LOGINPagkalipas ng limang taon.
Malakas ang buhos ng ulan may isang truck ng karne ang walang habas ang pagtakbo nito ng sasakyan habang nakakabit pa ang earphone nito. ‘Di niya narinig ang busina ng motorsiklo na gustong mag overtake nagulat na lamang ang driver ng truck ng biglang lumusot sa kanyang harapan ang motorsiklo. Nagpreno ang driver ng truck pero ‘di kumagat ang break dahil sa madulas na kalsada nawalan ng balance ang truck at tumabingi ito dahil dito ‘di napaghandaan ng mitsubishi lancer na kotse ang truck na sumalubong sa kaniya kaya bumangga siya dito dahilan upang maitulak pa palayo ang truck papunta sa waiting shed kung saan isang babae ang naghihintay ng bus na padating.
Nagulantang sa pagkakatayo si Felicity na mula sa malayo ay may truck na mabilis na paparating sa kanya napapikit at parang napako sa kinatatayuan nito ng sa kawalan ay may isang parang bulalakaw na enerhiya ang bumalot sa kanya at sa isang iglap ay nasa ligtas na lugar na sya. Minulat ni Felicity ang kanyang mata pero wala na yung taong na nagligtas sa kaniya oh tao nga bang matatawag ito? Isang malaking misteryo ang nabuo sa isip niya ang tangi niya lang naalala ay may isang malakas na kamay ang bumuhat sa kaniya at napahilig siya sa balikat nito at ang tanging pabango nito na pamilyar sa kaniya ang rumehistro sa isip nito.
"Utang ko sa kaniya ang pangalawang buhay ko." Tangi niya lang nasabi.
Sa isang banda humahangos na bumalik si Luis sa kaniyang kwarto butil-butil ang kaniyang pawis habol ang hininga. ‘Di na bago ke Luis ang magteleport. Oh mag astral travel kapag galing siya sa trabaho at pagod na pagod ay ‘di niya namamalayan na nag astral travel oh magteleport siya. Maging ang paglakbay sa hinaharap ay nagawa niya na.
Ngunit ang nangyari kanina ay di niya inaasahan. Ngayon niya napagtagni-tagni ang dahilan kung bakit siya bumabalik sa nakaraan 5 taon na ang lumipas bago ang kasalukuyan.
Ang babaeng niligtas niya kanina ay ang parehong babaeng lagi niyang napapanaginipan. ‘Di niya alam kung ito ay parte ng kaniyang astral travel pero duon siya dinadala nang kanyang paglalakbay.
Napagtanto ni Luis na mayron siyang kakaibang kapangyarihan isang taon pagkatapos silang iwan ng kanilang ama.
Lagi niyang napapanaginipan ang kaniyang ama kasama nilang magkakapatid nasa isang tagpo kung saan tinatawag sila habang nasa ilalim sila ng tubig.
Hindi buo ang detalye nang kaniyang panaginip parang isang hamog sa umaga na sa sandaling sya’y magising ay humahalagpos ito sa kanyang ala-ala. Muling bumalik sa isip niya ang babaeng niligtas niya.
"Bakit ka bumabalik sa panaginip ko? May kaugnayan ka ba sa aking hinaharap? Ano itong sakit na dumadagan sa dibdib ko nang makita kitang nakahandusay sa aking mga kamay? Na parang hindi ko kakayaning may mangyari saiyo sa anumang paraan oh dahilan? Sino ka ba sa buhay ko?" Usal nito sa sarili.
5 taon ang nakakaraan:
Third year high school pa lamang si Felicity sa Arellano University samantalang si Luis naman ay graduating student naman sa kursong engineering sa parehong university. Tinapos ni Felicity ang group project kaya ginabi siya ng uwi. Kasalukuyan siyang naghihintay ng bus sa waiting shed nang biglang bumuhos ang ulan hunahangos na napatakbo si Luis papuntang waiting shed dahil ‘di nya inaasahan ang pagbagsak nang ulan . Pinagpag ni Luis ang kaniyang uniporme at napatingin kay Felicity na nanonood sa kaniya. Binawi ni Felicity ang tingin niya dito. Lumusong sa baha si Luis kaya basang-basa ang sapatos nito pati medyas niya kaya napilitan siyang umupo at alisin at pigain ang medyas sa tabi ni Felicity.
‘Di napigilan ni Felicity na bumanghalit ng tawa ng makitang butas ang medyas na hinubad ni Luis.
"Ahem." Kunwang napaubo si Felicity at lumingon sa iba nang napalinga si Luis sa kanya.
"Uy pasensya na ha! may amoy ba?" Natatawang excuse ni Luis dito.
Umiling si Felicity at gumanti ng ngiti. Saka namn pagdating ng bus dali daling nilagay ni Luis ang basa niyang medyas sa bag niya at sinuot ang sapatos. Umupo si Felicity sa ikatlong raw ng upuan samantalang pumwesto si luis sa likuran nya.
May dalawang lalakeng sumakay pagdaan nila sa Bel air Station tumabi ang isa ke Felicity at ‘yong kasama niya ay sa tapat na upuan pumwesto. Kinutuban si Luis sa porma ng dalawang lalake na parehong nakajacket at parehong malilikot ang mga mata sa bawat paligid. Nagmamanman sa mga gadget oh celphone ng bawat pasahero.
Walang kamuwang muwang si Felicity sa kanyang katabi. Nang biglang nag ring ang celphone niya at sinagot niya ito.
"Hay! ‘di mo man lang sina-silent ang celphone mo iha!" Usal ni Luis sa sarili niya habang nakamasid kay Felicity nakita niya na tinutukan ng baril ito.
Nagulat si Felicity at napatayo pero hinaltak siya ng katabi niya pabalik sa upuan niya. Duon na naalarma si Luis dali-dali niyang pinahinto ang oras inutusan niya sa isip na bumaba ang dalawang holdaper at dumiretso sa presinto at magpakulong ng kusa.
Kinausap niya rin sa isip si Felicity at inutusang walang maalala sa nangyari at saka niya pinagalaw uli ang orasan.
Tumayo si Luis at nakiusap kung pwede tumabi sa kaniya at nagpaunlak na may matamis na ngiti si Felicity ke Luis.
Bagama’t sa susunod na station dapat baba si Luis ay minabuti niyang lagpasan ito. Hinintay niyang bumaba si Felicity at nang matiyak niyang ligtas na ito saka na siya nag teleport pauwi. ‘Yun ang unang pagkikita nila ni Felicity.
Isang buwan pagkatapos nang pangyayaring ‘yun ay muling nagtagpo ang landas nila.
1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb
Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup
Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a
Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m
"Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga
Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.