Share

CHAPTER EIGHT-II

Author: Diosamei
last update publish date: 2020-11-16 12:00:12

"Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap.

"Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.

Kinilabutan ako nang makita ko ang kakaibang galit na nasa mga mata niya.

Lihim akong napakunot-noo at nagtaka kung bakit ganito na lang siya kagalit sa akin samantalang wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Look Kevin, wala akong alam sa sinasabi mo okay? Hindi ko ginagamit ang walang kwentang bagay na iyon para sirain ka," sabi ko sa kalmadong boses.

"You're lying! Huwag ka ng magkaila pa dahil may mga ebidensya akong magpapatunay sa mga pananakot mo!" malakas na sigaw nito.

"I really don't know what you're talking about, I need to go walang kabuluhan ang pinag-uusapan natin." Mabilis akong tumalikod at humakbang palayo sa kanya ngunit bago ako tuluyang makalayo ay may isang kamay na ang humablot sa buhok ko

Napasigaw ako nang malakas at napaiyak sa sobrang sakit ng pagkakasabunot niya.

"When I told you that you're not going anywhere then you can't go!" asik niyang hinila ako.

"Nasasaktan na ako Kevin, bitiwan mo ang buhok ko ano ba!" sigaw ko din sa kanya na pilit tinatanggal ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa buhok ko.

"Mas lalo kang masasaktan kapag nagpumilit kang umalis, hindi pa ako tapos sa'yo at hindi ko pa nagagawa ang gusto ko!" singhal niya sa akin at pabalag akong binitiwan.

Bumagsak ako sa sahig at napangiwi nang maramdaman ko ang paghapdi ng dalawang siko ko. Tinignan ko siya ng masama at balak ko pa sanang magsalita nang agad niya akong lapitan at hawakan ang magkabila kong pisngi.

"Kaya ba ayaw mong ibigay sa akin ang video na 'yun dahil sa pagpapantasya mong makatikim ng ligaya sa akin? Bakit hindi ka na lang makiusap ng maayos, ibibigay ko naman iyon sa'yo." Ngumisi siya na parang demonyo at puno ng malisyang tinignan ang buong katawan ko.

Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan sa sinabi niya. "Please, let me go, kung gusto mong kunin ang video na iyon ibibigay ko sa'yo. Huwag mo lang akong sasaktan," pagmamakaawa ko sa kanya.

Tumawa siya ng mahina at inilapit ang mukha sa akin. "Too late Caryn, I don't want that video anymore, I want you." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay balak niya sana akong halikan ngunit agad akong umiwas at tinulak siya ng malakas.

Tumayo ako para tumakbo ngunit nagawa niyang hilain ang manggas ng suot kong damit. Nawasak ang kalahati ng suot ko ngunit hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.

Walang lingon-likod akong tumakbo ng mabilis, hindi alintana ang ilang beses na pagkatapilok ko dahil sa suot kong heels. Liliko na sana ako sa isang pasilyo nang may humablot sa akin at malakas na itinulak sa pader. Napaigik ako sa lakas ng imapct ng pagkakahampas ng katawan ko sa sementadong pader. Mabilis niyang nailagay ang dalawang kamay ko sa likod ko at itinulak pa akong lalo sa pader.

"Huwag ka nang magpakipot pa Caryn, alam kong matagal mo ng pinapangarap na maranasang angkinin kita." Bulong ni Kevin sa punong tenga ko.

Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko, halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko ngayon pero nanaig ang sobrang takot na baka may gawin nga itong masama sa akin.

Harvey! Please save me! Sigaw ko sa utak ko.

Sa mga ganitong pagkakataon tanging pangalan niya lang ang nasa isip ko. "Kevin, I'm begging you please let me go," luhaan kong pakiusap sa kanya. Parang wala siyang narinig na tinanggal ang maskarang suot ko.

"Not until I'm done with you!" asik nito.

"Ano bang nangyari sa'yo at bigla kang nagkaganyan? Hindi ka naman ganyan nang makilala kita, pag-usapan natin ito nang maaayos. Please!" Nanlisik ang mga mata niya at hinawakan ang pisngi ko ng mariin.

"Dahil sa ginawa mong panghihimasok at pananakot kaya ako nagkaganito! May mahal na akong babae ngunit dahil sa'yo may posibilidad na hiwalayan niya ako sa oras na makita niya ang videong iyon!"

"Kung mahal mo ang isang tao hindi mo magagawang magloko pa! Hindi ko alam na ikaw ang makikita ko doon-- Ahh!" hindi ko naituloy ang sasabihin ko at napasigaw ng malakas nang ihampas niya ulit ako sa pader.

Mas lalong masakit ang ngayon dahil nakaipit ang dalawang braso ko sa likod ko, tingin ko para pa ngang nabali ang mga buto niyon.

Nanghihina akong napapikit at tahimik na umiyak, hindi ako makapaniwalang ganitong lalaki ang pinagbigyan ko ng buong pagmamahal ko. Kung alam ko lang, sana hindi na ako nagpadala sa mga sinabi niya sa akin dati

"Behave yourself at sundin na lang ang gusto ko, promise sa una lang ito masakit." Pagkasabi niyang iyon ay inilapit niya ang labi niya sa akin ngunit ibinaling ko sa kabila ang mukha ko.

Dumapo ang bibig niya sa may leeg ko, isang malakas na sigaw ang muling namutawi sa bibig ko dahil sa ginawa niyang pagkagat sa leeg ko. Pakiramdam ko ay dumugo iyon dahil sa sobrang hapding nararamdaman ko.

"Kung hindi ka madala sa santong dasalan pwes gagamitan kita ng dahas hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko!" Hinawakan niya ang mukha ko ng mahigpit at marahas na sinibasib ng halik.

Gustong kong masuka dahil nalasahan ko ang alak sa kanyang bibig. Itinikom ko ng mariin ang labi ko ngunit napadaing ako at napapikit ng kagatin niya iyon at magtagumpay sa plano niya.

Patuloy lang sa pag-agos ng mga luha ko sa mata, nagsimula na ding maglakbay ang mga kamay niya at bawat madaaanang sensitbong parte ng katawan ko ay marahas niyang pinipisil at hinahawakan. Nang hindi ko na makayanan pa ang ginagawa niya ay ubod lakas kong kinagat ang mga labi niyang hindi pa din humihiwalay sa labi ko.

Napasigaw siya at napaatras, hinawakan ang labi niyang nagdurugo at pinanlisikan ako ng tingin. "Bitch!" sigaw niya.

Ginamit ko ang natitirang lakas ko para tuhurin siya at nagtagumpay naman ako. Hinubad ko ang dalawang heels ko at ibinato iyon sa lalaking namimilipit sa sakit.

Tumakbo ulit ako, tumakbo nang tumakbo.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta at magtatago, nawala na sa isip ko ang nangyayaring party sa loob ng auditorium.

Ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa lugar na iyon, pumunta sa bahay ni Harvey at magkulong sa kwarto nito.

Harvey, I need you!

"Caryn?" Isang boses ang narinig ko ngunit hindi ako lumingon at binilisan pa ang pagtakbo, buong akala ko ay si Kevin pa din ang humahabol sa akin.

"Caryn!"

"No! Leave me alone!" tili ko nang maabutan na naman niya ako at ikulong sa mga braso nito.

Nagpumiglas ako at pinagsusuntok ang brasong nakahawak sa akin, nagawa ko pa siyang kagatin ng dalawang beses para lang bitiwan ako ngunit sadyang matigas ito at siguro'y wala na din akong gaanong lakas.

"Don't touch me! Stay away from me!" histerikal kong sigaw sa kanya.

"Caryn look at me!" sigaw niya at tumingin sa mga mata ko.

"Harvey!" Yun lang ang namutawi sa bibig ko at bumigay na ang katawan ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at umiyak ng umiyak sa braso niya.

"Let's get out of here, he will come back and hurt me again! Take me home, Harvey please!"

"Calm down honey, I'm here, no one's gonna hurt you." Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya lalo na nang makarinig ako ng mga papalapit na yabag.

Sumiksik pa ako sa katawan ni Harvey at alam kong ramdam niya ang sobrang takot ko dahil kahit ako ramdam ko ang panginginig ng katawan ko.

"He's here! He will take me again! Hurry Harvey let's get out of here!" sigaw ko sa kanya at nagsimula na namang humagulhol ng malakas.

"Oh dear, God! What happened to you Caryn?!" narinig ko ang boses ni Maureen at ng ilang taong dumating. May mga narinig pa akong umiiyak at nagmumura.

"Please take me home Harvey," nanghihina kong saad sa kanya bago ako tuluyang nalawan ng malay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER NINE-I

    "CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-II

    "Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-I

    EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-III

    "Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-II

    Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-I

    INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status