Home / All / Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo / Chapter21: "Ang pagbabalik sa lumang bahay"

Share

Chapter21: "Ang pagbabalik sa lumang bahay"

Author: FirePhoenix
last update publish date: 2020-09-17 08:28:07

"Late na naman ako makakauwi naku me ulam na kaya niluto yung mag-aama ko? me masasakyan pb akong bus?" Pag-alala ko.

 Tumingin ako sa celphone ko past 9pm na  may dumaang bus tuwa ako kasi aircon pa yung bus na dumating. 

Pumwesto ako sa tabi ng hagdanan pababa para pag baba na ‘di nako lalayo pa. 

Bitbit ko ang dalawang bag ko na itim na hand-carry bag kung san nandun ang laptop ko at ang isa naman ay kung san nakalagay ang makapal na libro na bigay sakin ng dad ko.

Nkaidlip ba ako? Paano'y ako nalang ang pasahero sa bus tumayo ako bigla  para bumaba ng maalala ko ang mga gamit ko nakatingin pa sa akin ang konduktor binalikan ko ang gamit ko at dali-dali kong kinuha ang gamit ko. 

Nang biglang bumuhos ang ulan takbo ako sa waiting shed at hinanap agad ang pila ng tricykel.

"Manong! Sa me Villa Buena po looban po." sabay upo ko sa tricykel." inayos ko gamit ko

"Hindi po pwede to sa loob." nainis ako na lumabas ng tricykel.

"Ang  arte naman! pumila ka pa kung hindi ka naman pwede!  kita nga na umuulan eh! pinababa pa ako!" himutok ko.

Nakita ko na humaba na ang pila inisip ko na nakapila naman ako kaso pinababa lang ako ng tricykel eh kaya  naghanap ako ng tricyckel na bakante sa pila may sumunud na lalake sa akin  nag-aabang din ng tricykel  sa loob-loob ko “Ba’t nakasunod ito at parang gusto pang makiagaw sa tricykel na sasakyan ko?” Takang tanong sa sarili ko.

"Manong  sa Villa Buena po  looban." sabi ko sa driver.

"Magkano binabayad mo dun?" kuya 50p po loob na po yun.

"Sige.” sagot ng driver  at nagtaka ako pagkasakay ko sa tricykel ay sumakay din ang lalake na kasunod ko nagtataka man ay nagpaunlak nako baka taga looban din ito sabi ko sa sarili ko.

Ok na yun at hati kami sa pamasahe  sa loob loob ko.

Nang biglang naalala ko yung gamit ko!  Nawawala! San ko yun iniwan?? 

“Naku dun sa isang tricykel ata!!”

 “Kaso di kona tanda yung plate number ng tricykel na yun at umandar na yung tricykel.” Malungkot kong saad sarili ko.

Na patingin ako sa langit sa labas sa bilog na buwan na nkaharap sakin umiiyak ako kasi bakit ganun lagi nlang akong nkakalimot at naiiwan ko ang mga dala kong mga gamit. Nang biglang parang isang usok na nawawala sa ala-ala ko ang dala kong  bag at libro! Na ang hinahanap ko’y isa lang bahagi ng isang panaginip? At ang   wala naman talaga akong libro at bag na dala! at ang address na uuwian ko ay di rin bahagi ng ala-ala  ko ang mga anak  at asawa  na naghihintay ay hindi rin parte ng buhay  ko? 

Dahil ako’y mag isa lang umuuwi sa bahay ko kasama lang ang  pusa at wala pala akong asawa?"

 Umakyat ang takot sa buo kong kamalayan tumatanggi ito.

"HINDI!! Hindi totoo yan!! May asawa ako may mga anak ako! 

Sila ay sina Kenneth,  Luis, Melissa at Eunice!!  May asawa ako! si Valcan!" Hiyaw ko sa sarili ko habang binaba ako ng tricykel sa lugar na sinabi ko yung bahay dun na nakatayo ay  bakantemg lote ang tumambad sakin! Parang umiikot ang paningin ko! Naririnig ko pa ang mga boses ng mga anak ko! Ang mga ala-ala nila ay unti unting nawawala sa isip ko!

 Hindi ito totoo!!" Hiyaw ko sa isip ko  gusto ko na magising!! Hindi to totoo!!! Hiyaw ni Dolor.

Ng nagmulat siya ay nasa bunganga siya ng bulkan nakagapos ang mga kamay ang nasa paanan niya ay mga kaluuwang humihiyaw sa sakit dulot ng asupre.

"Nasaan ako? Ba’t ako nandito?!" tanong nito pilit niyang makawala sa mahigpit na pagkakatali.  Lumapit sa kanya si Lucifer nakangisi. 

Nagtataka si Dolor eto yung lalakeng kasabay niya kanina sa tricykel ah? 

So hindi siya nanaginip?”

Ang lalakeng kaharap nya ay matipuno magandang lalake  may pakpak na anim kulay puti  buhok nya’y ginto na alon alon para siyang Greek god  walang kasing kisig na anghel ang kaharap niya.

"Anghel ka? pakakawalan mo na ba ako dito? Ang alam ko  buhay pa ako sa pagkakatanda ko  diba ikaw pa kasabay ko sa tricykel?" Sunud- sunud na tanong ni Dolor. 

Natawa si  Lucifer sa tinuran ni Dolor. 

"Nandito ka sa kaharian ko at ako si Lucifer. " Pakilala niya. Nagulat man siya sa tinuran ng kaharap niya ay di na siya nagtaka maraming maeengganyo pag ganito kakisig ang kaharap mo.

 Pumiling at napapikit si Dolor sa paano'y parang hynotismo ang mga mata nito  bumalik sa ala-ala nya si  Valcan. 

"Asan ang asawa ko? Tanong ni Dolor.

"Pinarusahan siya dahil saiyo dahil minahal niya ang isang mortal na kagaya mo." Sagot nito.

"Dalhin mo ako sa  kaniya pakiusap." 

"Tututulungan kita sa bagay nayan pero may kundisyon."

"Ano yun? " 

"Ibigay mo ang bato mong onyx na nasa nuo mo." saad ni Lucifer.

Nagtataka si Dolor.“Ano pinagsasabi niyang bato na onyx?" 

"Anong bato sinasabi mo? Wala naman ako nun." 

"Ang tanging makakabunot niyan ay si Valcan dahil inalay mo pag-ibig mo sa kaniya kaya dadalhin kita sa kaniya kapalit ng kasunduan." Tusong alok n’ya.

Naguguluhan man ay umayon siya.

 “Pagkalipas ng isang siglo sa unang  luwal ng mga wakas ng lupa  ay siyang muling pagsilang uli at pagkabuhay ni Valcan ngunit bilang isang encanto. At ikaw naman ay muling isisilang sa panibagong yugto ng buhay lahat ng mga ala-ala ng nakalipas mo’y maglalaho ganundin ang  ala-ala mo  kay Valcan ngunit si Valcan ay maalala ka niya hahanapin ka niya sa mundo ng mga tao at sa sandaling bumalik ang mga ala- ala mo ay maalala  mo ang ating kasunduan.”Buong lahad nito.

Part 2:

Nagising si  Eunice habol ang hininga napatingin sya sa paligid nya. 

"Nandito naba ako sa katawan ko?" Paniguro niya.

"Nakarating ako ng Hades at nakita  ko si mama dun." at nasa panganib siya” Kwento nito.

Hinaplos ni Melissa ang buhok ni Eunice di na siya nagulat sa kinwento ni Eunice sa paano'y kahit sya’y lagi niyang napapanaginipan pa rin ang kanilang ina kahit ito’y matagal ng patay.  

Nung una'y akala niya simpleng panaginip lang ‘yon pero ng nakita niya ang damit niya ay may parteng sunog sa laylayan niya at mga paso dulot ng asupre na nagmumula sa bulkan alam nyang naglakbay nga ang kanyang kaluluwa sa Hades... Sinubukan niyang iligtas ang kanyang ina pero oras na sya’y lumalapit  ay parang nauupos ang kanyang hininga at ang lubid na nagdudugtong sa kaniyang katawan at kaluluwa ay unti- unting nawawala...Nahintakutan siya gabutil ang pawis  habol ang  hininga nya pag nagigising siya.

Nasaksihan niya rin ang mga kaluluwang ‘di na nakabalik sa kanilang katawan sila ang mga nangahas na gamitin ang abilidad nila para maghangad ng higit pang kapangyarihan ngunit nasisindak naman oras na humarap na sa kanila si Kamatayan.  Mga bihasa sa ganung larangan lamang ang nakakabalik pa ng buhay.

"Mabuti nagising ka na bunso. Akala namin ay  iiwanan mo kami gaya nila mama at papa."  Lahad ni Luis.

Lahat sila ay nasorpresa ng mula sa likuran nila ay lumitaw  si Luis.

Dala pa niya ang mga bagahe niya mula sa Pilipinas. Nung araw na mismong  nangyari ang insidente ay siya din ang oras na napahamak si Felicity sa mga kamay ng encantong itim.

 Kungdi pa niya nalaman sa pamamagitan ng panaginip  ay di pa niya malalaman ang mga nangyari kay Eunice.

Inayos niya muna ang  kanyang pag alis at binilinan niya muna ang kanilang care-taker sa lupaing iniwan nya. Maging kay Felicity ay nagpaalam din siya. 

Natuwa ang mga kapatid niya ng sinorpresa sila ng kanilang kuya.

 Ipinauna nya muna na madedelay lang uwi niya sapagkat inayos niya muna ang kanilang mga lupain sa Pilipinas. 

"Iuuwi ko na kayo sa Pilipinas." pagpapasya nito. 

Pagkaraan ng isang buwan ay lumuwas na nga si Luis kasama ang kaniyang mga kapatid. 

Bitbit ang mga bagahe  napatingin si Melissa sa kanilang lumang bahay at parang hologram na tumambad sa kanya ang mga ala-ala ng lumipas naririnig pa niya ang mga masasayang halakhak ng kaniyang ina at ama habang sila’y nagkakasayahan  sa labas. Si Kenneth  ay masayang naglalaro ng basketball kasama ang kuya  at Papa nya samantalang si Eunice naman  ay kasalukuyang nasa pitong taong gulang pa lang.

"Tara na kayo at ng maghapunan na tayo pinaluto ko ke Manang Ising paborito ninyong ulam na dinakdakan.” Yakag ni  Luis.

Lima ang kwarto sa mala-palasyong bahay nila na gawa sa lumang disenyo na pang kastila. Mga muwebles na maingat paring nasa ayos sahig at dingding  na gawa sa primerang klaseng kahoy.

Ang mga lumang larawan na nakasabit sa dingding katabi ng lumang piano nila na nkalagay sa sala. Binuksan ni Melissa ang takip ng Piano at sinubukan nyang patugtugin ito nasa tono parin ang bawat pyesa nito. Si Kenneth naman ay  masayang sinalubong ang kanilang care-taker  parang pangalawang magulang na nila ito. 

"Naku ang gwapo gwapo naman ng anak ko!" namamanghang bati nito dito. Yumakap naman si Kenneth dito.

"I miss you so much nanay Ising." bati nito.

"Oh siya alam kong gutom na kayo Melissa,  Eunice  tara na kumain na kayo  si kuya nyo andun na sa lamesa gutom na ata dali na! Sunod na kayo habang mainit pa " Yakag nito sa kanila.

Inayos ni Luis ang enrollment ng kanyang mga kapatid kung saan ay dun din siya nag-aaral. 

Tuwang-tuwa si Felicity  nang makita  nyang muli si Luis patakbo sana siyang lalapit nang makita niyang umakbay sa isang napakagandang babae kinusot pa nito ang buhok nito saka niya inakbayan kitang-kita niya sa nukha ni Luis ang galak at tuwa na sa pag-aakala niya sa kaniya lamang “yon pinapakita. 

Nanlumo siyang tumalikod at lumayo. Nakita ni  Luis si Felicity at tumakbo siya palapit dun kasama si Eunice.

"Fel wait!" Tawag nito. Napalingon pabalik si Fel at unang pumukaw sa paningin niya ay ang kamay ni Luis ay nakakapit pa rin sa babaeng kasama niya.  May kurot na naramdaman si Fel Bagamat wala namn siya karapatan para  maghinanakit dahil ‘di namn nagtatapat ng pagmamahal si Luis sa kaniya sa pag- aakalang mahal din siya nito ay nag assume siya sa maling akala.  

Pinilit na ngumiti ni Fel na humarap sa kanila.

"Uyy! Nakabalik ka na pala sabay tingin nito ke Luis at bumalik ang tingin nito kay Eunice na nakangiti din sa kanya. Nanunudyo ang ngiti na parang may nababasa ang kanyang isip.

Pinuluput ni Eunice ang kamay  niya sa braso ni Luis at sabay dantay sa balikat ni Luis na parang nanadya.

"Last week lang kami nakauwi inayos ko lang enrollment ng mga kapatid ko.  Fel halika sabay ka na sa amin hatid ka na namin." Aya nito. 

Umiling si Fel parang ‘di niya na ata mapipigilan ang sakit  na nararamdaman niya nangingilid na kasi yung luha niya. At tumalikod na siya ng may pumigil sa pag alis niya. Lumingon siya at si Eunice yun.

" Wag ka na mag emote dyan…Kuya ko ito." Natatawang tawag ni Eunice ke Felicity. 

Nagulat si Fel sa narinig niya at para siyang binabad sa suka sa pagkapahiya. 

"Ka- kapatid mo?" Gulat na tanong ni Fel kay Luis.

"Oo bunso kong kapatid Fel si Eunice." Pakilala nito at nagkatinginan silang dalawa sabay hagalpakan. 

 Nagtataka na napakamot na lamang  naman sa tinuran ng dalawa si Luis. 

Kinagabihan ay ‘di makatulog si Kenneth sinubukan niya magpahangin sa salas binuksan niya ang mga bintana at ninanamnam nito ang sariwang hangin malawak ang bakuran nila  napapagitnaan sila ng mga puno ng mangga mga balete at maging santol at akasya. Napalinga si Kenneth sa puno ng balete sa di kalayuan may isang babae sya nakita dun na nakatingin din sa kaniya.

"Parang pamilyar sakin ang babaeng iyon ah!" saad niya.

Bumaba si Kenneth para tumungo sa puno ng balete habang papalapit sya dito ay dun nya napagtanto na kilala nga nya ang nilalang na yun.

Sya ay si Marikit ang diwata na lagi nyang kausap nung kabataan nya. Lumaki ding napakagandang dilag ng diwatang ito. Kulay  asul  ang mata nito na bumagay naman sa itim na alon alon na buhok mamula mulang pisngi at malarosas na labi. 

"Kumusta ka na Kenneth? " bati nito sa kaniya. 

"Marikit!" Tanging nasabi nito na parang nabato-balani sa ganda ng nasa harap niya.

"Halika sumama ka sakin." yakag nito.  Walang pag tanggi na sumana naman ito sa kaniya.

Pumasok sila sa balete at sa pagpasok nila sa lagusan ay isang paraiso ang tumambad sa kaniya mga naglalakihang mga puno, mga bulaklak na malalaki na iba’t-ibang kulay, mga usa na may mga sungay na sanga sanga kulay puting puti na parang nyebe  mga leon  na may pakpak malayang nakikisalamuha sa mga diwata mga kabayong may pakpak kulay itim at puti at may ginto din na naniningain ng damo nuon akala nya itoy isang bahagi lang ng kaniyang panaginip pero totoo pala sila.

 Tumungo sila sa kaniyang kaharian sumakay sila sa leon  pinasyal siya sa kanyang mundo mula sa taas ay tanaw niya ang dalawang buwan mula sa hilaga at yung isa ay sa kanluran. Sa malayo ay tanaw naman niya ang mga naglalakihang mga bato sa tabing dagat  habang masayang nagtatalunan ang mga sirena nagkalat ang mga iba’t-ibang hiyas na bato na iba’t- ibang kulay.

 Mga nagliliparang mga ibong kidlat   na kasimbilis ng kidlat ang paglipad at mga Phoenix na naglalalagablab ang mga malalabay nyang pakpak payapang nagsasama sa mundong iyon. 

"Baba mo na kami." Utos ni Marikit sa leon at nilapag sila sa isang malawak na talon nagkalat ang mga hiyas sa sahig nito na ibat ibang kulay na mga bato kinuha ni Marikit ang palad nito at nilagay niya ang isang bato ng Moldavite isang kulay berdeng bato na kumikinang  na may kakaibang kapangyarihan.

Pumasok sa dibdib niya ang batong moldavite at bumaon yun doon.

"Kailangan mo yan sa tamang panahon ay malalaman mo kung bakit saiyo ko ito pinagkaloob." lahad ni marikit. 

" Mayron kayong digmaan na dapat ninyong mapagtagumpayan Kenneth at isang nilalang na may kalakip ng kapangyarihang liwanag at dilim lamang ang makakalupig nang kasamaan para maibalik ang kapayaan ng  sangkatauhan,  sangkalangitan at sangkalawakan nasa saiyo ang   pag-asa namin Kenneth. Sana huwag mo kaming bibiguin." Pakiusap nito.

Naramdaman ni Kenneth ang kapangyarihang pumaloob sa kanya.  Parang nag isa ang ang shaligram at ang batong moldavite sa katauhan nya at mula sa kanyang nuo ay bumuo ang isang tatak. 

"Sigillum Dei" - ang tatak na lingkod ng Dios na pinili para iligtas ang mga anghel na gustong magbalik loob. Nag siyuko ang mga nilalang kay Kenneth at nagbunyi ang mga nilalang duon sapagkat natupad na ang itinakda.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 11: "Ang Taga-Bantay"

    1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 12: "Nang tumigil ang Mundo"

    Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Ten: "Ang Pamamaalam"

    Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Nine: "Ang Buwan sa Gitna ng Dilim"

    Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Eight: "Ang Pag-gising ng aking Kamalayan"

    "Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Six: "Sa muli niyang Pagbabalik"

    Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status