Meron na naman kaming training. Oo, may panibago na namang kaechosan si Mark Dale. Sana, wala kaming pasok sa aming mga eskwelahan dahil nga may seminar ang mga gurong hapon sa Okayama City. Mga tatlong araw na seminar din yon. Inisip nga namin na talagang sadista lang itong Mark na to. Ayaw kaming pagpahingahin. Kaya heto, naisipan na magkakaroon ng panibagong training. Bale, tuturuan daw kami kung papano maging omoshiroi (interesting) para sa batang hapon ang aming mga klase. Kadalasan daw kasing feedback ng mga ito, tsumaranai (boring) ang eigo (English) class nila kung kaya di sila natututo. Bukod kay Mark, tatlong senior NET ang piniling mag-train sa amin. Itong mga NET na to ang magdi-demonstrate kung papano maging kaaya-aya ang klase. Sila kasi ang may pinakamataas na marka noong nagdaan
Last Updated : 2020-08-04 Read more