Home / Lahat / Twenty-Four Seconds / CHAPTER FORTY-SEVEN

Share

CHAPTER FORTY-SEVEN

last update Petsa ng paglalathala: 2020-10-04 22:07:33

My Dearest Shelby,

I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.

Your loving husband,

Gunter

P.S.

Hindi na natuloy sa pagbabasa sa postscript si Shelby. Bigla siyang hiningal. My God! Twenty billion US dollars! Pinanlamigan siya. Twenty-five ang sabi sa news pero ang sabi ay corporate loans iyon. Ang alam din niya, hindi liable ang mga executives nito to pay the creditors with their own personal money. Babayaran ang mga utang gamit ang mga assets at pera ng korporasyon. Nalilito na siya. Sa pagkakasabi kasi ni Gunter mukhang personal loans ang twenty billion US dollars. Shucks! Sobrang laki no’n. Kahit pagsama-samahin ang buong San Diego properties at business ay hindi iyon aabot ng five billion US dollars. Tapos here comes their loans at mahigit pa sa five times more ng kabuuan nilang net worth na mag-anak!

Naiyak si Shelby. Hindi na siya nakapasok ng work nang umagang iyon. Marami pa naman sana silang dapat tapusin dahil ilang linggo na lang at mayroon silang malaking event na iho-host. Gosh! Hindi siya mapakali.

“Hey, baby. Natawag ka? Are you all right?” medyo nag-aalala na tanong ng mommy niya.

Hindi na nakapagkuwento si Shelby. Napahagulgol na agad siya sa ina.

“Calm down, will you? Pinapataranta mo kami ng dad mo, anak. What’s wrong?”

Sa paputul-putol na kuwento, sinalaysay ni Shelby ang laman ng sulat ni Gunter. Biglang natahimik ang mom niya sa kabilang linya. Nang may marinig siyang boses uli, galing na sa dad niya.

“Your brothers and I heard about it long before it was reported in the news. We did not want to be the ones to reveal it to you, so we just let it be. If you’re going to divorce him now, anak, do not worry. Nasa likuran mo kaming lahat. Susuportahan ka namin. We will not judge you either.”

Nagulat si Shelby sa sinabi ng ama. Tapos narinig niya ang ina sa background na parang pinapagalitan ang dad niya. Inagaw nga nito ang telepono sa kanyang ama.

“Shelby, anak, if you truly love him, you will accept him with all his imperfections,” malumanay na payo ng mommy niya sa kanya.

“Are you telling your daughter to go ahead with the wedding knowing her husband’s current situation? Paano kung hindi na sila makakabawi? Paano si Shelby? Gugustuhin mo bang maghirap ang anak mo? She’s our only girl for God’s sake!”

Napangiwi si Shelby sa narinig na pagtaas ng boses ng kanyang ama. Hindi man ito ang may hawak ng phone, pero dinig na dinig ang dagundong ng boses.

“What do you want her to do? She cannot forsake her husband just because he has debts! Gunter needs her now more than ever! Isipin mo naman ang damdamin ng mga bata.”

Umatras ang mga luha ni Shelby. Mukhang naging dahilan pa siya at ang problema nila ni Gunter sa pagtatalo ng mga magulang. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng mga ito.

“Mom, Dad. Please. Don’t argue because of us.”

“Sorry, anak. Narinig mo pala iyon,” ang dad niya ulit.

Napabuntonghininga si Shelby. Nagpaalam na lang siya sa mga ito.

**********

Ini-scroll down ni Gunter ang gallery ng kanyang cell phone at napangiti siya nang masilayang muli ang mga candid shots ng kanyang mag-ina. Hinipo-hipo ng kanyang hinliliit ang mapupulang labi ng asawa. Namumula hindi lang mga labi nito sa larawang iyon. Buong pisngi nito’y parang hinog na kamatis dahil sa lamig. Kinuha niya ang picture minsang mamasyal sila sa harbor bago umuwing Pilipinas. Sa sumunod na larawan, lumiliyad si Shy habang tumatawa na para bagang wala nang bukas. Tulo pa ang laway ng bulinggit. Kuha naman iyon sa Pilipinas nang mamasyal silang mag-anak sa Tagaytay.

“Sir, your mom is outside. She wants to come in,” anunsiyo ni Jackson, ang bago niyang assistant.

Mabilis na isinara niya ang photo gallery ng cell phone at binulsa ito. Siya na ang tumayo para salubungin ang ina. Bago pa siya makarating sa pintuan ng silid ay nakapasok na ang ina at mukhang mainit na mainit ang ulo.

“What is the family lawyer talking about? Why is he including me in the list of people responsible to pay Henry’s debts? For God’s sake, Gunter! Do something! Some of the money may have been spent with that bitch! His mistress! You cannot expect me to partly pay those goddamn loans!”

Napangiwi si Gunter lalo na nang murahin ng ina ang babaeng pinakamamahal ng ama. Aminado siyang nasaktan siya noon para sa mom niya nang ikuwento ng dad niya ang tungkol kay Amy Brown for the first time, pero nitong huli ay lubos niya itong naiintindihan.

“Mom, calm down, okay?”

“How can I calm down? I do not want to partly pay for these ginormous loans! And that’s final!”

Napatitig nang matagal si Gunter sa ina. Tinatanong niya sa isipan kung paano nito nalansi ang dad niya noon. At kung paano niya ito naging mommy.

“You know the conditions to the inheritance he left us, Mom.”

“Yes! And I do not care anymore! You can have all of them for all I care! I am not interested anymore! Just clear my name! I do not want to spend a cent to pay for your father’s debts. Period!”

Pinangiliran ng luha si Gunter. Tama nga ang ama niya sa kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang ina tungkol sa utang. Nalungkot siya nang sobra at nanghinayang. Ganunpaman, hindi na siya nagpumilit pang ipaintindi sa mom niya na kahit papaano naman ay nakinabang siya doon sa inutang kasi ang iba roon ay pinantayo nito ng sariling negosyo at pinambayad sa mga pinagkakautangan nito sa Pransiya noong doon pa ito nakatira. Nabaon kasi ito sa utang nang dahil sa pagkahumaling sa casino.

“All right, mom. Rest assured that you will not be bothered by them anymore,” halos ay pabulong na lang na wika ni Gunter.

“Good. I am sorry, son. I just need to protect myself.”

Tumangu-tango rito si Gunter.

“Bueno. Kumusta ka na? Kailan ang libing ng iyong ama?” pang-uusisa nito sa salitang French. Mahinahon na rin ito. At mukhang very pleased with what she has accomplished.

Akala ni Gunter makokontento na ang ina roon. Pero may tinawagan ito sa telepono. Mayamaya ay pumasok ang isang hindi niya kilalang tao. Pinakilala ito sa kanyang bagong lawyer daw nito. She insisted that he put in writing what he promised her. He was stunned. But he obliged and handed her the note she wanted him to sign. Iyong pangako na hindi na ito gagambalain pa sa kung ano mang inutang ng ama. Kahit ang mansyon na lang daw nila sa Manhattan ang bibigay niya rito bilang remembrance daw sa asawa.

Napailing-iling si Gunter, pero lahat ng hiniling nito ay binigay pa rin sa ina.

**********

“Ms. Shelby---if you don’t mind me asking---what’s the occasion? Why are we decorating the house as if we are celebrating something?” tanong ng yaya ni Shy habang nagkakabit ng mga palamuti sa doorway. Mga ginupit nilang hearts mula sa cartolina ang mga iyon. Tinuhog nila ng string at pinalawit sa dingding, kisame, saka sa doorway. Daig pa nilang nagce-celebrate ng Valentine’s day.

Inikot ni Shelby ang mga mata sa kabuuan ng townhouse. Satisfied na siya sa hitsura ng living room ng bahay. Mukhang may Valentine’s party. Pero iyon naman ang gusto niyang ma-feel ni Gunter. Mamaya nang kaunti ay parating na rin ito.

Inuunat ni Shy ang kanyang kamay para abutin ang isang hugis-pusong papel. Tinaas ni Shelby ito para maabot ang gustong hipuing pusong papel. Nang mahipo na’y natuwa ito lalung-lalo na sa glitters. Tumili pa. Natawa sila ng yaya nito.

Mayamaya pa, napatingin silang tatlo sa bandang harapan ng bahay. Narinig nilang may tumigil na sasakyan sa harapan. Dali-daling kinuha ng private nurse ang baby kay Shelby at umakyat na ang mga ito sa kuwarto nila.

Nang marinig ni Shelby na nagbukas ang front door, dumagundong sa kaba ang puso niya. Sobrang cheesy kasi itong gagawin niya kaya kinakabahan din siya dahil baka ma-cringe si Gunter. Pumasok muna siya sa kusina at uminom ng tubig para kalamayin ang kanyang loob. Pagbalik niya sa living room, kahit dim ang light, nakita niya ang anino ni Gunter. Nasa gitna na ito ng sala at umiikot para mabistahan ang high schoolish niyang attempt to make him happy.

In-adjust ni Shelby ang lighting saka pumasok na sa living room.

“You’re still here?!” Parang napapantastikuhan na bulalas ni Gunter nang makita siya. Ang asul nitong mga mata ay tila namasa-masa. Kumurap-kurap nga ito nang ilang beses na parang pinaglalabanan ang kanyang damdamin.

“Where else should I be?” sagot naman ni Shelby.

Inilang hakbang ni Gunter ang pagitan nilang dalawa saka niyakap siya nang mahigpit na mahigpit.

“I thought you were gone! I would’ve understood it if you’ve decided to leave me,” halos ay pabulong nitong wika.

Gumanti ng mahigpit na yakap si Gunter kay Shelby. She felt him trembling na para bagang natakot for what could have been.

“I have thought it over. I came to a realization that I would rather be poor helping you pay your debts than be rich and not be with you forever.”

Nilayo siya saglit ni Gunter sa katawan saka sinapo sa magkabilang pisngi. Nauna pa itong umiyak kaysa sa kanya. His blue eyes were sparkling with tears of happiness.

“I—I just couldn’t believe it! Dad is right again! With you!” napapantastikuhan na naman nitong wika.

Si Shelby naman ay pinangunutan ng noo. “Your Dad has predicted this to happen?”

Tumangu-tango si Gunter at masuyo na siyang hinagkan sa mga labi.

**********

8 AM, December 29th. An hour after Gunter left their townhouse

“I cannot understand it, Mr. Schmidt,” sabi ni Gunter sa Finance Director nila nang nilalatag nito ang tunay na katayuan ng Skylark Quandt Corporation. Malayo ito sa lumalabas na balita.

“Your dad wanted us to keep this a secret until the real enemy is gone. He wanted to get rid of those people who were more loyal to money and to Mr. Schlossberg than to you or the corporation so that you will be safe even if he is no longer around,” dugtong naman ng Information Technology Director na si Mr. Barrett.

“It was a huge risk, yeah.” At medyo natawa pa rito ang Marketing Director na si Mr. Kafel. “Just so we cannot be sued for misleading our creditors and investors, we actually talked to the big ones and made them swear in secrecy. We also tried to reassure the smaller stockholders to keep calm because everything will be all right. Although not many of them believed us, at least there are still those who stayed with us.”

Napanganga lang si Gunter sa kanilang tatlo.

“You see, five years ago, your dad discovered that Mr. Schlossberg is determined to take over the mining and half of the corporations’ subsidiriary companies. I think he felt your father owed them to him for being loyal all these years and for keeping his well-guarded secrets,” patuloy pa ni Mr. Schmidt. Kinuwento nito na noong kaka-migrate lang daw kasi ng parents niya sa US ay nangako ang ama sa loyal nitong assistant na si Mr. Flynn Schlossberg na balang-araw kapag pinalad sa negosyo sa Estados Unidos ay papartehan ito kagaya ng isang kapamilya. Katunayan, dahil daw namatay ang noo’y kaisa-isa nitong anak na si Skylark, nilagay daw ng dad niya sa last will and testament nito na sakaling mamatay siya ano mang oras sa edad na apatnapu’t isa ay hahatiin ang kanyang properties pati na ang negosyo sa kanyang asawa at sa dakila niyang alalay. Iyan ay kung wala na rin si Amy St. Claire. Pero kapag ito’y buhay pa, ang kalahati ay mapupunta sa babae at paghahatian daw ng mom niya at ni Mr. Schlossberg ang kalahating ari-arian ng dad niya.

Dito pinangunutan ng noo si Gunter. “But that cannot be allowed in court, right? Mom’s the legal wife. If that had happened, Mom can contest his last will, I presume?”

“Yes. But he was planning to divorce your mom then, so he was confident that he will be able to do it,” sagot naman ni Mr. Barrett.

Marami pa silang napag-usapan. At kasama na roon ang kondisyones na bago nila sabihin sa mom niya ang tunay na estado ng korporasyon ay kailangan muna nilang alamin kung gaano ito ka-loyal sa namayapang asawa. Ang ibig sabihin ay dapat nitong sabihin na susuportahan siya sa pagbayad sa mga fictional loans. Sa parteng ito ay nalungkot si Gunter. Kilala niya kasi ang mommy niya. Natitiyak niyang mabibigo siya rito.

Sa sandaling iyon ay naisip niya si Shelby. Parang dinaklot ng kung ano ang puso niya at piniga. Gosh, paano kung pati ang asawa niya ay tatalikod sa kanya? Malinaw ang bilin ng dad niya. He can only be with someone who would share his joys as well as his sorrows. Nag-iwan pa naman siya ng sulat kaninang umaga na baon na baon na siya sa utang at maiintindihan niya kung aayawan na siya ni Shelby at bumalik na ito sa pamilya.

Napasinghap siya at napatayo agad. Parang hindi siya makahinga.

“Are you all right, Mr. Albrecht?” tanong ni Mr. Kafel.

Nagkatinginan ang tatlong lalaking nakaupo sa kanyang couch. Napadako naman si Gunter sa mini-bar niya sa hindi kalayuan. How he wished Frederick is around. Sa ngayon sana ay minamanduan na niya itong igawa siya ng scotch on the rocks. Kailangan niya iyon para kumalma ang kanyang kalamnan. Masigaw-sigawan nga lang niya ang assistant ay therapeutic na para sa kanya.

“Should we continue this meeting some other time?” tanong ni Mr. Schmidt.

“No, no, no. We have already postponed it for the second time. I want to know the rest of the story.”

**********

Nang humupa na ang damdamin nila pareho ni Gunter, in-on na ni Shelby ang mga ilaw sa living room. Napabungisngis si Gunter nang makita ang hitsura ng sala nila. No’n nakaramdam ng hiya ang babae. Naisip agad niya kung masyaong cringey ang ginawa niyang decorations.

“Is it too high schoolish?” tila nag-aalalang tanong ni Shelby, but she was smiling.

Lalong natawa si Gunter. Hinila niya uli ang asawa at hinagkan sa ulo nang may tunog. “I like it! God knows how much I like it!”

Kumikislap sa kalokohan ang mga mata ni Gunter. Lalong nagduda si Shelby. Sinipat niya ng mga ang ekspresyon sa mukha ng asawa kung ito ba’y nagsasabi ng totoo o baka natatawa sa ginawa niya o what. But all she could see was genuine happiness. Mukhang hindi naman siya pinagtatawanan.

“Shy helped us putting the glitters on the hearts,” pagbibida ni Shelby.

“She did?” hindi makapaniwalng tanong ni Gunter.

“Yeah. She did!” At kinuha nito ang cell phone sa ibabaw ng center table at pinakita kay Gunter ang ilang shots na binubudburan ni Shy ng glitters ang mga pusong papel. Lalo itong natuwa.

Nagkuwentuhan pa sila tungkol sa preparasyon at pagde-decorate ng bahay bago ito niyaya ni Shelby na tumungo na sa kusina para makapagdinner na sila. Pinaghain ng babae ng baked baby back ribs si Gunter ala-Filipino style. Inihain din nito ang lemony potato salad na ginawa niya kanina sa tulong ng private nurse ni Shy.

Pagkalanghap ni Gunter sa baby back ribs, hinawakan agad nito ang kanyang magkabilang mga kamay. Pinangiliran na naman ito ng mga luha.

“I—I really thought you would leave me,” sabi nito sa paraang parang hinihingal. I was so scared to get inside the house thinking I would be greeted by the eerie silence.”

Napapisil din si Shelby sa mga kamay ng asawa.

“I have to admit, I was tempted to just go home and leave you. I --- I was scared to even think about our future together. Twenty billion dollars is a lot of money! My family’s assets, even if we all put them together, is barely five billion dollars. We cannot---we can’t help you even if we want to,” malungkot na sagot ni Shelby.

“Then what made you stay?”

“I talked to my mom. Then, I did some self-reflection. I realized I cannot leave you like this. Plus, I also do not know what to do with my life without you.”

Napangiti si Gunter at tuluyan nang tumulo ang pinipigilang mga luha.

“Ano ba? Kanina ka pa iyak nang iyak!” natatawang asik dito ni Shelby, pero maging siya man ay nagpapahid na rin ng mga luha.

**********

Gunter was shocked to see who was responsible for stealing back the gold bars stolen from their ten mining companies. Ang sabi sa kanya ng dad niya noon, kaya nalulugi ang kanilang mga minahan ay dahil may mga nagpupuslit ng mga naminang ginto. Later na lang nitong sinabi na malakas ang kutob na ang pinakapinagkakatiwalaan niyang tao ang nanloloko sa kanya. At iyon ay walang iba kundi si Mr. Schlossberg.

“How are you, boss?” bati nito. He sounded a bit hesitant. Nang ngumiti ito sa kanya ay may pag-aalinlangan na. Hindi tulad ng dati.

He felt like rushing towards him and giving him a hug. It has been a long time. Parang ang tatlong linggong hindi nito pagpapakita sa kanya ay parang napakatagal.

“You?” hindi makapaniwalang tanong ni Gunter sa kausap. “What the hell were you doing?” tanong pa ulit nito sa paraang tila naiinis.

“You haven’t changed, boss. You are still the same. Irritable as ever. Are you and Ms. Shelby okay? Did she ditch you for that footballer? I heard Dela Peña went to the Philippines for a vacation, too. I also heard he went home alone.”

“Don’t change the subject. What the hell were you doing? Kanino ka na naman nagtatrabaho sa ngayon? Una, pinaniwala mo ako na loyal ka sa akin at sa Skylark Quandt. Tapos malalaman ko na lang na tauhan ka pala ni Mr. Schlossberg! And now---do not tell me you were working for my dad!” asik niya rito sa magkahalong English at German.

Ngumiti na nang mapakla si Frederick. He looked sad now. “I have always been working for your dad. But I have to make Schlossberg believe that I was one of his people.”

“What?! Seriously?”

Tumangu-tango ito.

**********

Natigilan si Shelby sa paghakbang papasok sa upisina ni Gunter nang makita niyang nakaupo sa isa sa mga visitor’s chair na kaharap ng desk ng asawa ang dati nitong assistant. Na-sense siguro ni Shy ang biglang pag-stiffen ng kanyang kalamnan dahil napatitig ito sa kanya tapos sa direksiyon ng ama. Nakaangkla ito sa tagiliran niya kasi. Saglit na napangiwi si Shy dahil siguro nakita nitong medyo nag-aalangan siyang humakbang papasok ng silid, pero nang masilayan nito ang dad niya napatili na lang ito bigla.

“Hey there, my loves,” tumatawang salubong sa kanila ni Gunter. Hinagkan nito sa pisngi ang bulinggit na nagkakawag at parang hindi na makapaghintay na makuha ito ng ama saka siya naman ang hinalikan nito nang light lang sa mga labi.

Although natuwa rin si Shelby na makitang naka-survived si Frederick sa natamo nitong sugat, she felt a bit uneasy knowing that a few weeks ago ay nalagay ito sa sitwasyong kailangan nitong mamili kung papatayin ba siya o ano.

“How are you, Ms. Shelby?” magalang nitong tanong sa kanya.

“I am fine. Thank you. And how are you?”

Shelby felt like she was reciting an English textbook for beginners. Pero parang mayroong balakid sa pagitan nilang dalawa. Hindi na tulad noon. Kahit na hindi naman nito sinunod ang utos ng kanyang assistant na patayin siya, the fact na naging bahagi ito ng tauhan ni Schlossberg ay sobrang nakakaduda na.

“I am good. Thank you,” sagot din ni Frederick. Magalang. Tumayo na rin ito at nagpaalam na.

Mayamaya pa, bumukas ang silid at sumilip sa maliit na siwang nito ang executive secretary ni Gunter. Si Mrs. Smith. Tinatanong nito ang boss kung okay na raw ba na papasukin ang ka-appointment nito nang araw na iyon?

“Who’s that?” tila walang interes na sagot ni Gunter sa sekretarya. Nawiwili ito sa kapapatawa kay Shy na sa bawat pakengkoy look nito’y napapabungisngis ang bata.

Bago pa makasagot si Mrs. Smith ay lumitaw sa likuran nito si Albus Smith, Junior.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Twenty-Four Seconds    EPILOGUE

    Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FIFTY

    Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-NINE

    Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SEVEN

    My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SIX

    Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status