Hindi ko alam kung kami na nga ba ulit ni Brian. Kasi simula noong maligaw siya sa bahay na lasing na lasing, regular na siyang nagte-text o tumatawag sa akin kahit mangumusta lang o magtanong kung kumain na ako. Minsan, dumadaan din siya sa bahay at sabay kaming nagdi-dinner sa labas. Pero hindi na siya nakitulog ulit. Gusto ko mang tanungin kung ano na status namin, nauunahan ako ng hiya. Hindi ba dapat sa kanya manggaling yon? Naliyo na naman ako. Di ko na kaya. Bigla akong napatakbo sa banyo at nagsuka na naman nang nagsuka. Grabe. Parang hinahalukay ang sikmura ko. Papano kasi, hindi mawala sa isipan ko ang imahe ng maliliit na octopus. Nak
Last Updated : 2020-08-12 Read more