Se connecterILANG sandali pa kaming nagtalo at nagbangayan hanggang sa humantong kami sa isang sikat na cartoon movie.
Tawa ako ng tawa nang makita ko iyon, sino bang mag-aakala na mahilig siya sa ganitong mga palabas, pinatotohanan niya lang ang sinabi ko kaninang isip bata talaga siya.
Habang nanonood kami ay wala akong pinalampas na sandali na hindi siya asarin.
Bigla lang akong nanahimik nang makita ko ang dalawang pusang nag-aaway hanggang sa iwan nung isang pusa ang isa pa. Nalungkot ang iniwang pusa at umiyak, may pinakita pang pusong nadurog. Araw-araw sumisilip siya sa bintana at pinto kung bumalik ba ang pusa ngunit hindi na ito bumalik pa. Hindi ko alam kung saang parte doon ang nakakatawa?
"Bakit kaya ganoon? Nasaktan ka na nga't nabigo, nakukuha ka pa ding pagtawanan ng ibang tao. Iniwan ka na nga't pinaasa ng taong mahal mo nagagawa mo pa ding maghintay at patuloy na umaasang babalikan ka pa din niya," saad kong nakapangalumbabang nakatutok sa screen ng tv.
"Hindi lahat ng nakakatawa ay kailangang pagtawanan at hindi lahat ng nakakaiyak ay kailangan mo ding iyakan. Minsan kailangan mong tumawa kahit nasasaktan ka na at kailangan mo ring umiyak kahit na alam mong may nakakatawa. Magiging napaka boring ng mundo kung magsasama-sama ang magkakatulad, gets mo?"
Kumunot ang noo ko sa paliwanag niya, ang gulo ng sinabi niya at wala akong naiintindihan.
"Magulo diba? Kasi ganoon ang mundo, ganoon ang pag-ibig at ganoon din ang lahat ng bagay. Everything is a mess, nothing is perfect and nothing is fair, lagi mong tatandaan yan."
Napaismid ako sa mga pinagsasabi niya. "Anong konek ng sinabi mo sa pinapanood natin?"
"Nagtanong ka, sinagot lang kita."
Sinimangutan ko siya at inihampas ang maliit na unan na hawak ko sa kanya.
"Ang sabi mo pinalaya mo na, bakit kailangang umasa ka pang babalikan ka niya? Utak naman ang paganahin mo ngayon at isara mo muna iyang puso mo. Kapag nagpatuloy kang makinig diyan, katangahan na ang tawag dun at kapag nangyari iyun forever ka ng aasa at masasaktan sa isang taong walang kwenta," seryoso nitong saad.
Napatitig ako sa kanya, naisip ko na din ang sinabi niya at hindi ako aabot sa puntong iyon. Nagdesisyon na akong palayain siya kaya ibig sabihin lang nun ay hindi na ako aasa pang babalik siya.
"Huwag kang mag-alala, hindi na naman ako aabot sa ganoong sitwasyon. Isa pa, hindi na ako aasa pang babalik iyon o kung bumalik man siya wala ng balikang magaganap."
"Good to hear that, I really hope you'll forget him soon. Para sa oras na gustuhin kong ligawan ka, wala ng hahadlang pa," nakangisi niyang utas sa akin.
Napangiti ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o kung totoo ang sinabi niya. Alin man sa dalawang iyon ay ipapaubaya ko nalang sa tadhana, ang importante sa mga oras na ito ay ang espesyal na pakiramdam na kapwa naming nararamdaman.
"Pasensya na mister, tatanggihan na muna kita at masyado pang sariwa yung sugat ko. Ayaw mo naman sigurong maging pantapal at panakip sa sugat ko?" nakangisi ko ding saad sa kanya.
"Ang sabi nila, ang gamot daw sa sugatang puso ay ang sugatang puso din. Bakit hindi natin subukan?"
"We'll see about that," sabi ko sa kanya at itinutok na ulit ang buong atensyon ko sa palabas.
Hindi ko alam kung saan patungo ang kung anong meron kami ngayon. Basta ang alam ko lang ay masaya ako kapag kasama ko siya, napapangiti ako't nakakatawa ng normal at walang halong kaplastikan kapag nagbibiro siya't nagpapatawa.
Hindi ganoon kadali ang ginawa kong desisyon na palayain si Kevin dahil sa totoo lang may maliit na porsyento pang natitira sa part ko na umaasang babalik siya at hihingi ng tawad. Ginawa ko ang alam kong tama, hindi ako martir para patuloy na magpaalipin sa isang taong ayaw sa akin. Siguro kung muli mang titibok pa ang puso ko sana lang ay huwag ng lumayo at dito na sa katabi ko ngayon. O kung hindi man, sana manatili kaming ganito, magkasundo at masaya kapag kapiling ang isa't-isa.
"Gutom na ako," reklamo ko sa kanya.
"Initin ko lang ang sopas, dito ka lang." Yun lang ang sinabi niya at mabilis siyang nawala sa paningin ko.
Sinundan ko siya sa kusina at naupo ako sa mesang kaharap niya. "Sopas lang ba ang kaya mong lutuin?"
Tinaasan niya ako ng kilay at naglagay ng dalawang plato sa mesa. "Kapag sinabi ko bang oo, matu-turn off ka na sa akin?"
"Oo?" nakakaloko kong sagot sa kanya.
"Huwag kang mag-alala at na-aaral naman ang pagluluto kaya hindi ka magugutom kapag nandito ka sa bahay ko," nakatawa nitong sabi.
"Baka naman tumaba ako kapag dito ako laging mag-stay," reklamo ko na kunwaring nilukot ko pa ang mukha.
"Eh di magtiyaga ka sa sopas sa tuwing pupunta ka dito," nakangisi niyang utas sa akin.
"Ay hindi pala ako tumataba kahit anong kain ko, kaya sige lang luto ka lang." Sabay kaming tumawa sa sinabi ko, marami pa kaming pinagkwentuhan habang kumakain.
Nang oras na ng pagtulog ay sabay na kaming pumasok sa kwarto niya, siya dumiretso sa sofa na naroon at ako naman sa kama niya. Pinagmasdan ko siyang inaayos ang higaan niya hanggang sa humiga na ito, lumampas ang mahahaba nitong binti sa upuan.
Hindi ko napigilan ang matawa ng bumaluktot siya at pinagkasya ang sarili sa maliit na sofa.
"Tumabi ka na kaya sa akin dito sa kama, alam kong mahihirapan kang makatulog diyan sa laki mong iyan." Nakangiti kong wika sa kanya.
Ilang saglit niya akong tinitigan muna bago nagsalita.
"Hindi ka ba natatakot na baka mag gawin ako sa'yo? Malamig ang panahon ngayon at masarap ang may kayakap," nakangisi niyang tanong sa akin.
Binato ko siya ng unan at inayos ang isang parte ng kama niya. Medyo may kalakihan naman iyon at kasya naman silang dalawa kahit papaano.
"Sira, kung may balak ka mang masama sana noong unang beses pa lang na magkatabi tayo."
"Iba ang sitwasyon noon at ngayon, mamaya niyan bigla mo na lang akong gapangin. Mahina ako sa tukso kaya pakiusap," sabi pa nitong niyakap ang sariling katawan at akala mo'y takot na takot talagang galawin. Humagalpak ako ng tawa sa inasta niya.
"CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.
"Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.
EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.
"Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.
Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."
INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l