Share

CHAPTER FIVE-II

Author: Diosamei
last update publish date: 2020-11-02 11:47:09

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig na sinabi niya. Posible kayang ang sinasabi nitong nobyo ay si Kevin?

No! Nagkakamali lang ako ng iniisip, imposibleng magkakilala silang dalawa dahil unang-una malayo ang paaralan ko sa paaralan ng kapatid ko.

"Matulog na tayo Ate, pwede bang tumabi sa'yo ngayon?" nakangiti nitong tanong sa akin.

Tumango ako at sabay na kaming humiga. Iwinaksi ko sa isip ko ang naisip kong iyon gayunpaman, ay nanalangin akong sana mali ako ng hinala.

"I want to meet your boyfriend," sabi ko sa kanya at nangako naman siyang kakausapin niya ang nobyo para makipagkita sa akin.

Sinabi ko ding magsasama ako ng kaibigan para hindi ako mailang kapag kasama ko sila. Pumayag naman siya at biniro pa akong gusto ko lang daw magkaroon ng double date kasama siya.

Nginitian ko lang siya at nagpasya ng matulog.

Araw ng finals.

Kahit na kampante akong masasagutan ko ng tama ang mga exams ko ay kabado pa din ako. Paano kapag nakalimot ako at bigla akong mamental block? God, huwag naman sana.

Bago kami magsimula ay nakatanggap ako ng text mula kay Harvey na nagsasabing kumalma lang daw ako at huwag kabahan para tuloy-tuloy lang daw ang daloy ng mga nireview ko sa utak ko. Sinabihan niya pa akong huminga muna ng malalim bago magpokus sa exam.

"Para kang buang diyan, kaya natin ito. Pagkatapos ng exam ay pwede na tayong maglakwatsa, ayain mo si Harvey na magpunta sa bahay magpapaparty ako!" sabi ni Maureen sa akin.

Ngumiti lang ako at maya-maya lang ay nahulog na ako sa malalim na konsentrasyon.

"Yes! Tapos na din sa wakas!" sigaw ng isa sa mga classmate ko. May ibang napapalakpak pa at nakahinga ng maluwag. Ang iba ay halata sa mukha ang sobrang pagod ngunit may magandang ngiti sa mga labi. Pagkatapos ng tatlong oras na exams ay nagawa din naming lahat na makaraos. Umaasang lahat kami ay makakapasa at sabay-sabay na aakyat sa entablado para tumanggap ng diploma.

"Yung sabi ko sa'yo Caryn ah, ayain mo si Harvey sa party ko!" utas ni Maureen sa akin.

"Susubukan ko," simpleng tugon ko. Magsasalita pa sana siya nang marinig namin ang pagtunog ng telepono ko.

Napangiti ako nang mabasa ang pangalan niya sa screen ng telepono.

"Speaking." Iniwan ko na si Maureen sa loob ng room at naglakad papuntang library.

"Hello?"

"Kumusta ang exam?" bungad niyang tanong sa akin.

"Sisiw, magaling ang tutor ko ih," nakangising sagot ko sa kanya sa telepono.

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya saka muling nagsalita. "Yabang natin ah, porket tapos na ang pagdurusa mo bilang estudyante nagagawa mo nang magyabang ngayon ha."

"Slight lang naman, kahit papaano nakahinga na din ng maluwag. Maghihintay na lang ako ng results at sana makapasa ako, ayokong biguin si Tita," wika ko sa kanya.

Pagdating ko sa library ay binati ko ang librarian at sinabing isasauli ko na yung mga librong hiniram ko nung nakaraang araw. "Makakapasa ka, nagbehave ka naman kahit papaano nitong mga nakaraang araw. Tsaka hello, sa galing kong magturo baka nga ikaw pa maging top one sa klase niyo," biro nito.

"Inaamin kong mayabang lang ako pero ikaw sumobra naman yata kayabangan sa katawan mo, Mr. Mondragon," nakangiting wika ko sa kanya.

Napunta ako sa pinakadulo ng library para ibalik sa kinaroroonan ang librong hiniram ko.

Nang akma kong ilalagay na ang libro ay may narinig akong mga ungol sa kabilang dulo ng bookshelf. Bigla akong kinilabutan at nanlaki ang mga mata ko.

"Likas na sa akin ang magyabang, may ibubuga naman." Sabi nito na sinabayan pa ng tawa.

Dahil sa kuryusidad ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa mga boses na iyon. Hindi ako makapaniwalang makakasaksi ako ng kamunduhan sa ganitong lugar.

"Caryn, nandiyan ka pa ba? Bakit bigla kang natahimik diyan?" dinig kong tanong ni Harvey sa akin.

"Tatawag na lang ako mamaya, bye." Mahinang utas ko at ibinaba na ang tawag.

Gusto kong kunan ng litrato ang ginagawa ng kung sinumang mga walanghiyang ito at ipakita sa deciplinarian para maparusahan. Inihanda ko ang cellphone ko at lakas loob na nagpakita sa kanila, ipinikit ko ang mga mata ko sa umpisa. Ayokong mabahiran ng dumi ang kainosentehan ko sa ganitong eksena.

"Kevin! You're going overboard! Huwag dito at baka may makakita pa sa atin!" mahinang anas ng babae. Bigla akong napamulat ng mata nang marinig ang pangalang binanggit ng lalaki.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang kahalayang ginagawa ng dalawang estudyanteng kaharap ko. Nakatalikod sa akin ang lalaki, nakababa ng konti ang pantalon nito habang ang babae naman ay nakalilis ang bestidang suot nito. Nakahawak ito sa batok ng lalaki habang ang isang paa ay nakapulupot sa beywang ng lalaki. Mabilis na gumagalaw ang lalaking nakatalikod sa akin at base sa ungol na naririnig niya galing dito ay mabilis niyang inalis ang mga mata sa mga ito.

Naitakip ko ang pa aking kamay sa bibig upang mapigilan ang sumigaw, masyadong malaswa ang nakikita ko at huli na para bawiin ko ang tingin sa mga ito.

Napansin siguro ng dalawa na may nakatingin sa kanila kaya sabay silang lumingon sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makumpirmang si Kevin nga ang lalaking kasiping nung babae.

Lahat kami ay nagkagulatan at walang gustong may gumalaw at magsalita.

"Stop filming us you bitch!" sigaw ng babaeng tinakpan ang mukha at nagtago sa katawan ni Kevin.

"Caryn," lalapitan niya sana ako ngunit agad akong lumayo sa kanya.

"Good thing you broke up with me before this happens." Walang emosyong sabi ko sa kanya.

"Sa susunod pumili kayo ng isang desenteng lugar at huwag magpakalat-kalat sa kung saan-saan lang." Pagkasabi ko niyon ay akmang tatalikuran ko na sila ng muli siyang magsalita.

"You're not going to tell anyone about this, aren't you?"

"Everyone needs to know about this Kevin." Hindi ko na hinintay pang magsalita siya at agad kong nilisan ang lugar na iyon.

Masakit? Hindi na gaano. Nagagalit ako sa sarili ko, bakit ko ba hinayaang mabulag sa ganoong klaseng lalaki? Buti na lang talaga at naisipan niyang makipaghiwalay sa akin ng maaga at dahil doon ay gusto niya itong pasalamatan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER NINE-I

    "CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-II

    "Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER EIGHT-I

    EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-III

    "Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-II

    Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."

  • What If (Harvey Mondragon)   CHAPTER SEVEN-I

    INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status