Share

CHAPTER FOUR-II

Author: Diosamei
last update publish date: 2020-11-02 11:46:44

"Loko-loko ka talaga, isang diyosa na ang nag-o-offer sa'yo choosy ka pa?"

"Ayaw talagang magpatalo nito, hindi na lang sakyan ang kadramahan ko. Sige na umusod ka na, huwag na huwag kang magkakamaling gapangin ako. Please lang, inosente pa ako," hirit pa niya na nag-umpisang humiga sa tabi ko.

Tinapik ko siya sa balikat at kunwaring napailing pa. "Lakas ng tama mo pards, hinay-hinay lang kasi sa kape at kung anu-ano na pumapasok sa kukote mo," nakangising wika ko.

Nilagay niya ang isang unan sa gitna namin ngunit nakangisi ko iyong tinanggal at kinindatan siya. "No need of it, sabi mo mas masarap ang may kayakap ngayon di ba?"

"Sabi na nga ba't hindi kita pwedeng pagkatiwalaan eh! Maawa ka po sa akin at dahan-dahan lang puwede? First time ko kasi ito," mahinang saad niya na ipinikit pa ang mga mata at parang nakaabang talaga sa kung anumang gagawin ko.

Napahagalpak ako ng tawa at hawak ang tiyan na hinampas ko siya ng malakas sa balikat. Narinig ko din siyang tumawa at pagkatapos ay inayos ang unan ko tsaka ako inalalayang mahiga at kinumutan.

Humiga na din siya at kapwa kami nakaharap sa puting kisame. "Ayaw mo magkumot?" tanong ko sa kanya na hindi na nag-abala pang tignan siya.

"Hindi pa tayo pwedeng magsama sa iisang kumot, papakasalan muna kita," nakangisi niyang sambit.

Humarap ako sa kanya at nakita ko ang gwapo niyang mukhang nakangisi. "Nagawa mo na kaya dapat pakasalan mo na ako."

Humarap din siya sa akin at nagkatitigan kami na kapwa nakangisi. "Hindi counted ang una, ginawa ko yun dahil kailangan."

"Thank you," mahinang usal ko. Nginitian niya lang ako.

"Matulog ka na, hihintayin kitang makatulog muna, baka paggising ko bukas ng umaga kinuha mo na ang iniingatan kong puri."

"Goodnight, Harvey."

"Goodnight Caryn."

Pagpikit ko ng mga mata ko ay naramdaman ko ang masuyong paghaplos niya sa buhok ko. Bumaba ang haplos niya sa mukha ko ngunit hindi ako nagmulat ng mata at hinayaan lang siya.

"Pinapatawa lang kita nang sa ganoon hindi ka mailang sa akin," mahinang usal niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa gilid ng buhok ko.

"I know, I trust you." nakangiti kong saad at isiniksik ang sarili sa kanya.

"Caryn, kapag hindi ka pa huminto sa kakasiksik mahuhulog na ako sa kama," bulong ni Harvey sa punong tenga ko.

"Yakapin mo ako para hindi ka mahulog," anas ko sa kanya at tumingala para harapin ang mga mata niya.

"Are you aware of what you're asking?" mahinang saad nito.

Tumango ako at lalo pang nagsumiksik sa dibdib niya.

Alam kong mali ang ginagawa ko, kagagaling ko lang sa break-up pero nandito ako sa bahay ng isang lalaki, natutulog sa isang kama at nagsususmiksik sa dibdib niya.

"Inaabuso mo na ako, Caryn." He helplessly said and embrace me. Nakaramdam na ako ng kaginhawaan nang makulong ako sa mga bisig niya.

Wala sa sariling nagpasalamat ako sa kanya at naramdaman ko na ang paghila ng kadiliman sa katauhan ko.

I' m safe with him. I trust him more than any guy. Hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga ako makaramdam ng pagkailang kapag kasama ko siya.

NAPATAAS ang kilay ko nang makita ang nakangising mukha ng kaibigan kong si Maureen, hindi kami ganoon kaclose pero isa siya sa maituturing kong kaibigan dito sa school.

"What's with that creepy smile?" tanong ko.

"May naghahanap sa'yong guwapo sa labas, want to share something Car?"

"Guwapo?" tanong ko ulit. Biglang sumagi sa isip ko si Harvey pero imposible namang magpupunta iyon ngayon dito. Ang sabi niya may mahalaga siyang aasikasuhin sa kompanya niya.

"As in. Talaga nga yatang nakamove-on ka na sa hinayupak mong ex at may dene-date ka na ulit. Good for you girl," nakangiting saad ni Maureen at walang sabi-sabing hinila ako palabas ng school building namin.

"FYI, Mau, wala akong dene-date ngayon. Maaaring nakamove-on na ako pero hindi ibig sabihin nun maglalandi na ulit ako tsaka baka nagkakamali ka lang ng hinihilang tao wala akong kilalang guwapo," sabi ko sa kanya habang sabay na kaming naglalakad palabas.

"Wala namang ibang Caryn dito sa department natin kundi ikaw lang diba? Ah basta, tignan mo na lang at saka ka magsabing hindi mo kilala." Ilang sandali pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa lobby at agad na nangunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na pigura ng isang lalaki.

Agad sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makitang papalapit na ako. "Anong ginagawa mo dito, akala ko ba busy ka today at di ka makakakapunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya na nakataas ang isang kilay.

"Lunch break na, baka kasi makalimutan mo na namang mananghalian dahil diyan sa kakareview mo. Ayoko nang maulit yung magpapakita ka sa aking namimilipit ka sa sakit ng tiyan mo," sagot nito.

"So pumunta ka dito para lang ipaalala sa aking kumain ng lunch? 2016 na po, uso na ang telepono boy!" Natawa lang si Harvey sa sinabi ko.

"Saan mo gustong kumain? Let's have lunch together."

"Ayun, lumabas din. Namimiss mo lang ako kaya ka nagpunta dito ang dami mo pang sinabi." Iiling-iling na sabi ko at tinapik siya sa balikat.

"Sa canteen na lang tayo kumain, I only have thirty minutes break. Mau, sasama ka ba?" baling ko sa kaibigan ko.

"Mauna na kayo, may gagawin lang ako saglit." Nakangiting sagot ni Mau at palihim akong kinindatan. Tinanguan ko lang siya at inakay naman ako ni Harvey papuntang canteen.

Habang nasa daan kami ay panay ang tingin ng mga estudyante sa aming dalawa, hindi ko alam kung ako ba ang pinag-uusapan nila o ang gwapong kasama ko.

Nakarating kami ng canteen at agad na pumila para makakain, parehas spaghetti ang inorder namin.

"Sa tagal ko ng nagpupunta dito bakit hindi pa din nagbabago ang mga taong nakapaligid sa atin?" utas niya.

Natawa lang ako at hindi nag-abalng sagutin siya.

It's been three months since Kevin and I broke up, masasabing nakamove on na ako pero hindi pa din totally. May kaunting nararamdaman pa ako sa kanya, ayokong madaliin ang lahat at alam kong darating din ang araw na makakalimutan ko din siya ng buong-buo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER NINE-I

    "CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-II

    "Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-I

    EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-III

    "Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-II

    Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-I

    INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status