MasukNatawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.
Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."
"God! Magiging love guru na naman ba ako?" tanong ni Mau sa kanyang sarili at tila nawawalan ng pasensyang tumingin sa akin.
"You're just inlove with Kevin, meaning he's just a passerby. May mga darating pa sa buhay mo na kagaya niya hanggang sa mahanap mo ang taong nakatadhana para sa'yo." Nahulog ako sa malalim na pag-iisip sa sinabi niyang iyon.
Mukhang mas marami itong alam pagdating sa larangan ng pag-ibig. Nagtanong lang ako kung nainlove na ba siya ang haba na ng eksplinasyong binigay niya sa akin.
"Teka lang," sabi kong tinaasan siya ng kilay. "Bakit ba andami mong alam sa bagay na iyan? Saan mo natutuhan ang nga pinagsasaasabi mo?"
Napahigikhik si Maureen sa tanong ko. "Nabasa ko lang sa google ang nga iyan. Naghahanap kasi ako ng mga senyales kung paano malalamang dumating na ang true love ko," aniya.
"So you're telling me that those big talkings are not based on your experience and based only in google?"
Nakangiti siyang tumango sa akin. Hindi ko napigilang batukan siya sa sinabi niya.
"Walanghiya ka, may pasabi-sabi ka pang love guru pero hindi naman pala sa'yo galing yung mga sinabi mo!"
"Baliw ka ba, alam mo namang wala pa akong boyfriend di ba?" sabi nitong hinawakan ang batok niya.
"Basta ang alam ko, kapag dumating na yung true love mo magkakasundo ang utak at puso mo. Kung ano ang iisipin ng utak mo siya ding ibubulong ng puso mo, ke anong emosyon pa iyon sa huli pagmamahal mo pa din ang mangingibabaw."
"Ewan ko sa'yo diyan ka na nga!" Hindi ko na siya binigyan pa ng tsansang magsalita dahil alam kong hindi ito titigil hangga't walang pumipigil.
Pero bilib din ako sa kanya, kahit wala pa siyang karanasan sa totoong relasyon ay marami na itong alam.
Kapag ba ganoon, maiiwasan mo nang mahulog sa maling tao? Malalabanan niya bang talaga ang tadhana kapag marami siyang alam sa pag-ibig? No one knows.
Pagdating ng Prof namin ay nagdiscuss lang kami sa kung ano ang mga dapat naming gawin bago ang graduation, at ang hinahantay ng lahat ang Farewell Party. Napagplanuhan naming magkaroon ng isang Masquerade Ball at dahil nga pinakaunang required ay mask nagbigay ang Prof namin ng exciting na twist. Each one of us can give someone whom we like a confession letter.
Isusulat iyon sa maliit na papel at ibibigay ng personal sa taong matagal mo ng gusto. Gaya ng inaasahan marami ang natuwa at nagawa pang pasalamatan ang Prof namin kasama na doon ang kaibigan kong si Maureen.
"Mukhang magiging masaya ang huling araw ko sa college, makakapunta na ako ng States, makakapagtapat pa ako sa lalaking gusto ko!" sabi ni Maureen na para bang nangangarap ng gising.
PAGDATING nang uwian ay may isang matangkad at guwapong lalaki ng naghihintay sa akin sa labas ng building.
Sa pormal nitong suot ay halos lahat ng dumaraang kababaihan ay hindi napigilang tumili at lapitan siya, ngunit parang wala lang siyang napapansin na patuloy na naglalakad kasama ako at si Maureen.
"Aasahan ko kayo mamaya ah! Eight pm magsisimula ang party kaya sana agahan niyo ang pagdating!" wika ni Maureen nang makarating kami sa labas ng campus.
"No problem, darating kami before the party begins." Lumapad ang ngiti ni Maureen nang marinig ang sinabi ni Harvey.
Biglang nagningning ang mga mata niya at kulang na lang ay sugurin ng yakap ang katabi ko.
Pagkaalis ni Maureen ay saka lang kami sabay na sumakay sa kotse niya at dumiretso kami sa bahay niya. Tinanong niya ako kung nagpakita sa akin si Kevin at kung nanggulo daw ba.
Umiling ako at tinignan ang mukha niya habang nagmamaneho. Naalala ko ang sinabi ni Maureen kanina na kapag dumating na daw yung true love mo magkakasundo ang utak at puso mo. Kung ano ang iisipin ng utak mo siya ding ibubulong ng puso mo, ke anong emosyon pa iyon sa huli pagmamahal mo pa din ang mangingibabaw.
Siya na ba talaga ang nakatadhana sa akin? O isa lang siya sa mga magdadaan sa buhay ko at mag-iiwan ng panibagong sugat sa puso ko?
"Stop staring at me, baka hindi ako makapagpigil at ihinto ko ang sasakyan para halikan ka." Narinig kong sabi niya habang nasa daan ang tingin.
"Stop the car," utos ko sa kanya na hindi pa din inaalis ang tingin sa mukha niya. Nilingon niya ako pagkatapos niyang ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Hindi ko na hinintay pang magtanong siya at ako na mismo ang humalik sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing ganito kami kalapit sa isa't-isa ay gustong-gusto kong halikan siya, yung para bang nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko at ang tanging gusto ko lang ay makulong sa mga bisig niya.
Umabot ng isang minuto ang halik na pinagsaluhan namin, kapwa kami parang mauubusan ng hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Hinalikan niya ako sa may tungki ng ilong ko pataas sa may sentido ko at sa bumalik sa labi ko.
"Bakit ba gustong-gusto mong tino-torture ako? Alam mo bang sa tuwing hinahalikan mo ako ay kailangang kong magdasal na sana'y makayanan kong kontrolin ang sarili ko? You're freakin' driving me crazy!" mahinang usal nito na tila ba hirap na hirap.
Ngumiti ako sa kanya at tila ba may kumislap na ideya sa isip ko.
"Then don't control yourself, I am yours already." Natigilan siya sa sinabi ko, tinitigan niya ako ng matagal na tila ba sa paraang iyon ay malalaman niya kung nagsasabi ako ng totoo.
"I'd been thinking about it since yesterday, we've known each other for almost a year and someone enlightens me about true love. Nakakatawa man pero habang may sinasabi siya ikaw ang iniisip ko, I don't care if you're just a passerby or you're my destiny. As long as I know what I feel for you I will take all the risk and only blame myself for jumping head-on first." Nakangiti kong wika sa kanya.
"Caryn," iyon lang ang narinig kong sinabi niya.
"I'm all yours Harvey, huli man kung narealize ko ang totoong nararamdaman ko hindi na importante yun, right?" Hindi siya nagsalita at hinalikan lang ako.
Halik na naiiba sa mga halik na pinagsaluhan namin, naging mas mapusok at mapaghanap. Hindi ko alam kung paano akong pumatong sa ibabaw niya at naibaba niya ang upuan niya ng hindi naghihiwalay ang aming mga labi.
Nagsimulang maglakbay ang kanyang dalawang kamay sa katawan ko ay dahil nga nasa ibabaw niya ako ay malayang naglalakbay ang kamay niya sa likod ko papunta sa ibabang parte ng katawan ko.
"CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.
"Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.
EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.
"Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.
Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."
INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l