Halos napasirko ang puso ko nang makita kung sino ang sumalubong sa akin sa istasyon ng JR Muromachi. Si Brian! Kung sinusuwerte ka nga naman, oo! Nag-init ang aking mukha at bahagya akong pinawisan sa naramdamang excitement.May dala itong plastic basket na may nakalagay na sari-saring goods. Shampoo, sabon, noodle packs, chocolates, chopping board, maliit na kutsilyo at frying pan. Galing daw ang mga iyon sa Board of Education o BOE ng Muromachi. Pang-welcome raw sa akin. How sweet!
Last Updated : 2020-07-28 Read more