Share

CHAPTER FIVE-I

Author: Diosamei
last update publish date: 2020-11-02 11:46:59

MASAYA kaming kumakain nang dumating si Maureen na may dalang tray ng pagkain. Agad siyang umupo sa tabi ko at nakangiting nakipagkilala kay Harvey.

"I'm Maureen Santiago, nag-iisang kaibigan dito ni Caryn. Matagal na ba kayo?" Halos mabulunan ako sa diretsong tanong na iyon ni Maureen kay Harvey.

Lihim ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa. "I mean, matagal na ba kayong magkakilala? Ngayon lang kasi kita nakitang dumalaw dito sa school."

"Mga tatlong buwan pa lang yata kaming magkakilala, aksidenteng nakita ko siyang nagpapakatanga sa ilalim ng nagngangalit na kalangitan. By the way, I'm Harvey Mondragon."

Nakita ko ang pagkatulala ng kaibigan ko at ang dahan-dahang pagbuka ng bibig niya. Tinaasan ko siya ng kilay at gaya kanina ay palihim ko ulit siyang sinipa sa ilalim ng mesa. Huwag naman sana niya akong ipahiya kay Harvey!

"Harvey Mondragon?! You mean, you're the infamous young CEO of MGC?! Holy crap!" eksaheradang sigaw ni Maureen. Sa lakas ng boses nito ay may mangilan-ngilang estudyanteng napatingin sa gawi nila.

"I told you, he's Harvey Mondragon!"

"Girlfriend niya kaya yung estudyanteng kasama niya? Araw-araw ko silang nakikita sa labas ng school gate, mukhang nagde-date na talaga sila."

"Ang guwapo niya palang talaga sa personal, dali kunan mo ng litrato. Oh my God, he's really f*cking handsome!" Umingay ang paligid at halos marindi na ang tenga ko dahil sa mga impit na tilian na nasa paligid ko.. Tinignan ko ng masama si Maureen at si Harvey na parang walang naririnig at kampanteng kumakain sa harap niya.

"Why are you looking at me like that?" natatawang tanong niya sa akin.

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Bakit hindi mo sinabing isa kang Mondragon?"

"Hindi ka naman nagtanong ah," depensa nito.

"Kailangan ko pa bang itanong yun? Ang tagal na nating magkaibigan ah!" bulalas niya.

"Seriously Caryn, hindi mo alam na siya si Harvey Mondragon?! Saan ka bang lupalop nakatira at hindi mo kilala ang kaharap mo? I mean halos lahat kilala siya!" ani ng kaibigan ko.

"Masyadong tutok siya sa pagkabigo niya kaya hindi niya agad ako nakilala. Sa paningin niya kasi isang lalaki lang ang kilala't nakikita niya," ani Harvey na nakatingin sa akin.

"Truth! Grabe kasi kung magmamahal itong gagang ito eh, sabi nang magtira para sa sarili niya hindi naman ako pinakinggan! Buti na lang at kahit papaano'y nauntog na't natauhan," nakasimangot na saad naman ni Maureen.

Sumimangot ako at binigyan sila ng nakamamatay na irap. "Whatever!"

"Galit ka na niyan?" tanong nito

"Hindi."

"Weh? Bakit lumalaki butas ng ilong mo?" pang-aasar niya sa akin.

"Mas malaki pa din butas ng ilong mo!" nakanguso kong sabi sa kanya.

"Kung alam ko lang na ganyan ka kayaman sana pala sa isang five star hotel ako nagpadala para mag lunch!"

"Payagan mo lang akong manligaw sa'yo, kahit araw-araw susuyurin natin ang iba't-ibang five star hotel para lang kumain," sabi nitong kinindatan pa siya.

"Hmm," saad ko na parang nag-iisip. "Saka na lang, hindi pa ako handa sa mga ganyan. Aral muna bago lakwatsa," nakangisi kong saad at nagpatuloy sa pagkain.

"Sige lang, kaya ko pa namang maghintay. Siguraduhin mo lang na sa oras na handa ka na, sa akin ka mapupunta." Lumitaw ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin ng ngumiti.

Halos mahimatay na ang mga kababaihan sa paligid ko nang masilayan ang ngiti na iyon pero kalmado lang akong tumango sa kanya.

"Nilalanggam ang upuan ko, kailangan ba talagang sa harapan ko pa kayo maglandian? Uso kumuha ng private room guys!"

Nagtawanan lang kaming dalawa sa sinabi ni Maureen. "Pasensya na pero natural lang sa amin ang magbiruan ng ganito."

"What?!" gulat na tanong ni Maureen na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Hindi siya nanliligaw sa akin at walang anumang romantic air sa aming dalawa. We're just friends at ganito kami kakomportable sa isa't-isa," sabi kong nakipag fist-bump pa kay Harvey.

Napatakip ng bibig si Maureen at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Para bang kasindak-sindak ang sinabi ko at talagang na-shock siya.

"Oh my God Caryn! Ang sarap mong ihambalos sa mesa, hindi ka pa din ba natatauhan? Wake up, he's inlove with you!" sabi ni Maureen ng pabalik na kami sa room namin.

Nakaalis na si Harvey at sinabing babalik siya mamayang uwian para sunduin ulit ako.

"No, he's not. Kaibigan lang ang turing niya sa akin and same with me, sadyang at ease lang kami sa isa't-isa kaya ganoon kami magbiruan."

"Ay, ewan ko sa'yo! Palay na ang lumalapit sa'yo bakit hindi mo pa tukain? Huwag ka nang maghanap pa ng iba and please forget that jerk already! He doesn't deserve you, balita ko may pinopormahan na namang iba iyon ngayon."

Natahimik ako sa sinabi niya. Matagal ko ng alam iyon, nung una ay nagawa ko pang habulin siya at magtanong ngunit hindi ko din itinuloy dahil na din sa sumpang binitiwan ko sa harap niya. Ayaw kong makita niyang ako mismo ang babali sa sumpa kong iyon kaya kahit masakit ay tinanggap ko na lang na wala na talagang pag-asa.

Hanggang sa masanay na akong makarinig ng ganoong balita at nagpasawalang-bahala na lang.

LUMIPAS pa ang ilang araw na halos ganoon ang nagiging eksena namin ni Harvey, araw-araw siyang nagpupunta sa school namin para ayain akong kumain sa canteen namin. Ilang araw na lang din at finals na, kaya naman halos wala na akong oras para puntahan siya sa apartment niya. Sa mga nagdaang araw ding iyon ay wala akong narinig na balita mula kay Kevin which is an advantage for me.

Nakapagfocus ako sa pag-rereview ng maayos at hindi ko namamalayang naghihilom na pala ang sugat na iniwan niya sa puso ko. Isama pa ang mga pagpaparamdam na ginagawa ni Harvey sa akin.

"Ate," dinig kong tawag sa akin ng kapatid ko. Biyernes na at nasa bahay lang ako't nagkukulong sa kuwarto. Tinatapos ko ang nirereview kong aklat nang bigla siyang pumasok sa kwarto ko.

"Come here, may problema ba?" tanong ko sa kanya at binitiwan ang hawak na libro at pinaupo siya sa tabi ko.

Umiling ang kapatid ko at ngumiti. "Gusto ko lang ipaalam sa'yo na may boyfriend na ako."

Bagama't nagulat ay nagawa kong ngumiti at haplusin ang maamo niyang mukha. "Kung diyan ka masaya, susuportahan kita huwag mo lang sanang kakaligtaan ang mga pangako natin kay Tita."

Tumango si Kathleen at humilig sa balikat ko. "Apat na buwan niya akong niligawan at talagang nagpursige siyang mapasagot ako. Mabait siya't malambing, sobrang maalalahanin din niya't maalaga kaya naman hindi na ako naka-hindi nang tanungin niya ako."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Apat na buwan? Ang sabi mo sa akin dati ay may nanliligaw na sa'yo ng mahigit tatlong buwan, bakit parang iba yata ang kinukwento mo ngayon?"

"Ah, I decided to reject him, masyado na kasi siyang matanda sa akin tsaka Ate dumating din kasi ang boyfriend ko na ngayon at niligawan ako," paliwanang niya sa akin.

"Ang ibig mong sabihin, binasted mo ang una mong manliligaw dahil sa nakilala mong bagong manliligaw?" tanong ko ulit sa kanya.

Tinanguan niya ako. "Iba din kasi ang pakiramdam ko kapag kasama ko ang bago kong boyfriend. He really makes me happy, naalala ko pa nung bigla ka na lang nawala at hindi ka namin mahanap. Nagprisenta siyang magstay dito sa bahay upang aluin ako't huwag mag-alala sa pagkawala mo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER NINE-I

    "CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-II

    "Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-I

    EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-III

    "Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-II

    Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-I

    INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status