Dahil tatlo naman ang kuwarto sa bahay, hindi na kami pumayag na mag-hotel pa si Dad. Tuwang-tuwa ito nang iminungkahi ni Brian na gamitin niya ang isa sa mga bakanteng kuwarto namin. Mas maigi raw na nasa bahay siya para lagi niyang makakapiling ang mga apo niya.Medyo hindi ako komportable nang mga sumunod na araw dahil kapag may klase si Brian ay naiiwan akong mag-isa with him. Buti na lang, abala siya sa kakaestima sa dalawang bulinggit. Kaya hindi naman namin kailangang maghuntahan. Minsan, nagkukuwento rin naman siya ng karanasan niya sa pag-aalaga kay Brian. May matching photo-sharing pa ito.Ang maarte kong prinsesa ay ayaw pa rin sa lolo niya. Sa tuwing kakargahin ito ni Dad, iyak ng iyak. Pero mukhang okay lang din naman sa matanda dahil binabawi naman ito ni Nathan. Kapag hinahawakan ni Dad ang little boy, ngumingiti-ngiti talaga ito at nagre-respond sa pangingiliti niya."What are you smiling at?" tanong ko kay Brian nang nag-CR si Dad.
Last Updated : 2020-08-15 Read more