Mag-log inHINDI ko alam kung paano akong nakarating sa bahay ni Harvey, namalayan ko na lang ng nasa tapat na mismo ako ng gate niya.
Alam kong sa mga oras na ito ay wala pa si Harvey kaya naisipan kong maghintay na lang sa labas, naupo ako't niyakap ang sariling mga tuhod.
Biglang gumitaw ang eksenang naabutan ko kanina sa library, naguguluhan ako hindi ba dapat masaktan ako't umiyak dahil tuluyan ng naglaho ang kaunting pag-asang babalik siya? Bakit nung makita ko iyon ay wala akong naramdaman kundi galit at panghihinayang?
Galit kasi ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Galit na hinayaan ko ang sarili kong magmukhang tanga sa harapan niya. Panghihinayang naman sa mahigit walong buwang pagsasayang ko ng oras at pagmamahal.
"Sa susunod na babaan mo ako ng tawag klaruhin mo muna sa akin ang dahilan. Hindi yung bigla-bigla ka lang mawawala sa linya, alam mo bang nag-alala ako ng husto sa'yo?" dinig kong paninita niya sa akin.
Tiningala ko siya ng nakangiti. "Gusto mong ipagluto kita?"
Alam kong nabigla siya sa tanong kong iyon ngunit ilang sandali lang ay ngumiti ito at inalalayan akong tumayo. "Ang tanong kaya mo bang magluto?"
"Huwag mong maliitin ang kakayahan ko mas magaling pa nga akong magluto sa'yo aba!" asik ko sa kanya.
Ginulo niya ang buhok ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay niya.
"Ayaw mong dalhin kita sa isang sikat na five star hotel?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.
Pasalampak akong umupo sa sofa at tamad na isinandal ang likod sa upuan.
"Next time na lang, gusto kong magkulong sa bahay mo." Lumapit siya sa akin at naramdaman kong hinubad niya ang suot kong sapatos pagkatapos ay umupo sa tabi ko at hinubad naman ang kanya.
"Ano na naman ang dala mong problema at ganyan kadilim ang mukha mo?" tanong niya.
Umusog ako papalapit sa kanya at inihilig ang ulo sa balikat niya.
"I want a hug." Ngumiti siya sa akin at inihilig ako sa matipuno niyang dibdib. Parang guminhawa ang pakiramdam ko ng maamoy ko ang mamahaling pabangong gamit niya na humahalo sa natural na amoy ng kanyang katawan.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nanatili sa ganoong posisyon ng ilang sandali.
"Naguguluhan ako," panimula ko. "I saw him fucking someone, nakita ng dalawang mata ko kung gaano ang panggigigil niya sa babaeng iyon. Pero wala akong naramdamang sakit sa ginawa niya bagkus galit at panghihinayang ang naramdaman ko. Nakamove on na ba ako sa kanya?"
"Minsan kailangan mong makita ang katotohanan bago mo masabi sa sarili mong nakamove-on ka na talaga. Doon kasi nasusukat ang tunay mong nararamdaman, kung ganyan lang ang naramdaman mo nung makita mo sila marahil nga tuluyan mo na siyang inalis sa puso mo."
"Pero bakit hindi pa din siya maalis sa isip ko? Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang eksenang nakita ko kanina," seryoso kong saad sa kanya.
"Ano bang nakita mo?" tanong niya.
"I saw him doing that kind of thing in the library," sagot ko.
"Doing what?" tanong niya ulit.
"Doing," hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil naglaro sa isipan ko ang aktuwal na ginagawa nila kanina.
Pinamulahan ako ng mukha at napatingin kay Harvey na sinusupil ang pagtawa.
"Hey!"
"What?"
"Are you making fun at me?" nakasimangot kong tanong sa kanya at umalis sa pagkakasandal sa dibdib niya.
"Of course not," sabi nito ngunit halatang pinipigilan lang ang matawa.
"Stop it! Hindi nakakatawa ang sinasabi ko, seryoso ako Harvey ano ba!" angil ko sa kanya na hinampas siya sa balikat.
"Sorry, I was just laughing because you're blushing while telling me that nonsense." Natigilan ako at sinamaan siya ng tingin.
Ramdam ko nga ang pamumula ng mukha ko habang nagkukwento hindi ko alam na napansin niya pa iyon.
"Bakit ba iyon ang pinag-uusapan natin. You already forget him, huwag mo ng hayaang guluhin ka ng mga alaala niya. Ibaon mo na lahat sa limot and look forward." Huminga ako ng malalim at humilig ulit sa dibdib niya.
"Puwede ba akong magtanong?"
Tumango siya. "Kung sa'yo ba ako nainlove, lolokohin mo lang din ba ako?"
Hinaplos niya ang buhok ko tsaka nagsalita. "Kung sa akin ka nainlove, ang una kong gagawin ay tatampalin ko iyang noo mo at sasabihing nanaginip ka lang." Hinampas ko ulit ang dibdib niya kaya natawa na naman siya.
"Seryoso kasi," angal ko. "What if I've fallen for you?"
Umayos siya sa pagkakasandal sa sofa at huminga muna ng malalim. "Kung sa akin ka na-inlove, siguro isa ako sa mga ma-suswerteng lalaki sa mundo. He gives me an amazing person who's capable of changing my lifeless world into a world full of life. He made me the happiest of the happiest man in the entire world." Natahimik ako sa sinabi niya, bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya sa narinig mula sa kanya.
"Mahirap makahanap ng babaeng susuongin ang malakas na bagyo makapag-emote lang," nakangising dagdag niya pa.
Napasimangot ako at tuluyan na siyang binatukan. Akala ko totoo na yung mga sinasabi niya iyon pala puro kalokohan lang ang sinabi niya.
Nakakainis!
"Ewan ko sa'yo, diyan ka na nga!"
Padabog akong nagtungo sa kusina at naghanap kung ano ang pwedeng lutuin. Nakakita ako ng fresh chicken sa fridge niya at ilang sangkap para makagawa ng chicken afritada.
Napangiti ako at itinali ang buhok, naghanda para sa bakbakang mangyayari sa kusina.
"Anong lulutuin mo?" narinig kong tanong niya sa akin.
"Pritong itlog," nakangisi kong sagot.
Binalatan ko ang tatlong pirasong patata nang lumapit siya sa akin at tinignan ang ginagawa ko.
"Pritong itlog na may patata at carrots?" taas ang kilay na saad niya.
"Yup!" nakangiti kong sagot. Umikot siya't humarap sa akin tsaka kibit ang balikat na nagsalita.
"Ako naman ang magtatanong pwede?"
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagbabalat ng patata at carrots.
"What if I tell you I'm really in love with you, will you allow me to court you?"
"Shit!" mura ko nang maramadaman ang pagkahiwa ng daliri ko. Dumaloy ang masaganang dugo mula sa hintuturo ko, galit akong napatingin sa kanya.
"What the hell, Harvey?!" Nataranta man ay nagawa pang tumawa ni Harvey bago kunin ang kamay ko at ilagay sa ilalim ng gripo. Nang matigil ang pagdaloy ng dugo ay kinuha nito ang first aid kit at nilagyan ng band-aid ang daliri kong may sugat.
"Ano ba kasing problema mo at talagang kailangang pagtripan mo ako?" asik ko sa kanya.
Kapwa kaming nakaupo ulit sa sofa, hindi ko naituloy ang ginagawa ko dahil sa pinigilan niya na akong magpuntang kusina.
"I'm serious, simula ngayon hindi ka na pwedeng gumamit ng matatalim na bagay. Sobrang careless mong babae ka!" panenermon nito sa kanya.
"Eh kung hindi ka lang kasi epal na nangbibigla, hindi sana ako masusugutan!" paninisi ko sa kanya.
"Nakakabigla ba ang sinabi kong mahal na kita at balak kitang ligawan? Hindi nga ako nabigla ng tanungin mo ako ah!" anito.
Natigilan ako sa sinabi niya. Ano nga bang nakakabigla sa sinabi niya? May nakakabigla ba sa tanong niya na kung pwede niya akong ligawan? Meron ba?! Of course yes!
"Caryn, maaaring hindi ka pa handa sa ngayon pero handa akong maghintay. Totoo ang nararamdaman ko sa'yo, sabihin mo lang at ngayon din papakasalan kita," wika nito na parang tinutudyo na naman siya
"Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa'yo, parang dinadaan mo lahat sa biro ih!" nakasimangot kong sabi.
"CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.
"Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.
EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.
"Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.
Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."
INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l