LOGINPara namang dininig ng langit ang sinabi niya at biglang nagdilim ang kalangitan at bigla ang pagbuhos ng malakas na ulan.
"Oh my God, yung libro ko!" tili ni Caryn at tarantang inilagay iyon sa loob ng bag niya.
"Hey you! Nagbibiro lang naman ako bakit mo tinotoo?!" sigaw ko na napatingala sa langit.
Tinawanan lang ako ni Harvey at hinawakan ang kamay ko at sabay kaming nagpaikot-ikot sa park na parang mga bata.
"Harvey yung bag ko! Oh my God, bitiwan mo nga ang kamay ko!" sigaw ko sa kanya ngunit parang wala siyang naririnig na patuloy pa din sa pagtakbo hawak ang kamay ko.
"Gusto mong maligo sa ulan diba? Eto na, maliligo tayong dalawa!" saad niya sa akin.
Hinayaan ko na lang siya, maya-maya pa ay napuno na ng tilian at tawanan ang buong parke. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang masayang tawanan namin ni Harvey. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas maglaro ng habulan sa ilalim ng malakas na ulan at hindi alintana ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Ang alam ko lang masaya ako, tama nga siguro ang kasabihang 'there's always a rainbow after the rain'.
Tinignan ko ang nakatawang mukha ni Harvey hindi ko akalain na sa tanda niyang ito ay talagang sinamahan niya ako sa kabaliwan kong ito.
"Why are you staring at me?"
"I never imagine that someone like you really does this craziness! Hindi ka na bata, parang pisikal na anyo mo lang ang tumatanda pero utak limang taon ka pa din. I can't believe you actually pull me into this!" saad ko na nakangiti sa kanya.
Tumila na ang ulan kaya magkahawak kamay na kaming papunta sa apartment niya. Hindi masyadong nabasa ang mga gamit ko kasi naisilong niya muna iyon bago niya ako hinila sa gitna ng ulan.
"I'm just 25, mali ba ang ginawa ko? Paminsan-minsan mas maganda din ang mag-unwind, nakakapagod kaya ang maghapong tutok ka sa trabaho."
"And this is how you do it, huh?" nakangisi kong tanong sa kanya.
Tumawa lang lang siya at inakay na ako papasok sa apartment nito. Pinauna niya na akong maligo sa pag-aalalang magkasakit ulit ako habang siya naman ay nagluto ulit ng sopas para hindi daw ako gaanong lamigan.
Pagkatapos kong maligo ay napataas ang kilay ko sa damit na nasa ibabaw ng kama niya. Isa iyong ternong pajama na may floral design, nakita ko pa ang nakaipit na price tag kaya alam kong bago lang iyon. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang pagbabalik ko dito.
Nakangiti akong isinuot iyon at lumabas na ng kwarto niya. Nagtext ako kay Tita na hindi ako uuwi at mag-e-sleepover ako sa kaibigan ko. Hindi ko na binanggit ang pangalan ni Harvey at baka kung ano pa ang isipin ni Tita.
"I'm done, maligo ka na din at baka ikaw naman ang magkasakit. Ako na bahala sa niluluto mo," sabi kong nilapitan siya at itinulak palabas ng kusina.
Pinagmasdan niya muna ako mula ulo hanggang paa saka humakbang palabas ng kusina. "Good it fits on you."
"Yeah, mukhang natsambahan mo ang measurement ng katawan ko," nakangising saad ko.
Umiling ito at may pilyong ngiti akong nabanaag sa mga labi niya.
"Nope, I really know your measurements, remember I've touched you last time." Natigilan ako sa sinabi niya at pinanlakihan siya ng mata.
Bumunghalit naman siya ng tawa at mabilis na umakyat sa kwarto niya. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko kahit na alam kong nagbibiro lang ito. Tinakpan ko ang mukha ko at hinarap ang niluluto niyang sopas.
Nang masiguro kong okay na ang niluluto niya ay lumabas na ako ng kusina at nagtungong sala, balak kong doon na siya antayin hanggang sa matapos siyang maligo at para hindi ako antukin sa paghihintay ay minabuti kong magkulikot sa mga dvd tape sa maliit na mesang nasa ilalim ng tv.
Komportable akong umupo sa harap at namili ng magandang papanoorin, tamang-tama mahaba pa ang gabi kaya mas okay na ito kesa ang tumunganga at makipagkwentuhan kay Harvey.
'I really know your measurements, remember I've touched you last time.'
Fuck! Uminit na naman ang pisngi ko nang maalala ang sinabi niyang iyon. Bakit pa kasi kailangan niya pang ipaalala ang nangyari nung gabing iyon? Di ba dapat magalit ako sa kanya? Di ba dapat mailang na ako sa kanya at dumistansya? Pero bakit pakiramdam ko mas lalong gusto ko pang mapalapit sa kanya?
Magaan ang loob ko kapag nasa malapit siya, dalawang beses pa lang kami nagkikita at nagkakasama pero may kung anong pakiramdam na namumuo sa dibdib ko. Hindi tama ito, kagagaling ko lang sa sakit at pagkabigo. But what if I really starting to fall for him? Posible ba iyon? Naipilig ko ang ulo ko at pilit inalis ang ideyang iyon.
We're friends, if there are some strange feelings starting to form from the both of us, then so be it, hindi namin kailangan magmadali. All we need to do is savor the moments we've shared together and be closed to each other.
"Thinking of someone again?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang kanyang boses sa likod ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan siya ng tingin. "You scared me to death!"
Tumawa lang siya saka lumapit sa kinaroroonan ko.
"Hindi ka ba uuwi ngayon? Baka mag-alala na naman yung Tita mo," sabi pa niyang naghanap din ng papanoorin.
"Nagpaalam na akong hindi uuwi, sinabi ko din na matutulog ako dito."
"Nagsabi na ba akong pwede kang matulog dito?" nakakunot ang noong tanong niya sa akin.
"Hindi pa, pero sinabi ko sa sarili kong matutulog ako ngayon dito sa bahay mo," nakangisi kong sagot.
Ngumiti lang siya at ginulo ulit ang buhok ko. "Ayaw mo pang kumain?"
"Mamaya na lang, hindi pa naman ako nagugutom. Ikaw, gusto mo ng kumain?" balik tanong ko sa kanya.
Umiling siya.
"Coffee?"
Tumango ako. "Yup, ayoko ng maraming, asukal I hate it."
"Ampalaya powder, you want?" nakangising tanong nito at binirahan ng tayo.
"Ampalaya what?" naguluhan ako at huli na nang malaman ko ang pang-aasar niya.
Tumawa lang siya at tuluyan nang pumasok sa kusina. Naiiling na napapangiti akong nagpatuloy sa paghahanap ng papanoorin.
Maya-maya lang ay nasa tabi ko na siya dala ang dalawang mug na may lamang umuusok na kape.
"May napili ka na bang panoorin?" tanong niya sa akin. Tumango ako at ipinakita ang isang action movie, idolo ko kasi ang Main Lead kaya gusto kong panoorin yun pero ayaw niya at ang gusto niya ay manood kami ng isang nakakatawang pelikula.
"I want to watch this," sabi kong tinaasan siya ng kilay.
"No. I want this one, bahay ko ito kaya ako ang masusunod."
"Bisita ako kaya kailangan mong makisama," sabi kong nakahalukipkip.
Umiling siya.
"Comedy."
"Action."
"C-O-M-E-D-Y."
"A-C-T-I-O-N."
"CONGRATULATIONS, GRADUATES!" pagtatapos ko sa aking speech bilang isang Magna Cum Laude.Masibagong palakpakan ang natanggap ko bago ako tuluyang bumaba ng stage. Sinalubong ako ni Tita at Harvey, agad akong niyakap ng Tita ko at hindi maubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak.
"Who said that you can go?" wika nito na ikinapatigil ko sa akmang pag-iwan sa kanya, na dapat ay ginawa ko na habang matino pa siyang kausap."Nakiusap ako sa'yo nang maayos na burahin mo ang video na yun Caryn, bakit hindi mo magawa? Bakit kailangang gamitin mo iyon laban sa akin? Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" asik niya sa akin.
EKSAKTONG alas otso ng gabi ay nakarating kami sa bahay nila Maureen. Ayaw na sana akong payagan pang pumunta ni Harvey ngunit kailangan niyang magpakita sa kaibigan at baka magtampo ito sa kanya.Pagkababa namin ng sasakyan ay tumambad sa amin ang maliwanag na bakuran ng bahay, nasa gate na si Maureen at nakangiting nakaabang sa aming pagdating.
"Caryn I think this is not a good idea," anas nito ng pansamantalang maghiwalay ang mga labi natin.Tumingin ako sa labas ng bintana, nakaparada ang sasakyan niya sa parke kung saan kami unang nagkakilala. Madilim din ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan, mukhang uulan pa yata.
Natawa siya sa nakitang reaksyon ko. "Being in love is easy Caryn, but looking for true love is the hardest. Kapag in love ka lang hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano at iga-grab ang opportunity na nasa harap mo kasi yun ang gusto mo." Saad niya na itinuro pa ang puso ko.Naguluhan ako sa sinabi niya, kung hindi ko mahal yung tao bakit nagawa ko pang maghabol at masaktan ng todo? "You're confusing me, Mau."
INIHATID ako ni Harvey sa bahay bandang alas nuebe ng gabi, gustuhin ko mang matulog sa bahay niya ay hindi pwede dahil balak daw niyang dalawin ang mga magulang sa mismong bahay ng mga ito. Tinanong niya ako siya kung sasama daw ba siya ang sabi ko saka na, kapag pumayag na akong mapangasawa niya.Tinawanan niya lang ako at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam. Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Kathleen na masayang nakikipag-usap sa telepono, nang makita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa nasa kabilang l