LOGIN"Seryoso ako, tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong nagbibiro lang ako." Agad akong tumingin sa mga mata niya, natigilan ako at hindi makahinga sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko.
Parang nagkaroon ng delubyo sa loob ng aking katawan at hindi ko na namalayang dumampi na ang labi ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpitlag niya ngunit maya-maya lang ay gumanti na siya ng halik.Mainit ang halik na pinagsasaluhan namin at tila ba kapwa kaming uhaw na uhaw sa bawat isa.
Nagawa kong pumatong sa kanya na hindi bumibitaw sa halik hanggang sa kapwa na kami maubusan ng hininga. Hahalikan ko sana ulit ito ng hawakan niya ako sa magkabila kong pisngi.
"Please calm down, Caryn. You need to control yourself and stop seducing me, you need to stop now while I can control myself."
Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit kinalma ang sarili. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong umakto ng ganoon sa harap niya. Ni minsan ay hindi ko ginawa iyon kay Kevin dati, kahit nga halik ay ang hirap para sa akin na ibigay iyon sa dati kong nobyo.
"What have I done?" nanlalaki ang matang tanong ko sa sarili.
Umalis ako sa ibabaw niya at tinakpan ang aking mukha. Parang gusto kong kainin ako ng sofa na kinauupuan ko sa sobrang kahihiyang nararamdaman ko.
"I need to go to the bathroom-" hindi ko naituloy ang pagtayo dahil agad niya akong niyapos at inilapit sa kanya.
"You don't need to hide it from me, mas lalo kang gumaganda kapag nagba-blush ka," bulong nito sa aking tenga.
"Maniac!" asik ko sa kanya at isinubsob ang mukha sa dibdib niya.
Tumawa lang siya at hinagkan ako sa ulo. "Come and I will cook for you, simula ngayon ban ka na sa kusina ko."
"Harvey, I hope you can really wait for me. Hintayin mo sana hanggang sa tuluyan ng makalimot ang puso ko sa mapait kong karanasan sa unang pag-ibig. I swear the moment that I already take him out of my heart and mind I will definitely be Mrs. Harvey Mondragon so be ready."
"I'm always ready, my Queen."
SIMULA nung gabing may nangyaring aminan sa pagitan namin ay mas lalong lumalim ang samahan namin ni Harvey. Mas lalong naging malapit kami sa isa't-isa, kulang na lang talaga ay ang opisyal na pagtanggap ko sa nararamdaman nito.
"Caryn ano kinausap mo na ba si Harvey? Bukas na yung party na sinasabi ko sa'yo, pumunta kayo please?" bungad sa akin ni Maureen pagkapasok ko sa room namin.
Ngayon na malalaman ang resulta ng exams namin, halata sa mga mukha ng mga classmates ko ang sobrang kaba dahil sa resulta ngayon nakasalalay kung makakagraduate ba sila o hindi.
"Sigurado ka bang makakapasa ka at magpaparty ka?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
Bigla siyang natahimik at tinignan ako ng masama. "Kaibigan ba talaga kita?"
Tinawanan ko lang siya at kinuha ang telepono ko't may idinayal na numero.
"Hello?"
"Harvey, gusto kang kausapin ni Maureen, may sasabihin daw siya sa iyo," nanlaki ang mga mata ni Maureen at kulang na lang ay agawin ang telepono ko't patayin ako.
Nakangisi kong ibinigay ang cellphone ko sa kanya matapos kong i-loud speak iyon. "Hi, gusto lang sana kitang imbitahin sa party ko bukas ng gabi? Of course with Caryn, pwede ka ba?"
Gusto kong matawa sa reaksyon ni Maureen habang kausap si Harvey. Halata ang pagkailang at hiya sa mukha niya.
"Gusto niya din bang pumunta? Kapag pupunta siya, of course pupunta ako. Mahirap na," saad ni Harvey sa kabilang linya.
"Oo naman pupunta si Caryn! Bff ko ito kaya hindi pwedeng mawala sa party ko, thank you ah! Bye!" pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay siya na mismo ang nagbaba ng tawag at walang ano-ano'y tumili ng pagkalakas lakas.
Sinamaan ko siya ng tingin at pilit pinakalma. "Huwag mong sabihing may gusto ka kay Harvey? Sa reaksyon mo ngayon, parang--"
"Lukaret! Wala akong gusto dun sa tao, masaya lang ako kasi may pustahan kami nina mommy! Ayaw kasi nilang maniwalang kilala ko si Harvey Mondragon kaya ayon sabi nila kapag nadala ko daw siya sa bahay bibilhan nila ako ng ticket papuntang U.S! Makikita ko na ang 1D ng buhay ko, oh my God!" sagot nito na nagniningning ang mga mata.
Tumango-tango ako.
"Ganun pala iyon, hindi pala ako makakapunta may aasikasuhin pala ako bukas ng gabi."
"Aray, ang sakit nun ah!" singhal ko sa kanya ng bigla niya akong batukan.
"Pektusan pa kita ng isang beses gusto mo? Epal ka eh, aattend na nga daw yung tao diba?"
"Correction, aattend siya kapag aattend ako," nakangisi kong utas sa kanya.
"Bes naman, bff tayo di ba? Hindi pwedeng mawala ka sa party ko, magpapakamatay talaga ako kapag hindi ka nagpunta!" pananakot nito sa akin.
"Tinatakot mo ba ako?" kunwaring asik ko sa kanya.
"Puwede ba Caryn Dela Fuente umayos ka! Pagbigyan mo na ako, gusto ko talaga makita si Louie my loves!" histeryang sabi ni Maureen na nagawa pang magpapadyak sa harap ko.
Tinawanan ko lang siya at hindi na pinansin. Hindi naman din kasi pwedeng hindi siya pumunta sa party nito, nag-iisang kaibigan niya lang ito kaya kailangang suportahan niya.
Kakausapin ko na lang si Harvey mamaya tungkol sa malagim na plano ng kaibigan ko.
PAGLABAS ko ng school building namin ay may hindi ako inaasahang makitang nasa lobby namin. Nagkunwari akong hindi siya nakita at dire-diretso lang na lumabas ngunit sa kasamaang palad ay nakita niya ako't sinundan.
"Caryn, let's talk please. Pakinggan mo muna ako kahit ngayon lang," habol nito sa kanya.
Nagkunwari akong walang narinig at nakikita, kinuha ko ang telepono ko at idinayal ang numero ni Harvey. "Hello Harvey? Can you pick me up here in the school? I need you please, aantayin kita sa sa school gate ng campus. Bye." Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at walang pakealam sa kanya na nakasunod sa akin.
"Caryn, kinakausap kita, pwede bang harapin mo muna ako?" sabi niyang hinawakan ako sa siko.
Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang kamay niya sa siko ko. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, matagal na tayong hiwalay remember?"
"I know, hindi naman iyon ang dahilan kung bakit gusto kitang kausapin ngayon." Nag-iwas siya ng tingin at biglang nailang sa harap ko.
"Whatever it is, still, wala na tayong dapat pag-usapan pa." Saad ko at muling naglakad palayo sa kanya.
"Alam kong ginagawa mo lang ito ngayon dahil gusto mong bumalik ako sa'yo. Hanggang ngayon, mahal mo pa din ako at ginagamit mo ang video na yun para takutin ako. Caryn, pakawalan mo na ako you know that I don't love you so please stop doing this," sabi niya sa paraang parang hirap na hirap ang kalooban niya.
"Doing what Kevin? Wala akong ginagawa sa'yo at para lang sa kaalaman mo matagal na kitang kinalimutan. Wala na akong pakealam sa'yo at hindi kita bina-blackmail!" mariin kong sabi sa kanya.
"Caryn stop acting like you don't care for me anymore! Galit ka sa akin kasi iniwan kita ng walang kahit na anong iniwang dahilan! Sinusundan mo ako kahit saan ako magpunta at naghahanap ng tiyempo para makapaghiganti ka! Akala mo ba hindi ko alam yun?!" sigaw nito sa kanya.
Ikinuyom ko ang dalawang kamao ko at pinigilang sampalin siya sa harap ng maraming tao. "Isipin mo na ang gusto mong isipin, wala akong kinalaman sa mga sinasabi mo." Hahakbang na sana ako palayo sa kanya nang hawakan niya ulit ako sa braso.
"CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.
"Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.
EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.
"Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.
Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."
INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l