Home / All / Twenty-Four Seconds / CHAPTER FORTY-SIX

Share

CHAPTER FORTY-SIX

last update publish date: 2020-09-28 01:00:46

Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.

“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.

“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.

“I need to go to the hospital,” sabi niya sa babae at napatakbo na siya agad sa third floor kahit hindi pa ito nasagot. Mabilis siyang nagbihis.

Kahit groggy pa at lango sa mahabang biyahe mula Manila hanggang New York, nagmadali sa pagbihis si Shelby para puntahan si Gunter sa Mount Sinai Hospital na siya raw pinagdalhan sa kanya ayon sa balita. Ang private nurse na ni Shy ang nagkuwento no’n dahil saglit na nanilim ang kanyang paningin sa nerbiyos.

“Ms. Shelby mag-ingat po kayo,” medyo naiiyak na wika sa kanya ng yaya habang tumatakbo siya papunta sa maliit nilang garahe. Paglabas niya ng sasakyan, natigilan siya. May dalawang mamang naka-motorsiklo na nag-aabang sa kanya sa mismong harap ng kanilang townhouse. Sa naranasan niya sa unang set ng bodyguards na kinuha sa kanya ni Frederick medyo hindi maganda ang pakiramdam niya sa dalawa lalo pa’t nagpakilalang pinadala raw talaga sila ng kanyang asawa para bantayan siya---sila ng kanyang anak. Kung hindi niya nakita sa bandang unahan si Mang Conrad na siyang nagpatunay na mga padala nga ang dalawa ni Gunter at mapagkakatiwalaan daw ang mga ito ay hindi siya nakampante.

“Ako na po ang magmamaneho sa inyo, ma’am,” pagmamagandang-loob ni Mang Conrad.

“Kalalabas n’yo lang ng ospital, Mang Conrad. Okay lang ako.”

“Hindi po, ma’am. Sa kalagayan n’yo ngayon siguradong tuliro ang isipan ninyo. Ako na po.”

Hindi na siya nakipagtalo pa kay Mang Conrad. Tinanggal niya ang seatbelt sa katawan at bumaba ng sasakyan. Lumipat siya sa likuran. Habang binabagtas nila ang highway ay naka-convoy sa kanil ang dalawang bodyguards na pawang naka-motorsiklo. May dalawa pang natira sa kanilang bahay para magbantay naman sa labas. Ganunpaman, hindi mapakali si Shelby. Tinawagan niya ang dad niya at sinabi kung ano ang nangyari. He assured her he sent a new set of bodyguards to take care of her and Shy. Kaso nga lang, sa susunod na araw pa raw ang dating ng mga ito dahil sa Pilipinas pa manggagaling.

“Okay lang po iyan, Dad. At least may makakasama pong Pinoy si Mang Conrad.”

“Take care of yourself, baby. We love you,” sagot ng kanyang ama. Mahina ang tinig. Medyo na-guilty siya dahil na-sense niya ang pangamba nito para sa kanya at sa kanyang pamilya. Pero wala rin siyang magawa to ease his worry.

Pagdating nila ng ospital nakita agad ni Shelby si Gunter sa labas ng operating room. Palakad-lakad ito sa harap no’n. Hindi mapakali. His shoulders were bandaged. Pati na ang kanang kamay. Naka-sling nga ito at napapaikutan ng benda. Upon seeing him alive and well---at least, nabunutan siya ng tinik. Nayakap niya ito agad. At napahagulgol siya sa dibdib nito.

Naramdaman niya ang masuyo nitong halik sa kanyang ulo. Narinig pa niya ang paulit-ulit nitong paghingi ng paumanhin. Napalayo lamang siya sa mga bisig nito nang ma-realize na kung safe ito at mukhang okay na ay sino ang nasa loob ng operating room?

“Who’s in there?” kinakabang niyang tanong.

**********

A few hours after they arrived at New York City. It was around ten o’clock in the evening of December 26th.

Hindi nagustuhan ng kanyang ama ang pagbabalik nila ni Shelby at Shy sa New York nang hindi pa tapos ang binalak nilang two-week vacation sa Pilipinas. Bakit daw sila nagmadaling makabalik?

“I was worried about you, Dad. You are all alone here on Christmas. I want to be at least here with you in this difficult time of your life.”

Henry Klaus Albrecht smiled. But it did not reach his eyes. He seemed beyond lonely. Sa nakikita ngayon ni Gunter sa kanyang ama parang wala itong kabuhay-buhay. Dati na itong malungkot, pero ang nakikita niya ngayong sadness sa mga mata nito ay kakaiba. Marahil nakadagdag ang paghihiwalay nila ng kanyang ina.

Sinalinan niya ng red wine ang kopita ng ama.

“Can you not forgive Mom this time?”

“What your mom did was beyond forgiveness. I forgave her many times for cheating on me because I did cheat on her, too, but what she did to Amy was---” Umiling-iling ang dad niya. Hindi nito naituloy ang gustong sabihin.

“I understand, Dad. I am sorry for even bringing it up.”

Hindi na ito sumagot. Lumagok lang nang lumagok sa kopita hanggang sa ito ay masaid. Mayamaya pa, may hinugot itong papeles sa drawer. Binigay nito iyon sa kanya. Nang makita ni Gunter ang listahan ng additional executives na nagpasa ng resignation nila, napabuntong-hininga siya. Ang ibang pangalan doon ay hindi niya inasahang tatalikod sa kanila. Sobra siyang na-disappoint.

“It’s better this way. At least now you know who will be with you through thick and thin. These bastards had just shown their true colors. You need to be careful with the likes of them. There are so many of them out there.”

Tumangu-tango si Gunter. Napakurap-kurap siya nang makitang kabilang si Mr. Stevenson sa nagpahayag ng loyalty sa korporasyon. Hindi raw ito aalis hangga’t humihinga pa ang Skylark Quandt. Okay lang daw dito na ipagbili ang lahat ng assets ng kanilang korporasyon para mabayaran ang pagkakautang nito sa mga bangko na nagkakahalaga na ng kung ilang bilyong dolyar. Saka na lang daw siya maniningil ng mga benepisyo at kung anu-ano na dapat sana niyang matanggap ngayong pasko kung stable na ang negosyo nila.

“Frederick and I had already arranged for the sale of our mansions---” Natigilan siya nang ma-realize ang pagbanggit sa kanyang assistant. “I mean---well---we did arrange for the sale of our mansions and buildings as well as our nonperforming companies. What else do you want me to do, Dad? Should I also make public the sale of our shares?”

Napangiwi ang kanyang ama. Makaraan ang ilang sandali, ito ang naging kasagutan niya.

“No. That can wait.”

Tila hapung-hapo ang dad niya nang tumayo ito. Ganunpaman, nagpaikot-ikot ito sa buong study room niya. Nanatili naman si Gunter sa upuan sa harapan ng mesa nito. He drank his wine. Nasa malayo rin ang kanyang tingin.

“Whatever happens, always choose the one that makes you happy, son. Never ever compromise the joys of your heart for anything you can replace anytime. Do not make the same mistake I did. I do not want you to go through the same regret, son.”

Napabaling si Gunter sa ama at nakita niya itong tumingala sa kisame. Nang tumingin na ito sa kanya’y namamasa-masa na ang mga mata. Nagkuwento na naman ito kung paano nakilala si Amy St. Claire. Katulad noong una nitong nabanggit ang babae, parang ayaw nitong tawagin ang huli sa married name nitong Brown. Kung sa bagay, kung sa kanya iyon nangyari ay hindi niya rin siguro matatawag ever si Shelby ng Dela---. He stopped himself before he even formed his last name in his head. Napamura pa siya under his breath. Maisip lamang niya ang lalaking iyon ay kumukulo ang dugo niya. Lalo pa nang maalala ang kinuwento ng yaya ni Shelby sa kanya tungkol sa panliligaw ng hunghang na iyon sa asawa nang sila’y mga tinedyer pa lamang.

Pagbalik ng kanyang ama sa mesa nito, isa-isa nilang pinag-usapan ang mga natitirang executives nila. May binilugan ang dad niyang tatlong katao roon. Hindi sila masyadong nagmarka sa kanyang isipan kahit sila ang chief financial officer, chief marketing officer, at chief technology officer. Napahinga siya nang malalim nang maalala na naman si Frederick. Palagay niya, mas kilala ng kanyang assistant ang mga iyon.

“Maaasahan mo silang lahat. Ipinagbilin na kita sa kanila. Alam nila ang dapat gawin pagdating ng tamang panahon. You can trust them. Pasensya na, anak, kung masyadong nagulo ang buhay mo pati na ng asawa mo nitong mga nakaraang buwan. Kailangan mong pagdaanan ang lahat ng ito para maihanda kita sa iyong kinabukasan. Your wife also need to undergo all of these so we can be sure she is the right one for you, not that I do not trust your judgment,” patuloy pa nito sa magkahalong English at German. Lalong nangunot ang noo ni Gunter.

“You’re talking weird, Dad. You are just seventy-two. You have a long way to go. You will still walk your granddaughter Shy down the aisle in twenty years.”

Napangiti si Henry Albrecht. Kinumusta nga niya ang bata. Pinakitaan naman ito ni Gunter ng mga videos na kuha sa cell phone niya. Natuwa ang matanda sa antics ng baby. Nagtatawanan silang mag-ama nang biglang may narinig na kalabog sa labas. Nasundan iyon ng isa pa. At may babaeng tumili. Naalarma silang mag-ama. Tumungo agad si Henry Albrecht sa steel cabinet niya sa bandang likuran ng kanyang desk para kunin ang kanyang shotgun. Kumuha rin ng baril si Gunter. Armado silang lumabas ng study room.

“Mr. Albrecht, somebody shot the guard. The laser security system seemed not working,” natatarantang wika ng stay-in housekeeper nang sinalubong sila sa living room. Sa gitna ng kanyang salaylay ay tumili na naman ito nang may marinig na putok sa labas.

Sa palagay ni Gunter, security personnel nila ang nagpaputok. Naisip niyang kung nilusob man sila ngayon ng kanilang kaaway, sigurado siyang may silencer ang dala nilang armas.

“Call 911,” mando niya sa housekeeper saka pumuwesto na sa bandang front door. Itinutok niya ang hawak na baril sa pintuan.

“Stay away, Gunter. Let me do it. For sure, it’s Flynn.”

Itinaboy siya ng ama pero hindi siya umalis sa gilid ng pinto. Napailing-iling na lang ang dad niya at itinututok na rin nito ang shot gun sa harapan ng main entrance ng mansion.

**********

Napaiyak si Shelby nang malamang father-in-law niya ang nasa operating room. Sabi ni Gunter ay sinalo nito ang balang dapat sana ay para sa kanya. Masidhi ang pagnanais ni Mr. Schlossberg na ipaghigante ang anak. Gusto raw talagang patayin si Gunter dahil masyado nitong pinahiya sa buong madla ang unica hija nito. Ngayon nga’y ayaw nang lumabas ng bahay at makipagsalamuha ni Marinette sa mga tao kahit na naabswelto ito sa kaso sa depensang wala ito sa kanyang katinuan nang mangyari ang attempted homicide.

“I hope your dad lives,” sabi ni Shelby kay Gunter sa tonong pinipilit lamang magpakatatag.

“Yeah. I am sure Dad will survive all these. He has been through far worse ordeals than this and he has always emerged a victor. I am sure he will survive,” sagot naman ni Gunter. Nase-sense ni Shelby na nagpupumilit din itong maging matatag.

Napahilig siya sa balikat nito at hinawakan pa ang kamay nitong nakaakbay sa kanya. She felt him kissing her temple. Ramdam din niya ang kabog ng dibdib nito. How she wished she could carry half of the weight of the problem that he was in.

Mayamaya pa, nagpaalam ito sa kanyang may pupuntahan lang. Given what he had gone through that day, hindi siya agad pumayag. She only gave him a green light after he agreed to take one of his bodyguards with him.

Dahil ang haba ng operasyon, pinauwi siya ni Gunter kasama si Mang Conrad at isa pang bodyguard na dad daw niya mismo ang pumili. Ganunpaman may kaunting apprehensions si Shelby habang kasama nila ito sa loob ng sasakyan. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang makarating na sila sa kanila.

Napayakap siya agad kay Shy nang makauwi ng bahay. Ang bata nama’y napapadyak pagkakita sa kanya. Siguro’y naramdaman nitong wala sila pareho ni Gunter.

Ten hours later, tumawag si Gunter sa kanya at sinabing tapos na ang operasyon ng daddy niya. He didn’t sound ecstatic kung kaya kinabahan din si Shelby.

“I will go there right now,” sabi niya rito.

“No, Don’t. It’s getting dark now and Shy has no one there with her except her nurse. Stay with her, please. I can handle this. I just called up to tell you the news.”

“Okay. Please give my regards to your dad.” Mag-a-‘I love you’ pa sana siya pero nag-hang up na si Gunter. Nalungkot siya kahit na alam niyang hindi naman iyon sinasadya. Ang dami lang problema ng tao.

Binalak niya sanang hintayin pa si Gunter para ipaghain ito, pero nadaig siya ng jetlag. Hindi na niya nakayanan ang antok kung kaya umakyat siya sa kuwarto nila at naidlip na. She was halfway to the dreamland when the phone rang. Kaagad siyang napabalikwas. Mommy niya ang nasa telepono. Akala niya si Gunter. Aminado siyang medyo na-disppoint siya, pero siyempre hindi niya pinahalata. Her mom sounded lively in a forced way. Kinabahan siya tuloy. May alam ba itong hindi pa niya alam? Tumawag kaya si Gunter sa kanila? Gusto niya sanang tawagan agad ang asawa pero medyo nag-aalala siya dahil baka natutulog na ito. Ayaw din niyang makaistorbo.

“Your dad and I just missed you guys. Please kiss Shy for us.”

Iyon lang tapos nagba-bye din ang dad niya saka binaba ng mom niya ang phone. Parang ang weird lang. Alam nila pareho na halos disoras na ng gabi sa New York ngunit tumawag pa. Hindi lamang iyon, wala rin namang sinabi. Iyon lang na na-miss daw sila. Strange. Her mom does not act this way. Nagpapakita rin ito ng pagmamahal sa kanila in a demonstrative way, pero hindi tulad nito. Mas more sa face-to-face ito naglalambing kung maglalambing man.

Shelby grabbed her night gown and went downstairs sa pag-aakalang dumating na ang asawa. The second floor of the house felt so eerily quiet. Sumilip siya sa bintana. May nakita siyang dalawang lalaking nasa loob ng isa nilang sasakyan na pinarada lang sa tabi ng daan. Wala na kasing space sa garahe nila. Dalawang kotse lang ang kasya roon. Uso naman sa bago nilang village ang offstreet parking kung kaya doon na nila iniwan ang dalawa pa nilang sasakyan.

Nagpaikot-ikot sa kusina si Shelby. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nakailang check na siya sa cell phone niya. Nagbabakasaling nag-text o missed call si Gunter. Pero wala. Although she was a bit scared to turn on the TV for some late night news, hindi rin niya napigil ang sarili dahil she’s just dying to know what’s going on.

Pagkalitaw ng late news program sa TV screen, nayanig agad si Shelby sa narinig na balita. Skylark Quandt has gone officially bankrupt and their total debts amounted to twenty-five billion dollars! Kahit daw ibenta ang buong ari-arian ng korporasyon, hindi pa rin daw mababayaran kahit kalahati man lang ng utang nila lalo pa’t halos wala nang value ngayon ang stocks nila. Bukod sa utang ng korporasyon, may kinakaharap ding ibang liabilities ang mga Albrecht at bilyones din daw ang halaga no’n. Sinisisi ang bad investments ni Henry Klaus Albrecht sa mga nonperforming mining companies sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang rason sa pagkabaon nito sa utang. Kahit ilang beses daw kasing pinayuhan ang matanda na iwanan na ang mga iyon ay sige pa rin siya sa kaka-infuse ng capital.

“Oh my God!” tanging naibulalas ni Shelby at nahilo siya bigla. Mabilis siyang nagkwenta ng kanyang assets. Hindi iyon aabot ng twenty-five million dollars. Kahit mag-ambag-ambag pa ang buo niyang pamilya, hindi kakayanin talaga. She was too numb to even shed a tear.

Sobrang manhid na ang kanyang kalamnan nang marinig pa ang komento ng isang news anchor na dahil daw si Gunter at Madame Margaux na lang ang surviving heirs ni Henry Klaus Albrecht, malamang hahatiin daw sa kanilang dalawa ang personal liabilities nito.

Doon napasimangot si Shelby.

“You guys are not doing your homework! Debts cannot be inherited!” asik niya sa mga ito.

Pero bigla siyang natigilan nang may maalala. Ang alam niya hindi nga namamana ang utang, pero kung kasama sa pumirma sa kinuhang loan ang kapamilya ay maaaring---shit! Gunter may be a signatory to the loans as well!

Habang nag-aalala siya sa staggering debts na maaaring ipasa sa kanyang asawa, na-realize niya ang implikasyon ng lahat. Ibig sabihin ay hindi naka-survive sa operasyon niya si Henry Albrecht! Napa-Oh my God siya for the second time!

Napatayo siya bigla. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Bigla siyang napatakbo paakyat ng hagdan. She was almost upstairs when she forgot what she was supposed to do there. Bumaba na naman siya sa living room. Umikot-ikot sa harapan ng TV at naalala niyang magbibihis nga pala siya para puntahan na sa ospital si Gunter.

Bubuksan na lang sana niya ang kuwarto nilang mag-asawa nang marinig niyang tila may nagbukas ng front door sa first floor. Hindi na siya natuloy. Saktong kararating niya ng second floor nang lumitaw si Gunter mula sa hagdan na nagdudugtong ng una sa ikalawang palapag.

“Gunter!” Napayakap siya rito agad-agad. Mukhang nagulat ang kanyang asawa. Sinapo ni Shelby ang magkabila nitong pisngi na ngayo’y medyo magaspang na. Mahahaba na rin ang tubo ng balbas dahil halos magda-dalawang gabi nang hindi nag-ahit. “Are you all right?”

Mahinang pagtango ang sagot sa kanya ni Gunter saka parang slow motion itong naupo sa couch na kaharap ng TV. Hindi pa pala niya napapatay iyon.

“Dad is gone now,” halos ay pabulong nitong sabi sa kanya.

Nilapitan ito ni Shelby at niyakap habang impit na umiiyak.

“But the good news is---Mr. Schlossberg’s also dead,” patuloy pa nito. Flat ang tinig. Pero batid ni Shelby na galit na galit ito sa dating assistant ng ama. “And so are Mr. Gonzales, your assistant’s husband and five of Mr. Schlossberg’s other men.”

Napalunok si Shelby. Five other men. Naisip niya agad si Frederick.

“That’s Fredrick’s brother,” dugtong pa nito.

“Huh?!” Napatingala si Shelby kay Gunter. She was disoriented. Ang dinig niya noong una ay ‘Frederick’s dead.’ Nang sundan niya ang tingin ng asawa, nakita niyang nakatutok ito sa TV. No’ng mga oras na iyon pala ay isa-isang pinapakita ang larawan ng mga nasawi sa engkwentro sa mansion ng mga Albrecht. Napakurap-kurap siya nang mabistahang mabuti ang larawan ng lalaking sinasabi nitong kapatid daw ni Frederick.

“That was the guy who chased me almost to New Jersey months ago! Remember the one you rescued me from in Manhattan one time? Oh my God!”

Napanganga rin si Shelby sa galing ni Frederick umarte nang mga oras na iyon. Kapwa nila tinaboy ni Gunter ang mamang iyon. At hindi man lang niya inisip na magkapatid pala ang dalawa sa paraan ng pakikitungo rito ni Frederick noong halos ay pagtulungan nila itong bugbugin ni Gunter.

“Wow! I just cannot believe it!” sabi niya.

Gunter just rested his head on the couch’s back rest and closed his eyes.

**********

Gunter is torn and confused. Mahal na mahal niya si Shelby pero parang hindi niya maatim na patuloy itong mamroblema sa problema niya. He loves her so much that he does not want her to continue on worrying about him. Ganunpaman, naisip niya pa rin ang sinabi ng kanyang ama. Hindi raw niya dapat pakawalan ang babaeng tanging nagbibigay sa kanya ng kaligayahan. Minsan lang daw kasi iyon dumadating sa buhay ng tao. Sabi pa nga ng dad niya, “Once you give her up, you will never find someone to whom you will have the same degree of affection.” Once in a lifetime lang daw kasi dumadating ang one true love. But then he felt it’s unfair to make her suffer with him. Hindi naman yata tama iyon. Walang kasalanan si Shelby. At lalong walang kasalanan si Shy.

“Get me some scotch on the rocks, Jackson,” utos niya sa assistant.

“But sir---you will have a meeting with the Chief Finance Director in a little while.”

“Just get me one shot, goddamnit!” Napalakas ang boses niya. Nakita niyang tila nataranta ang lalaki pero agad namang tumalima.

**********

Pinangunutan ng noo si Shelby nang paggising sa umaga ay makitang wala na si Gunter sa tabi niya at may isang kulay asul na stationary sa ibabaw ng beside table. Nakatupi iyon. When she unfolded it, she saw Gunter’s handwriting. Tila bagang sinubukan talaga nitong ayusin ang pagkakasulat ng note. It was neat and clean. But then the message left her stunned and confused. Napatitig siya sa date na nakasulat sa ibabaw ng papel. December 29th. Two days before the New Year’s Eve.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Twenty-Four Seconds    EPILOGUE

    Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FIFTY

    Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-NINE

    Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SEVEN

    My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SIX

    Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status