LOGINShelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.
“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.
Tumikhim ang lalaki at may binulong din kay Gunter. Samantala, si Albus Smith, Jr. naman ay nanatili sa bandang pintuan. Nakasara na ito at wala na rin ang sekretarya roon, pero si Albus ay nananatiling nakatayo lamang doon. Naghihintay na senyasan siya ni Gunter na tuluyang pumasok na. Napatingin ito sa kanila ni Shy. At kahit kakitaan ng kawalan ng interes sa kanilang mag-ina ang lalaki, nakaramdam pa rin siya ng discomfort. O mas tamang sabihing, takot.
“I think it’s better for me and Shy to leave you alone for now. Let’s just see each other at the funeral later on.”
No’n lang uli napatingin si Gunter sa kanila. Tumango ito saka binalingan si Albus Smith, Jr. na lumalapit na sa desk nito kung saan ito nakaupo na ngayon. Habang naglalakad ang lalaki palapit sa kanila, lumalakas naman nang lumalakas ang tibok ng puso ni Shelby. Halu-halo ang emosyon niya. Galit para sa best friend niyang si Dane na pinaasa nito’t tinalikuran. Pagkasuklam naman para kay Shy nang maalala na ito raw mismo ang nagsuhestyon noon sa kaibigan niyang ipalaglag ang bata. A part of her felt like confronting him and making him realize what an a*shole he has been. Pero sa kabila ng ganoong damdamin, nangibabaw ang takot niya na baka alam nitong si Shy ay anak nila ni Dane at ngayo’y binabawi na ang bata.
Aalis na sana si Shelby sa harapan ni Gunter pagkalapit ni Albus Smith, Jr. nang biglang mapaliyad si Shy na tila nililingon ang balasubas niyang ama. Kitang-kita ni Shelby na tila nagkatagpo ang mga mata ng dalawa. Habang sinusuportahan niya ang likod ng bata at pinapaharap itong muli sa kanya, napangiwi si Shy. Ang kaninang masayahing baby ay biglang pinangiliran ng luha. At walang kung anu-ano’y ngumawa ito. Nagulat si Gunter. Napatingin din kay Shy si Albus Smith, Jr.
“Hey, little one,” alo agad ni Gunter. Inilang hakbang lang nito ang papunta sa kanilang mag-ina. “What’s wrong?” tanong pa nito sa masuyong tinig habang hinahawakan ang munting kamay ng bata. Lalong umiyak si Shy. Iyong may pagsinok. Nataranta si Shelby. Hindi niya malaman kung paano ito patahanin.
“Oh, is that your daughter?” nakangiti namang tanong ni Albus Smith, Jr. kay Gunter. Nagsuhestyon ito kung paano patahanin ang bata. Tapik-tapikin daw sa likod o di kaya sa puwet. Epektibo raw iyon. Iyakin din daw kasi ang baby niya na halos kasing edad daw ni Shy kung kaya alam na niya kung paano pinapatahan ang isang nag-aalburutong sanggol.
Saglit na kakitaan ng matinding galit sa mga mata si Gunter, pero kaagad naman nitong kinontrol at hawak na nito ang damdamin nang humarap kay Albus Smith, Jr.
“I think you look familiar,” sabi pa ng walanghiya nang magkaharap sila ni Shelby. Hindi kasi sila pinakilala rito ni Gunter. At aalis na lang sana siyang hindi naipakilala sa bisita. Ganoon naman ang gusto niya. Para ano pa kasi? Kahit noon naman, noong nagde-date pa lang sila ni Dane ay hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataong pormal na magharap. Ni hindi nga niya alam kung aware itong friend siya ng dating pinaasa.
“She must be. She’s one of the most sought after fashion designer in New York,” sagot ni Gunter. Matter of fact ang tono. Pero may pride sa boses.
May katwiran ang asawa niya. Dapat nga siyang makilala nito dahil hindi nalalayo ang negosyo nila. Nasa gowns nga ang pokus ng kanyang boutique pero kahanay pa rin ng negosyo ng hunghang dahil t-shirt ang tinitinda nito, which reminded Shelby. Ano ang sadya nito kay Gunter gayong hindi naman nag-i-invest sa ganoong larangan ang Skylark Quandt? Eh di sana kay Madame Margaux na lang sana sila nakipagsosyo? O di kaya sa boutique niya.
“I must go. See you later, babe,” paalam niya kay Gunter.
She was wondering about what made Albus Smith, Jr. visit her husband, pero mas lamang na gusto niyang ilayo roon si Shy. Wala na siyang pakialam kung hindi man lamang sila pinakilalang mag-ina. O kung medyo bastos ang naging dating niya rito na umaalis nang hindi pormal na in-acknowledge ang presence nito. Iintindihin pa ba naman niya ang pagiging polite o respectful sa taong nagbasura sa BFF niya at sa anak nito?
**********
Napakamot na lang ng ulo niya si Gunter nang prente nang naupo sa kanyang harapan ang lalaking kinaiinisan ng asawa noon pa. Siya ma’y mabigat din ang dugo sa hinayupak. Dapat pala’y ni-review niya muna ang listahan ng ka-meeting niya nang araw na iyon. Heto tuloy.
“I never thought I would have a chance to meet the most elusive businessman in New York City. So the journalists are right after all. You are larger than life,” nakangising pahayag ng lalaki. At napansin agad ni Gunter ang resemblance nito kay Shy. Dito pala namana ng bata ang haba at makapal nitong pilik-mata pati na ang nipis ng mga labi. The more he stared at the guy, the more he realized Shy kind of look like him. And he does not like it.
Kaya nasa harapan niya si Smith dahil naghahanap ang kanilang subsidiary company sa LA ng supplier ng t-shirt para sa ilo-launch nilang campaign na maghihimok sa mga taong maggo-green sa kanilang construction supplies. Swak na swak ang kompanya ni Smith dahil topnotch company ito when it comes to sustainable and eco-friendly t-shirt. Ayon sa kanilang pananaliksik, non-toxic dyes at organic fabric lamang ang ginagamit ng mga ito sa proseso ng paggawa ng kanilang produkto, isang bagay na hinahangaan ng mga environmentalists. Gusto niyang magkaroon ng spill over effect ang good impression ng mga tao sa kompanya nito sa subsidiary company nila.
Nagtalo ang isipan ni Gunter. Halata na na-sense ni Shy kung sino ang lalaking ito at base sa reaksiyon ng anak niya, ayaw na ayaw nito kay Smith. Paiiralin ba niya ang pagiging negosyante o pipiliing pahalagahan ang damdamin ng kanyang mag-ina?
“Uhm, I---” Napahilot si Gunter sa sentido.
He may be arrogant sometimes, but he was rarely unreasonable pagdating sa negosyo. Hindi siya basta-basta nagpapadala sa emosyon lalo pa kung ang nakasalalay ay ang interes ng korporasyon. But he was being haunted by Shy’s seemingly painful cry. Parang matindi ang epekto ng presensya ni Smith para masira nito ang mood ng baby. Kanina lang kasi ay tawa ito nang tawa.
Medyo kumunot nang kaunti ang noo ni Smith. Parang nakikinita na siguro nito na uuwi siyang luhaan. Hindi na ito tiningnan ni Gunter nang hinulog ang bomba. Deretsahan nitong pinahayag sa lalaki na pagkatapos daw nitong tingnan ang proposal nito kaninang umaga ay nagbago ang kanyang isipan. Sinabi niya rin dito na may kaunting changes sa gagawing campaign ang subsidiary company nila. Hindi na t-shirt ang gagamitin nitong panghikayat sa paggo-green ng mga tao kundi mismong produkto na nila.
“Are you saying that you made me come all the way from New Jersey for nothing?” malamig na sagot ni Smith. He was squinting at him. Nakatingin na rito si Gunter nang mag-umpisa itong magsalita. Kung kanina’y he was very polite, this time kakitaan na ito ng arrogance at insolence.
“My secretary was supposed to call you this morning. Perhaps, it slipped her mind because she was busy preparing for my dad’s funeral, which will be in two hours.”
Biglang nagbago ang mukha ni Smith. Tila parang nag-alala ito. “Does this have something to do with what happened between our parents?” tanong niya. Halos pabulong.
Nagpakita ng pagkabigla si Gunter. Tapos ngumiti siya. He wanted him to see that he did not care about it a little bit. “It was none of my business, Mr. Smith. That was between my dad and your dad. If I do care about them, then we would not have given you an opportunity to submit your proposal for our planned campaign.”
Saglit na natahimik si Smith. Kung tinatanggap nito ang paliwanag niya ay hindi niya alam. Basta tumayo na ito at nagpahayag ng pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang ama at nagpaalam na agad. Nang wala na si Smith, tinawag agad ni Gunter si Jackson at pinaliwanag dito na sa susunod ay i-orient siya muna nito kung sino-sino ang sini-set nitong makipag-meeting sa kanya.
“Yes, sir. I’m sorry about this. But yesterday when I told you about this eco-friendly company, all you said was set an appointment with their CEO ASAP. So I thought you might want to meet with Mr. Smith before the New Year.”
Pinangunutan ito ni Gunter. Sinabi ba niya iyon? Kahit na! Kung si Frederick ito, hindi sana nangyari ang ganito. Alam ng hudas na iyon kung sino ang bawal at hindi bawal sa kanya.
**********
Kumapit sa braso ni Gunter si Shelby nang binababa na sa lupa ang kabaong ni Henry Klaus Albrecht. Nakaramdam siya ng ibayong lungkot. Ganunpaman, naisip din niya na marahil hanggang dito na lang ang dad ni Gunter. At least now, no more loneliness. Makakasama na nito ang babaeng pinakamamahal.
Napatingin si Shelby kay Madame Margaux nang bigla na lang itong nanlambot at muntik nang matumba. Ikinagulat iyon ng kakarampot nilang mga bisita na nakiramay sa pamilya. Mabuti na lang at mabilis na umalalay dito si Lord Randolph. Hindi natuloy na himatayin ang madame.
Binitawan niya ang braso ni Gunter nang bigla itong napapiksi dahil din siguro sa gulat. Dadaluhan din sana nito ang ina, pero sinabihan siya ni Lord Randolph na ito na raw ang bahala kay Madame Margaux. Hindi na nagkunwaring magpakita ng concern si Shelby. Alam naman niyang dededmahin siya ng babae. Baka mag-eskandalo pa ito roon. Heto kasi’t nailathala na ang kasal nila ni Gunter sa Hunyo ng susunod na taon pero mariin pa rin nitong tinututulan iyon lalo pa’t naka-recover na ngayon si Adeline Grayson at wala na sa eksena si Marinette Schlossberg. Ang dinig niya’y nasa isang psychiatric ward na ang huli. Hindi lang pinapaalam ng ina nito sa publiko. Ayon sa narinig niyang tsismis, hindi raw nakayanan ng dalaga ang pagkamatay ng kanyang ama at pagkakasangkot ng kanyang pamilya sa matinding kahihiyan. Mom and dad kasi nito ang na-involved sa money laundering at embezzlement. Pareho kasing nagtrabaho ang mga ito sa mga kompanyang hawak ng mga Albrecht. Parehong nasangkot din sa pagnanakaw.
“Will your mom be okay? Do you want to invite her to our house for the New Year?” bulong ni Shelby kay Gunter nang bumalik na ito sa kanyang gilid.
“What? No!” pakli nito. Ang ‘no’ ay biglang napalakas. Napatingin sa kanila ang mga nakiramay na mga kaibigan at kakilala ng pamilya. Pati si Madame Margaux. Sinimangutan nito si Shelby.
Tumikhim-tikhim si Gunter at sinenyasan ang mga bumababa sa kabaong ng ama na ipagpatuloy ang ginagawa. In-off kasi nila ang makina na nagbababa sa kabaong ng ama. Inisip siguro nila na pinapahinto sila ni Gunter.
Nagpatuloy ang pari sa pagbasbas sa kabaong ni Henry Klaus Albrecht. Nang ibigay nito kay Madame Margaux ang bottle of holy water at sabihan itong gayahin ang ginawa, akala ni Shelby ay tatanggi si Madame. Hindi pala. Habang nagwiwisik ito ng holy water ay biglang napahagulgol sabay sabi ng, “I’m so sorry, Henry.”
Nagbulung-bulungan ang mga tao. Shelby felt Gunter’s arm stiffened. Apprehensive marahil ito sa sasabihin ng ina. Baka siguro naisip nitong may pasabog na naman ang mom niya at sasalubungin nila ang bagong taon nang pinag-uusapan ng buong New York City ang kanilang pamilya.
“I should have been the one in your shoes, right now. You were a good man. The best husband a wife can ever have. And the best father, too. Thank you for giving me two wonderful sons.”
Napahinga nang maluwag si Shelby. Marahil ay ganoon din si Gunter. Kahit papaano ay na-touch siya sa sinabi ni Madame sa asawa. Maluluha na sana siya nang mahagip nitong pasekretong nag-roll eyes ang bruha nang magtama ang paningin nila ni Lord Randolph. Saglit na may namutawing ngiti sa labi ng assistant nito. Siya nama’y napakuyom ang mga palad.
**********
Halos alas dies na ng gabi nang makauwi ng townhouse si Gunter kung saan nanatili ang kanyang mag-ina. Hindi pa rin kasi sila nakalipat sa mansyon sa Scarsdale dahil sa ang daming dapat ayusin. Naantala kasi ang renovation niya sa bahay na iyon nang bigla silang magdesisyon noon ng dad niya na ipagbili rin iyon para makatulong sa pagbayad ng kanilang mga pinag-utangan. Hindi naman kasi sinabi ng kanyang ama na fictional loans lang naman pala iyon. Pinaniwala siya nito na baon na baon na sila sa utang. Hindi na niya inaasahang gising pa si Shelby nang mga oras na iyon dahil sa alam niyang pagod ito. Naging abala rin kasi ito kanina sa pag-aasikaso sa boutique. Sumaglit pa kasi ito roon pagkatapos ng funeral. Kaya ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang madatnan ito at ang private nurse ni Shy na si Ellen na aligaga sa paghahanda ng mga pagkain.
“Hi, babe! Happy New Year!” masigla nitong bati sa kanya. Sinalubong pa siya ng party popper. Humagalpak ng tawa si Shy na noo’y tila kagigising lang sa mga bisig ng yaya.
“You should have taken some rest, babe,” sabi niya rito.
“No. We, Filipinos, do not sleep until we are done with media noche.” At pinaliwanag nito ang tradisyon daw ng mga Pinoy na maghanda nang bongga para salabungin ang bagong taon.
Naalala ni Gunter ang tradisyong iyon. Isa iyon sa pinaalala sa kanya noon ni Frederick. Napaupo na lang siya tuloy sa mesa habang hinihintay na maluto ang hinahanda nitong baked something. Sa pagod hindi na niya masyadong pinagkaabalahang alamin kung anu-ano ang mga hinanda nila. Basta it smelled good. Kinuha ni Gunter si Shy kay Ellen at kaagad na pumunta sa kanya ang bata. Hinawakan nito ang magkabila niyang mukha at tumili ito nang tumili nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Tawa na naman nang tawa ang bulinggit. Ibang-iba sa reaksiyon nito kanina nang makita ang tunay na ama.
Pagkatapos magsalo sa isang masaganang media noche ay nagpaalam na si Ellen na ipapanhik na nito si Shy sa itaas. Kaagad namang binigay ni Gunter ang bata rito. Sila ni Shelby ang naiwan sa kumedor.
“We are leaving this house first thing tomorrow,” sabi niya agad kay Shelby.
“Right away? Why not wait after a few days?”
Pinangunutan niya ng noo si Shelby. Hindi iyon ang inaasahan niyang sagot mula rito. Alam niyang naliliitan ito sa bahay na iyon dahil kung tutuusin mas malaki pa ang espasyo ng mini-gym nito sa condo sa Upper East Side kaysa sa buong lote na kinatitirikan ng maliit nilang townhouse. Two hundred square meters lang kasi iyon.
“I thought you cannot wait to move to our real home?” untag niya rito.
“This is also home,” nakangiti nitong pakli. Pinaliwanag na naman nito sa kanya na sa mga Filipino raw dapat nagsasaya lang at nagre-relax sa bagong taon. Bawal ang paglilipat ng bahay. Kasi ayon daw sa pamahiin baka wala na silang ibang gawin sa buong taong iyon kundi ang magpalipat-lipat ng bahay. “We need to have stability especially at the start of the year,” dugtong pa nito.
Natawa naman siya. Sa pamilya niya kasi’y walang bawal-bawal. Biniro pa niya ito. Ayaw ba nitong lagi na lang silang lumilipat sa mas magarbo at marangyang tahanan? Kung totoo ang pamahiin nila eh di dapat okay lang na lumipat na sila ng Scarsdale dahil ibig sabihin ay lagi silang mag-a-upgrade ng tahanan the entire year.
Umiling-iling si Shelby. “No. Moving houses mean no stability. Na-ah.”
Dumukwang siya at hinalikan ito sa pisngi. Ang cute talaga ng babaeng ito, naisip niya. He was licking the icing of the cake on her lips when his phone beeped. Sunud-sunod. May dalawang magkasunod na text messages. Hindi niya sana papansinin ito pero nagkaroon ng pangatlo. Lumayo siya saglit kay Shelby at tiningnan kung saan galing ang mga iyon. Kay Albus Smith, Jr.
I now understand how you and your wife got a baby when it was never reported on the news that you got somebody pregnant. May nakangising emoticon sa dulo ng text.
Ang sumunod na mensahe ay nagpahayag na alam na raw nito kung kanino nila kinuha ang bata. Ang third text ay nagsasabi na huwag daw siyang mabahala. Hindi raw nito sasabihin kahit kanino ang nalamang sekreto. May kabuntot itong emoticon na nagtatakip ng bunganga. Although he never mentioned he knew he was Shy’s father, parang ganoon na rin ang intindi ni Gunter sa mensahe ng hudas.
“What is it?” tanong nI Shelby sa kanya. She glanced at his phone.
Kaagad niyang sinilid iyon sa bulsa ng pantalon at hinalikan sa tungki ng ilong si Shelby.
“Let’s go upstairs now,” sabi niya rito sabay hawak sa kamay nito.
**********
Nagising si Shelby bandang alas tres nang umaga na niyayakap nang mahigpit ni Gunter. She also felt his warm, little kisses on her nape, neck, and earlobes. Nakiliti siya bigla kung kaya impit siyang napatili.
“What are you doing?” tumatawa niyang tanong rito.
“Nothing,” tila paungol nitong sagot.
“You’re crazy, Gunter. We already embraced the New Year with a bang!” she reminded him. At nag-init ang kanyang mukha nang maalala ang pinaggagawa nila kanina nang bandang midnight.
Napabungisngis si Gunter. He sounded like a very satisfied and happy man. Shelby was proud of herself. Alam niyang sila ni Shy ang dahilan kung bakit sa kabila ng patung-patong nitong problema ay napagtagumpayan ito ng asawa at ngayo’y masaya pa rin.
Hinarap niya ito at binigyan din ng little kisses sa mukha. Napaungol si Gunter. And she felt him hardened. She teased him with a little nudge from her knee. Napaungol uli ito at lalong diniin ang hinaharap sa kanyang tuhod. Hindi na nakontento roon. Kinubabawan na agad siya and he pinned her down on the bed and kissed her passionately on the lips. Nagpagulong-gulong sila sa kama. Gunter was about to take off her nighty when his cell phone rang. Nagulat sila pareho lalo pa at tahimik ang buong kabahayan pati na ang neighborhood.
“Who was it? It’s three in the morning.”
“Maybe some random caller,” sagot nito sa kanya. Inabot nito ang phone at in-off ang ringer. Then, he smiled as he lowered his body to meet hers. Tinaas na ni Shelby ang dalawa niyang binti at pinulupot ito sa baywang ng asawa. Diniin na rin niya ang lower part ng katawan sa harapan nito na ramdam na niyang nag-aalburutong parang bulkang sasabog. She teased him again by pressing her womanhood on it. Tapos ay kinagat-kagat niya ang punong tainga nito na lalong nagpakiliti kay Gunter. Impit din itong umuungol dahil alam nila pareho na nasa kabila lang ang kuwarto nila Shy at Ellen.
Nahubad na nito ang kanyang nightgown at bumababa na ang mukha nito sa kanyang dibdib to claim one of her prized assets nang nag-vibrate ang cell phone nito na nasa side table. Ang lakas. Para bagang nagwawala rin ang CP. Nakikiayon sa kanilang mga damdamin. Nairita si Gunter.
“I do not think that’s a random caller, babe. That might be your mom. She might need some help,” sabi niya rito. Nawala nang parang bula ang pagnanasang naramdaman niya kanina. Parang binuhusan ng malamig na tubig sa isiping baka nga nasa panganib si Madame Margaux. Sa mga nangyari sa pamilya Albrecht nitong nakaraang mga araw ay hindi iyon imposibleng mangyari.
Bumangon si Gunter at tiningnan ang cell phone niya. Naki-usyuso na rin si Shelby mula sa likuran nito. At bigla siyang pinanlamigan nang may makita roong unread message pa.
You have to thank me for your little blessing, Mr. Albrecht. Happy New Year! –AJ Smith.
“The bastard knew!” halos ay pabulong na lamang na naibulalas ni Shelby kay Gunter. Napayakap siya sa asawa mula sa likuran nito. Bigla siyang naalarma.
Kaagad na hinawakan ni Gunter nang mahigpit ang kanyang mga kamay. Masuyo pa nitong hinalikan ang pisngi niya. Kahit papaano, Shelby felt comforted.
Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her
Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind
Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang
Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.
My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,
Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.