Mag-log inBumalik si Valcan sa mundo ng mga tao isang linggo pabalik sakto ng paglindol kasalukuyan ng lumilindol sa magnitude 7.9
Maraming gusali ang nagbabagsakan pinagmasdan niya ang papabagsak na gusali na tatama sa mga nagdaraan.
Kinumpas niya ang kanyang kamay at tumigil sa pagbagsak ang gusali tumakbo siya papunta sa kanila wala siyang nakitang tanda sa kanilang mga nuo sa pamamagitan ng kapangyarihan na ipinagkaloob sa kaniya ay nakalikha siya ng isang dambulang bula at mula duon ay tinipon ang 15 katao lumakbay ang bula kasama ng mga tao na nagulat sa nangyari dinala sila sa taas ng bundok sa ligtas na lugar.
At muli’y naglakbay ang bula at lumikom uli si Valcan ng mga tao na kanyang maliligtas pumunta siya sa ibang lugar at nakita niya na marami pang tao ang nasa panganib.
"Kulang ang kalahating oras para iligtas silang lahat.” Usal niya kailangan nang pigilan ang oras nang sumandaling iyon ay paparating na ang tsunami kinumpas niya ang kanyang kamay at tumigil ang oras ang mga tao ay parang estatwa ang malaking alon ay sumispende sa ere di na siya nag aksaya ng panahon.
Parang ipo-ipo sa bilis na inipon niya ang mga tao sa isang lugar sa pinakamataas na bundok ay dinala sila ng higanteng bula at lahat ng tatamaan ng tsunami ay kaniyang pinuntahan at ganun din ang kanyang ginawa sa abot ng kanyang makakaya hanggang sa natapos na ang kalahating oras at muling tumakbo ang orasan nasa kasalukuyan siyang nasa pampang hawak ang bata sa kanyang mga kamay.
"Ama ipahintulot mong maligtas ang paslit na ito." Sabay yakap ni Valcan sa bata at pikit- matang lumuhod yakap ang bata.
May isang kapangyarihan na bumalot kay Valcan at sa bata at nagliwanag silang parang bulalakaw na biglang lumitaw sa himpapawid at mabilis na nawala sa kawalan at sa isang iglap ay nasa ligtas na lugar na sila.
Nagtataka ang bata kung paano nangyari ‘yon. Pinagmasdan siya ng bata.
"Gusto ko po makita ang nanay ko asan po sila?" Inosenteng tanong ng paslit. Hinaplos niya ang buhok nito. Paano niya ba sasabihin sa batang ito ang nangyari sa kaniyang mga magulang. Napaluha na niyakap nito ang paslit.
Sa pagpikit niya ng mata ay narinig niya ang tawag ni Luis at ng mga bata! Dali-dali siyang umalis at sa isang kisap-mata ay pumaroon siya pabalik sa kanyang mag-iina.
Ngunit huli na ang lahat inanod na sila ng baha.
"Luis!" Sigaw ni Valcan habang nasa ere siya hinahanap niya ang kanyang mag-iina ngunit napakabilis nang rumaragasang baha at mga sasakyan na kumpol- kumpol na parang laruan na inaanod ng tubig.
Tinawag niya sa isip nya si Luis.
"Luis asan kayo!!" Tawag niya ngunit walang tugon mula dito. Tinawag niya si Kenneth wala din siya marinig.
"Hindi!! Hindi maari ito!!" Sigaw niya sumisid siya sa ilalim ng tubig hinanap niya ang kaniyang pamilya.
Maraming mga patay ang mga nasa ilalim nito ngunit mabilis ang pag- anod ng baha pati siya ay natatangay na paparating na inanod na bahay. Isang bulalakaw ang umagaw kay Valcan sa tiyak na kapahamakan nawalan siya ng malay at nang siya ay nagkamalay ay nasa kalawakan na siya.
"Hindi! Bakit ako nandto!!" Kaya bumalik sya simbilis ng kidlat.
“Eunice!! Kenneth! Luis! Melissa! Dolor!" Tawag niya sa mga ito. Nang may tumawag sa kanyang isip.
"Papa! Tulungan mo kami!" Si Eunice.
"Asan kayo!!" Sagot nito.
"Anndito kami sa ilalim ng tubig naipit kami ng sasakyan at mga bato." Sagot ni Eunice.
Walang inaksayang sandali si Valcan at muli siyang sumisid sa ilalim at nakita niya ang Honda navy blue na sasakyan nila dali-dali niyang kinumpas ang mga sasakyan at naalis sila sa pagkakadagan. Isa-isa niya itong inahon sa pampang.
Ngunit ang nagpaguho sa kanyang mundo ay ng makita nya ang wala ng buhay na si Andrei at si Dolor.
Nakita nya ang tanda sa kanilang mga nuo tanging sila luis at melisa at kenneth ang mga naligtas.
"Hindi maari ito!!" Sigaw ni Valcan.
Labag man sa itinakda at udyok ng pag ibig ng isang ama at asawa sa kaniyang pamilya ay naglakbay si Valcan pabalik tatlong oras bago ang sakuna.
Nasa gitna sila ng highway mabagal ang usad ng mga sasakyan. Pinagmasdan ni Valcan ang kanyang mag-iina. Batid niya na ngayon ang mangyayari kung ano ang magaganap.
"Ngayon na magaganap ang Tsunamim" Bulong ni Valcan kay Dolor.
"Mahal ko kayo higit kaninuman hindi ko kaya na mawala kayo kaya babaguhin ko ang itinakda." At sa isang iglap ay nagteleport sila sa ibang bansa at iniwan niya ang misyon niya.
Dahil sa kanyang ginawa maraming tao ang nagbuwis ng buhay maging ang paslit na hawak hawak nya kanina lang ay wala ng buhay yakap yakap ng kanyang ina.
Dumating mula sa alapaap si Enoch sakay ng kabayong kumikinang sa ginto. Kasama ni Enoch ang sugo ng taga- hatol.
"Valcan dahil tumalikod ka sa misyon mo udyok ng makasariling dahilan kaya ikaw ay hinahatulan ng kamatayan sa mundo ng mga mortal at Immortal ngunit muling isisilang bilang isang encanto pagkalipas ng 1000 taon at ang mga ala-ala ng nakalipas ay mananatili saiyo para ang pagsisisi at pighati ang siyang maging kaparusahan mo habang ikaw ay muling mabuhay." Pagpapasya ni Enoch
" Tinatanggap ko po ang hatol pero maari po ba akong magpaalam kahit sa huling sandali?" Pakiusap ni Valcan.
" maari pero sa panaginip na lamang " saad ni Enoch.
Kasalukuyang mahimbing na natutulog ang mag- iina niya kinausap niya ang kanyang mga anak sa panaginip.
"Patawad kung hindi ko na masasaksihan ang mga taon pang darating na kapiling ninyo ako malupit ang kapalaran na itinakda sa akin. At dahil dito’y buburahin ko sa ala-ala ninyo ang lahat ng nag-uugnay sa mundo ko sa tao. Ang inyong kapangyarihan ay magigising sa sandaling itoy hinihingi ng pagkakataon.
1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb
Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup
Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a
Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m
"Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga
Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.