LOGIN
Nag-uunahan sa pagtakbo ang mga tao, ang iba'y umiiyak sa nakapangingilabot na nangyayari at ang iba nama’y ‘di na magawang tumakbo sapagkat nilamon na sila ng rumaragasang baha na nagmumula sa dagat na tatlong kilometro ang layo mula sa bayan. ‘Di nila inaasahan na ang malakas na lindol ay susundan ng nakapangingilabot na Tsunami. Isa itong bangungot na gustong takasan ng sinomang makakasaksi.
Tumakbo si Valcan at hinablot niya sa kanyang kamay ang mga anak niya pabalik sa kotse.
Ngunit sa pagmamadali naiwan ang susi sa bahay.
"Luis bantayan mo mga kapatid mo ‘wag kayo aalis dito isara ninyo mga bintana at babalik ako!" bilin nito.
"Pa! ‘Wag mo kaming iwan!" Pakiusap ni Luis.
"Tatagan mo loob mo!" Bantayan mo sila!" Bilin nito lumingon si Valcan sa gawi ng baha isang kilometro pa ang layo mula sa kanila. Kaya pa niyang bumalik at kunin ang susi sa tokador. Pinagmasdan niya si Luis ang kaniyang panganay na magkakatorse na andun ang takot sa kanyang mga mata. Si Kenneth na mag dodose palang next month si Melissa na katorse at ang bunso si Eunice na pitong taon pa lamang. Umiiyak sila sa takot.
Kaya walang lingon na tumakbo pabalik ng bahay si Valcan. Akyat siya sa ikalawang palapag at hinagilap ang susi.
"Nasaan yong susi?" Nanginginig na hagilap niya nang nakita niya ay nahulog pa ito sa kamay niya at nang makuha niya ito ay dali-dali siyang bumalik sa garahe ng may narinig siyang sigaw mula kay Luis.
"Papa!!" Hiyaw ni Luis.
Huli na nang kaniyang balikan ang mga bata. Tangay-tangay na sila ng baha. Takbo si Valcan habang sumisigaw na tinatawag niya ang mga pangalan nila parang gumuho ang mundo ni Valcan nang sandali na ‘yon parang bumalik sa kaniya ‘yong tagpo na nakita niya si Dolor na nakahandusay at patay na.
Humihiyaw siya pero walang boses na lumalabas sa bibig niya hanggang sa napabalikwas siya sa kanyang pagkakahiga. Nanginginig siya sa takot na napahagulgol din sa unang pagkakataon mula ng sya’y namuhay bilang mortal ngayon lamang siya nanaginip.
Pero ganun pa man ay nahintakutan siya pagkat batid niyang hindi ito simpleng panaginip lang kungdi isa itong babala sa hinaharap na dapat niyang pigilan oh baguhin.
Dali-dali siyang bumangon sa kanyang kama at pinuntahan ang kwarto ng mga bata. Isa- isa niyang pinagmasdan ang mga ito na mahimbing na natutulog.
Ikamamatay nya kung ipahihintulot nyang mangyari yun.
Mula ng nilisan ni Valcan ang mundo ng mga banal at makisalamuha sa mga tao ang taglay nyang kapangyarihan ay nanatili parin sa kanya. Kapangyarihan para masaksihan ang hinaharap ang maglakbay sa bawat panahon at maging ang pigilan oh kontrolin ang pagtakbo ng oras. Itoy kaakibat nya bilang isang manlalakbay taga bantay ng orasan.
Ang mga manlalakbay ay mga nilalang na may kapangyarihan maglakbay sa nakaraan at sa hinaharap sila din ay mga sinugo para ihatid ang mga takda o mensahe at bigyang babala ang mga tao sa maaring mangyari sa hinaharap. Saklaw din nito ang pigilan at baguhin ang itinakda. Ngunit may kapalit ito iyon ay ang isuko ang pagiging immortal at mamuhay bilang tao.
Ganunpaman ang dugong manlalakbay ay mananatili sa kanila kasama ng kapangyarihang taglay nito.
Ngunit ang buhay ng isang manlalakbay ay magsisimulang maglaho na may itinakdang palugit na bilang ng taon.
Pinagmasdan ni Valcan ang kanyang kamay may kumikinang na numero sa baba ng kanyang kamay 28 yrs.old ang nakaukit dito. Ito ang bilang ng taon ng kaniyang buhay na nalalabi sa mundo ng mga tao. 42 yrs.old na siya sa ngayon at 18 taon pang nalalabi sa kanya mahabang masasayang ala-ala pa ang pwede niyang baunin kasama ang mga mahal nya.
Nung siya ay isa pang anghel nun ang 100 yrs. ay katumbas lamang ng kisap-mata kaya ang buong kasaysayan ay nasaksihan niya na ang bukas, kahapon at hinaharap ay nasa isang lampara na walang pasimula at wakas nahahati lamang ito sa tatlong yugto ng salamin ngunit lahat ito’y nagaganap sa kasalukuyan. Isang lihim na ‘di nakikita ng mortal. Ngunit nababatid ng mga anghel na tinalaga sa lupa.
Kaya ang buong kasaysayan ng mundo’y nasaksihan niya na. Ilang kaharian na ang dumaan mga pinuno ng bansa ay nasaksihan niya na lahat at ito ay nakalimbag sa libro ng kasaysayan.
Maging ang kawakasan ng mundo ay naitala na sa libro na kung tawagin ay ‘ITINAKDA.’
Apat na taga-bantay na anghel ang sinugo para magbantay noon. Ang apat ay sumasagisag sa buong sulok ng mundo.
Ang silangan kanluran hilaga at timugan. Sila ay binansagang "Ang taga- bantay ng Simula at Wakas ."
Ang panaginip niya ay hudyat ng isang babala sa hinaharap lumabas si Valcan sa kanilang bahay at tinawag niya sa isip ang hanging buhawi at umihip ang hangin at sa kawalan ay may bumuong buhawi na hugis tao sa harap nya siya ay si Aeros at kaniyang nilahad ang mensahe.
"Sa huling tag-lagas ay mabubulabog ang mga ahas sa kanilang mga lungga at ang mga di pangkaraniwan ay biglang mangyayari.
Isang linggo bago ito maganap ang mga daga at peste ay magsisilabasan. Ang mga usa at leon ay di mapipirmi sa kanilang mga kuta at sila’y dali- daling magsisilikas.
Ang mga kabayo’y mabubulabog sa kanilang mga hawla at ang mga asong lobo ay uungol sa gitna ng katanghaliang tapat. Ito ang palatandaan sa paparating na tsunami na magtatak sa kasaysayan ng mundo.
Maraming buhay ang magbubuwis kasin-dami ng buhangin sa dagat." buong lahad nito.
Niyakap ni Valcan ang kanyang sarili hindi dahil sa lamig na dulot ng gabi kungdi dahil sa hilakbo na bumalot sa kanyang kamalayan.
Wala na siyang inaksayang sandali naglakbay si Valcan sa pamamagitan ng teleportation at sa isang iglap ay na sa pusod na siya ng dagat Pasipiko. Tinawag niya ang taga- bantay ng Tubig.
"Valcan, kumusta ka aking kaibigan?" Bati ni Augua ang taga-bantay ng tubig ang hitsura niya ay may pitong mukha sa magkabilaan sa likod at harap ang bawat mukha'y may bato sa gitna ng nuo ang bato ng buhawi, kidlat, buntot ng dagat batis at ilog sapa at ulan. Parang kulog ang kaniyang boses na sabay- sabay na nagsasalita nag eecho ang kanyang tinig na makapangyarihan.
"Marahil batid mo na ang sinadya ko dito maari pa ba itong mapigilan?" tanong ni Valcan .
"Lahat tayo'y may itinakdang misyon at alituntuntunin na iniatang sa atin mula sa Ama kung ano ang pinasya niya ‘yon ang magaganap ngunit kung ito'y udyok nang dalisay na pag ibig at ito’y sa pagsasakripisyo ng iyong buhay marahil pwede itong pigilan ngunit nasa Ama ang huling pasya na syang naglikha sa ating lahat." Lahad nito.
Nagpasalamat si Valcan at muling naglakbay.
Ngayon naman ay sa kalawakan sa mundo ng mga banal. Pinuntahan niya ang kaniyang kapwa manlalakbay at pinuntahan niya ang pinaka pinuno nito ang mandirigmang si Enoch. Ang taga pangasiwa ng mga kaloob siya ang mandirigmang anghel siya rin ay pinangasiwaan para magbigay ng mga kaloob sa mga piling mga tao sa mundo.
Yumuko si Valcan para bigyang galang at pagkilala sa kanilang pinuno.
"Pinuno Enoch." Bati nito.
"Valcan hindi kita nakilala! ang bilis ng iyong pagtanda!" Bati nito.
"Opo dahil sinuko ko po ang aking pagiging anghel kapalit po na mamuhay bilang mortal." tugon ni Valcan.
"Ito ang dahilan kaya pinigilan kita nuon sa iyong desisyon dahil ito ang kasasadlakan ng mga tao sa mundo Valcan." Paalala ni Enoch sa kaniya.
"Dahil sa kasalanan ng unang tao ay sinumpa na ang mundo kaya sa pasimula ay itinakda na ang wakas nito." Dagdag niya.
"Ngunit ang pag ibig ng ating Ama ay ‘di nawawala sa tao at ito’y maraming beses ng napatunayan sa kasaysayan." katwiran ni Valcan.
"Valcan nasaksihan ko ang wagas na pag ibig mo sa mortal na taong si Dolor at mula nang naging tao ka’y nagkaron ka na ‘din ng puwang sa mga tao." Pag sang-ayon ni Enoch.
Ang hitsura ni Enoch ay isang makisig na mandirigma kumikinang ang liwanag sa kanyang buong katauhan nakalagay ang lihim na tatak na pangalan sa kanyang nuo na tanging ang Ama lamang ang mkakabigkas nun.
"Pag-ibig ay makapangyarihan ngunit tanging pag-ibig na tapat at di makasarili ang pinaka dakila sa lahat." Pagsasalaysay ni Enoch.
"Ilan na ang kagaya mo na namumuhay bilang mortal sila din ay nagbuwis at sinuko ang kanilang kapangyarihan kapalit ng pag-ibig.” Patuloy niya.
"Ang iyong inilalapit na paghingi ng tulong mula sa amin ay magaganap kung ito’y loloobin niya." Pagtatapos ni Enoch.
Bumalik sa mundo ng mga tao si Enoch ang paglisan niya ay umabot ng isang linggo sa mundo ng mga tao. Di lingid kay Dolor ang kapangyarihang taglay ni Valcan at pinabatid niya ang magaganap kay Dolor.
Tinawagan ni Valcan ang kaibigan niyang Volcanologist isa siya sa naniniwala sa kakayahan ni Valcan at pinabatid niya ang maaring maganap at napatunayan naman ng kaibigan niya sa pamamagitan ng mga datos na nakita niya sa kanyang mga pag-aaral na tama ang pangitain na nakikita ni Valcan. Pinulong ng kaibigan niya ang mga alkalde at pinabatid ang nagbabadyang "The Big One." Ngunit ‘di sila binigyang pansin ng mga ito.
Wala silang nagawa sa mga tao kaya binalak nalang ni Valcan na mag pa-book at mag migrate sa ibang bansa.
Nakahanda na ang mga kagamitan nila lulan ang kanilang sasakyan papuntang airport nang ang kinatatakutang sandali ay dumating ng araw na iyon.
Alas-dos ng hapon nagtaka ang mga tao sa kakatwang kinikilos ng mga hayop sa paligid ang mga alagang hayop sa tahanan ay nagsilikas palabas ng siyudad papunta sa kabundukan nagliparan ang libo- libong mga ibon sa himpapawid patungo sa mga bundok.
Nahintakutan ang mga tao sa kalsada dahil naglabasan ang mga ahas mula sa mga manhole.
Sila Valcan at ang pamilya niya ay kasalukuyang nasa highway habang mabagal ang usad ng sasakyan dulot ng traffick. Biglang nagkakagulo ang mga tao sa labas nang biglang umulan ng mga patay na palaka mula sa ulap. Maraming sasakyan ang nagbanggaan.
Walang inaksayang sandali si Valcan lumabas siya sa kotse at kinumpas niya ang kaniyang kamay at huminto ang orasan. Maging ang mga tao ay natigil sa kanilang kinatatayuan.
Ang mga palaka ay nagsuspinde sa ere at ang mga ahas na tutuklaw sana sa mga taong nagtatakbuhan ay natigil din.
Ginamit niya ang telekenesis at sa isang tingin lang sa mga ahas kinumpol niya ang lahat ng ito at itinapon sila sa kabundukan. Ang mga palakay tinapon niya sa karagatan at kasimbilis ng kidlat ay isa-isa niyang pinagaling ang mga nasugatan sa pamamagitan ng enerhiya mula sa kaniyang mga kamay ay nawala ang sugat nila. Ng makita nyang ligtas na ang lahat ay muli nyang pinaandar ang orasan.
Ngunit dahil sa ginawa niya ay lalong napabilis ang pagdating ng lindol. Nagulat siya at dahil dun ay tinawag niya sa isip niya ang taga-bantay ng mga bulkan si Prometheus at isang naglalagablab na apoy na hugis tao ang humarap sa kaniya.
"Bago mo pakawalan ang galit ng bulkan ay hayaan mong iligtas ko ang mga tao." Pakiusap ni Valcan.
"Nilabag mo ang itinakda kaya bumilis ang oras." Lahad ni Prometheus.
"Wala kang magagawa kungdi ilapit mo ito ke Enoch." Tagu-bilin niya.
Wala nang sinayang na sandali si Valcan binuksan niya ang lagusan papunta sa mundo ng mga banal at parang ipo-ipo na naglikha ito ng isang itim na bilog at pumaloob si Valcan dun.
"Patawad aming pinuno kung sinuway ko ang itinakda pero hindi ko po maatim na saksihan ang mga nagaganap na wala akong ginagawa para iligtas sila nakikiusap po ako." Pakiusap ni Valcan.
"Humayo ka at dininig ng Ama ang iyong pakiusap iligtas mo ang kaya mong iligtas sa kalahating oras silang may mga tatak sa nuo ay ibigay kay kamatayan sapagkat hanggang dun lamang ang oras nila ngunit ang mga walang tanda sa nuo sila’y binigyan ng pagkakataon para magbago."
Kasama ng pag-alis mo’y lakip na binibigay ko sayo ang pitong kapangyarihan ng pagliligtas.
1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb
Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup
Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a
Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m
"Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga
Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.