LOGINNaasiwa si Shelby sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Gunter. Para bagang siya na ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. Lalong rumigodon ang puso niya nang hawakan pa siya nito sa magkabilang kamay at ipadama ang tibok ng puso.
“What do you feel there?” tanong nito sa mahinang-mahinang tinig.
Napalunok si Shelby. Pakiramdam pa niya gumapang ang pintig ng puso sa lalamunan dahil biglang may bumara roon. Nabibingi rin siya sa lakas ng paghum-hum ng kung ano sa kanyang tainga. Para bang bigla siyang inatake ng mga bubuyog. Hindi siya makaisip nang matino. All she was aware of was Gunter’stare. Nang bumaba ang mukha nito, napapikit na lamang siya. Ang inaasahan niyang marupok na halik ay hindi naman nangyari. Bahagya nga lang sumayad ang mga labi ni Gunter sa labi niya. Para lamang siyang tinakam.
“If start kissing you now, there will be no turning back,” nakangisi nitong bulong sa punong tainga niya at dinala ang isa niyang kamay sa balikat tapos hawak-hawak ang isa. Umindayog ito kahit na walang musika. Inikot-ikot siya sa buong silid while humming Eric Carmen’s Hungry Eyes and Shelby smiled. Panatag niyang pinatong ang ulo sa balikat ng lalaki.
“Whatever happened in the future, I will always look back to this moment. I will always remember how beautiful you look on our wedding day. Having you in my arms now feels like a warm summer day. Blissful and fun.”
Napangiti si Shelby. Hindi niya maikakailang kinilig siya sa mabulaklak na pinahayag ni Gunter. Ganunpaman, hindi niya pinakita sa lalaki na grabe ang epekto no’n sa kanya. Baka mamihasa at hindi na tutuparin ang pangakong liligawan pa siya.
“Oh!” narinig ni Shelby na sabi ng biglang pumasok sa living room. Paglingon niya, nakita niya ang bulto ni Matias na papalabas ng silid.
“Matty!” tawag niya rito sabay kalas sa pagkakayakap ni Gunter. Tumigil naman sa paglakad si Matias at nilingon siya. He looked so solemn, it was strange. Ito kasi ang pinakakwela niyang kapatid na halos ay hindi nagseseryoso kung kausap niya.
“Gusto ko lang sanang tanungin kung saan nakalagay ang wine. Ubos na, eh. Kaso may kausap pa si Frederick sa phone.”
“Oh, the wine. Sorry about that,” pakli ni Gunter. Pinindot nito sa dingding ang intercom at may inutusang magdala ng vino sa poolside.
Kapwa napamaang ang magkapatid. Sinabi naman kasi ni Matias iyon sa Tagalog. Si Shelby ang mabilis na nakabawi. Naalala niya agad na nag-aaral nga pala ng Filipino si Gunter. Malamang naintindihan na sila ni Matias ngayon.
“You understood what I said?” hindi makapaniwalang tanong pa ni Matias.
Ngumiti si Gunter. “I am studying your language three times a week at four hours per session.”
Napanganga si Matty. Si Shelby nama’y proud na proud na nakatingin kay Gunter. She was more than pleased.
**********
“Boss, nagpa-press conference si Madame Margaux sa New York. Sinabi niyang kaya raw kayo nagpakasal kay Ms. Shelby ora-orada ay upang mapadali ang plano n’yong pagtayo ng negosyo sa Pilipinas. Sabi pa niya pinangakuan daw kayo ng pamilya ni Ms. Shelby na tutulungang mapasainyo ang ilang hotel doon na matagal na ninyong pangarap bilhin pero ayaw i-give up ng mga may-ari. Saka ang sabi pa, paraan din daw ninyo ito para mapaigting pa ang pagyabong ng negosyo n’yo sa Asia-Pacific region,” sabi agad sa kanya ni Frederick sa German nang lumabas na sila ni Shelby sa poolside.
“What? Sinabi ni Mom iyon?” galit niyang sagot sa German din.
Humingi siya ng paumanhin sa tatlong magkakapatid at hinila muna sa isang tabi si Frederick na mukhang namomomroblema.
“What should we do, boss? Siguradong bukas na bukas ay mababasa na iyon ng mga nakakakilala sa mga San Diego at malamang na maipaalam na sa pinakamamahal n’yong father-in-law bago pa man sumikat ang araw,” nakangisi nang saad ni Frederick. Tiningnan ito ng masama ni Gunter. Saka lang sumeryoso ang assistant.
“Any person with common sense will not believe Mom’s story. Why would I need the San Diegos to help me out in establishing a business in the Philippines if I want to? Can’t my people do that for me? And my business in the Asia-pacific region are already doing well without anybody’s help! I’m an Albrecht for Pete’s sake! I am a lot more influential and richer than the San Diegos!” naiinis niyang anas sa assistant.
“Boss, hindi naman lahat ng taong nagbabasa ng news ay may common sense,” sagot ni Frederick sa German. Nakangisi pa rin.
“Do something!” utos niya rito.
“Ano nga, boss?” tanong nito sa German pa rin.
Napahilot-hilot ng sentido si Gunter sa sobrang galit. Hindi siya makapag-isip ng matino. No’n niya naalala si Mr. Stevenson.
“Tell Mr. Stevenson to release a statement for me.”
Napangiwi si Frederick. “Boss, sir. You might have already forgotten. You cussed at the old man yesterday and you told him not to meddle in your affairs,” paalala nito.
Nasabi niya pala iyon kahapon nang magbigay ito ng unsolicited advice tungkol sa plano niyang pagpapakasal kay Shelby. Pinayuhan kasi sana siyang maghanda ng prenuptial agreement kahit na mukhang hindi naman pera ang habol ng babae sa kanya. Mabuti na raw ang handa kung sakaling magkahiwalay sila agad. Na sinagot niya ng katakot-takot na pagmumura. Hindi raw dapat nangingialam ang matanda sa kanya sa usaping personal dahil wala raw itong pakialam. Ayaw niya kasing isiping hahantong sila sa hiwalayan ni Shelby.
“Well, tell the old man you are acting on your own,” sabi niya kay Frederick. Medyo nag-mellow ang kanyang tinig.
Humalakhak ang assistant. Pero nang samaan niya ito ng tingin, sumeryoso rin ito at tumawag na agad-agad kay Mr. Stevenson.
Lalapit na sana siya sa magkapatid nang makita niyang tila may pinagkakaabalahan din ang tatlo. The one named Matias was holding both of Shelby’s hands. He was misty-eyed again as he was saying things to her in their language. This time he spoke so fast that he barely got what he was saying to his wife. The other guy, Morris, was just sitting beside them with a very solemn look in hs eyes. Para bang may pupuntahang malayo ang kanilang bunso at hindi na ito babalik pa kung kaya para silang namatayang dalawa. May kung anong naantig sa puso niya. Hahayaan niya lang sana ang tatlo sa moment nila kung hindi siya nakita ni Matias. Kaagad nitong binitawan ang kamay ni Shelby at tumalikod para magpahid ng mga luha.
**********
Panay ang sulyap ni Shelby kay Gunter at Matias na kanina pa nag-aanasan sa isang sulok. Nag-aalala na siya dahil paminsan-minsan ay tumataas ang boses ng kanyang kapatid. Maging si Morris ay napapalingon na rin sa dalawa.
“What the fvck are they arguing about? Kahapon nang sinabi ko sa kanya, ni hindi nga siya masyadong nag-react,” sabi ni Morris sa kanya habang umiinom ng champagne.
Natigilan si Shelby. Ang usapan nila ni Morris ay huwag munang ipagsabi sa lahat habang hindi pa napapasakamay niya ang papeles ng adoption ni Baby Alison. Pero mukhang hindi ito tumupad sa usapan.
“Sinabi mo ba sa kanilang lahat?” tanong niya rito.
Umiling-iling ito. “Kay Matty lang kasi dapat sabay kaming uuwi ng Pilipinas ngayon. But I told him I have to stay. Inusisa niya ako kung bakit. He knew I cannot wait to go home because---so there, I had to tell him.”
Hindi nakaligtas kay Shelby ang sinabi nitong, he had to go home because.
“Because of her?” tanong niya.
Inasiman siya ng mukha ni Morris. “Kasalanan mo. Nakakainis ka,” halos ay pabulong nitong sagot. Tapos sumulyap ulit kina Matty at Gunter.
“Kasalanan ko ang alin?”
Napahugot ito ng malalim na hininga. “I was suppose to propose to her this week. Pero alangan namang magpapakasal din kami. Masama ang sukob, di ba?”
Napanganga si Shelby. “You were that serious to her?!”
Hindi na sumagot si Morris. Nagkibit-balikat lamang ito tapos bumutingting ng cell phone.
“Fvck!” bigla nitong mura. “Matias!” sigaw niya agad kay Matty. Natigil ang dalawa sa sulok dahil napalingon si Matty kay Morris. Tinanong ko pa sana kung sino ang nag-text. Pero mabilis itong nakatayo at nandoon na kina Gunter at Matty. Pinagduldulan nito ang cell phone sa kuya namin. Tinutulak naman ito ni Matty pabalik sa kanya. Hindi na ako nakatiis. I went to them and snatched the phone away from them. Nang makita kong si Kuya Marius ang tumatawag, napatingin ako sa dalawa kong kapatid.
Gunter took the phone away from my hands and pressed the answer call button. Siya sana ang sasagot doon. Naagapan lang agawin ni Matias sa kamay niya.
“Hello, Kuya. Natawag ka?” sagot doon ni Matty sa pinapatatag lang na tinig.
“Where the hell are you guys? I am at Shelby’s building and no one is in her unit. I called her assistant a while ago and she said she went home early. But she’s not here. Are you and Morris with her?” narinig ni Shelby na sagot ng Kuya Marius niya dahil naka-loudspeaker ang phone ni Morris.
Napahawak sa noo si Morris. Mukhang problemado. Maging ako ma’y nag-alala rin ng husto.
**********
Gunter insisted on Shelby staying at his place at Scarsdale after coming back from Pennsylvania but she refused. Gusto raw niyang umuwi sa sarili nitong condo nang makaharap ang mga kapatid. Napag-alaman ni Gunter na nasa NYC na naman pala ang panganay nila at kakambal nito dahil may inasikaso para sa ama na may kinalaman sa advertising agency nila. Ayaw man makita ni Gunter ang kambal sa ngayon, wala siyang magawa dahil gusto silang makaharap ni Shelby. Siguro ay para masabihan na ang mga ito bago pa man lumanding sa newstand ang balita base sa press conference ng mommy niya.
“You better go home for now. Let the three of us handle the situation,” sabi ni Shelby sa kanya nang dumating na ang sasakyan nila sa harap ng building nito.
Nagpahayag agad ng pagtutol si Gunter. “I need to be there, too, or else things will not look good to them. They might say I am not really serious about you. I do not want them to have that impression because that is not true at all. I care about you a lot.”
Matias rolled his eyes. “Ang corny,” sabi niya saka nauna nang pumasok sa building. Sumunod sa kanya si Morris. Nag-atubiling maglakad papunta sa kinaroroonan ng condo niya si Shelby kung kaya inalalayan pa siya ni Gunter. Hinawakan siya nito sa siko.
“Don’t worry too much, okay? I will be here to support you. I think your brothers will understand your situation after we explain it to them. C’mon.”
Ganunpaman, parang nanlambot pa rin ang mga tuhod ni Shelby. Habang naglalakad nga ito ay bigla na lamang napahandusay kay Gunter.
“Oh, I’m sorry,” sabi nito. Hiyang-hiya.
Tumigil sa paglalakad si Gunter at hinawakan sa magkabilang kamay si Shelby.
“Look, do not be nervous, okay? We are in this together,” sabi niya rito.
Napatangu-tango naman si Shelby, pero mababakas sa mga mata ang pangamba. Nauna itong naglakad papunta sa elevator. Sumunod naman sina Gunter at Frederick. Pasara na sana ito nang biglang maalala ni Gunter na itulak palabas ang assistant.
“You better wait for me here in the lobby.”
“What? Boss, you are outnumbered! They might do something to you!”
Nakangising nag-wave lang si Gunter dito saka inakbayan na si Shelby. Pagbukas ng elevator, napalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Nabungaran kasi agad nila ang kambal na magkasama pang nakahalukipkip sa tapat ng elevator habang naghihintay sa kanila.
“Kuya Marius! Markus!”
“Hi guys. Good evening,” bati naman ni Gunter sa dalawa.
Tila nanlaki ang mga mata ni Marius at Markus nang makita ang suot ng kapatid at ni Gunter. Kung ilang segundo na nagpalipat-lipat ang tingin nila sa dalawa. Na-realize siguro nila kung ano ang naganap sa pagitan ng mga ito dahil bigla na lang napasugod si Marius kay Gunter. Kinukwelyuhan na niya ito at sinasalya sa dingding sa pagitang ng dalawang elevator doors bago pa man mahulaan ni Shelby ang gagawin nito.
“Kuya! Kuya!” takot na takot na saway ni Shelby sa Kuya Marius niya.
Maging si Markus ay nabigla sa naging reaksiyon ng kakambal.
“What did you do to our sister?!” sigaw ni Marius kay Gunter.
“I---I did---I didn’t do any-anything to her!”
“Marius, calm down,” saway naman ni Markus.
Ito ang nagtanggal sa mga kamay ng kakambal sa leeg ni Gunter. Napaubo ang huli sa lakas ng pagkakakapit ni Marius sa kwelyo niya. Napalapit agad dito si Shelby sabay hagud-hagod sa likuran ni Gunter. Hinila siya agad ni Marius palayo sa lalaki.
“What did you do, Shelby Madeline?” tanong ni Marius sa kapatid. Mahina lang ang tinig nito pero nandoon ang galit na tila nilalabanan lang.
Umiyak si Shelby. Pumagitna na si Markus. Niyakap nito ang bunso at hinagud-hagod ang buhok.
“Let’s talk about this like decent adults inside Shelby’s condo, okay?” suhestyon pa ni Markus.
Hindi na nagdalawang-isip pa si Marius. Nauna na itong pumasok sa unit ni Shelby.
Nadatnan nila Shelby si Matias at Morris sa loob na mukhang mga Biyernes Santo. Ang butones sa ibabaw na bahagi ng polo shirt ni Matty ay natanggal dahilan para lalo siyang mag-alala. Mukhang nasampolan din ito ng Kuya Marius niya kanina.
“Both of you guys knew about this and you didn’t tell us?” dumadagundong ang tinig ni Marius. Isa-isang dinuru-duro ang dalawa pang nakababatang kapatid.
Nang akmang kukutusan sana ni Marius si Morris mabilis na pumagitna si Shelby. “It was my fault. I---I told Morris not to tell anyone.”
“But he told Matias! Sinabihan niya ang kutong-lupang ito pero kami ni Markus ay hindi? Nagkita naman kami pareho kahapon, ah!”
“For obvious reasons,” sagot ni Matias sa tabi saka itinirik ang mga mata. Tumahimik ito nang nilingon ni Marius. Tinapunan naman ito ng masamang tingin ni Markus at sinabihang kunsintidor.
“Please. Huwag n’yo na silang sisihin. This is all my fault. I want to ---to be married with Gunter.”
“What?!” sabay na naibulalas ng kambal. They looked like they want to cry in frustration. Sa galit ni Marius nasuntok nito ang dingding. Hinagud-hagod ni Markus ang likuran ng kakambal. “Calm down,” bulong pa nito kay Marius tapos sinamaan ng tingin si Gunter na tahimik na nakamasid lang sa kanilang magkapatid.
Natigil lang ang interrogation nila Marius at Markus nang biglang tumunog ang home phone ni Shelby. Mula iyon sa isang hospital staff ng Mount Sinai. Pinapapunta ito ng ospital ora-orada dahil isasagawa na raw ang operasyon sa puso ni Baby Alison.
“I am sorry but I need to be with the baby now.”
“Why don’t you change into something more comfortable? I’ll go with you to the hospital,” masuyong sabi kay Shelby ni Matias. Dahil mukhang natataranta ang una na tila hindi mawari, natigil na rin sa pagsisita rito ang kambal. Pati ang mga ito ay nakatitig na lang kay Shelby na tila hindi alam ang gagawin. Pero nang masulyapan nila si Gunter sa isang sulok napa-tiim-bagang silang dalawa. Nanumbalik ang galit nila ngunit alang-alang sa bunso ay kinontrol nila ang kani-kanilang emosyon.
**********
“We need the baby’s guardian to sign some documents,” sabi ng head nurse kay Shelby pagdating na pagdating nito sa lobby. Si Gunter naman ay tahimik lang sa tabi ng asawa.
“I’m her guardian,” sagot naman ni Shelby sa nurse kung kaya kaagad itong hiningan ng proof kung siya nga ba talaga ang legal guardian ng bata. Lumapit sa nurse si Matty at nakiusap na saka na lang iyon kung pwede. Unahin na muna ang operasyon.
“Are you Ms. Shelby’s husband?” tanong ng nurse.
“Oh no! Not him but me!” maagap na sabat ni Gunter sa usapan. Ito ang kumuha sa papel at pumirma agad doon. Nagulat ang nurse.
“Mr. Albrecht?” tanong nito. Nakilala yata ang lalaki.
“Yes. And this is my wife,” proud nitong sabi sabay akbay sa balikat ni Shelby.
Napanganga for a while ang nurse. Sinulyapan nito ang papel na pinirmahan ni Gunter saka tumingin uli ito sa lalaki.
“Sir, we just cannot accept anyone to be the baby’s guardian withour proper documents. I am sorry to say but this is not legally binding.”
“Let’s talk about the legal stuff after the operation, okay? I want you to do something for the baby first. We will settle the legal side of all this after you’ve done your part to save her.”
Napakamot-kamot ng ulo ang nurse. May niradyuhan ito at mayamaya pa nga’y dumating ang doctor ni Baby Alison. Naging uncomfortable na ang usapan dahil ini-insist nila na i-produce nila Gunter ang legal documentation ng pagiging guardian nila. Ganunpaman, parang may hesitation din sa part ng taga-hospital na suwayin nang buong-buo si Gunter knowing that his mom is a huge benefactor of their hospital.
“Well, well, well. Nagkita rin tayo sa wakas mahal kong anak,” bigla na lang ay narinig nilang salita ng isang tila bruha sa bandang likuran sa salitang German. Hindi na kailangan pang lumingon ni Gunter para mapag-alaman na dumating ang kanyang ina. Marahil ay may nag-tip dito, siguro mula sa hospital staff, na nandoon siya ngayon. May dalang tatlong paparazzis ang mommy niya kung kaya napakagat labi na lamang siya.
“Mom. Please,” pakiusap niya. “Huwag kayong mag-eskandalo rito,” dugtong pa niya sa German din. Mahina lang din ang kanyang tinig.
Pumalakpak ang ginang habang nakatingin sa mga taong nandoon sa waiting area ng hospital. Gusto talagang gumawa roon ng eksena.
“My only son here has just gotten married to save his ass! He knew his business is not doing well so he tried to marry a rich Asian girl to save his investments from collapsing. How romantic, huh?”
“What?! Mom! What are you talking about?!”
Napanganga ang mga San Diego brothers na nandoon ngayon. Pati na si Shelby. Humalakhak muna si Madame Margaux bago nagpatuloy.
“I thought you are a smart lady, Ms. San Diego. How come you haven’t figured it out right away? Do you think my son would fall for an Asian like you if you are not rich?”
Napalunok nang sunud-sunod si Shelby. Napatingin ito kay Gunter na ngayo’y namumula na sa galit at pagkapahiya.
“If you think I am lying, then wait for my witness.”
Dramatic na lumingon ang matrona sa may entrance at no’n naman pumasok si Adeline Grayson. She looked so fabulous in her gray coated jeans and slim-fitting tweed jacket from Chanel. Her stilleto boots completed the outfit. Maarte siyang naglakad papunta sa kanila.
“Hi everyone,” sweet niyang bati. Siniguro niyang nakapokus sa camera ng tatlong paparazzi ang suot-suot niyang engagement ring. Itinaas pa ni Madame Margaux ang kamay ni Adeline for everyone to see at sinabing kanya raw ito noon na binigay ng ama ni Gunter at pinamana naman sa anak para ibigay sa totoong nobya nitong si Adeline.
Napanganga lalo sa nakita si Shelby. Si Gunter nama’y napakagat na ng labi. Ang sama na ng tingin sa ina pero dahil ang dami nang nakapaligid sa kanila’y hindi na siya nakapagsalita. Nag-aalala kasi siyang baka makasama iyon lalo sa reputasyon niya. He cannot afford to do more damage to his name dahil mukhang pinahiya na siya nang sukdulan ng kanyang ina. Ang inaalala na lamang niya ay ang mga kapatid ni Shelby. At siyempre pa si Shelby mismo. Lalong-lalo na si Shelby.
“So---what will we do with this waiver now?” tila nag-aalalang tanong ng nurse.
Naiyak si Shelby. Bukod sa napahiya, she felt so frustrated and helpless kung ano na ang gagawin para maisagawa agad-agad ang operasyon ni Baby Alison.
No’n nagkaroon ng tila commotion sa bandang pintuan. May bagong dating na naman. Nang makitang tila isang importanteng tao ang biglang sumulpot, awtomatiko nang napaakbay sina Marius at Markus sa bunso nila na tila gusto itong protektahan. Sina Matias at Morris nama’y napatingin nang masama kay Gunter. Tila nanunumbat sila kasi kung totoo ang alegasyon ng ina ni Gunter ay malaki ang kasalanan nilang dalawa sa pamilya nila. Para na rin kasi nilang kinunsinti si Shelby by not doing anything nang ikinakasal ito sa lalaki kanina.
“Dad!” Si Gunter. Tila nagkapag-asa nang makita ang ama.
Tumango lang ang matandang Albrecht sa anak saka kinausap sa salitang German ang asawa. Malumanay ang tinig nito ngunit napasimangot si Madame Margaux. Ito na mismo ang nagmando sa tatlong paparazzi na ihinto ang pag-cover sa eksena.
“Here are the needed documents you guys are looking for,” sabi ni Mr. Albrecht sa Director ng Ospital na biglang napasugod sa lobby dahil sa kaguluhan. “Those papers show that my son here and his new wife have legally adopted the baby you are about to operate on. As her grandfather, I want everyone of you to do all you can to save my first grandchild.”
“Yes, Mr. Albrecht. We will do all we can to save her.”
Iyon lang at mabilis na umalis na roon ang mga doktor at nurses. Samantala, galit namang napasigaw si Madame Margaux. Pero nang sulyapan ito ng asawa kaagad namang tumahimik. Dali-dali pa itong sumunod dito palabas ng ospital.
Napahagulgol si Shelby sa sobrang relief. Napayakap sa kanya ang mga kuya niya. Gusto rin sanang lumapit ni Gunter sa asawa pero nakatingin sa kanya ng masama ang apat na lalaki. Si Shelby na lang ang lumapit dito nang kumalma ang pakiramdam niya.
“Thank you, Gunter. I cannot thank you enough for what you have done for me and Baby Alison.”
Nalungkot si Gunter. Para kasing nag-iba ang pakikitungo sa kanya ni Shelby. Bigla na lang itong naging malamig.
“I hope you did not believe my mom, Shelby. My feelings for you---”
Itinaas ni Shelby ang dalawang kamay para patahimikin ang lalaki. Pinapangiliran na ito ng mga luha ngayon. Nang sumama ito sa mga kapatid na lumayo sa kanya, wala na siyang nagawa kundi ang sundan lamang ito ng tingin.
“Ich liebe dich, Shelby. Ich liebe dich.”
Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her
Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind
Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang
Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.
My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,
Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.