LOGININIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.
Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang linya at nilapitan ako.
Agad niyang napansin ang malaking pasa na nasa kaliwang braso ko.
"Who did that to you?!" malakas na tanong nito sa akin.
"It's just a scratch Kath, naaksidente lang ako sa school kanina. Hindi ko naman inakalang magiging ganito kalala," pagsisinungaling ko sa kanya.
Hindi pwuedeng malaman niyang may lalaking nangharass sa akin, dahil alam kong ang unang gagawin nito ay tatawag ng pulis at irereklamo ang gagong iyon. Ganito ka-protective si Kath sa akin, konting galos lang matataranta na at hindi titigil hangga't hindi nalalaman ang totoong dahilan ng pagkaaksidente ko.
Sa aming dalawa kahit ako ang panganay ay ako pa rin ang kailangang bantayan at alagaan dahil sa sobrang careless ko. Tinignan niya ako na parang hindi naniniwala sa sinabi ko, nginitian ko siya at nagpaalam ng aakyat na sa kwarto ko.
"Nakausap ko na yung boyfriend ko, ang sabi niya next Saturday daw ay magse-set siya ng isang formal dinner sa isang kilalang restaurant. Mukhang ayaw niyang bumaba ang tingin mo sa kanya," malapad ang ngiting saad ni Kathleen.
Ngumiti ako at tumango. "Hindi naman niya kailangang maghanda ng bongga, as long as he's a good person okay na siya sa akin. Alam mo namang kaligayahan mo ang nakasalalay dito kaya kailangan kong maging istrikto kahit papaano. Aakyat na ako, magpahinga ka na din, good night."
"Good night, sis!"
KABADO ako nang pumasok sa campus, dapat ihahatid sana ako ni Harvey ngayon pero tumawag siya sa akin at sinabing hindi niya ako maihahatid dahil ayaw daw siyang pakawalan pa ng mommy niya. Baka mamayang hapon pa daw siya pupunta dito para sunduin ako.
Nagpalinga-linga ako sa paligid ko, tinitignan kung may mga estudyanteng nakatingin sa akin at pinag-uusapan ang nangyari kahapon.
Nakahinga ako nang maluwag ng wala akong mapansing mga estudyanteng nagbubulungan sa paligid. Hanggang sa makarating ako sa building namin ay wala akong narinig na tsismis mula sa mga nakakasalubong na mga estudyante.
Hindi siguro big deal ang nangyari kahapon kaya walang tsismis na kumakalat ngayon. Sabagay, sino ba naman ako para pag-aksayahan ng oras ng mga ito.
"Pst, hoy!"
"Ay, letseng sawang nakanganga!" bulalas ko nang may kumilabit sa tagiliran ko.
Nakarinig ako ng qmalakas na tawa at nang lingunin ko ay walang iba kundi ang kaibigan kong palaka este maganda.
"Anong nangyayari sa'yo? Mukhang wala ka sa sarili ngayon ah," sabi nito sa pagitan ng pagtawa.
"Wala ka bang narinig na mga tsismis ngayong araw pagdating mo sa school?" tanong ko sa kanya.
Nahulog siya sa pag-iisip at kunot ang noong tumingin sa akin.
"Anong tsismis?"
"Wow! Ang pinakaunang tsismosa sa campus, walang alam sa mga tsismis na kumakalat ngayon?" pang-aasar ko sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin at nakapameywang na hinarangan ang pintong papasok sa room namin.
"Ang ibig kong sabihin, anong tsismis ang sinasabi mo? Yun bang secret affair ng isang bading na professor at isa niyang estudyante? Yung taga Engineer Department na nagkaroon ng baliw na stalker na taga-Tourism? O yung popular na babae sa campus na may mabahong sikretong itinatago?"
Okay. Binabawi ko na ang sinabi ko. Gusto ko siyang palakpakan sa dami ng alam niyang kontrobersyal sa loob ng campus. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginagawa pero siguro talent niya na din ang mangalap ng balita sa paligid nita. Magiging magaling na paparazi ito kapag nagkataon.
"Wala sa mga nabanggit mo," ani ko na itinulak siya para makapasok na ako at makaupo sa upuan ko.
Kahapon nalaman na namin ang resulta ng exams, lahat kami ay nakahinga ng maluwag at tuwang-tuwa nang sinabi ng Prof namin na lahat kami ay nakapasa at makakagraduate.
Ang sunod naman naming pagkakaabalahan ay ang paghahanda para sa nalalapit na graduation namin, lahat kami ay excited at hindi maitago sa mga mukha namin ang matinding saya at lungkot. Lungkot dahil matatapos na ang mga araw na nagkasama-sama kami at masayang nagku-kuwentuhan sa loob ng classroom na ito.
"Mamayang gabi aasahan ko kayo ni Harvey sa party ko ah!" wika ni Maureen na nasa mukha din ang kakaibang kaligayahan.
"Okay, pero sabihin mo sa mga magulang mo na magbehave. Mamaya niyan bigla nilang maisipang pikutin si Harvey at piliting pakasalan ka, sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang back off," kunwaring pananakot ko sa kanya.
Hinampas niya ako sa kaliwang braso ko, napa-aray ako kasi natamaan niya ang namamagang parte ng braso ko. "Grabe ka sa akin at sa pamilya ko! Gusto lang makita ni Daddy si Harvey, ang tagal niya na kasing nagtatrabaho sa kompanya nila pero ni minsan hindi pa daw niya nakikita si Harvey. Masyado daw mailap at tanging mga board of directors lang ang nakakakita sa kanya ng madalas. Gusto lang magpasalamat ni Daddy dahil sa buwanang bonus na natatanggap nila. Tsaka alam nilang soon to be boyfriend mo yun!" litanya ni Maureen sa akin, maya-maya lang ay bigla siyang natigilan at nakangising tumingin sa akin. "Soon to be pa nga lang ba?"
Tumango ako, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at inamin sa kanya ang napag-usapan namin kagabi ni Harvey. Halos mapatalon siya sa sobrang tuwa sa sinabi ko, may kasama pang paghampas sa desk niya at sa balikat ko.
"Ano pa ba ang inaantay mo at ayaw mo pa siyang sagutin? Naku kung ako lang o ibang babae ang nasa kalagayan mo, jusko day! Walang pang isang segundo papayag agad ako!" saad nito na may kasama na namang pagtili at pagpadyak.
Nababaliw na naman ang isang ito. "Hindi ganoon kadali iyon Mau," sabi kong tumingin sa labas ng pinto.
"Natatakot ako at nangangamba, nasa loob ko din ang pagdududa. Ayokong magpadalos-dalos at sundin na naman ang puso ko, mahirap baka sa susunod na masaktan ako ay hindi ko na talaga makaya pa." Natigilan siya at seryosong napatingin sa akin.
"That's love. When you love someone, fear is the number one factor that you need to fight head-on. Dahil sa takot, humihina ang kalooban ng tao at umaatras sa kung anong bagay na gustong gawin ng isang tao.
"Have you been in love, Mau?" tanong ko sa kanya.
"Yes, a million times! I've been in love in a million times Caryn!" sagot niya.
Napasimangot ako at kulang na lang ay batukan siya. Seryoso ako dito pero bigla siyang magbibiro!
"CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.
"Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.
EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.
"Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.
Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."
INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l