiyon mo,” paliwanag naman niya sa kaibigan.
Tumangu-tango si Dane habang nagpapahid ng luha.
Mayamaya pa, may tumigil na tricycle sa harapan nila at bumaba mula roon ang lalaking napagtanungan nila kanina ng direksyon. Proud na ikinawit ni Dane ang braso sa mama at pinakilala sa kanilang lahat. Siya pala ang kanyang asawa. Si Joriz Magiting dela Cruz.
Nagtanggal ng sombrero si Joriz at nasilayan ni Shelby nang mabuti ang kabuuang mukha nito. Not bad looking at all, naisip niya. Hindi lang niya agad naisip kanina na baka asawa ito ng kaibigan dahil simula nang makilala niya ito’y wala itong bukambibig kundi ang paghahanap ng isang mayamang foreigner. Bahala na kung anong lahi, basta mayaman.
“Bakit hindi mo sila inanyayahan sa loob nang maipakilala rin natin sina Shelley at Maddie sa ate nila?” sabi ni Joriz sa asawa.
Napanganga si Shelby nang marinig ang pangalan ng dalawang bata. Masaya namang pinaliwanag ni Dane na hinango raw sa Shelby Madeline ang pangalan ng dalawang anak na babae.
Habang pinagmamasdan si Dane na mukhang masayang-masaya sa piling ng asawa, napatingin siya kay Gunter at napangiti. Masuyo naman siyang hinalikan nito sa sentido.
**********
Hindi magkamayaw ang pamilya San Diego nang hapong iyon. Paano ba naman ay lahat ng mga bulinggit ng pamilya ay rarampa sa unang pagkakataon sa runway na nakapaloob sa bagong tayong five star hotel sa Alabang na kauna-unahang sosyo ng mga Albrecht at San Diego. Mga anak na lalaki nila Marius at Vina saka nila Matias at Ella ang nangunguna para sa casual wear ng mga teens at preteens. Ang kambal na babae naman ni Markus at Lexy ang nanguna para sa mga pang-teenage girls. Magti-thirteen pa lamang ang mga ito pero kung tingnan ay dalagang-dalaga na dahil parehong malaking bulas. Ganoon din ang mga binatilyo nila Marius at Matias. Sa mga pang-bulinggit naman, sina Shy, Sierre, at Hailey ang nagpresinta na rumampa roon. Tumanggi naman ang mga nakababata nilang kapatid kung kaya hindi na naisama.
Nang rumarampa na ang mga bulinggit napakapit ang mommy niya sa kanyang kamay. Natawa si Shelby nang dumaiti ang malamig na malamig na kamay ng mommy niya sa kanyang palad. Mas nininerbiyos pa ito kaysa sa kanya.
“My God! Look at Sierre! She looks like she has been doing this her whole life!” proud na naibulalas ng mommy niya tungkol sa panganay ni Morris. Mukha ngang professional model ang dating ng bulinggit habang iniikot-ikot sa entablado ang suot nitong denim shorts at white t-shirt na may nakaburdang pangalan ng fashion house ng Mama Shelby niya.
Nang lumitaw naman si Hailey in her casual wear, a pink mini-skirt and tank top, na proud ding nirarampa ang damit napabungisngis na silang mag-ina. Indeed, her nieces looked like pros! Pero nang si Shy na ang lumabas wearing her yellow mini-skirt and matching tank top, napasinghap si Shelby. Siya ang kinabahan lalo na nang tumigil ito sa bandang gitna ng runway. Nag-pose rin, pero napalinga-linga ito sa audience. Sinenyasan niya itong magpatuloy sa paglakad pero hindi siya pinakinggan. After a few seconds, she broke into a wide grin and waved at somebody in the audience. Sinundan ni Shelby ng tingin ang kinakawayan ng bata. Nakita niya si Gunter na proud na kumakaway dito at nagta-thumbs up sign pa. No’n pa lang nagpatuloy si Shy. Pero sa bandang bukana na ng back stage, kung saan sila dapat dumeretso matapos ang pagrampa, nadulas si Sierre at bumagsak ito una ang puwet. Dahil nawili sa kakakaway sa audience sina Hailey at Shy hindi nila ito nakita kung kaya, na-trip sila pareho at bumagsak din sa kanilang pinsan. Nag-unahan sa paglapit ang mga tatay nila, pero mas nauna nang sumaklolo ang bulinggit na si Quinn, ang anak ni Mimi na kaibigan ng hipag niyang si Tala, na kasunod rumampa ng mga ito. Si Quinn ang nagtayo sa magpipinsan. Shelby saw Sierre stopped crying when she saw Quinn. She smiled at him sweetly. Ganoon din si Hailey. Ang anak lang niya ang tumulak kay Quinn palayo dahil daddy nito ang gustong tumayo sa kanya.
“Oh, kids,” pareho nilang naibulalas na mag-ina.
Nang matapos ang show ay kanya-kanya silang kalong sa kani-kanilang mga bulinggit. Habang karga-karga si Shy ay pinasa ni Gunter sa kanya ang cell phone.
“Mom wants to congratulate you for the successful show,” sabi nito.
“Hello, Mom,” masigla niyang bati sa biyenan.
Malutong na pagtawa ang narinig niya sa kabilang linya. Kinuwento ni Madame Margaux na nakita niya raw ang pagrampa ng apo at ang bigla nitong pagtigil sa pinakagitna ng runway. Napangiti rin siya nang maalala iyon. At lalong lumuwang ang ngiting iyon nang maalala pang seven years ago ay naging katunggali niya ang babaeng ito. Ngayon ay kung makipagkuwentuhan sa kanya daig pang best friend niya.
Kakabalik lang niya ng cell phone kay Gunter nang mag-ring uli ito. This time naman ay si Fredrick ang natawag. At nagpahatid din ito ng pagbati. Pinanood din daw nito ang naka-live stream na unang fashion show niya for kids sa Manila. Ilang segundo lang ang tinagal ng tawag dahil mayamaya ay may tumawag ditong babae. Nangunot ang kanyang noo dahil mukhang hindi pamilyar ang boses ng narinig niyang tumatawag ng ‘honey’ kay Fredrick.
“What?” tanong ni Gunter sa kanya.
“Did Frederick break up with Hannah?”
Tumawa si Gunter. “A long time ago,” sagot nito.
“I thought they were supposed to get married next month!”
“That’s what I thought, too.”
Ang Hannah na tinutukoy niya ay ang sample maker sa fashion house ni Madame Margaux. Isa rin iyong German-American. Naging nobya iyon ni Frederick ng dalawang taon.
Hindi na niya inurirat ang tungkol sa lovelife ni Frederick dahil narinig niyang sumigaw ng ‘mommy’ ang kambal. Paglingon niya, tumatakbo na ang mga little Gunters at nag-uunahan pang makarating sa kanyang harapan. Isang mahigpit na yakap ang binigay ng mga yellow-haired boys sa kanya.
“Mommy, are you famous now?” tanong ni Gaige. Kamukhang-kamukha ito ni Gunter liban sa kulay ng mga mata. Hazel brown kasi ang sa kanya.
“Mommy, you look like a princess!” sabi naman ng kakambal nitong si Gadiel na just like Gaige ay kamukha rin ng ama minus the color of the eyes. Ngumiti pa ito nang malawak. Kita ang bungi-bungi nitong ngipin.
“What about Daddy?” pabirong tanong ni Gunter sa mga ito habang binababa ang Ate Shy nila. Sumulyap ang kambal sa ama then they looked at one another bago sumagot ng, “You look like Mommy’s butler!” At humalakhak ang mga ito.
Si Gunter nama’y nagkunwaring lubos na nasaktan. Sinapo nito ang dibdib at umarteng inaatake sa puso. Napayakap sa mga binti nito ang kambal habang bumubungisngis.
Nakangiting binalingan ni Shelby ang asawa. Walang anggulo nito ang mukhang butler lang niya. Mula sa mukha maging sa suit na suot, isa lamang ang maisip ng ninuman dito. Isa itong makapangyarihang CEO. And a very hot one. Napangiti si Shelby sa huling naisip.
“A penny for your thoughts, Miss?” tanong ni Gunter sa kanya. May kislap ng kapilyuhan sa mga mata.
Imbes na sumagot ay binigyan niya ang asawa ng light kiss sa pisngi. Bago pa siya makalayo ay mabilis siya nitong hinila at hinalikan sa mga labi sa harap ng kanilang tatlong anak. Napapalakpak sa tuwa ang tatlo.
“I love you. And I am very proud of you,” bulong pa ni Gunter sa kanya.
“I love you, too. Thank you for bringing colors to my life,” pakli naman niya.
“Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ng tatlong bulinggit at humagalpak pa lalo sila ng tawa.
Nakitawa na rin sina Shelby at Gunter.
Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her
Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind
Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang
Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.
My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,
Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.