Home / Lahat / Twenty-Four Seconds / CHAPTER THIRTY-ONE

Share

CHAPTER THIRTY-ONE

last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-05 22:02:52

Gulat na gulat ang lahat ng nasa press conference ni Shelby nang biglang lumitaw si Gunter sa bandang pintuan ng conference room ng Shelby Madeline San Diego Fashion House at sagutin ang tanong ng isang pangahas na paparazzi na si Christopher P. Ferguson. Ang sabihing lubos na nakahinga nang maluwag si Shelby ay parang kulang. Paera siyang nabunutan ng tinik. Kanina pa kasi siya napupuno sa walang habas na tanong sa kanya. Isipin ba namang pati ang pag-consummate ng kasal ay itatanong pa nila? Isa lang ang ibig sabihin no’n. Wala silang pakialam sa damdamin niya.

“What if I do not want to?” ulit ni Gunter nang nasa harapan na siya ni Ferguson. Naghahamon ang kanyang tingin. Hindi agad nakasagot ang paparazzi.

“Mr. Albrecht,” pa-cool nitong bati kay Gunter nang makabawi sa pagka-gulat.

“You didn’t answer my question. What if I do not want to?”

Tumikhim-tikhim ang lalaki. “Well, you used the word ‘if’. And that makes it a hypothetical question. I must admit it’s difficult to answer a hypothetical question.” At nginitian pa nito nang mapakla si Gunter.

“Is that so?” pakli naman ni Gunter. Cool lang din ito.

Si Shelby ang hindi mapalagay sa maaari nitong isagot. Doon kasi nakasalalay ang kanyang alas. Kung aminin nitong may plano nga siyang hiwalayan in the near future, lagot. Wala na siyang maihaharap pa sa mapanghusgang mga papaprazzi na ito.

“You do entertain the thought of divorcing your so-called wife, right, Mr. Albrecht? You have realized that although she’s not poor herself, the Schlossbergs have more power in the States and elsewhere in the world and it would benefit your business a great deal should you go ahead with your plan to marry their only daughter, Marinette Schlossberg. Even Adeline Grayson, your original fiancee is not a bad choice either. You can also benefit from the union business-wise. Afterall, her family is connected to the White House, the much-coveted connection. Perhaps, that’s why your mom is very keen with you rekindling your romance with Adeline rather than Marinette, right?”

Nakita ni Shelby na napaigting ang bagang ni Gunter. Akala niya sisigawan na nito at pagagalitan si Ferguson sa kanyang kapangahasan. Pero hindi.

“People do not live on wealth and power alone, Ferguson. There’s more to life than just that.”

“Mr. Albrecht! Over here, please!” sigaw ng ibang reporters na nandoon. Hindi na nila pinansin si Shelby. Hindi alam ng babae kung matutuwa ba siya o ano. Pero naipagpasalamat niya ang pagdating doon ni Gunter dahil nakapahinga siya sa kakaisip ng isasagot sa mga below the belt nilang tanong.

“Are you telling us that you love your current wife?” anang isang babaeng reporter nang balingan na ni Gunter sa wakas.

Napasinghap si Shelby. Kahit na ilang beses nang nagtapat si Gunter sa kanya naroon pa rin ang kanyang pangamba. Ibang usapin na kasi kung aamin ito sa harap ng mga press people. Para na ring pinagsigawan nito sa buong mundo kung ano ang tunay na damdamin para sa kanya.

“What do you think?” sagot ni Gunter sa mahinang tinig saka tumingin kay Shelby. At ngumiti. 

Napa-ano raw ang karamihan lalung-lalo na ang nasa likuran. Si Shelby nama’y pinanunuyuan ng lalamunan. Nag-init pa ang kanyang mukha sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Gunter. It reminded her a lot about what they did the night before. Kinilig naman ang mga kababaihang reporters.

**********

A day after Shelby and Gunter’s rooftop marriage proposal

“I cannot believe you married that woman, Gunter! And you even proposed to her twice?!” tungayaw sa kanya ni Marinette. Kasama nitong dumating sa kanyang upisina ang ama na siyang may malaking shares sa Skylark Quandt Corporation liban sa kanilang mag-anak at sa pamilya ni Albert Stevenson, ang COO nila.

Tiningnan ni Mr. Schlossberg ang palasingsingan niya at tumaas ang kilay nito nang makita ang kanyang wedding band. Ano raw ba ang nais niyang ipahiwatig sa kanilang pamilya?

“I’m not betrothed to Marinette, Mr. Schlossberg,” sagot niyang tila tinatamad. Sa ama lang siya ni Marinette tumingin. Lalong nagalit ang huli.

“So you are admitting it to us? You really married her legally? Is that what you’re trying to say? Oh my God, Gunter! I thought all those reports about you getting hitched that day was just a gimmick so your newly-opened hotel in Pennsylvania will get some free publicity!” Si Marinette na naman.

Napahilot ng sentido niya si Gunter. Biglang sumakit ang ulo niya sa pagtutungayaw ng babae. Napasulyap siya kay Frederick. He was hoping he would suddenly butt in to tell him about his scheduled appointments or meetings. Siguro nahulaan nito ang laman ng kanyang isipan kasi’y binuksan nito ang hawak-hawak na tablet.

Heto na. Frederick will save me from these two monsters.

“Sorry, boss. You have no scheduled meetings this morning. Your afternoon is clear as well.”

Palihim niya itong pinandilatan nang malingat sandali ang mag-ama. Stoic-faced lang ang assistant. Hindi na talaga natiis ni Gunter ang sarili. Binigyan niya ito ng dirty finger. Sakto namang napasulyap sa kanya si Mr. Schlossberg.

“Excuse me?” tila na-shock na sabi nito sa kanya. Napatitig sa nabitin sa ere niyang middle finger.

“Oh no! Not you, Mr. Schlossberg. It was for this fvcking moron!” paliwanag niya sabay turo kay Frederick. Napamulagat ang huli sa kanya. Tinuro pa ang sarili na tila gulat na gulat. Pero alam ni Gunter na nagkukunwari lang ito. Oh, how we wanted to hit his face right that very minute. Kailangan niya lang maging cool dahil nanginginig pa rin sa galit ang dating girlfriend at ang ama nito’y parang gagamitin pa ang investments nito sa korporasyon nila para ipang-blackmail para sa kapritso ng anak.

“You know the reason why I invested a lot of money in Skylark Quandt Corporation, right, Gunter?” paalala ni Mr. Schlossberg sa kanya.

No’n dumating sina Mr. Stevenson at Henry Albrecht. Nagpakita ng kagalakan ang dalawa nang madatnan nila ang mag-ama roon. Humalik sa pisngi ni Henry ang dalaga samantalang nag-kumustahan naman ang tatlong lalaki. Napasulyap kay Gunter ang dalawang bagong dating tapos sa mag-ama.

“So you guys have already discussed things?” tanong agad ni Mr. Stevenson.

“Kind of,” ani Mr. Schlossberg.

“All right, since your engagement is already settled, I will make sure to inform all our stockholders ASAP,” sabat pa ni Mr. Stevenson.

“Wait! What engagement?” ani Gunter. Nagulat.

“Your engagament with Ms. Marinette, of course.”

“You know I am married already, right, Mr. Stevenson?” sagot niya rito.

Tumawa nang mahina si Mr. Stevenson. “C’mon, Gunter. We both know it was only for show, so that your good friend can gain custody of that baby. But now’s everything settled. Your friend got what she wanted. I’m sure she would understand if you already file for a divorce.”

“Oh, fvck, yeah!” sarkastikong asik ni Gunter sa matanda.

Si Marinette ay biglang ngumiti. Humawak siya sa braso niya at naglambing. Huwag raw siyang mag-alala at magiging huwaran siyang fiancee. Gunter flinched and would have wanted to distance himself from her, but his dad looked at them both. And smiled. Hindi alam ni Gunter kung ang pangungunot ng balat sa puno ng mga mata nito’y nangangahulugan ng pagsang-ayon sa sinasabing engagement nila ni Marinetter o dahil sa kalungkutan. His dad’s stoic expressions makes him furious at a time like this when he is dying to know what he truly think of things around him.

“Since everything’s settled between Gunter and Marinette, count me in, Mr. Stevenson. I am willing to be a part of Skylark Quandt’s new venture,” natutuwang pahayag ni Mr. Schlossberg at sumama na ito kina Mr. Stevenson at Mr. Henry Albrecht na lumabas ng upisina ni Gunter. Sumunod din sa tatlo agad-agad si Frederick para bigyan daw ng privacy ang amo sa diumano’y bago nitong nobya.

**********

“You are so complicated, Mr. Albrecht. I swear to God Marinette was telling the truth when she said you already filed for a divorce the other day,” giit ng isa sa mga babaeng paparazzi. Na nagpangiti kay Christopher P. Ferguson. In-encourage nito ang babaeng ikuwento raw sa kanila ang interview nito kay Marinette.

Napanganga sa narinig si Shelby. Napatingin siya kay Gunter. Hindi niya napigilan ang paglabas ng tunay niyang damdamin. Saka lang siya nagtimpi nang mapabaling na naman sa kanya ang atensyon ng mga paparazzi.

“It seemed you haven’t heard about this from Mr. Albrecht. Am I correct, Ms. San Diego?” patuloy pa ng babae.

Imbes na sagutin ang reporter, kay Gunter napatingin si Shelby. “What is she talking about?” kinakabahang tanong niya sa mahinang tinig.

Dito na lumapit nang husto si Gunter kay Shelby at masuyong hinawakan ang kamay ng babae na nakapatong sa parihabang desk. Nakatalikod ito sa mga paparazzi habang kaharap ang asawa na ngayo’y kabadong-kabado.

Pinangiliran ng luha si Shelby. Pinagpasalamat na lamang niyang natakpan siya ng katawan ni Gunter kaya kahit papaano ay hindi bumalandra sa mga pangahas na reporters ang tunay niyang reaksiyon.

“You told me last night, you trust me. Please, I implore your continued understanding as I settle this issue between me and Marinette,” sagot naman ni Gunter sa mahina ring tinig.

Ang mga paparazzi naman ay hindi na magkamayaw sa paulit-ulit na pagtanong kay Shelby. Ngayon lang daw ba niya nalaman iyon?

Imbes na sumagot, napahawak ng sentido niya si Shelby. Huminga siya nang malalim saka sinabihan si Gunter na hayaan siyang tapusin niya ang kanyang press conference. Mabilis namang tumalima ang lalaki. Dahan-dahan itong tumabi para makaharap na naman ni Shelby ang mga members of the press.

“I want to be honest with all of you guys. My marriage to Gunter was based on my great desire to adopt a sickly baby of my best friend,” panimula niya.

Si Gunter ay umiiling-iling sa isang tabi. Tila pinapatigil si Shelby sa pagsasalita. Nahagip iyon ng tingin ng huli pero hindi niya iyon pinansin. Nagpatuloy siya. “You see, adopting a child when you’re single is difficult here in the States. You have to be married. That’s one of the biggest reasons why we decided to tie the knot.”

“So it’s true after all?” nakangising sabat ni Ferguson. He was very pleased with himself. Totoo nga pala talaga ang nakalap niyang impormasyon.

“However, prior to this, Gunter and I were already---seeing each other. It was only cut short for a moment when I got very busy with taking care of our baby girl.”

Ang mga babaeng reporters na nandoon ay naantig ang damdamin. May kung ilang nagpahid pa ng mga luha lalo na nang kinuwento ni Shelby ang pinagdaanan ni Baby Shy at ang pinakanaging rason kung bakit nagmadali silang magpakasal.

“Is the baby all right now?” bigla na lang ay tanong ng isa sa mga babaeng reporters.

Tumangu-tango si Shelby. Naghiyawan sa kagalakan ang mga kabaro niya. “You are a very special lady, Ms. San Diego. No wonder Mr. Albrecht is so into you,” bigla na lang ay komento ng isa. Na sinang-ayunan naman ng iba pa.

“Wait. What are you guys talking about? All these things do not change the fact that Mr. Abrecht already filed for a divorce,” paalala ni Ferguson sa lahat.

Walang pumansin sa lalaki.

“I would like to tell everyone that Gunter and I ---at least on my part---we---I would want to stay married with him,” sabi pa niya. Nang sumulyap siya sa lalaki nahagip niya itong nakatingin sa kanya nang matiim.

“That’s all for now, folks. Thank you for giving me your time and attention.”

Pagkasabi niyon ay tumayo na si Shelby mula sa gitna. Kaagad namang umalalay sa kanya si Gunter. Hinayaan niya itong humawak sa kanyang kamay, pero nang dumating na ang bodyguards na pinadala ng dad niya sa kanya ay magalang na siyang nagpaalam sa lalaki.

Nakita niyang napakagat-labi si Gunter, pero hinayaan naman siya sa mga bodyguards. Naulinigan na lang ni Shelby na parang hinahabol ito ng mga reporters habang papalabas ng kanyang gusali.

**********

A few hours after Gunter confronted his mom at her fashion house

“Who the hell did he visit?” nagtatakang tanong ni Gunter kay Frederick habang pinagmamasdan nila si Henry Albrecht na nagsisindi ng kandila sa isang puntod sa isang memorial park sa New York. Pinagmamasdan nila ito mula sa hindi kalayuan.

“Ba’t hindi mo lapitan, boss, nang malaman mo kung sino? Baka kamag-anak n’yo iyan,” sagot naman ni Frederick sa wikang German.

Nangunot ang noo ni Gunter. Ang alam niya wala silang kamag-anak sa States dahil ang nag-iisang kapatid ng dad niya ay nanatili sa Munich, Germany. Doon na rin ito namatay at nilibing halos isang dekada na ang nakararaan. Wala itong asawa kung kaya wala siyang pinsan. At sigurado siyang hindi iyon puntod ng nakatatanda niyang kapatid na namatay ng kung ilang taong gulang pa lamang. Sa ibang sementeryo iyon nakalibing.

Napabuga ng hangin si Frederick. Tila naging impatient ito sa nakitang pag-aatubili niya.

“Boss, if you’re that curious go to your dad now.”

Napa-double take si Gunter sa assistant dahil kung makamando ito sa kanya ay parang amo niya ito.

“Sapakin kaya kita riyan? Gusto mo?” asik niya rito sa salitang German. Pero pagkasulyap sa ama at makita itong nagpahid ng mga luha, hindi na niya napigilan ang curiosity. Kaagad na siyang lumapit dito.

“Dad,” tawag niya rito nang kung ilang talampakan na lang ang pagitan nilang mag-ama. Natigilan si Gunter nang makita ang pangalan sa puntod. Kinabahan siya agad.

Amy L. Brown.

Alam niyang naramdaman na ng dad niya ang kanyang presence, pero hindi ito lumingon. Bagkus, pinagpatuloy kung ano ang ginagawa kaninang datnan niya. Ang paglilinis sa paligid ng puntod. Tingin ni Gunter sobrang espesyal ng babaeng iyon para pag-aksayahan ng ganito ng kanyang ama sa kasagsagan ng winter. Sino kaya ito? Kerida niya?

Kahit ang sama ng loob niya sa kanyang ina, he felt angry towards his dad. How dare he cheated on his mom. Gusto na niyang komprontahin tungkol doon ang ama. Pero nang pigil pa siya. Saka lang siya nagkalakas-loob magtanong nang humarap na ito sa kanya.

“Who is she, Dad?” may bikig sa lalamunang tanong niya rito. Naroon ang hinanakit sa kanyang boses. Hindi na niya itinago pa.

Lumingon muna ang kanyang ama sa puntod saka nagsalita. “She was a very special person.”

“A very special person?” may pangangarag sa kanyang boses. Biglang sumikip ang kanyang dibdib. Pero ang dad niya’y no reaction sa hayagang pagpapakita niya ng sama ng loob.

“She was the reason why I strived to put up a business in this country. And later migrate here.”

“I cannot believe I am hearing this from you, Dad!”

“Amy came before your mom. She was my fiancee, the one I was supposed to marry but---I---I met your mom in France while I was on a business trip and something happened.”

Napanganga si Gunter sa narinig. At lalo siyang hindi nakapagsalita nang maipaliwanag na ng ama ang buong detalye ng relasyon nila ng Amy L. Brown na nasa lapida. Bigla siyang nanghina.

“Promise me, son. Do what I didn’t have the guts to do.” At tinapik-tapik nito ang kanyang balikat bago umalis doon. Nauna na ito sa kanya.

Hindi na niya ito na-confront kung ito nga ba ang nag-leak ng balita ng diumano’y engagement niya with Marinette sa press people. Hindi na kailangan.

“Boss? Are you all right?” tanong ni Frederick sa kanya nang mapadaan siya sa kinaroroonan nito.

“Tell Attorney Miller to cancel the paperworks. I do not need it anymore.” At nauna na rin siya sa assistant papunta sa kanilang sasakyan.

“What? Boss? But what about Mr. Schlossberg’s investments? Boss! Sir!”

**********

Hapung-hapo si Shelby pagdating niya sa condo unit. Buti na lang at nandoon pa ang mommy niya. Tila sinadya nitong hintayin talaga siya pagkatapos ng kanyang press conference.

“O? Kumusta ang press conference mo, anak? I didn’t bother to watch the news. Baka lalo lamang akong mainis. Wala pa naman ang dad mo rito.”

Sinikap sana ni Shelby na kontrolin ang damdamin, pero hindi niya nakayanan. Napatakbo siya sa mga bisig ng ina at napahagulgol.

“Mom. He filed for a divorce.”

“Ha? Pero di ba---saglit. Bakit?”

Pati si Sheila ay naguluhan din.

“Sinabi---tinanong doon ng isang reporter. Na-interview daw niya si Marinette Schlossberg at iyon nga sinabi niyang ayon sa babaeng iyon ay nag-file na ng divorce noong isang araw si Gunter. Mom, he lied to me!”

Saglit na nilayo ni Sheila sa kanyang dibdib ang anak. Tinitigan nitong mabuti si Shelby. Nang makita kung gaano ito nasaktan, nasapo nito sa magkabilang pisngi ang bunso.

“Parang---parang it’s hard to believe, anak. I saw with my own eyes how he looks at you. Mahal ka niya. Mahal na mahal. Siguro naman sapat na ang kung ilang buwan niyang panunuyo sa iyo. Bihira iyan sa mga Amerikano. Alam mo iyan.”

Humagulgol pa rin si Shelby. Pakiramdam niya kasi’y may hindi sinasabi si Gunter sa kanya. Nakakainis na nahuhuli siya ng mga reporters na ang daming hindi alam tungkol sa taong tinatawag niyang asawa.

“Pag-usapan n’yo itong mabuti ng asawa mo, ha? Huwag kang magdesisyon agad-agad.”

Tumangu-tango si Shelby habang tumutulo ang luha.

“I think I need to rest.”

Hinalikan siya ng kanyang mommy at hinatid pa sa kuwarto niya. Nandoon ang yaya con private nurse ni Shy at pinaghehele ito. Nang makita siya ng bata kaagad itong umiyak. Pinasa ito ng tagapag-alaga sa kanya at malugod niya itong tinanggap. Sinayaw-sayaw niya si Shy at nalimutan na niyang kailangan pala sana niyang magpahinga.

**********

Kinagabihan ay binista ni Gunter ang kanyang mag-ina sa condo unit ng misis. May dala-dala siyang isang bungkos ng red roses at isang box ng freshly roasted chicken with jasmine rice. Napag-alaman niya kasing mahilig doon si Shelby.

Pagdating niya sa lobby ng building, sinalubong siya ng masamang balita ng gwardya. Wala raw tao sa unit ni Shelby. Nakita raw nitong umalis kasama ang bata at yaya nito.

“Did she tell you where she was going?”

“No, sir. But she had some luggages with her.”

Nanlupaypay si Gunter. May kutob na siya kung saan pumunta si Shelby. Alas siyete pa lang naman ng gabi. Kung umuwi ito sa mansion ng mga magulang sa Connecticut doon na lang niya ito pupuntahan. Pero kailangan niyang masigurong doon nga ito pumunta dahil mahaba-haba ring biyahe iyon. Tinawagan niya ito. Hindi siya sinagot ng babae. Tumawag siya uli. Nakalimang tawag siya bago may sumagot. He tried to sound sexy only to find out it was her dad.

“She doesn’t want to talk to you so back off.”

“With all due respect, sir, she is my wife. I want to see her and our baby.”

Pinutulan siya ng linya. Napamura siya nang malutong. Tumawag siya uli, pero after two tries pa bago may sumagot uli. Hinanda na niya ang sarili sa katakot-takot na masasakit na salita ni Magnus San Diego nang bigla’y isang malumanay na tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya. Ang mommy ni Shelby.

“Hello, Gunter. Shelby is asleep right now, so maybe you can just call her tomorrow?”

“Oh. Mrs. San Diego? Thank you for answering her phone. May I know where they are right now?”

Ang akala ni Gunter ipagkakait iyon ng mommy ni Shelby. Handa na rin siyang mabigo. Kaya ganoon na lamang ang kagalakan niya nang sinabi nitong nasa penthouse lang nila sa Manhattan ang kanyang mag-ina.

Bumalik siya sa sasakyan at nagbakasali pa ring bumisita kahit sinabihan nang ipagpabukas ang lahat. Hindi kasi siya mapakali.

Isang galit na galit na Magnus San Diego ang humarap sa kanya nang nag-buzzer siya sa labas ng penthouse nito. Pero mayamaya ay lumitaw ang maybahay nito at masuyong pinakiusapan ang lalaki. Laking pasalamat niya nang papasukin siya nito. Binigay niya tuloy ang isang bungkos na rosas sa babae.

“Oh. For me?” Tumawa si Mrs. San Diego.

“Yes. It’s for you. And this box of Filipino food is for Shelby.”

“You’re so sweet!” nakangiti pang sabi ng babae saka siya dinala sa living room nila. Her husband was eyeing him warily.

Timing naman ang paglabas ni Shelby sa kuwarto nito. Naka-pajama na. Napamulagat ito nang makita siya roon. Awtomatikong napakurus pa ng kamay sa dibdib. Napangiti siya tuloy dito. Sa kabila ng mga pinaggagawa nila noong isang gabi ay nakuha pa nitong mahiya sa kanya dahil hindi siya nakasuot ng bra? He finds it endearing.

“How are you? How’s our baby?”

Kiming nginitian siya ni Shelby saka nagpaalam saglit. Pagbalik nito sa sala nakabihis na ng skinny denim jeans at off-shoulder na white blouse na medyo hapit sa katawan. He had to avoid looking at her boobs to stop the naughty thoughts in his head. Nandoon pa naman ang mga magulang ng babae. Nakakahiya kung bigla na lang siyang mag-init.

“I brought you some food.”

Malugod namang tinanggap ni Shelby ang inabot niyang pagkain.

“Sorry I had to leave my condo without telling you about it. I didn’t feel good today so Mom told me to come here.”

“It’s all right.”

Sasabat sana ang ama nito, pero tila napigilan ng kanyang ina. Bago pa niya namalayan, wala na ang mga ito sa paligid.

“There’s a lot of things I need to explain to you,” panimula niya.

Nakita niya ang pagguhit ng pait sa mukha ni Shelby.

“Is it true? The one that lady reporter asked you this morning? Did you already file for a divorce?”

Napatitig siya sa asawa at napahinga nang malalim. Hindi niya alam kung papaano umpisahan ang paliwanag.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Twenty-Four Seconds    EPILOGUE

    Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FIFTY

    Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-NINE

    Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SEVEN

    My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,

  • Twenty-Four Seconds   CHAPTER FORTY-SIX

    Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status