Share

CHAPTER ONE-II

Author: Diosamei
last update Petsa ng paglalathala: 2020-10-31 14:54:27

NAGISING ako nang maramdaman kong may kamay na humahaplos sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad ang isang estrangherong mukha na bagamat nakakunot ang noo ay di maitatagong maamo ang mukha iyon

.

“Where am I?” Namamaos kong tanong na inilibot ang paningin ko sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang kinaroroonan ko kaya bahagya akong kinabahan at natakot. Napaurong ako at lumayo sa lalaking nakaupo malapit sa akin.

 “You’re here in my apartment, nakita kita sa parke kanina nang papauwi ako,” Nakahalukipkip niyang sagot sa akin.

Napatungo ako at muli na namang sumigid ang kirot sa puso ko nang marinig ang sinabi nito. Muling naglandas ang panibagong mga luha sa mukha ko at huli na para mapigilan ko iyon, kagat ang mga labing nanatili ako sa ganoong posisyon. Nangangambang makita ng lalaki ang itsura nia at pagtawanan ako.

“Hey, did I say something wrong? Pasensya ka na, I didn’t mean to bring you here but I swear wala akong ginawa sa’yo. I have no choice but to bring you, nawalan ka ng malay kanina.” Natatarantang paliwanag ng lalaki sa akin.

Umiling ako’t pinunasan ang mukha kong basa ng luha. Sinubukan kong bumangon ngunit bigla akong naliyo kaya bumalik ako sa pagkakahiga.

“Stay still, hindi mo pa kayang tumayo, mataas ang lagnat mo at kailangan mo munang magpahinga. Hindi biro ang ginawa mo, walang matinong tao ang magbababad sa ulan sa ganitong klase ng panahon. Kung may problema ka, hindi iyon masosolusyunan sa ganoong paraan.” Panenermon niya sa akin.

Nag-iwas ako nang tingin sa kanya at pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Mainit nga ako, ramdam ko ang init ng sarili kong balat, maging ang paghinga ko ay mainit. Mukhang ito ang naging kapalit sa mahabang oras na inilagi ko sa ulan.

"Pasensya na sa abala." Hinging-paumanhin ko sa kanya sa paos na tinig. Hinang-hina ang pakiramdam ko na kahit ang pagsasalita ay hirap ako.

Tinignan ako ng lalaki at saka ngumiti. "Kahit naman siguro sino ay tutulungan ka kapag ganito ang sitwasyon mo," saad nito na lumapit sa akin at inayos ang kumot na nakabalot sa katawan ko. 

"Magpahinga ka na muna, matulog ka ulit. Gigisingin kita kapag luto na iyong sopas na inihanda ko. Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot, magtitiis ka nga lang sa lasa niyon dahil sa ako lang ang may gawa." Nakangiting turan niya sa akin.

"Thank you," usal ko at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. Pagkuwa’y ipinikit ang aking mga mata.

Isang kamay ang muling humaplos sa pisngi ko bago ko naramdaman ang mga yabag na papalayo sa akin. Pagkasara ng pinto ay muli kong iminulat ang aking mga mata at pinagmasdan ang kabuuan ng kuwarto. Walang masyadong kagamitan ang loob ng kuwarto ngunit bawat gamit na makita ko ay hindi maikakailang mamahalin at branded.

Napatingala ako sa kisame at sumagi ulit sa isip ko ang masayang mukha ng dating nobyo ko pagkatapos niyang makipaghiwalay sa akin. Hindi ko na naman napigilang umiyak, sumisikip ang dibdib ko at para akong nauubusan ng hangin sa katawan, sa tuwing maiisip ko ang ginawa niya.

Pinilit kong umupo at isinandal ang likod sa headboard ng kama, hinawakan ko ang dibdib ko at nagpakawala ng ilang malalalim na paghinga.

'Oh God, what's happening to me?' tanong ko sa sarili ko. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pilit pinakalma ang aking sarili. Inalis ko sa isipan ko ang mapait na alaalang iyon at napagtagumpayan ko naman kahit papaano.

Nanatili ako sa ganoong posisyon ng ilang sandali hanggang sa maisipan kong humiga ulit at piliting makatulog. Sa ganoon paraan ay maiiwasan niyang maalala ang mapait na nangyari sa kanya ngayong araw.

*****

Isang pares ng mata ang sumalubong sa akin pagkamulat ko agad ng aking mga mata. Nakaupo siya sa gilid ng kamang hinihigaan ko at kalmadong naghihintay sa pag-gising ko.

Nagkatitigan kami at namayani ang katahimikan sa paligid, tanging ang pagpatak ng ulan sa bubong at ang malakas na ihip ng hangin sa labas ang maririnig sa paligid namin. Maya-maya lang ay tumikhim ang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. Ilang oras na akong nandito sa bahay niya't ilang beses na kaming nagkausap ngunit ni minsan ay hindi ko naitanong kung ano ang pangalan niya.

Ang sama ko naman!

"Good you're already awake, balak na sana kitang gisingin kaso nakita kong masarap ang tulog mo kaya hinayaan na muna kita. Kumain ka na habang mainit pa 'to," saad niya na ipinakita ang umuusok pang sopas na nasa tray.

Inalalayan niya akong makaupo ng maayos bago ibinigay ang tray na may pagkain. Bigla akong natakam nang makita at malanghap ko ang pagkain. Agad kong kinuha ang kubyertos na nasa gilid ng mangkok at balak na sanang kumain ngunit hindi umayon ang mga kamay ko. Nanginginig ang mga iyon at sa tuwing sasandok ako ng pagkain ay natatapon lang bago umabot sa bibig ko. Binitiwan ko ang kutsarang hawak at nauubusan ng pasensyang tinignan na lamang ang pagkaing nasa harap ko.

"Let me help you, susubuan na lang kita, kung okay lang sa'yo?" Nakangiti niyang tanong sa akin at kinuha ang pagkain sa kandungan ko.

Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang at nagpasubo sa kanya. Nakakahiya man ngunit wala akong ibang choice kundi ang hayaan siyang pagsilbihan ako. Sobra-sobrang abala na ang ginagawa ko sa kanya.

"My name is Harvey, mabuti na lang pala at naisipan kong umuwi ng maaga kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa'yo doon. Kaya mo na bang magkuwento?" tanong niya habang sinusubuan ako ng pagkain.

Naitikom ko ang aking bibig at natigilan sa ginagawang pagnguya ng pagkain.

"Uhm, okay lang kung ayaw mo pang pag-usapan. Mukhang mabigat nga ang dinadala mong problema," aniya.

"My boyfriend dumped me." Nauutal kong saad na nakatingin sa kawalan. "It's our sixth monthsary today. He invited me to go on a date and meet him in the park. When he saw me, the first thing he said was he wanted to break up with me." Mapait akong napangiti.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER NINE-I

    "CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-II

    "Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-I

    EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-III

    "Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-II

    Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-I

    INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status