"Loko-loko ka talaga, isang diyosa na ang nag-o-offer sa'yo choosy ka pa?" "Ayaw talagang magpatalo nito, hindi na lang sakyan ang kadramahan ko. Sige na umusod ka na, huwag na huwag kang magkakamaling gapangin ako. Please lang, inosente pa ako," hirit pa niya na nag-umpisang humiga sa tabi ko.
Huling Na-update : 2020-11-02 Magbasa pa