LOGINEKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.
Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.
"I'm sorry we're late, medyo napasarap kasi ang tulog ko at gabi na ng magising ako." Ani Harvey. Ikinumpas lang ni Maureen ang mga kamay niya at inakay na kami papasok sa bahay nila.
"Are you really okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Harvey.
"I'm fine don't worry," sagot ko sa kanya na may kasamang ngiti. Kailangan kong magkunwaring okay kahit ngayong gabi lang, kahit na nangangatal pa din ang mga binti ko at sumasakit pa ang parteng iyon ng katawan ko ay kailangang umasta akong parang walang nangyari. Ginusto ko ito kaya kailangang tiisin ko.
"Stop lying to me, hindi ka okay. Isang oras lang tayong mananatili dito at aalis na, kailangan mong magpahinga ng maayos. Hindi biro ang ginawa nating aktibidad kanina," aniyang pilit sinusupil ang pilyong ngiti sa mga labi.
Nag-init ang mukha ko nang maalala ko na naman ang nangyari sa amin kanina sa gitna ng ulan. Sinong nasa matinong isip ang gagawin ang isang bagay sa isang kotse sa gitna ng malakas na ulan? Isama pang unang karanasan ko iyon!
"Stop teasing me!" mariing kong singhal sa kanya. Natawa lang ito at hinapit ang beywang ko papalapit sa kanya.
Nakarating kami sa loob ng bahay nila at nakita ko ang ilang pamilyar na mga mukha. Halos lahat ay taga department namin, may iilan lang na kabilang sa ibang department.
Nilapitan kami ng Daddy at Mommy ni Maureen at nagpakilala kay Harvey, sa umpisa ay medyo nailang pa si Harvey lalo na nang malaman niyang empleyado ng kompanya niya ang ama ni Maureen ngunit kalaunan ay nakuha na niyang makihalubilo sa mga ito.
Naging masaya ang party ni Maureen at lahat kami ay nag-enjoy sa gabing iyon at kagaya ng sinabi ni Harvey ay hindi nga kami nagtagal at nagpaalam na din.
Halata rin kasi sa mukha ko ang sobrang pagod kaya hindi na din kami pinigilan pa ni Maureen at ng mga magulang niya.
"You're really tired, huwag ka ng umuwi sa inyo at sa bahay ka na matulog." Wika ni Harvey na hinawakan ang kamay ko habang nagmamaneho.
Tango lang ang itinugon ko at inihilig ang ulo sa balikat niya. Ang ilang minutong biyahe namin pauwi sa kanyang bahay ay inabot ng mahigit isang oras dahil sa bagal niyang magmaneho.
Hindi siya makapagmaneho ng maayos dahil nga sa ulo kong nakahilig sa balikat niya. Pagod na pagod talaga ako at hindi pa din nawawala ang pananakit ng parteng iyon. Pagkadating namin sa bahay niya ay maingat niya akong binuhat papunta sa kwarto niya, siya na din ang nagpalit ng damit ko.
"Sleep with me please," pakiusap ko sa kanya nang iiwan niya na sana ako sa kwarto. Humiga siya sa tabi ko at kinabig ako papalapit sa kanya.
"After your graduation, we will plan our wedding. Dadalhin ko ang buong angkan ng Mondragon sa bahay ng Tita mo para mamanhikan."
"Hindi ba talaga uso sa'yo ang tanungin ako bago ka magplano?" nakapikit kong tanong sa kanya.
Hinaplos niya ang mahaba kong buhok saka nagsalita. "Do I need to ask you, first? You seduced me and you need to be responsible and marry me." Napangiti ako sa tanong niya, niyakap ko ang beywang niya at sumiksik pa sa dibdib niya.
Sana siya na nga talaga.
MASQUERADE BALL
PAGPASOK ko pa lang sa loob ng auditorium ay tumabad na sa akin ang maraming estudyanteng nakasuot ng iba't-ibang klase ng mask at pabonggan ng mga damit. Pinaghalong itim at pula ang disenyo sa buong paligid, maging ang mga nakahilerang upuan at mesa ay binalot ng kulay itim at pula.
Hindi ko alam kung magandang ideya nga ba ang naisip ng Prof namin pero base sa nakikita ko sa paligid ko ay mukhang nag-eenjoy naman ang lahat. Yun nga lang hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang kaibigan ko. Bawal tanggalin ang maskara kaya tiyak na aabutin ako ng ilang oras para mahanap ang babaeng iyon.
Maya-maya lang ay may lumapit sa aking nakamaskarang lalaki at nagbigay ng isang kapirasong papel. Tinanggap ko iyon at ngumiti sa kanya. Itinago ko ang papel sa dala kong bag, wala akong interes na basahin ang mga iyon.
Una sa lahat, hindi ko alam kung para sa akin ba talaga iyon o hindi. Hindi nila ako makikilala di ba?
Nagsalita ang emcee para sa gabing iyon, tinawag niya ang pangalan ko at agad naman akong umakyat sa stage. Hindi na ako nagulat nang ideklarang ako ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa aming department.
Nilagyan nila ako ng sash na may nakasulat na MAGNA CUM LAUDE at dahil na din sa sash na iyon ay isa-isa nang nagsilapit ang hindi ko makilalang kalalakihan. Kanya-kanyang tanong at imbita ngunit magalang ko silang tinanggihan lahat.
"Mukhang ikaw pa yata ang magiging Star of the Night ah, magtira ka naman para sa akin!" Narinig kong wika ni Maureen mula sa likod ko
Nakangiti akong lumingon sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng isang Luxury Navy Blue Ball Gown na pinarisan niya ng itim na maskara na tumatakip sa kalahati ng mukha niya.
Ibang-iba ang itsura niya ngayon kaysa sa araw-araw na lagi ko siyang nakikita.
"Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nagsususuot?" tanong ko.
Napahagikhik siya sa sinabi ko, mukhang may ginawa na naman itong kalokohan. "May sinundan lang ako, tinitignan ko kasi kung effective yung nabasa kong paraan kung paano ko malalamang siya na nga."
"Effective ba naman?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Bigla siyang napasimangot. "Ni hindi niya nga ako pinansin o tinignan man lang, nakakainis! Akala mo kung sinong gwapo!"
Natawa ako sa sinabi niya. "Kilala ka ba niya?"
Natigilan siya sa tanong ko at napakamot sa gilid ng noo.
"Hindi," nakatungong sagot niya.
Naiiling na tinapik ko siya sa balikat. "Tsk. Tsk. Tsk. Paano ka mapapansin kung hindi ka magpapakilala?"
"Hindi puwede, wala pang senyales akong nakikita para magpakilala sa kanya," aniya na inilibot ulit ang tingin sa paligid.
"Bakit ba kailangan mong sundin ang mga senyales na iyan? Magpapakilala ka lang sa tao, saka ka na maghanap ng senyales kapag nakilala mo na talaga siya." Tinitigan niya ako at biglang nagliwanag ang mukha, tila nabuhayan siya sa sinabi ko.
"Good idea! Iiwan muna kita dito, total marami namang umaaligid sa'yo. Mag-ipon ka na lang muna ng mga confession letters, got to go I need to find him! See you around," mabilis na nawala sa paningin ko ang kaibigan ko.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid halos lahat sila nag-eenjoy sa gabing ito, kanya-kanyang grupo ang lahat at nagkakatuwaan pang sumayaw sa gitna ng dancefloor.
Maghahanap na sana ako ng upuan nang bigla na lang may kamay na humila sa akin paalis sa lugar na iyon. Hindi agad siya nakahuma at huli na nang marealize niyang medyo malayo na ang narating nila ng taong humila sa kanya.
Pinagmasdan ko ang kabuaan ng lalaking nakamaskara at bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba nang makilala ang nasa likod niyon.
"Anong kailangan mo?" galit na tanong ko sa kanya.
"I'd been waiting for this kind of opportunity, gusto kong masolo kita kahit saglit lang." Sagot nito na tinanggal ang maskarang nasa mukha niya.
"Stop bothering me Kevin, sinabi ko na sa'yo na hindi na ako lalapit at makikipag-usap sa'yo sa oras na palayain kita. Kaya wala na tayong dapat pang pag-usapan pa, babalik na ako sa hall," sabi ko at tinalikuran na siya't balak nang umalis.
"CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.
"Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.
EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.
"Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.
Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."
INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l