LOGINNaging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda.
Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pangyayari, wala nang mas titindi pa sa naging pagtanggap ni Madame Margaux Quandt Albrecht. Galit na galit ito. Kinabukasan nga, sumugod ito kina Shelby at Gunter sa townhouse ng mag-asawa. Nag-New Year ang mga ito na minumura sila pareho ni Madame Margaux. Lalo na si Gunter. Paano raw nito nagawang linlangin ang ina?
“I’m your mother, goddamnit! How could you?!”
Bakit daw kasi hindi sinabi ni Gunter na fictional debts lang pala ang lahat? Na pakulo lamang ng dad nito ang buong pangyayari para malaman kung sinu-sino sa mga top executives ang totoong loyal sa korporasyon. Bakit hindi raw siya pinagbigyang-alam?
“Mom, I also do not know.”
Hindi naniwala si Madame. Lalo pa itong nagalit sa sagot ng anak. Ang dami-dami pa nitong sinabi. At pare-pareho lahat ang dating kay Shelby. Iyong mana. Naghihimutok ito sa mana na kusang ipinaraya sa anak.
“I did try to stop you, mom, remember? I did not want to sign the papers. I said you can have my word. I will not oblige you to pay Dad’s loans. But you wanted everything on paper. You were the one who told the lawyer what the agreement will be all about. It was your idea to mention that you are giving up your entire inheritance from Dad in exchange for an assurance that you will not be obliged to help pay the loans,” malumanay na pahayag ni Gunter.
Sumigaw uli si Madame Margaux. Hindi raw kasi niya alam ang totoo. Napapiksi naman si Shelby. Hindi siya sanay sa ganitong usapan. Sinenyasan siya ni Gunter na lumabas saglit ng living room para hindi na ma-stress sa pagwawala ng ina.
“No! I want your goddamn wife to be here as well! I want her to hear everything!”
Nanlilisik ang mga mata ni Madame Margaux nang balingan si Shelby.
“She’s one lucky girl! All she needed was trap you into marriage and then boom, she’s a billionaire!” At inismiran pa ni Madame si Shelby. Tapos hindi nakontento roon. Sinabihan pa itong mukhang pera.
“Mom! I cannot let you disrespect my wife like that! She has nothing to do with this. In fact, if it was not for her, I wouldn’t come down here at this hour on a New Year’s day just to listen to you rant!” galit na sagot agad ni Gunter. Ito kanina ang sinasabi nito kay Shelby na hayaan lang buzzer nang buzzer ang ina dahil sa oras na pinapasok nila’y baka mawalan na sila ng ganang mag-breakfast. Totoo nga naman. Aminado si Shelby na ayaw na niyang balikan ang kanyang french toast at black coffee.
Tumayo si Gunter at akmang tatalikuran na sana ang ina dahil sa pang-iinsulto nito sa asawa nang hawakan ito sa braso ni Shelby mismo at pakiusapang bumalik sa couch at ayusin nilang mag-ina ang hindi pagkakaunawaan.
“You guys cannot start the new year like this,” pabulong pang pahayag ni Shelby sa asawa. “I do understand your mom’s feelings. I am not angry.”
Hindi man lang lumambot ang loob ni Madame Margaux kay Shelby despite what she heard. Inismiran pa nga ito lalo. Si Gunter ang tumingin dito nang masama. Lalo pang tumalim ang tingin nito nang maulinigan nilang umiyak si Shy sa kuwarto nito sa third floor. Mukhang nagambala ang bata sa pagsisigaw ng lola.
“I’ll go see her. You can stay here,” sabi ni Shelby kay Gunter dahil tumayo na naman agad sana ito para pumanhik sa kuwarto ni Shy.
Inisip ni Shelby na tatagal at pagpipyestahan na naman ang pamilya ng kanyang asawa dahil sa balitang ipinahayag ng publicist, pero makaraan lamang ang ilang araw ay tila nakalimutan na ang mga Albrecht. Marahil ganoon talaga. Kapag good news, hindi masyadong pinagkakaabalahan. Nang malaman nga ito ng kanyang grandma, ganito ang pahayag ng matanda, “People always crave for drama, especially the one that involves other people’s misery or heartache. Nobody cares much about good news. That’s the reason why mass media rarely report it.”
**********
“Are you sure about this?” halos ay pabulong na lang na tanong ni Gunter sa nautusan niyang detective. Kahit nang kinompirma nito na pawang katotohanan lamang ang nilalaman ng report na binigay nito sa kanya’y halos ay hindi pa rin siya makapaniwala.
“So Frederick was Mr. Schlossberg’s scholar?” Parang sarili na lamang niya ang tinanong no’n. That made sense. Kaya pala ganoon na lamang ang loyalty ng kanyang assistant sa taong iyon. But then again, may sinabi ang kanyang ama noon na sa kalagitnaan ng lahat ng kaguluhan, bago pa nito mapatunayang may masamang plano laban sa kanya ang dati nitong assistant na si Flynn Schlossberg ay nakumbinsi na raw nitong kumambiyo ng loyalty si Frederick sa kanila. Sinabi ito ni Gunter sa detective.
“Maybe, sir, because as you can see in the reports I got from reliable sources connected to your mining companies that your former assistant was responsible for stealing back the gold bars stolen by Mr. Schlossberg from your companies. Not only that, he was also the one who tipped the police regarding Mr. Schlossberg involvement with the drug syndicates in Asia as well as the money laundering business which also involved some of your top executives.”
Napatangu-tango si Gunter. Bumalik sa kanyang alaala ang iilang mga eksena a few months ago. Iyon ang panahong aligaga siya sa panunuyo kay Shelby. May mga pagkakataon noong hindi niya mahagilap si Frederick. Ang paalam lang sa kanya’y bibisitahin ang may sakit niyang ina sa California. Mawawala ito ng tatlo hanggang apat na araw. Sa tuwing kukumustahin niya ito tungkol sa magulang, saglit itong malilito. Iyon pala, matagal nang patay pareho ang ama’t ina. Ang surviving family member lamang pala nito noong mga panahong iyon ay ang kapatid na lalaki na naging stalker ni Shelby at nagtangka pang patayin ang huli para maiganti raw ang pagmamalabis na ginawa ng mga San Diego sa inang nagtrabaho raw noon sa vineyard ng pamilya sa Napa Valley.
“Can I trust him now?” bigla na lang ay tanong niya sa detective.
Napangiti ang huli. “That’s up to you, sir.”
**********
“Shelbita, ano ba?” naiinis na asik ni Morris sa kanya habang paikot-ikot siya sa sala.
Nasa condo niya sa Upper East Side silang mag-ina no’n dahil may kaunting changes lang siyang pinabago sa interior sa mansion ni Gunter sa Scarsdale kung kaya hindi pa sila makalipat doon. Kaya nasa unit niya ang dalawa niyang kuya, Morris at Moses, ay dahil napasugod agad ang mga ito sa NYC nang malamang namatay ang kanyang biyenang lalaki. Kaso hindi rin sila umabot sa libing. Nagkaroon daw kasi ng aberya. May problemang personal ding inasikaso ang dalawa.
Naiinis si Morris sa kanya dahil nara-rattle na naman siya. Ang rason ngayon ay si Albus Smith, Jr.
“Don’t you trust us?” si Moses naman. Pinaningkitan pa siya nito ng mga mata. Kanina pa kasi nagsasabi ang mga ito sa kanya na wala siyang dapat katakutan. Unang-una ay nakuha nila si Shy sa tamang proseso. Pangalawa, hindi naman inamin ni Albus Smith, Jr. na anak nito ang bata. Katunayan ay hiniwalayan agad nito ang ina ng bata bago pa man ito magsilang sa sanggol.
“Pangatlo, he is a coward bastard. He’s afraid of his wife. The wifey is the one with money. Not him. It is not true that he went from rags to riches with his t-shirt business. That’s bullshit! Yes, he was a struggling businessman when he met his wife who was already an heiress then. When her parents died a few years after they got married, he expanded his business. Coincidence? I do not think so. I think his wife invested some of her inheritance in his t-shirt company,” patuloy pa ni Morris. Huwag daw siyang mag-alala at na-research daw nilang mabuti ang background ni Smith nang mabalitaan nilang gusto niyang i-adopt si Shy. Noon pa raw ay kabisado na nila ang likaw ng bituka nito.
“Isa pa, selosa ang asawa ng hudas na iyon. Sakaling malaman no’n na nagkaanak siya sa kaibigan mo tiyak na malaking gulo. Takot lang ng Smith na iyan na i-divorce ng asawa. If that happens, sa kangkungan siya pupulutin.”
“Sigurado ba kayo?”
Both guys rolled their eyes.
**********
“Oh, hi there!”
Kapwa napalingon sina Gunter at Shelby sa bumati sa kanila nang akmang papasok na sila sa isang Italian restaurant malapit sa Times Square.
Shelby stiffened and hugged Shy tightly when she saw that it was Albus Smith, Jr. Napaakbay naman sa kanya agad si Gunter.
“Hi,” malamig na bati ni Gunter sa lalaki. Ngumiti rin nang mapakla ang huli kay Shelby. Lumingon si Shy dito pagkarinig sa boses nito. Nang makita ng bata ang tunay na ama ay napangiwi agad ito at umiyak. Yumakap pa nang mahigpit na mahigpit kay Shelby habang sinusubsob ang mukha sa leeg ng ina. Parang nagsasabi na huwag na huwag itong pakawalan.
“Oh, hi, little one. Are you all right?”
Hahaplusin sana ni Albus Smith, Jr. ang likuran ni Shy nang biglang hinarang ni Gunter ang kamay para ito’y pigilan.
“What do you want?” Ngayo’y may himig iritasyon na ang tinig ni Gunter. Makikita na rin sa mukha nito ang namumuong galit.
“Is it a crime to ask how my daughter was?” mahinang tanong ni Albus Smith, Jr. Hindi na rin ito nagkunwaring friendly. He smiled at Gunter coldly. Parang hinahamon itong pasinungalingan ang sinabi. Halata rin sa tinig na na-offend ito at parang determinadong gagawa na ng eksena roon.
Napangisi si Gunter nang marinig ang salitang ‘daughter’.
“Since when?” pauyam niyang tanong sa lalaki. No’n lumapit ang head ng kanyang security personnel at inalam kung kailangan nilang ilayo na si Smith sa harapan nilang mag-asawa. Sinenyasan ito ni Gunter na hwag na munang makialam at kaya naman niya ang damuho. Lalong nangunot ang noo ni Smith sa sinabing iyon ni Gunter.
“Mr. Smith, stop bothering us or you’ll wife will have to find out about what you did to my best friend, Dane,” bigla na lang ay sabi rito ni Shelby.
Natigilan si Albus Smith, Jr. Feeling ni Shelby ay nag-stiffen ito nang kaunti. Parang naalarma pa.
“What did you say?” tanong pa nito. He sounded angry now. But his voice was still controlled.
“Yes, that’s right. If you do not stop bothering us, your wife will have to find out about what you did when she went to France for a holiday,” banta pa ni Shelby rito.
Nagkunwari si Smith na hindi apektado ng mga sinabi niya, pero batid ni Shelby na pagkukunwari nga lang iyon.
Mayamaya, may biglang napapreno sa harapan ng restaurant na pupuntahan sana nila ni Gunter. Napatingin silang tatlo roon. At kitang-kita ni Shelby na namutla nang bahagya si Albus Smith, Jr. pagkakita sa sasakyan. Nang umibis ang isang mukhang taga-alta sosyedad na babae ay kaagad silang iniwan nito para magiliw iyong salubungin.
“I think that’s his wife,” sabi ni Gunter sa kanya.
Nag-vibrate ang cell phone ni Shelby na nasa shoulder bag niya kung kaya kinuha saglit ni Gunter sa kanya si Shy para matingnan niya iyon. Si Morris pala ang nag-text. Nakarating na raw ba sa Carmine’s ang asawa ni Talbus ng Kamote? Pinangunutan iyon ng noo ni Shelby. Imbes na sagutin ay tinawagan niya ang kapatid at napag-alaman niyang pina-report pala nito sa kanila ni Moses si Mang Conrad, ang body guard niya, sakaling umeksena raw si Talbus sa gagawin nilang opisyal na pagpapakilala kay Shy bilang isang legal member ng Albrecht family. Napangiti si Shelby sa napag-alaman. Nang makapagpaalam na sa kuya niya’y nilingon niya si Mang Conrad na tahimik lang na nakatayo sa hindi kalayuan.
“Ang galing n’yo, Mang Conrad!”
Pabiro itong nag-hand salute sa kanya.
**********
Forty days after Henry Albrecht’ death, nagsabi si Shelby kay Gunter na dalawin nila ang libingan ng ama nito.
“In our culture, we usually prepare something for the entire family to eat together as we celebrate the life of the deceased loved one on his fortieth day after death.”
“Really?”
Nakita ni Shelby na tila nag-isip si Gunter at napatingin ito sa tambak na folders sa kanyang mesa. Sa pagkakaalam niya, iyon ang mga totoong annual financial report ng bawat subsidiary company na hawak ng Skylark Quandt. Ang iba roon ay may kinalaman din sa classified information na pinadala ng inatasan ni Henry Albrecht na magmanman sa galaw ng bawat top executives na pinaghinalaang may kinalaman sa embezzlement ng funds ng korporasyon at sa money laundering schemes. Iyong iba roon ay considered moot na dahil namatay na ang may pakana ng lahat. Gusto lamang ipaalam ng nagsumite ng report kung ano talaga ang nangyari noong nagkakagulo sa loob ng korporasyon.
Hinawakan niya si Gunter sa kamay. “C’mon. Work can wait.”
Nakangiti nga nilang nilisan ang upisina ni Gunter para bisitahin ang puntod ng ama nito na nasa isang memorial park outside New York City. Malayo pa lamang sila sa puntod nito may napansin silang isang babaeng nakatunghay doon.
“Your mom?” nagtatakang tanong ni Shelby kay Gunter.
Hindi sumagot si Gunter, pero napatitig lang sa babae. Mayamaya pa’y lumayo na roon ang naturang bisita at parang hindi makapaniwala si Shelby nang makompirmang si Madame Margaux nga iyon at tila umiyak pa. Himala.
“I think your mom realized now how much she lost with your dad’s death.”
“Yeah, for sure,” sarkastikong pakli ni Gunter.
“And I do not mean money or any material thing he could provide. You’re crazy if you think that’s what I mean,” nakangiting sagot ni Shelby.
“I don’t care,” walang interes na pakli naman ni Gunter.
Naisip ni Shelby galit pa siguro ito dahil napahinuhod niyang pagbigyan ang ina sa hiling nito na hatiin nang patas ang mana.
Habang naglalakad sila papunta sa puntod ay hinawakan niya ang kamay ni Gunter. Napatingin ito sa kanya na parang nagtatanong. Umiling-iling siyang nakanagiti.
Mayamaya pa’y nagsindi na sila ng kandila sa harapan ng puntod. Nag-alay ng dasal si Shelby, samantalang nakamasid lang sa kanya ang asawa. Nang matapos sila’y inalalayan siya nito at magkaakbay silang umalis doon.
Pagkagaling sa memorial park, dumeretso na sila sa mansion nila sa Scarsdale. May kaunti silang handaan doon. Wala namang bisita liban sa kanilang mag-anak. Pero nais ni Shelby na magkaroon ng kaunting handaan para sa pang-40 days ng biyenang lalaki. Gaya ng nakasanayan niya sa Pilipinas.
Habang hinahanda ng caterer ang mga pagkain sa mesa na malapit sa pool, nag-radyo kay Gunter ang security guard na nakatoka sa front gate. Dumating daw si Mrs. Albrecht. Papapasukin daw ba?
Nagkatinginan sila ni Gunter. Himala kasi na walang pagwawala sa labas ng gate. Dati-rati’y tatawagan nito si Gunter sa cell phone kung hindi agad siya pagbubuksan at mumurahin ito nang mumurahin. O di kaya, sa harapan mismo ng gate ay magwawala ito kung bakit kailangan pa nitong humingi ng permiso kada dalaw sa mansyon.
“Sometimes, I think you’re right. She has learned to have some manners now that she got what she wanted,” sarkastikong komento ni Gunter at sinabihan ang guwardya na papasukin nito ang sasakyan ng ina. Pero suriin daw mabuti ang loob at labas ng sasakyan dahil baka may kung anong pasabog itong dala.
“Don’t talk like that about your mom,” saway ni Shelby. “She’s still your mom.”
Nagkibit-balikat lang si Gunter at tumalikod ito para kunin si Shy sa yaya. Sinayaw-sayaw nito ang bata at pabirong ihahagis sa pool kung kaya nagtititili ang bulinggit. Natigil ang mag-ama nang makalapit na si Madame. Mukhang pasan ng huli ang daigdaig nang lumapit ito sa kanila. Natigilan silang mag-asawa.
“Mom,” bati ni Gunter dito sabay halik sa pisngi ng ina.
“Hello, Madame Margaux. It’s good to see you again,” bati naman ni Shelby. Saglit na hinuli ni Gunter ang mga mata niya saka pabirong itinirik ang mga mata. Lihim na natawa si Shelby. Pero sa totoo lang naman, ikinatuwa niya ang pagbisita ng biyenang babae. Ibig sabihin ay may kaunti ring itong feelings para sa yumao dahil heto at dumating sa munting salu-salo. Nang padalhan niya ito ng invite, hindi niya inasahang tatanggapin nito kung kaya ikinatuwa niya na naririto ito sa kanilang harapan ngayon. Medyo natakot nga lang si Shy nang makita ito kung kaya biglang nagpapapadyak sa ama habang inuunat ang mga kamay sa ina. Kunin niya raw at ilayo sa lola. Kinuha nga muna niya ito kay Gunter at pinasa sa yaya. Sinabihan nito ang dalawa na lumayo muna kay Madame saglit dahil pumapalahaw ang bata. Pero imbes na ang magyaya ang umalis doon, sina Gunter at Madame na lang dahil nakiusap ang huli na gustong makausap nang masinsinan ang anak. Pumasok sila sa mansyon.
Pagbalik ni Gunter, he looked kind of shocked. Napalipat-lipat ang tingin ni Shelby sa asawa at sa biyenan. Nagtatanong ang mga mata. Imbes na sagutin siya ng isa man sa kanila’y nagpaalam lamang ang mga ito na aalis lang saglit. Sasamahan daw ni Gunter ang ina sa pupuntahan nito.
“But you haven’t eaten yet,” pagtutol ni Shelby sa asawa. Inanyayahan din niya si Madame Margaux na saluhan muna sila, pero tumango lang ito at nagbulong ng pasasalamat baga tumalikod.
“Was it Madame Margaux?” komento ng yaya ni Shy nang makaalis na ang dalawa. Himala raw at hindi lang sinagot nang maayos si Shelby, nagpasalamat pa ito. Ipinagtaka nga rin niya iyon. Bakit kaya?
**********
Napasulyap si Shelby sa kalendaryo. Ilang araw na lang at magdidiwang na siya ng kanyang ika-labindalawampo’t limang taon, pero ni isa sa kanyang pamilya ay hindi man lang nagparamdam. Medyo sumama ang kanyang loob sa mga ito dahil bukod sa dalawang kuya niya na sina Moses at Morris, walang ni isa rin sa kanila ang nakarating sa funeral ni Henry Albrecht. Ang sabi ng mommy niya, iyon ay dahil sa grandma nilang labas-masok ng ospital. Hindi raw nila maiwan basta-basta ang matanda dahil sakitin din ang kabiyak nito. Salitan daw ang dalawa sa sinusugod nila sa ospital noong kapaskuhan. Pero nagparating naman sila ng pakikiramay kay Gunter via videocall. Hindi naman siya masyadong nagsisintir doon. Ang medyo may tampo siya ay itong coming birthday niya. This is the first time na walang kung anu-ano silang pinadala. Dati-rati’y two weeks before her birthday ay may pa-count down gifts na they made sure ay matatanggap niya each day until her grand day.
“A penny for your thoughts?” masuyong tanong ni Gunter sa kanya as he was hugging her from behind. “You’ve been sighing since forever,” natatawa pa nitong dugtong. Kanina pa raw siya parang hindi mapakali.
“Did you receive anything from the mail?” tanong niya rito.
Binitawan siya nito at hinarap. “Are you waiting for some package from the Philippines?”
Hindi na siya sumagot doon. Basta na lang niya tinawag ang isa nilang helper na in charge sa pag-tsek ng dumadating na mails o packages. Kinompirma nito na wala raw itong ibang natanggap bukod doon sa naibigay sa kanyang mga envelopes noong nakaraang araw.
“Whatever it is you’re worrying about, babe, for sure there must be a reason.”
Nang sumapit ang mismong kaarawan niya ng ika-sampo ng Marso, tinamad na siyang bumangon. Hindi lang kasi ang pamilya niya sa Pilipinas ang nakalimot, maging si Gunter din. Katunayan, ang aga nitong nagising kanina at bukod sa nakagawiang halik sa pisngi ay umalis lang ito ng silid nang hindi man lamang siya nababati.
Itutulog na lamang sana niya ang birthday nang biglang may kumatok sa kanilang silid. Napatingin siya sa pintuan. Malamang hindi si Gunter iyon dahil if ever na siya’y bumalik ay hindi na ito kakatok pa. Mayamaya ay nagtititili ang maglilimang buwang si Shy habang papalapit. Nakapaloob ito sa walker niyang tumutunog kada hakbang niya. Napabangon agad si Shelby nang makita ito at kinuha sa kamay nito ang isang talulot ng pink tulips. Nakadikit sa stem ng bulaklak ang isang maikling note na isinulat sa kulay rosas ding mabangong stationery.
Happy birthday, Goddess!
“Oh, thank you, my love,” tuwang-tuwa na sabi niya sa anak sabay hawak sa magkabilang kili-kili nito saka binuhat. Hinagkan ito sa tiyan. Humagikhik si Shy. Pumasok si Ellen, ang yaya, at bumati sa kanya ng magandang kaarawan.
Nagpahid ng mga luha si Shelby. Buti pa ang ibang tao nakaalala, naisip niya.
“Ma’am, should I ask the helper to bring your brunch here in your room?”
Brunch? Ano’ng oras na ba? Napatingala si Shelby sa wall clock at ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang makitang alas onse y medya na nang tanghali!
“Oh no! I will go downstairs.”
Hinagkan niya muna si Shy at binalik ito sa yaya niya tapos ay dali-dali siyang nag-shower. Nang nagbibihis na, nagtalo ang kanyang isipan sa kung ano ang isusuot. Naisip niya sanang magbihis lang ng nakagawian kapag nasa loob ng bahay. Denim shorts at t-shirt, pero nagbago ang kanyang isipan nang isusuot na sana niya ang mga ito. She thought it was her birthday and so she should dress up like a queen kahit na wala sa pamilya niya ang nakaalala. She took her maroon off-shoulder mermaid gown from her closet and wore it. Pinaresan niya iyon ng crystal silver stilleto na pinalalamutian ng mumunting diamonds sa strap. It cost her a fortune to have it custom-made pero sulit iyon. Sa kada suot niya kasi’y binubuwenas siya. Just the thought of a good fortune the pair of shoes bring her was enough to make her perky again. Inayos niya ang buhok at inikot-ikot ito sa tuktok ng kanyang ulo. Nagtira lamang siya ng iilang lawit para magmukha siyang mas bata kaysa sa edad niya. Nang matapos lahat ay nagpahid siya ng bahagyang blush on, eye make up, eyebrow liner, saka lip stick. Sobrang elegante niya tingnan, pero hindi naman sobrang OA. Okay na rin kahit hindi ipagdiwang ni Gunter ang brithday niya. Siya na lang later ang mag-oorder sa paborito niyang Italian restaurant at magpa-deliver ng pagkain for her and all the helpers. Ang importante, she must feel good. And dressing up for her special occasion made her feel that way.
Napaawang ang mga labi ni Ellen nang lumabas siya ng dressing room. Pati si Shy at napapalakpak. Umunat pa ito ng mga kamay at gustong magpakarga sa kanya.
“No, Shy. Later,” sabi ng yaya sabay halik sa ulo ng bata.
Sasabihan sana ni Shelby ang dalawa na magbihis din nang napansin niyang hindi na naka-uniporme ng pang-nurse si Ellen. Maging si Shy ay nakasuot na rin ng mala-prinsesa nitong damit.
Naunang bumaba ang magyaya sa kanya. Dahil naka-stilleto na, dahan-dahan siyang naghakbang pababa ng hagdan. Nang maabot niya ang pinakadulo ng winding staircase nila’y biglang bumulaga ang nakasisilaw na pailaw sa kanilang living room kasabay ng pagsabog ng confetti.
“Surprise!” sigaw ng mga pamilyar na tinig at ang malakas na pagbati ng, “Happy birthday, baby gurr!”
Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her
Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind
Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang
Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.
My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,
Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.