Noong maliit pa ako pangarap ko nang magkaroon ng isang enggrandeng kasal. Iyong mala-Cinderella ang dating - nakasakay ako sa karwahe, suut-suot ang pinakamagandang trahe de boda habang papunta ng simbahan, habang ang groom ko nama'y naka-ala Prince Charming na suot at nakasakay sa kabayo. Kailangan ding punung-puno ng sari-saring bulaklak mula sa iba't ibang panig ng mundo ang simbahan at dapat lahat ng nandoon para sumaksi ay naka-cocktail dress. At imbes dalawang doves ang pakakawalan pagkatapos ng seremonya, gusto ko love birds para maiba naman. Gusto ko ring sabuyan kami ng mga petals ng iba't ibang bulaklak pagkatapos ng kasal, pero gusto ko magmumula ito sa himpapawid - kaya kailangan may helicopter.Eight years old pa lang ako, nakaplano na ang wedding ceremony ko, complete with all the details. Meron pa akong mga clippings ng iba't ibang wedding gowns na pagpipilian ko tsaka mga exotic beaches kung saan kami magha-honeymoon. Nakapili na rin ako kung saang simbahan g
Last Updated : 2020-08-13 Read more