공유

CHAPTER NINE-I

작가: Diosamei
last update 게시일: 2020-11-17 12:00:31

"CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.

Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.

"Congrats, anak! You did it! I'm so proud of you," bati niya sa akin sa pagitan ng pag-iyak.

"Thank you tita, alam mong para sa'yo lahat ng natanggap ko ngayon. Kung hindi dahil sa'yo hindi ako makakarating dito." Naluluha ko ding saad sa kanya.

Nakakalungkot mang isiping wala si Kathleen sa araw na ito ay hindi ko na lang binigyan ng pansin. Mas kailangan ito ng taong mahal niya, nakakatampo man pero naiintindihan ko siya.

"Congratulations! Handa ka na bang pakasalan ako?" nakangiting bati niya sa akin.

Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. "I love you," 'yun ang namutawi sa bibig ko.

Natigilan siya sa sinabi ko at hindi nakapagsalita, siguro'y hindi niya inaasahang sasabihin ko ang mga katagang iyon.

It's been three weeks, since that incident happened. Simula nung gabing iyon ay hindi ako umuwi ng bahay namin at nanatiling nakakulong sa kwarto ni Harvey. Punong-puno ako ng takot at pangambang sa isang kisapmata ko lang ay lilitaw si Kevin at sasaktan ulit ako. Si Harvey ang kaisa-isang taong nagtiis at nagdusa sa kagagawan ng walanghiyang iyon sa akin, nagkaroon ako ng trauma at ilang gabi akong hindi makatulog o kung makatulog man ay agad akong magigising at parang baliw na nagsisisigaw.

Sinubukan akong dalawin ni Tita ngunit tumanggi akong magpakita sa kanya, nagkaroon ako ng takot sa mga taong nakapaligid sa akin. Kahit ang relasyon namin ni Harvey ay muntik nang maapektuhan dahil sa akin pero hindi siya nagpadala sa mga masasakit na sinabi ko o kahit masaktan ko siya ng pisikal ay wala akong narinig mula sa kanya. Bagkus, lagi niyang pinapaalala sa akin kung gaano niya ako pinapahalagahan at minamahal. Bawat gabi na sumisigaw ako at umiiyak ay tinitiis niya ang bawat kalmot at sipa ko mayakap lang ako ng mahigpit at mapakalma. Sino ba namang babae ang hindi mahuhulog nang tuluyan sa ganoong klaseng lalaki.

"Naestatwa ka na diyan? Nalason ka na ba sa sinabi ko o gusto mong ulitin ko ulit sabihin sa'yo?" nakangising panunudyo ko sa kanya.

Kinabig niya ako at siniil ng halik sa labi, nakarinig ako ng hiyawan at sigawan. Agad ko siyang itinulak at itinago ang mukha ko sa balikat ni Tita, natawa lang siya sa ginawa ko at masuyong hinagod ang mahaba kong buhok

"Gusto ko sanang magkaroon ng lalaking apo, kailan niyo ako mabibigyan?" panunudyo ni tita sa amin ni Harvey.

"Tita!" bulalas ko na lalong nagpapula ng mukha ko. Tinawanan niya lang ako at sabay-sabay na kaming umalis sa school. Hindi ko nabati si Maureen dahil hanggang ngayon sinisisi niya pa din ang sarili niya sa nangyari sa akin.

Nagpakalayu-layo siya at piniling hindi umattend ng Graduation Ceremony, nakakalungkot man pero hinayaan ko muna siya sa gusto niya. At si Kevin? Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya, wala na akong balita sa kanya simula nung gabing iyon. Naexpel siya sa school at hindi pinayagang makakuha ng diploma, pinaghahanap na din siya ng mga pulis dahil gusto siyang pagbayarin ni Harvey.

"At saan mo ako gustong dalhin Mr. Mondragon?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya nang mapansing iba ang dinadaanan naming ruta.

"It's time for you to meet my Clan, we're going to my Kingdom!" sagot niyang nilingon ako at hinawakan ang kamay ko.

"Seryoso?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya

Tumango siya at nagpatuloy sa pagmamaneho habang hawak ang kamay ko.

"What if, they will not like me?" tanong ko.

"What if they will?" aniya.

"What if, you're wrong and they tell you to break up with me?"

"What if I'm right and they'll tell me to marry you as soon as I can?"

"What if--"

"To hell with that what-ifs, Caryn, we will never know if we'll not try. And just so you know, I really don't give damn care if they like you or not. The only reason why I want you to meet them is that my mom wants to see her future first-ever daughter-in-law." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya, humigpit lang ang hawak ko sa kamay niya at dinala iyon sa mukha ko.

"Am I really worth it for you?" tanong ko sa kanya.

"Yes, I'm a hundred and one thousand percent sure of that!" nakangiti niyang usal sa akin.

Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili ko pars harapin ang buong angkan ng Mondragon. Kung ganito ka-kampante si Harvey sa akin kailangang suklian ko iyon ng higit pa, sa ganoong paraan lang ako makakabawi sa pagmamahal na iniaalay niya sa akin.

PAGDATING namin sa bahay nila ay parang gusto kong manliit, lahat ng inipon kong lakas ay biglang nawala. Sobrang laki ng bahay nila, isa iyong tatlong palapag villa. Kulay krema ang pintura ng buong kabahayan ang garage na kinaroroonan namin ay kasing luwag ng buong sala namin. Walang-wala ito sa apartment na tinitirhan ni Harvey, nagdududang tinignan ko siya.

"Bahay niyo ba talaga ang napasok natin? Hindi kaya namali ka ng pasok at ibang bahay ang pinasok mo?"

Tinawanan niya ako at iginiya papasok sa loob ng bahay.

"Let's see about that," pagkasabi niyang iyon ay tinawag niya ang pangalan ng kanyang ina.

"Estrella Mondragon! Can you come out for a bit? Mukhang hindi ako pinapaniwalaan ng mamanugangin mo!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, hinampas ko siya ng malakas sa dibdib niya ngunit tumawa lang ito at ipinulupot ang isang braso sa beywang ko.

"Be ready, magsisilabasan na mga iyon, in three... two... one!"

Eksaktong pagbilang niya ng isa ay bumukas ang double door na nasa gilid namin. Unang iniluwa doon ang nasa mid-40 na babae, mahaba ang kulay itim nitong buhok na nakalugay sa isang parte ng kanyang balikat. Ang kulay asul nitong mga mata ay tila nanghihipnotismo sa sobrang ganda, bagay na wala kay Harvey. Sa ama niya siguro nagmana ito, nakangiting nilapitan niya kami ngunit bago niya ako binati ay binatukan niya sa harap ko si Harvey.

"Kahit kailan ka talaga, ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na huwag mo akong sisigawan?" nakapameywang na duro ng Ginang kay Harvey.

"Mom, huwag mong ipahiya si Kuya sa harap ng mapapangasawa niya baka mamaya umatras iyan at biglang magsuicide na naman iyan," narinig kong pang-aasar sa kanya ng lalaking lumapit sa amin. Katulad ng ina ni Harvey ay kulay asul din ang mata nito na lalong nagpatingkad sa kagwapuhang taglay nito. Medyo hawig ito sa kanya ngunit makikitang mas bata itong tignan kesa kay Harvey.

"Shut up, little brat!" angil ni Harvey na binatukan ang kapatid niya.

"Mommy, oh!" parang batang nagsumbong ang lalaki sa mommy nila. Napapalatak na lang ang babae sa inasta ng mga ito.

"Ang lalaki niyo na ganyan pa kayo umasta sa harap ng isang babae, umasta kayo ng maayos! Anyway," humarap sa akin ang ginang at ngumiti. "I'm Estrella Mondragon, the mother of this two rascals. You must be Caryn, ang dami kong narinig tungkol sa'yo and sorry for what happened to you. Pinagalitan ko ng todo itong si Harvey dahil sa kapabayaan niya at hindi ka nabantayan ng maayos."

"Hindi niya po kasalanan iyon, aksidente lang ho talaga ang nangyari tsaka dala na din ng kapabayaan ko." Nahihiyang saad ko sa kanya.

"Nahuli na ba ang kriminal na iyon?" tanong ulit niya sa akin. Tumingin ako kay Harvey ngunit abala na ito sa pakikipagtalo sa kapatid niya. "Wala pa din pong balita ang mga pulis kung nasaan si Kevin pero sana naman po hindi na siya magpakita pa sa akin."

Tumango ito at kumapit sa braso ko. "Let's go inside, they are waiting for you and congratulations by the way," nakangiti nitong saad at inakay na ako papasok ng kanilang bahay.

Magkasabay na sumunod ang dalawang lalaki sa likod namin, ang kaninang bangayan nila ay nauwi sa asaran at tawanan.

Pagdating namin sa loob ay mas lalo akong napahanga sa ganda ng bahay nila. Magkabila ang maluwang na sala at sa gitna ay nakasabit ang napakalaking chandelier at ang mahabang pulang carpet na nakalatag sa pinakasentro ng bahay paakyat sa hagdan sa ikalawa at ikatlong palapag.

"Everyone, meet my daughter-in law!" malakas na wika ng mommy ni Harvey sa ilang taong naroroon sa sofa. Napalunok ako at hindi malaman ang gagawin dahil sa ilang pares ng matang nakatingin sa gawi ko. Pitong naggagwapuhan at nagtitikasang lalaki ang nasa harap ko at dalawang babaeng kay gaganda namang talaga.

Parang gusto kong pagsisihan ang pagpunta dito ng hindi pinaghahandaan, hinanap ng mata ko si Harvey, nakita ko siyang inakay na ng kapatid niya na maupo sa tabi ng medyo may edad ng lalaki, hula ko ay ito ang kanilang ama.

"Relax honey, mababait ang mga anak kong iyan kaya walang mang-aaway sa'yo dito." Totoong nagulat ako sa sinabi niya, mga kapatid ni Harvey ang lahat ng nandito? Ang dami naman nila!

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER NINE-I

    "CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-II

    "Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-I

    EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-III

    "Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-II

    Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-I

    INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status