Home / All / Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo / Chapter 18: "Pinagtagpo dahil Tinadhana"

Share

Chapter 18: "Pinagtagpo dahil Tinadhana"

Author: FirePhoenix
last update publish date: 2020-09-17 08:20:23

Foundation day nila at ang buong high school  department ay natokang gumawa ng  kani- kaniyang booth kailangan nilang makalikom  nang malaking halaga para gagamitin nila sa nalalapit nilang JS Prom.

May isang section na ang booth na ang raket nila ay tinawag nilang Cupid cap booth. Sino mang mapadaan sa booth nila na ang tawag ay wedding gate ay magpapakasal or kiss- the- bride. Ang consequence ay ipoposas sila the whole event. Or magbabayad sila for bail.

Kasalukuyan naman na abala si Felicity sa booth nila na ang nakatoka namn ay food and beverages. Dala dala niya ang malaking coleman sa magkabilang kamay habang naglalakad  ‘di niya napansin na napadaan siya sa wedding gate. Pinosasan siya ng babae na in-charge sa booth  at nagulat siya dahil dito.

"Huli ka! Welcome to our wedding booth!" Bati ng coordinator ng booth na yun.

"Pero ‘di ninyo ako pwede ikulong dito hinihintay din ako sa kabilang booth sa food and beverages  ako nakatoka!" Pakiusap nito.

"Sige mag bail ka ng 500p" Sagot ng coordinator.

"Ha! Ano ba naman yan! Pare-pareho tayong humahawak ng booth! Wala akong ganung kalaking pera!" dagdag nito sabay baba ng coleman na dala nito at nilabas  ang laman ng bulsa ng pantalon niya.

"Eto! eto lang ang pera ko!150p! Pamasahe ko 50p! At 100p baon ko the whole day! Kahit kapkapan ninyo pa ako!" Pakiusap nito.

"Eh ‘di maghintay ka ng prinsipe mo na magsesave sayo!" Tudya nito.

Walang nagawa si Felicity  kung ‘di magmukmok sa sulok. Nataon naman kasi na nasa bag niya yung celphone niya ‘di niya matawagan mga kasamahan niya.

Samantalang nang mga sandali na yun ay naaya si Luis sa cupid booth na curious sila sa pag aakalang  kiss booth iyon dahil nakita nila na maganda ang coordinator ng booth na yun.

 Sino kasing ‘di makakakilala sa coordinator na ‘yon siya lang naman ang pambato nila sa Miss campus beauty pagent na nanalo nuong nakaraang taon. Kaya hindi na pumalag si Luis nang posasan ng coordinator si Luis sa kamay naman ni Felicity.  Nagulat na  lamang si Luis nang makita niya uli si Felicity.

"Oh akala ko ba kiss booth ito?" Takang tanong ni Luis nito sa coordinator.

"At akala ko ikaw ang prize?" Habol na tanong nito.

"He he he! Mangarap ka!" Asar na sagot nito.

Napatingin si Luis kay Felicity duon niya naalala yung insidente sa bus. Samantalang walang reaksyon si Felicity nang sandali na yun dangan kasi iniisip niya malamang hinahanap na siya ng mga kasamahan niya  malamang nagagalit na si Robert ang coordinator nilang bakla. “Napakataray pa naman nun!” Usal niya sa sarili.

 Nasapol ni Luis ang nuo niya sabay sabi sa sarili.

"Hay may balat ata sa pwet itong babaeng ito!" Buntung hininga na saad niya sabay kamot sa ulo.

"Ok kung gusto ninyong makawala sa wedding booth namin ay you have 3 options.

1- is to kiss the bride 

2nd- to spend the rest of the day together sa booth namin hand 

cuffed

3rd is to bail for the amount of 500p good fr two.

Ngising  explain ng coordinator.

Nilabas ni Luis ang wallet niya at doon niya nakita na 500p lang sakto ang pera niya at mangilan- ngilan na barya na hindi pa aabot sa pamasahe niya pauwi.

"Gusto mo 50/50 tayo 250 sa akin at 250 saiyo." suhestyon ni Luis kay Felicity.

"150p lang pera ko dito." Sagot ni Felicity.

"Sige bigay mo yang 100p sakin para may pamasahe pa ako at ako na bahala sa 400p.” suhestyon nito.

"Kasya na ba 50p pamasahe mo?" Tanong nito.

"Oo sakto lang." sagot nito.

Napabuntunghininga na binunot ni luis ang pera nya na napapailing.

Naguilty si Felicity nakita nga niya na 500p nga lang talaga ang pera nito.

"Hayaan mo may utang ako saiyo ng 250p  bayaran nalang kita sa susunod."  Pangako niya dito.

" No..No need just stay away from me you always put me in trouble!" Asar na sagot nito ke Felicity.

Parang binuhusan nang malamig na tubig si Felicity sa binitiwang salita ni Luis  sa kaniya. Nang naalis na yung posas nilang dalawa ay patakbo na umalis si Felicity kasabay nang pagpatak ng luha niya sa mga mata niya.

"Hey wait!" Habol na tawag ni Luis kay Felicity pero ‘di na lumingon si Felicity dahil sa  pagkapahiya.

"Shit! napaka impulsive ko talaga! Ano ba tong nasabi ko!" Sapul ang nuo na sising sisi sa nasabi niya.

After a week ay nakita nalang ni Luis si Felicity after her class sabay abot ng 500p sa dibdib ni Luis.

"Eto ang 500p keep the change bayad utang ko narin sa abala ko sayo ng araw na yun!" Bulyaw ni Felicity kay Luis. Punung- puno ng hinanakit  ang mga mata ni Felicity ng mga sandaling iyon.

"All I thought your a nice guy whom I met on the waiting shed pero you turn out to be an asshole!" Sumbat nito.

So all along pala ay naalala pala siya ni Felicity.

"And just to correct you all I remember is once lang kita naabala and don’t worry I’ll assure you that will be the last. "Sabay talikod ni Felicity. Hinablot ni Luis ang kamay ni Felicity.

"Wait! I’m sorry if I’m being rude I wasn’t in the mood that time." Paliwanag nito.

Winisik ni Felicity ang kamay ni Luis 

"And so am I but I don’t put the blame to anyone." Sabay tapon nang matalim na tingin ke Luis saka siya umalis.

Nang una niyang makita si Luis ay nung nag intern pa lamang si Luis bilang Engineer at nag substitute teacher siya sa klase nila sa subject na chemistry 2nd yr highschool pa lamang nun si Felicity at si Luis ay 3rd yr. college na as a Chemical Engineering. 

Na love at first sight si Felicity ke Luis dito paano kasi ay kahawig niya ang korean actor  na hinahangaan niya na binagayan pa nang talino niya neat at proper pang manamit malinis at palagi pang mabango ang porma nito.

Simula nun ay lihim niya nang minahal ito kahit hindi siya pinapansin.  Ang makasalubong niya lang ito sa hallway at maamoy ang pabango nito na Christian Dior ay sapat na kay Felicity.

 Kaya nung minsan na umulan nang malakas at pinagtagpo sila ng tadhana nang araw na ‘yon sa waiting shed ay nagtatalon ang puso niya. 

Lalo na nang tumabi pa ito sa upuan niya ng nasa loob sila ng bus. Sinulat niya kaya ‘yon sa diary niya  pakiramdam niya nang sandali na yun para siyang nasa heaven kaya laking gulat niya nang pinagtagpo uli sila nang araw naiyon sa wedding booth pakiramdam niya ay para siyang tinamaan ng ilang libong boltahe ng kuryente nang magdantay ang mga kamay nila.

 Parang nawala yung alalahanin niya dun sa baklang coordinator nila. Nung tanungin siya kung may pera siya manaka-nakang ayaw niyang aminin na may pera siya na sana pumayag na siya sa consequence na makasama siya sa buong araw or kahit sana halik kung seswertehen. 

 Pero kagaya ng isang panaginip nagising siya sa mahimbing na pagkakatulog lalo na ng sabihan siya na layuan na siya nito.

Ang sakit pala nun para siyang sinampal at binuhusan ng malamig na tubig. Parang natunaw lang ang lahat nang paghanga niya dito. Buong magdamag niyang iniyakan iyon kaya inisa- isa niyang pinunit ang mga pahina ng diary niya. 

Ang picture nito na kinuha niya nang palihim  sa student council board members  dahil siya ang head editor ng student board members nila.

Nag ipon siya ng pera andon na nagkasyang magbaon ng itlog at kanin sa isang linggo para lang mabayaran niya ang kahihiyan na sinapit niya ng araw na iyon.

Hindi mapakali si Luis sa kanyang higaan andyan na pumiling siya sa kaliwa at mamaya naman ay sa kanan. Di mawaglit sa isip niya ang nangyaring pag kompronta sa kaniya ni Felicity kanina.

"Damn stupid!" Sita niya sa sarili niya. Mayrong guilt feeling siyang nararamdaman pagkatapos niyang makitang halos pigil ang luha ni Felicity habang nagsasalita ito.

Gusto nya irewind ang nangyari pero ayaw niyang abusuhin ang kapangyarihan niya dahil alam niyang may malaking rebound ang balik nun. Napansin niyang ganun nga ang nangyayari kapag sa walang  katuturan niya lang ito gagamitin lalo na’t alam niyang siya naman ang dahilan kaya nangyari yun.

Pumikit siya at nag astral travel kung san naruon si Felicity mahimbing na itong natutulog. Hawak- hawak pa ang lukot-lukot na larawan ni Luis. Balak sanang punitin ni Felicity iyon dangan nga lang ‘di niya magawa ‘di lang sa dahil kaisa-isang larawan ito ni Luis marahil kahit siguro isang libong dahilan para magalit siya dito ay nandun parin sa kasuluk-sulukan ng puso niya ang pagmamahal niya dito. Nahulog sa kamay niya ang litrato ni Luis at pinulot ito ni Luis at tumambad sa kaniya ang kaniyang larawan. Napangiti siya sa kanyang nakita. 

Sinong mag aakala na  sa angking ganda ni Felicity eh mayrong magkakamaling magkagusto sa kaniya. 

Sumandal siya sa kaniyang pagkakatayo pinagmamasdan si Felicity  hindi stand-out ang beauty ni Felicity pero ang pagiging inosente  at pagiging totoo niya ang siyang nag angat sa personalidad niya na ang lakas ng hatak nito para sa kaniya.

Kahit anong iwas  ang gawin niya ay hindi niya mapigilan ang sariling di mahalina sa taglay nitong ganda.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 11: "Ang Taga-Bantay"

    1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 12: "Nang tumigil ang Mundo"

    Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Ten: "Ang Pamamaalam"

    Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Nine: "Ang Buwan sa Gitna ng Dilim"

    Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Eight: "Ang Pag-gising ng aking Kamalayan"

    "Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Six: "Sa muli niyang Pagbabalik"

    Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status