LOGINSa mundo ng mga Hades ang anghel nang kamatayan na syang Taga-bantay ng lagusan ay si Thanatos na sa isang lumang bangka siya nakatayo hawak ang baston na ang hawakan ay itim na uwak nakahood siyang itim walang expresyon ang mukha na nakatingin kay Dolor.
Hinatid niya si Dolor sa hanay ng mga nililitis. Sa paligid ng lawa ay mga libo- libong kaluluwa na nakulong sa gitna ng mundo ng mga buhay at sa mundo ng hades nagsusumamo kay Dolor na isakay sila sa bangka ng paglilitis para matapos na ang paghihirap nilang nararanasan .
Sila ay mga kaluluwang nagpatiwakal o kinitil ang sarili nilang buhay sa pag-aakalang sa paraan nang pagkitil ay matatakasan na nila ang miserable nilang buhay ngunit mas malupit na kalbaryo ang kanilang natamo dahil ang huling tagpo nang pinaka malupit nilang maling desisyon sa buhay nang sila’y mortal pa ay paulit- ulit nilang nararanasan ng ilang libong beses.
Huminto sila sa bulwagan ng taga-litis habang inalalayan siya ni Thanathos pababa ng bangka at hinatid siya sa pila ng mga nililitis.
Nang biglang dumating si Lucifer at hinila palabas si Dolor sa pila.
"Kukunin ko ang pag aari ko!' Lahad niya sa taga-litis.
"Belzeebub ‘wag mong lapastanganin ang kaluluwang ito hindi ito laruan na nabibili mo kung gugustuhin mo.
"Nakipag deal ako sa mortal na alkalde kapalit ng kaluluwa nito." Paglalahad niya.
"Tuso ka Belzeebub pero hindi uubra ‘yan dito sa Hades hindi mo malalamangan ang timbangan ng patas na paghahatol.
"Ang singilin mo ang mismong alkaldeng kausap mo."
"Ngunit ang mortal na ‘yan ay may kasalanan higit pa sa alkalde Thanatos. Iyon ay ang umibig siya sa immortal na kagaya natin."
"Hayaan mong ang timbangan ng taga-hatol ang maglitis ukol dyan." Sagot nito.
Pumunta sila sa bulwagan ng taga- litis at doon nga ay isinaysay ang bawat pangyayari sa buhay ni Dolor sa lihim at hayag at pagkatapos nun ay nagulat si Thanatos at maging si Lucifer.
Pagkat sa listahan ng mga itinakda ay nakalimbag ang pangalan ng isang mortal na si Dolor!
Sa aklat ng mga pinili ay duon nakasulat ang mga hinirang ng Dios na mayrong natatanging misyon.
"Ngunit walang espesyal sa mortal na ‘to para mapabilang siya dito." Takang tanong ni Lucifer.
" Sino tayo para kwestyunin ang nakatakda tandaan mo maging si Magdalena ay napabilang sa mga pinili." Sagot ni Thanathos.
"Ngunit hindi ako aalis nang hindi ko kasama ang mortal na ‘yan." Giit pa rin nito.
"Pumarito ka ba para lapastanganin ang kaharian ko?! Tandaan mo wala ka sa teritoryo mo!” Paalala niya.
“Gusto mong ipalapa kita sa mga Pretas?" Pagbabanta nito.
Natatawang sumandal si Lucifer sa kaniyang kinatatayuan ‘di makapaniwala sa tinuran sa kaniya ni Thanatos.
"Ako pa tinakot mo? baka nkakalimot ka na kung sino ako?" Tudya nito.
"Kaya kong dalhin ang mga Asuras dito para wasakin ang kaharian mo." Dagdag niya.
"Ang mortal na y’an ay dalawang beses ng dapt na namatay bakit mo hinayaan na makatakas siya sa teritoryo mo?” Paalala niya.
“Hindi bat malaking katiwalian iyan? Lalo na’t pag nakarating yan sa kaalaman ng mga banal.” Dagdag nito.
Na alarma si Thanatos dahil pag nalaman yun ng mga kataas-taasan magkakaron ng pag- aaklas ng mga kaluluwang ayaw matahimik at naghahangad ding mabigyan ngpagkakataon pang mabuhay.
Walang nagawa si Thanatos kungdi iparaya ito ke Lucifer.
10 taon nalang ang hinihintay sa mundo ng mga tao at muling mabubuhay si Valcan at tiyak una niyang hahanapin ay si Dolor. Iyon ang hinihintay niyang pagkakataon ang pagharap nila ni Valcan at sinisiguro niya na magtatagumpay na siya sa kanyang mga plinano.
Pinagmasdan ni Lucifer si Dolor na kasalukuyang nakakulong sa bunganga ng bulkan nakagapos ang mga kamay ngunit nagtataka siya ni hindi man lang tinatablan ng apoy si Dolor! Ano ba ang mayron sa mortal na ito? Nakayuko si Dolor inangat niya ang mukha nito bigla siyang nagliwanag at nakita niya sa nuo nito ang diamanteng onyx!
Nang magkaron ng digmaan ng mga banal at mga nag- aklas na mga anghel na pinangunahan niya ay pinarusahan siya. Inalis ang kaniyang kapangyarihan na sumisimbolo ng pitong dyamante at nabaklas ito sa kaniya. Ang mga dyamanteng iyon ay tinipon ng mga banal para ipagkaloob sa nararapat sila ang mga tagabantay ng pitong susi nang lagusan ng mga banal na ikinalat sa mundo ng mga mortal at mga lihim na mga anghel na itinalaga para magsilbing mga mandirigmang anghel sa mga wakas ng lupa mga mortal na may natatanging abilidad at misyon bago lalangin ang bagong Bayang- Banal. Ang onyx ay isang bato na may kapangyarihan na ang taglay ay hangin at apoy walang masamang espiritu o nilalang ang pwedeng humawak dito dahil sila ay masusunog oh maaring mawalan ng buhay dahil ang hininga ay punla ng buhay. kaya nitong wasakin ang isang buong planeta o ang sangkatauhan.
Sinubukan kunin ni Lucifer ito kay Dolor pero humiyaw lang siya sa sakit at nauupos ang kanyang paghinga kung ipagpipilitan niya ay maaring mawasak ang Sheoll.
Ngunit kung ito ay kusang binigay sa kaniya ng walang hirap ay mas mainam. Gagamitin niya si Valcan para ibigay ng kusa ni Dolor ang kanyang bato.
Nang makalabas sila Luis at Dolor sa lagusan ng mga encanto ay dun nya napansin na meron kay Felicity na nakakaakit ng mga elemento at kaluluwa gising at bukas ang kaniyang 3rd-eye at mayrong krus sa kaniyang nuo.
"Luis; anghel ka ba?" Tanong ni Felicity sa kaniya.
Maging siya ay nagulat sa paano at san nanggaling ang mga pakpak niya? Kusa lang itong lumabas sa kaniya.
Alam niyang kakaiba sya mula ng bata pa sya...Natatandaan niya na may kumikinang na numero sa kamay ng kanyang ama ng bata pa siya kahit sa kaniyang ina nakikita niya ang batong nagliliwanag sa dibdib niya at ang krus sa kanyang nuo... Ano ba talaga sila?
Pinagmasdan niya si Fel na naghihintay pa rin ng kasagutan.
Hinawakan niya ang nuo ni Felicity at sabay ng pagsara niya ng 3rd-eye nito ay binura nya rin ang ala-ala nang naganap kanina. Ngunit ang krus sa nuo nito ay nanatili pa rin palatandaan na isa rin siya sa liwanag kagaya ng kanyang ina.
'Hindi pa panahon para ipagtapat saiyo sino ako Fel. Dahil kaiht ako hindi ko riin alam sa ngayon ang sagot." Saad niya sa sarili.
At hinatid niya ito sa kanilang bahay na parang walang nangyari.
Part 2 : "Ang batong shaligram "
Hindi pumasok ang professor nila sa subject na physics ang mga estudyante ay magugulo merong nagkukumpulan sa isang sulok nagkekwentuhan meron naman ang iba ay busy sa cellphone si Eunice ang pinaka bunso sa kanila ni Luis ay tahimik na nilalaro ang coin sa kanyang lamesa pinapalutang ya yun sa ere gamit ang kaniyang isip. Nakita yun ng isa niyang kaklase at ginulat siya.
"Hey! What a nice trick you got there babe can you teach me how it works?" bumagsak ang coin sa lamesa.
‘Di pinansin ni Eunice si Gerry ang kaklase niyang makulit at bully na isang Australiano.
"Come on don’t be a kill joy." Pangungulit nito sabay haplos nito sa buhok ni Eunice.
Matagal nang may gusto si Gerry kay Eunice lagi niya itong sinisimplehan ng chansing umiiwas nalang si Eunice. Mabuti nalang at lagi siya sinusundo ng kanyang ate Melissa pagkatapos ng klase nya...Inalis ni Eunice ang kamay ni Gerry at aktong tatayo para lumayo dito pero humarang agad ito.
"Hey where you going? I just came." Halos idikit na ni Gerry ang labi niya sa tenga ni Eunice.
"Stay away from me!" Utos ni Eunice dito.
Biglang na- iba ang kulay ng mata nito mula sa itim ay naging kulay asul ito at napaso si Gerry nang madaiti ang kamay niya sa kamay ni Eunice. Nangilabot si Gerry sa nakita niya.
Matagal na siya nahihiwagaan sa pagkatao nito. Gusto niya malaman kung ano ba tlaga ito.
Minsan ‘di nasundo ni Melissa si Eunice dahil nasiraan ito ng sasakyan tinext nlang siya na mag bus nlang siya pauwi kaya ng minsan umuwi xa habang naghihintay ng bus.
Dumaan ang kotse ni Gerry kasama ng kaniyang tropa at inaaya siya na ihatid nalang daw siya sa bahay nila. Hindi pinansin ni Eunice ito.
"Come on babe the bus wont be here for another half an hour so why don’t you just hop in and ill give you a ride." pilit nito.
Tumayo si Eunice para layuan si Gerry pero sumunud parin si Gerry.
Tinimbrehan ni Gerry ang mga kasama niya hininto nila ang kotse at sapilitang sinakay si Eunice dto.
"Get off me!" Sigaw ni Eunice pero malalakas sila di na magawang pumalag ni Eunice ng ang isa sa kanila tinakpan ang mukha niya ng panyo na may gamot na pampatulog.
Sa isang banda hindi mapakali si Melissa sa kaniyang trabaho dahil nakailang mis-call na siya kay Eunice pero ‘di niya sinasagot ito.
Kinutuban na siya. Pinuntahan niya ang school ni Eunice at ang sabi ay kanina pa daw siya umuwi pagkatapos ng klase nya. Tinawag niya sa isip niya si Eunice pero walang tugon mula dito dun na siya kinabahan tinawagan niya ang kanyang kapatid si Kenneth at sinabi niya na nawawala ang kapatid nila.
At sa isang iglap ay may isang ipo-ipo na paparating mula sa malayo at dun bumungad sa kaniya si Kenneth.
"Puntahan natin si Eunice alam ko nasa panganib siya." Pag-alala nito.
At kumapit si Melissa kay Kenneth at pumailanlang sila sa ere at kasimbilis ng kidlat ay nakarating sila sa abandonadang building sa tulong ng batong shaligram na taglay ni Kenneth ay natagpuan nila ang kanilang kapatid pinakawalan niya ang enerhiya mula sa kaniyang palad at nagtalsikan ang mga lalake na kasalukuyang nagbabantay sa labas naging shaligram ang kanyang mata naging buong itim ang mga ito at mula sa likuran niya ay lumabas ang mga preta ( mga elemento na kumakain ng kaluluwa) kaniyang mga gabay. Mga itim na usok silang naglabasan sa likuran niya at ng biglang me sumugod ke Kenneth pero di pa man nkakalapit ito ay sinakmal na nya ito at nahintakutan si Mark sa kapangyarihang dulot nun dahil mula sa mga mata ni kenneth ay lumabas lahat ng kinatatakutan nito na kumakain sa buo nyang katinuan hinigop ni kenneth ang kaluluwa nito at ng bitawan nya ay wala na itong buhay.
Natagpuan nilang walang malay padin si Eunice dala ng droga na tinurok sa kanya nkagapos ang kanyang mga kamay sa kama at maging mga paa nya.
Inalis ni Melissa ang pagkakagapos nito at binuhat ni Kenneth si Eunice at kagaya ng isang ipo-ipo ay pumailanlang sila palayo duon.
Dinala nila sa hospital si Eunice dahil wala parin itong malay pinulsuhan ni Melissa ito at nakita niyang pahina ng pahina ang pulso nito sabi ng mga doktor ay nasobrahan ng drugs na ininject dito na siyang nagiging lason sa kanyang dugo inireport na din nila sa mga pulis ang nangyari kay Eunice.
Mga isang linggo ng nakaratay sa hospital si Eunice at hindi pa rin nagkakamalay ito. Natakot na si Melissa para sa kapatid niya.
Ayaw niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan pero dahil hinihingi ng pagkakataon ay nilapat ni Melissa ang kamay niya sa katawan ni Eunice at mula sa palad niya ay lumabas ang enerhiya niya na galing sa batong Saphiro ang taglay ng pagpapagaling.
Nakita ni Kenneth at ni Melisa na parang vacuum na humihila pabalik sa katawan niya ang kaluluwa niya at lumiyad ang dibdib ni Eunice at biglang nagmulat ng mata ito.
1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb
Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup
Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a
Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m
"Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga
Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.