LOGINNapanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap.
“You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hindi maagap si Gunter na lumapit para umalalay. Nagkaunahan sila nila Moses at Morris.
“Happy birthday, baby girl,” sabay na bati sa kanya ng dalawang kambal-tuko. Hinalikan nila pareho ang kanyang pisngi. Gunter stepped back for a while. Nang makabati ang dalawa, ito naman ang nagpaabot ng pagbati. Mahina ang tinig nito at may nangingilid ding mga luha sa kanyang mga mata. Sinumbatan niya agad ito.
“You made me feel like you’ve forgotten all about my birthday!”
Tumawa nang mahina si Gunter saka hinagkan ang kanyang sentido. “Of course. Or else, you will be able to guess what we were planning for you.”
Umatras na naman si Gunter nang marinig nilang tumikhim ang daddy niya. Her dad looked like a mess. Tingin ni Shelby mas nauna itong napaluha kaysa sa kanya. Niyakap siya ng daddy niya nang mahigpit na mahigpit at paulit-ulit nitong binubulong sa kanya kung gaano siya nito kamahal.
“There were a lot of things I did not like that I forced myself to swallow because you want them. We may not see each other eye to eye in many things, but because I love you I tried my best to accept them,” pahayag ng kanyang ama. Sinulyapan nito si Gunter. Bahagyang napayuko ang huli. “I love you, my princess. You will always be the apple of my eyes. Happy birthday.”
“Thank you, Dad,” pakli niya saka pinakawalan niya ang balun-balong luha. Mga nagmula sa maling akala ang ibang iyon. Nag-senti siya kasi nitong linggong ito dahil sa pag-aaakalang nakalimutan na siya ng pamilya.
Ang sumunod na lumapit ay ang mommy niya na kalung-kalong si Shy. Confused ang mukha ng bulinggit habang nakatingin sa kanya. Tumatawa ito kanina pero ngayo’y nakangiwi na nang alanganin dahil siguro sa nakikitang pag-agos ng mga luha niya. Inunat pa nito ang isang kamay at tila pinapahiran ang kanyang pisngi. Hinuli niya ang maliit nitong braso saka hinagkan ito sa pisngi. Niyakap niya ang ina kasabay ng pagyakap sa kanyang bulinggit.
“I love you, anak. Happy birthday,” maluha-luha ring bati sa kanya ng mom niya. Tapos binalingan nito si Shy at sinabihang bumati rin daw. “Say, happy birthday, mommy. I love you.”
No’n lang uli napa-klap-klap si Shy at tumili. Natawa si Shelby. Natawa na rin ang lahat. No’n na niya binalingan ang cake na hawak ng dalawa niyang kuya. Halos ay nangalahati na ang dalawang candles with numbers 2 and 5. Dali-dali niya tuloy hinarap ang mga ito at magbo-blow lang sana nang inawat siya ng mga ito. Mag-wish daw muna siya. Awtomatikong hinanap niya sa mga naroroon ang asawa at nginitian, tapos ay pumikit siya saglit. After a few seconds, masigla niyang hinipan ang mga kandila. Nakiihip si Shy. Imbes na hangin ang lumabas, laway nito ang nagtalsikan. Natawa siya rito. Kinuha niya ito sa ina at pinupog ng halik.
Nang matapos na ang mga pagbati saka may naglabasang mga nakaunipormeng waiters. Lahat sila ay may dala-dalang bote ng mga piling vino. Napansin ni Shelby na galing lahat iyon sa mga prized wines ng kanilang winery. Bihira silang gumamit no’n on occasions. Kuripot kasi ang Kuya Matias niya, ang namamahals sa winery. Speaking of Matty, ito lang ang hindi niya pa nakikita roon. Nagpalinga-linga agad siya sa paligid.
“Si Matty?” tanong niya sa dad niya.
“He will be here later. May inasikaso lang.”
Napahugot siya nang malalim na hiniga. Hindi lang kasi si Matty ang wala roon. Pati ang kanyang grandpa at grandma. Pero naiintindihan niya kung bakit wala ang mga lolo’t lola niya sa kanyang birthday celebration. Hirap na kasi bumiyahe ang mga ito. Kaya nga ang plano nila Gunter ay magbabakasyon na naman sana ng Pilipinas pagkatapos na maayos ang pinoproblema ni Madame Margaux na si Gunter mismo ang nag-aasikaso. Hindi na niya inusisa kung ano na naman ang drama ng biyenang babae dahil mukhang ayaw ipaalam ito sa kanya ng mag-ina. Heto nga at wala ang madame sa kanyang birthday.
May isang usherette na nagdala sa kanila ni Gunter at Shy sa pinakagitnang table. Ang mga magulang at kapatid naman ay nasa mahabang table sa right side ng maliit na table sa gitna. May isa pang table sa bandang kaliwan ng table nilang tatlo. At namangha siya nang makita roon ang mga loyal niyang tauhan sa boutique. Nandoon din ang mga schoolmates niya from St. John’s na naka-base sa States. Napanganga siya. Hindi siya makapaniwala. Ibig sabihin ay planado nga ang kanyang party. May naalala siya bigla at medyo nakaramdam siya ng lungkot lalo pa nang mabalingan ang masayang-masayang si Shy. Hinipo-hipo niya ang pisngi ng bata.
“I cannot believe you stll have time to arrange this despite your busy schedule with your corporation’s problems and your mom’s,” bulong niya kay Gunter.
“I didn’t. I just told someonen that I want you to be happy on your birthday.”
Napatingin siya sa asawa habang nagde-deliver ng speeches ang kanyang mga kapatid.
“Who do I thank for this grand celebration then?”
No’n naman dumating si Matias. Hawak-hawak sa magkabilang braso ang kanyang lolo’t lola.
“Grandma! Grandpa!” naibulalas niya sabay tayo. “Matty!”
Dali-dali siyang lumapit sa mga bagong dating. Naging madamdamin uli ang kanilang batian. Kaya pala nahuli si Matias dahil ito ang nagpresinta na magdadala roon sa kanilang lolo’t lola. Nasa California na pala ang tatlo noong katapusan pa ng Pebrero. Inayos nila ang gusot na kinasangkutan ng kanilang winery matapos nito bilhin ang karatig-vineyard. Kasama roon sa binayaran ng kompanya nila ay ang pamilya nila Lyndie at Frederick.
“Sorry, baby gurr. I wanted the entire family to be here including your nephews and nieces but it;s just difficult. Finals nila this week. So their moms had to stay behind, too.”
“Thank you, Matty,” nakangiti niyang sabi. At napayakap na rin siya rito nang mahigpit.
**********
Dali-daling napatakbo sa kuwarto ng ina si Gunter nang salubungin siya ng isa sa mga helper nito at balitaang nag-collapse daw kaninang umaga ang mom niya. Sobra raw itong nanghina matapos ang second chemotherapy niya. Nagsuka pa raw ito nang nagsuka nang nakaraang gabi. Ayaw naman daw magpa-admit sa ospital.
“Mom! Are you all right?”
Nasa kama na ang mommy niya at kinakabitan ng private nurse nito ng dextrose.
“Everything smells bad. I hate it! I cannot drink water. Even water smells bad!”
Naipaliwanag na ng doktor ng mom niya na ganoon daw talaga kapag nag-a-undergo sa chemotherapy ang tao. Lahat ay parang may amoy, pati ang tubig!
Naupo siya sa tabi ng ina at dahan-dahang humiga sa tabi nito. He hugged her. Marami siyang sintemyento sa ina simula nang bata pa siya, but looking at her now in her most vulnerable state made him feel bad for her. He also felt an overwhelming love for his mother. Hinagkan niya ang sentido nito. Tumingala ang mommy niya sa kanya. Napatitig ito nang matagal sa kanya tapos ay biglang natahimik. Matagal na hindi ito nakapagsalita. Mayamaya pa ay napabuga ito ng hangin.
“I---I was not a good mother to you,” bigla na lang ay nasabi nito.
Hindi siya sumagot. Tumingala na naman ang mom niya sa kanya. “I---I have always blamed you for what happened to me.” At humagulgol ito. Doon tila nalito si Gunter. Always blamed him for what happend to him? Ano ang ibig nitong sabihin?
“What do you mean, mom?”
Sinenyasan nito ang private nurse na iwan silang mag-ina. Nang sila na lamang ang nasa silid ay kinuwento nito na bago raw ito mabuntis sa kanya ay may lumapit ditong isang Hollywood agent. Inalok daw ang mom niya na maging talent sa kompanya nito. Nagkaroon na raw ng mga photoshoots noon ang ina sa talent manager na ito at pina-polish na lang ang kanyang kontrata when something happened. Nabuntis daw ito. Noong mga panahong iyon ay nagbabalak na sana ang kanyang mga magulang na maghiwalay.
“At first, I couldn’t believe it. I considered abortion but your dad put his foot down. When the agent knew about my condition, he withdrew his offer. I haven’t heard from him ever since. Then a few years ago I found out that the woman he got to replace me for the role he wanted me to play is the now famous---” At napamura ang kanyang ina sa bahaging ito. “It’s not really about the money. The one I felt so bad about was the opportunity to be famous. It was already there. I almost got it. But it slipped away.” At humagulgol ito. Napanganga naman si Gunter. No’n lang niya kasi narinig ang ganoong kuwento. Bumalik sa kanyang alaala ang tila obsession ng mom niya na mapabilang sa mga Hollywood stars kung kaya sa tuwing may pagkakataon ay tinutulak siya sa kung sinu-sinong starlet.
“I am so sorry, son. All I wanted was to have something that did not come from your father. Maybe, this is my punishment now.”
Hinagkan ito ni Gunter sa noo. Everything made sense to him now. Pero surprisingly, it did not make him resent her. Mas lalo niya itong naintindihan ngayon.
**********
Napabalikwas sa kama si Shelby nang maramdaman ang pagpasok ng asawa sa kanilang silid. Pagdilat niya, nakita niya ito. Mukhang kararating lang nito. Umalis kasi ito kanina matapos ang party niya.
“Where have you been?” tanong niya rito habang kinukusot ang kanyang mga mata. Napahikab pa siya pagkatapos. Nang tingnan niya ang maliit na orasan sa bedside table, nakita niyang ala una na nang umaga.
Napaupo si Gunter sa kama at hinawakan ang kanyang mga kamay. Hindi pa siya nakapagpalit ng damit. Suot-suot pa rin niya ang suit na suot rin kanina sa kanyang party. It came from her winter collections. He looked so serious. Kinabahan agad si Shelby. Nawala ang kanyang antok.
“What’s wrong?” tanong niya rito. Nag-aalala.
“These past few weeks---if you noticed, I was always going somewhere.”
Tumangu-tango si Shelby. Naalala niyang nagsimula ang mga iyon nang puntahan ito ng ina sa ika-40 days na pag-aalala nila sa pagkamatay ng ama nito.
Biglang kinabahan si Shelby. Naisip niya ang bridal gown na ilang embroidery na lang ang kulang at ready na for their June wedding. Hindi na siya halos makahinga ngayon kasi ang iniisip niya ay ang pagtatapat nito na mayroon itong mistress na mas mahal kaysa kanya. Naisip pa lang niya iyon ay dumagundong na ang kanyang puso sa kaba at takot.
“Mom has breast cancer,” walang paliguy-ligoy na pahayag ni Gunter.
“What?!” Gulat na gulat si Shelby. Malayo kasi iyon sa inisip niyang marinig.
“She received her diagnosis 39 days after dad’s death. When she came here the following day while we were remembering dad’s life---when she asked to talk to me alone, she shared the bad news with me. The following week she had her first chemotherapy. Then she had another yesterday, on your birthday. Sorry I had to leave right after your party.”
Pumayapa ang damdamin ni Shelby. Nang ma-realize na nabunutan siya ng tinik dahil hindi iyon tungkol sa kinatatakutan niya, pinagalitan din niya ang sarili. She felt so guilty. Napayakap siya tuloy kay Gunter. Nang hagkan niya ito nang light sa mga labi, it was to give him moral support. Pero iba ang dating no’n kay Gunter. Siniil siya nito ng halik sa labi bilang sagot. Tapos kapwa sila natigilan. Parang nagulat sila sa reaksiyon ng bawat isa.
“We are not celebrating Mom’s misery, right?”
Mabilis na umiling-iling si Shelby. Tapos pinagtapat niya rito kung bakit siya napahalik na lang bigla rito. Napabungisngis tuloy si Gunter.
“You’re crazy. That will never happen.”
**********
Hindi alam ni Shelby kung bakit grabe ang kaba sa kanyang dibdib. Siguro ganoon talaga kung gustung-gusto mo ang isang bagay, naisip niya. Kahit alam niyang wala nang makakapigil sa pag-iisang dibdib nila ni Gunter sa St. Jerome Emiliani Church sa Alabang, naroon pa rin ang takot na baka may aberya sa last minute at hindi makarating ng simbahan ang kanyang groom.
A week before their wedding kasi’y umuwi na siya ng Pilipinas. Si Gunter naman ay nanatili pa sa New York para bigyan ng morale support ang ina sa radiation therapy nito. Last session na lang naman iyon kung kaya kompyansa siyang wala na itong complications pa.
“Arey you, okay, sweetie?” tanong ng ina niya na kasama niya sa loob ng bridal car. Hindi na kasi siya sumasagot sa mga small talks nito.Napailing-iling lang siya at napakagat sa mga kuko. Kinuha ng mom niya ang kanyang mga kamay at hinalikan.
“He will be there. That’s for sure.”
“Paano kung kinailangan niya palang mag-stay pa roon para sa treatment ng mom niya?”
“I trust Gunter. He will never let you down,” sagot ng ina.
Humilig siya sa dibdib ng ina at pumikit. Mayamaya pa’y nag-slow down na ang sasakyan. Pagdilat niya’y nakita niya ang pamilyar na istruktura ng simbahan. Sumilip siya sa labas. Napanganga siya sa ganda ng mga bulaklak na bumulaga sa pinaka-entrance ng simbahan. May iilang taong naroroon at iyon ay ang kanyang ama at dalawang pamangking lalaki. Panganay ng Kuya Marius niya’t Matias. May ilan pang may hawak ng video camera.
Nang makita niya ang hitsura ng ama, larawan ito ng super proud na ama. Ganoon din ang mga pamangkin. Each of them was trying to capture the moment she stepped out of the car. Vlogger din kasi ang dalawa. Tulad ng Tita Tala at Tita Lexy nila. Dahil wala sa mga hitsura ng mga ito ang pangamba o takot, na-relax siya kahit papaano. Kinalimutan niya ang masamang panaginip na hindi siya sinipot ng groom niya. He let her dad helped her with her gown. Sumasayad kasi ito sa sahig. Her white gown was an off-shoulder, hand-embroidered gown na hapit lang sa bandang dibdib, pero bumabalon na mula sa balakang hanggang sa pinakalaylayan. May lumapit ding ilang assistants ng wedding planner at tumulong din ang mga ito sa pag-aayos ng bridal gown at train. Mahaba kasi ang huli kung kaya kinailangan pang may mag-assist para hindi matapakan. Pagpasok niya sa simbahan tumunog na ang wedding march kung kaya pumuwesto na ang kanyang mga magulang sa kanyang tagiliran. Nagsipagtakbuhan na rin ang mga anak ni Markus na babae sa likuran niya dahil sila ang train bearers. Hinaplos niya ang cute na cute na mukha ng mga ito bago hinayaang pumuwesto sa kanyang likuran.
“Naalala mo noong kinasal din tayo, babe? Your silly sons took the ring and ran away with it. Kinailangan pa silang habulin ni Mang Andoy sa labas ng simbahan para bumalik sa kani-kanilang puwesto at nang maisagawa ang wedding rites. But look at them now.” At tinuro ng dad niya ang mga kuya na nasa bandang unahan ng row for the bride’s side of the family. They looked so regal in their barong tagalog.
Bungisngis ang sagot ng kanyang ina. Nag-reminisce ang dalawa habang hinihintay nila ang hudyat ng wedding planner na maglakad na sa isle. Napangiti lang siya sa palitan ng mga magulang. They acted like she was not even there when she was standing just right in their midst.
Hinanap ng paningin ni Shelby si Gunter. Ito ang hindi pa niya nakikita dahil may kumpol ng mga kalalakihan sa harapan ng altar. Karamihan sa kanila ay ang nagko-cover ng wedding ceremony.
Nang sa wakas ay isa-isang nagsi-alisan sa harapan ng altar ang mga miyembro ng videographer team na inatasang mag-video ng seremonya, tumambad sa kanyang paningin ang guwapong-guwapo niyang asawa. Nang magtama ang kanilang mga mata’y biglang sumikdo ang kanyang dibdib. Napasinghap siya sa nakitang kakisigan nito sa suot na puting barong. Maganda pala ang naging contrast ng kulay mais nitong buhok sa kulay puting kasuotan, naisip niya.
May katabi si Gunter na isa ring foreign-looking. Nakatalikod ito sa direksiyon nila. Nang sa wakas ay humarap na ito napanganga siya. Napahawak pa siya sa bunganga sa labis na katuwaan. Nang ngumiti sa kanya si Frederick ay ngumiti na rin siya.
**********
Kumurap-kurap ng ilang beses si Gunter para pigilan ang mga luha. Pero sa tindi ng nararamdamang emosyon ay tumulo rin ang ilang butil.
“Boss, I didn’t know you are a cry baby,” komento sa kanya ni Frederick, pabulong. Sinimangutan niya ito at sinamaan pa ng tingin.
Nang ibigay na ng mga magulang sa kanya si Shelby ay hindi niya naiwasang hagkan ito sa noo. “You are very beautiful,” bulong niya pa sa babae.
“You, too. You are the most handsome groom in barong tagalog that I have seen in my entire life,” sagot naman nito sa kanya.
May tumikhim. From the corner of his eyes, nakita niya ang biyenang lalaki na nandoon pa pala sa tagiliran ng asawa. Parang may hinihintay pa. Binalingan niya ito saka pinasalamatan nang lubos. Napangiti si Magnus nang sabihin niyang, “Thank you for bringing Shelby Madeline into this world, sir. You do not know how much your daughter made me happy.”
“Please take care of our baby girl for us, Gunter. She is our beloved princess, our one and only.”
“Yes, sir, I will.”
Naging tila breeze lang ang naging seremonya sa pakiramdam ni Gunter. At halos wala siyang naintindihan although the mass was in English. Paano kasi’y halos pumutok ang kanyang puso sa naramdamang kaligayahan. A year ago, hindi niya inisip na hahantong sila sa isang wedding ceremony. Halos ay wala kasi itong ginawa kundi bitinin siya. She would show him she seemed in love with him, but then she flatly said no when he asked her to marry him a few weeks after they started dating.
“What’s that smile for?” pabulong na tanong sa kanya ni Shelby habang nagsa-sign sila sa marriage contract.
“Nothing.”
Napatingala si Shelby sa kanya. So he had to explain to her. Matapos niya sabihin dito na kung may nagsabi raw sa kanya noon matapos siyang i-reject nito na hahantong din sila sa simbahan ay hindi niya paniniwalaan. Pero heto at natupad din ang kanyang pangarap.
Matamis na ngiti ang sagot ni Shelby.
Nang matapos and wedding rites at kuhanan na ng picture, namangha sila pareho ni Frederick nang makita kung gaano ka rami ang pamilya at kamag-anak ng kanyang asawa. Hindi nila sukat akalain na mayroon pa pala silang hindi na-meet bukod sa hipag at mga pamangkin ni Shelby. Ang mga pinsan nito sa ina na nagsipagbaba pa raw mula sa northern part ng Pilipinas para lang masaksihan ang kasal ng tanging prinsesa sa kanilang henerasyon.
Dahil sa dami ng naging partidos ni Shelby, parang naging kawawa ang kanya nang sabihing oras na para sa family members at relatives ng groom. Silang mag-ina lang kasi ang nandoon. Kaya pinasama na niya si Frederick pati na rin ang dalawang nurses ng ina.
“I am glad you guys are now okay,” bulong sa kanya ni Shelby nang sila na lamang dalawa ang kinukuhanan ng larawan.
“And it’s all because of you, babe. Thank you for always being patient with Mom. Your positive attitude towards her even after what she did to you inspired her to continue the fight. Her doctor had already declared her cancer free.”
Napanganga si Shelby kay Gunter. Timing namang nag-flash ang camera. Later on, when they were looking back at their wedding through their pictures, hindi nila napipigilan ang sariling hindi bumunghalit ng tawa sa tuwing nakikita ang ekspresyon doon ni Shelby.
**********
Kumakain sila ni Gunter sa rooftop ng Vivere sa Alabang isang gabi, eksaktong isang linggo matapos ang wedding nang bigla silang lapitan ni Alfonso. Pareho silang binati nito tapos ay binalingan si Gunter. Humingi ito ng paumanhin sa mga tila pang-e-epal daw noong kabago-bago pa lang ng kanilang relasyon. Inisip daw kasi nito na hindi siya totohanin ni Gunter dahil sa hindi magandang reputasyon nito sa babae.
“All I wanted is for you to be happy whether you believe it or not,” sabi pa nito.
“I understand. It’s okay now,” nakangiting sagot ni Gunter.
“Congratulations, again, pare. You just hit the jackpot.”
Natawa si Gunter. Tingin ni Shelby ay nabigla ito. “I know,” sang-ayon nito kapagkuwan.
“Thank you,” sabi naman niya kay Alfonso at namangha siya kung gaano na kagaan ang pakiramdam niya sa dating nobyo maging sa wife nito na nanatiling nasa bandang pintuan ng restaurant. Mukha yatang paalis na sila. Kinawayan niya ito at nginitian. Parang nagulat ang babae. Nagpalinga-linga pa ito na parang tinitingnan kung mayroon pa siyang nginingitian doon.
“Bring your wife here. We can have dinner together if it’s okay with you guys.”
Parang nagulat si Alfonso sa paanyaya niya. Napatingin pa ito sa asawa at ngayo’y sa kanya.
“I mean it. C’mon,” sabi pa niya rito at tinuro ang dalawang bakanteng upuan sa harapan nila ni Gunter.
Sa kanyang pamimilit ay napabalik sa loob ng restaurant ang asawa ni Alfonso at bumati rin sa kanila. She seemed uncomfortable. Kaya nang sabihin ng mga ito na okay na’t tapos na silang mag-dinner doon hindi na niya ito pinilit pa.
When she waved at them goodbye, totoong wala na sa kanya ang kahapon. Na-realize rin niyang first time niyang makaharap nang malapitan ang asawa ni Alfonso nang hindi niya pinanggigilan. Nang wala na ang dalawa, ginagap ni Gunter ang kanyang mga kamay na nasa ibabaw ng mesa.
“I am glad that you have come to terms with your past.”
Tama nga naman ito. Wala na ang sama ng loob na kinimkim niya ng kung ilang buwan. Wala na rin ang hinagpis. Tinukso niya rin si Gunter. First time kasing tila kalmado lang ang asawa sa pakikitungo nito kay Alfonso. Dati-rati’y nakabusangot agad ito sa dating nobyo. Pero bakit ngayo’y tila okay lang?
“Why would I still be jealous? I am now married to you. Plus, I just saw how he doesn’t matter to you now.”
Napatangu-tango si Shelby at napabungisngis nang masuyong hinalikan ni Gunter uli ang kanyang mga kamay. Looking at her dashing husband now, she realized how lucky she is. Sa kabila ng dinanas niyang pait at pasakit sa piling ni Gunter nang sila’y nagsisimula pa lamang, dahil sa patuloy niyang pagtitiwala rito, naging maayos din ang lahat. Hindi lang problema ng korporasyon ang nabigyan ng solusyon nitong last few months. Pati rin ang inakala niyang relasyon nila ng mom nitong ubod ng sungit sa kanya ay bumaliktad din. At inamin pa nito sa kanya na kaya lang naman nito pinu-push noon si Gunter kay Marinette ay dahil malaki raw ang utang na loob sa dad ng babae. Ito kasi ang taga-White House na nag-cover up sa kasong kinasangkutan nito noon sa pagkamatay ni Amy Brown. Hanggang sa dulo raw ay ginawan nito ng paraan na hindi siya mabulok sa bilangguan.
“Mom is right after all. Sometimes, we just need to have faith---faith in each other and faith that God will bring us through our trials.”
Si Gunter naman ngayon ang napatangu-tango. Looking at her handsome husband, Shelby thought she couldn’t ask for anything more. She’s blessed.
Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her
Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind
Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang
Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.
My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,
Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.