Share

CHAPTER ONE-I

Author: Diosamei
last update publish date: 2020-10-31 14:48:57

One Year Ago...

“I’m breaking up with you.” Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Napatingin ako sa kanya at agad na namasa ang mga mata ko nang makita kong nagsasabi siya ng totoo at walang halong pagbibiro.

Tuluyang naglandas ang mga luhang ‘sing-bilis pa nang kidlat na nag-unahan sa pagbagsak sa aking dalawang mata.

“You’re kidding, right?” nagawa ko pang ngumiti sa kanya at pilit na tinutuyo ang mukha kong basang-basa na ng mga luha.

Umiling siya at walang kakurap-kurap na nagsalita. “I’m done with you, I don’t love you anymore and I’m tired of everything between us.”

Nakagat ko ang mga labi ko upang mapigilan ang pag-hikbi. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nitong naisipan ang ganoong bagay.

“B-Bakit?” Nauutal na tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Natatakot na mapansin ng mga barkada niya na nasa di-kalayuan lamang.

Nag-iwas siya ng tingin tsaka huminga ng malalim bago muling nagsalita. “Hindi mo Rin ako maiintindihan. Aalis ako at ‘di ko alam kung kailan ang balik ko.” Nagsisinungaling siya, alam ko iyon.

Sa anim na buwan naming relasyon ay kilala ko na siya. Nauutal at ‘di makatinginng diretso sa akin—iyan ang senyales nang hindi niya pagsasabi ng totoo at gumagawa lang ng kuwento ngunit hindi iyon ang importante ngayon. Kaya ko pang tanggapin ang pagsisinungaling niya pero hindi ko kaya ang pakikipaghiwalay niya sa akin.

“Ang sabi mo, mahal mo ako…” mahinang utas ko sa kanya na nakatungo ang ulo.

Hindi ko na kaya pang makipagtitigan sa kanya, baka bigla na lang akong maglupasay dito kapag tumingin pa ako sa mukha niya.

“A-anong nangyari? Di ba may pangako ka sa akin?” Hindi siya nag-abalang sagutin ang tanong ko at parang walang narinig na tinalikuran niya ako’t naglakad patungo sa mga kaibigan niya.

Hindi ako umalis o kumilos man lang sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang ilang mga matang nakatingin sa gawi ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko siya at sa nanlalabo kong paningin ay kitang-kita ko ang saya sa mukha niya habang papalayo sa akin.

Ganoon na lang iyon?

Bigla-bigla siyang makikipaghiwalay na hindi man lang ako binigyan ng paliwanag at dahilan? Ni hindi man lang siya humingi ng sorry o nagpaliwanag kung bakit niya ako hihiwalayan.

Nagawa niya akong talikuran na ni minsan ay hindi niya nagawa sa akin, noon. Ano bang nagawa kong kasalanan?

May nagawa ba akong mali, na ikinagalit niya bigla?

Mali ba ang araw-araw na pagsasabi ko sa kanyang mahal ko siya? Ikinagalit ba niya ang pagpaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal?

Napaupo ako sa damuhan at wala sa sariling napatingin sa kawalan. Para akong tanga doon na umiiyak at bumubulong ng mga salitang paulit-ulit lamang na lumalabas sa bibig ko.

Mabuti na lang at walang masyadong taong dumaraan sa parteng iyon ng parke kung hindi ay pagkakamalan siyang baliw o ‘di kaya’y pagtitinginan siya’t pag-uusapan. Lalo na sa suot kong puting bulaklaking bestida na tinernuhan ko ng itim na pumps at nakaayos na buhok ko. Pinaghandaan ko ang araw na ito, naghanda ako ng sorpresang tiyak kong magugustuhan niya ngunit ako pala ang sinorpresa nito.

Today’s our sixth monthsary, and we both talked about celebrating together. Last night, we’d talked about our plans for today’s celebration. We planned to watch a movie and eat in a fine dining restaurant. Then, we'll go to his condo and there I'll give my surprise to him, but there is no celebration that will take place because he decides to break up with me.

Break na kami at wala akong paliwanag na natanggap mula sa kanya!

Ilang oras akong nakaupo lang doon at parang tangang umiiyak. Nagsimulang magdilim ang kalangitan at nagbabadya ang malakas na pag-ulan. Nag-angat ako ng tingin at kadiliman ng langit ang sumalubong sa akin.

Isang nakakapangilabot na kidlat ang gumuhit sa kalangitan na sinundan pa nang malakas na pagdagundong ng kulog. Hindi ako natinag sa kinaroroonan ko bagkus ay sumilay pa ang mapait na ngiti sa aking labi.

“Great!” bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalong maiiyak sa pagbuhos ng malakas na ulan at pagngangalit ng kalangitan. Nakakatuwa kasi parang nakiki-ayon ang kalangitan sa pagluluksa ng puso ko, pakiramdam ko hinigop nito ang lahat ng galit na naipon sa dibdib ko at ibinuhos upang ipahiwatig ang pakikiramay sa akin.

Mas lalo akong naiyak dahil pakiramdam ko pinaglaruan ako ng tadhana. Hindi ko alintana ang malalakas na patak ng ulan at ang malakas na hangin na dumadampi sa katawan ko.

Hindi sapat ang lamig na dala ng hangin at ulan para pawiin ang nangngangalit kong kalooban. Gusto kong sumigaw, gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko ngunit hindi ko magawa. Hindi ko siya kayang kamuhian o magalit man lang sa kanya kasi sa kabila ng ginawa niya ngayon, hinahanap pa rin siya ng puso ko. Patuloy pa rin akong nagmamahal sa kanya.

“Napakalaki kong tanga! Bakit ba ganito ako? Ayaw niya na sa’yo kaya puwede bang tumigil ka na at tanggaping iniwan ka na niya?!” sigaw ko sa sarili ko. Walang pakialam kung nagmumukha na akong baliw na nagsasalita sa ilalim ng matinding pag-ulan.

Nanginginig na ako sa sobrang lamig, basang-basa na ako at ang puting bestida ko ay nadumihan na dala maputik na kinauupuan niya.

“Gago ka…” Nahihirapan kong bigkas sa sarili. “Gago ka talaga, pero sa kabila ng ugali mong iyan ay tinanggap kita’t minahal. Wala akong alam na pagkukulang at pagkakamali sayo, lahat ng ayaw at gusto mo sinunod kong lahat. Binalewala ko ang sarili ko para lang mapagbigyan lahat ng kapritso mo, pero bakit sa huli iniwan mo pa riin ako?”

Kasabay nang paghagulhol ko ay ang muling pagdagundong ng kalangitan. Huminga ako ng malalim para mapakalma ang aking sarili. Pakiramdam ko nauubusan na ng hangin ang katawan ko at ramdam kong parang sinasakal ang puso ko. Ang hirap tanggapin ang nangyayari sa akin ngayon.

‘Paano na ako ngayon?’ tanong ko sa ‘king sarili. Mahal ko siya, mahal na mahal. Sa anim na buwang relasyon namin ay ibinigay ko ang pagmamahal na kahit ang sarili ko ay napabayaan ko na. Umasa ako sa kanya, umasa ako sa mga binitiwan niyang salita. Umikot ang mundo ko sa kanya kaya ngayong iniwan niya na ako’t tinalikuran hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung paano ang bumangon.

Madilim na kalangitan, malakas na ihip ng hangin, ang pagpunit ng munting liwanag sa kalangitan na sinasabayan nang pagkulog at ang malamig at tila nagyeyelong patak ng ulan. Lahat ng iyon ay parang balewala lang sa akin, namanhid na yata ang buo kong katawan at hindi na makaramdam. Ibinuka ko ang aking palad upang damhin ang pagpatak ng ulan ngunit nakalipas ang ilang minutong walang kahit isang patak ng ulan ang dumampi sa palad ko. Awtomatikong umangat ang paningin ko at tumambad sa akin ang kulay itim na payong.

“What do you think you’re doing, Miss?” sita ng isang baritono at buong boses. Napagawi ang tingin ko sa nagsalita at tumambad sa akin ang nakabusangot na itsura ng isang matangkad na lalaki.

Nakasuot ito ng hoody at nakapamulsang nakatingin sa akin. Kumibot ang labi ko ngunit di ko nagawang magsalita. Ano nga bang ginagawa ko?

 “May bagyo ngayon at hindi ito simpleng ulan lang kaya kung ako sayo uuwi na ako,” saad ng lalaki na parang pinag-aralan ang itsura ko.

Tumingin ulit ako sa lalaki, gusto kong sabihin sa kanyang umalis na at hayaan na lang akong mag-isa, ngunit bigla akong nakaramdam ng matinding ginaw at pangangatal ng katawan.

Walang imik akong dahan-dahang tumayo at tumalikod sa kanya. Hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay biglang umikot ang paligid ko at walang ano-ano’y biglang nahulog ako sa kadiliman.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER NINE-I

    "CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-II

    "Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-I

    EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-III

    "Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-II

    Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-I

    INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status