Home / All / Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo / Chapter 26 (Final episode ): "Ang katuparan ng itinakda"

Share

Chapter 26 (Final episode ): "Ang katuparan ng itinakda"

Author: FirePhoenix
last update publish date: 2020-09-17 08:39:36

Kasalukuyang nasa gitna ng kagubatan sila Kenneth at Luis hinahanap nila ang mga dinukot na mga binhi ng mga anghel na tao...at sa kawalan ay may isang bulalakaw ang mabilis na pabulusok pababa sa direksyon nila isang nakakasilaw na enerhiya ang bumagsak sa gitna nila..At ang tumambad sa kanila'y ang dalawang nilalang matagal na nilang hinihintay na muling masilayan ang kanilang mga magulang. 

Si Dolor ay nag iba nang anyo naging kulay ginto ang kaniyang mga buhok at ang kaniyang mukha ay lalong gumanda at bumata isa pala siyang anghel na sinugo para maging bantay ng lagusan mula sa kanluran. 

Tulala si Kenneth di niya alam kung lalapitan niya ba ang kanyang ina tinawag ni Dolor  ang mga ito at kaniyang niyakap..

Kinwento nila na nawawala ang mga kapatid dinakip sila kasama ng mga ilang kabataan na may tatak sa nuo bilang mga lipi sa lahi ng mga banal.

"Makinig kayo mga anak ang digmaan ay kasalukuyang nagbabadya na anomang oras mula ngayon nililipol na ni Lucifer lahat ng may angkin na dyamante kailangan niya yun para mabuo uli siya at pag nangyari yun ay lilipulin niya ang buong sangkatauhan at gagamitin niya ang binhi para mapasakamay nila ang bagong bayan ang banal na bayan, wag na tayong mag aksaya ng panahon Kenneth, Luis sainyong dalawa nakasalalay ang katuparan ng itinakda..

At mula sa mga kamay ni Valcan ay binuksan nito ang lagusan papuntang kalawakan at may bilog na spehere ang lumitaw duon at pagpasok nila'y mga daan-daang batalyong mandirigmang mga anghel ang nakahanda na para lusubin ang kuta nila Lucifer naghihintay nalang sila ng hudyat mula kay Metatron at pagpatak ng 3pm ay sa kanila nilusob ang lagusan isang napakalawak na kadiliman ang loob nun..Inilabas ni Seraphin ang kanyang excaliber ang kanyang espada ay gawa sa kidlat at ng araw tinaas niya ito at nagkaron ng liwanag ang buong kalawakan  lumabas ang mga Asno at mga pretas at nilusob sila tumambad din sa kanila ang mga krus na pabaligtad at ang mga nakatali dun ay mga binihag nilang mga mortal na nakapatiwarik din ang iba dun ay mga patay na warak ang nuo at dibdib dahil kinuha na ang mga dyamante na tangan nila at sa gitna ng paglalaban ay hinanap ni Valcan ang kanyang mga anak pinuntahan nila Luis ang mga ito at inalis ang pagkakatali nila  ngunit nanlumo si Valcan dahil wala na silang buhay. Hinanap ni Luis si Felicity at nakita nya ito sa gitna ng mga krus parang gumuho ang mundo ni Luis ng tumambad sa kaniya ang wala ng buhay na di Felicity wakwak din ang nuo at dibdib nito inalis nya ito sa pagkakatali at niyakap nya ito humahagulgol si Luis sa sakit na sinapit ni Felicity at maging ng kaniyang mga kapatid. At bumalik tanaw sa kaniya ang masasayang ala-ala na kasama niya ang mga ito. 

Nagpupuyos sa galit si Valcan sa mga naging kinasapitan ng kanyang mga mahal sa buhay nilusob niya si Lucifer ngunit mabilis si Lucifer inundayan na siya ng saksak nito nakita ni Dolor ang sinapit ni Valcan at sumaklolo siya agad dito nasalo  niya si Valcan sa kanyang mga bisig at bago ito mawalan ng malay ay sinabi nito kay Dolor.

"Hindi ito ang huling sandali mahal ko hayaan nating ang itinakda ay maganap." Talinghagang lahad nito at saka na nawalan ng buhay ito. Napaslang din si Dolor na lumalaban.

Sa isang banda naman ay hinahanap ni Kenneth si Veronica habang hinahanap niya ito ay isa-isa niyang pinapaslang ang mga kalaban kasama ng kanyang mga pretas lumabas ang itim na pakpak niya at naging itim ang kanyang mga mata sa kaliwang kamay niya ay nagliliyab ito lahat ng madaiti sa kanya ay nasusunog at nang makita niya si Veronica na nakahandusay sa sulok at duguan ay patakbo siyang lumapit dito. Inangat nito ang wala ng buhay na si Veronica nuon pa man ay mahal niya na ito sa unang pagkakataon na natuto siyang umibig walang pagsidlan ang kaligayahan na nararamdaman niya pag kasama niya ito. Sa unang pagkakataon ngayon lamang may tumanggap sa pagkatao niya na ‘di siya hinuhusgahan nakikita niya ang sarili niya kay Veronica. Niyakap niya ito ng buong pagmamahal at nang sa kawalan ay may isang nilalang na may kwintas na pabaligtad ang humarap sa kaniya pumapalakpak sa tagpong kaniyang nakita.

"Nakakaiyak na tagpo!" Para akong nanunuod ng drama sa telon!" Panudya nito sinugod ni Kenneth ito at hawak niya ito sa leeg nag-aapoy ang mga kamay niyang inundayan niya ng suntok ito sa mukha ng ilang beses umuusok ang mukha ni Lucifer sa bawat suntok na natatanggap nito mula kay kenneth nakalugmok na si Lucifer sa sahig ay di pa rin tinigilan ito ni Kenneth.

"Sige patayin mo ako! Kasama kong dadalhin sa impyerno ang kaluluwa ni Veronica." Pagbabanta nito. Tumigil si Kenneth nang makita niya ang kaluluwa ni Veronica na hawak ni Lucifer. 

Inalis ni Lucifer ang dugo sa kanyang bibig at ngumisi ito.

"Ibabalik ko ang kaluluwa niya kapalit ng mga dyamanteng na sayo!" Pag aalok nito kay Kenneth.

Pinagmasdan ni Kenneth ang wala ng buhay na si Veronica.

 Aanhin nya ang kaniyang kapangyarihan kung wala na ang kanyang mga mahal sa buhay. 

Parang wala nadin saysay pa ang mabuhay. Sa isip- isip niya. 

"Sige pumapayag ako pero buhayin mo muna siya!" Tugon nito. Humalakhak si Lucifer sa tinuran ni Kenneth.

"Hindi ako tao na di tumutupad ng pangako sige para makumbinsi ka eto panuorin mom" kumumpas ng kamay si Lucifer at ang kaluluwa nito ay bumalik sa katawan niya napasinghap si  Veronica habol ang hininga na biglang nagdilat ng mata ito. Yumakap si Kenneth dito sa sobrang galak.

"Hwag mong ibibigay ang mga dyamante! Mamatay ka!" Pigil ni Metatron.

"Hindi ka mamatay bagkus magiging ordinaryong nilalang ka na lamang at ang propesiya ay di na matutupad." Sagot ni Lucifer.

Ngunit huli na  dahil hinila na siya ni Lucifer gamit ng kanyang pagkumpas iniangat nya ito sa harap niya dahil sa may pahintulot ito na kunin ang dyamante niya ay kinuha nito sa nuo at sa dibdib nito ang mga dyamante at saka itinapon ang naghihingalong katawan ni Kenneth sa kaniyang pagbagsak ay parang nagflash back sa kanya ang mga halakhak at masasayang ala-ala ng kahapon at bago siya malagutan ng hininga ay umusal sya ng huling panalangin. 

"Ama patawarin mo po ako binigo ko po kayo pero nawa'y ang huli ko pong panalangin ay nagsusumamo po akong iligtas mo po ang mga anghel at ang mga taong dapat ay maligtas! Nawa’y ang kalooban mo ang dapat maganap!" Sabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha.

Humalakhak si Lucifer at nagulat si Kenneth dahil ang minamahal niyang si Veronica ay nagpalit ng anyo isang napakagandang anghel.

"Nalimutan ko ipakilala sayo si Lilith alyas Veronica." Tusong pakilala nito mula sa naglalabo niyang paningin ay nakita ni Kenneth si Veronica na nakangisi at humahalakhak sa kanya.

"Salamat saiyo Kenneth dahil saiyo nakabalik na ako sa dati kong anyo!" Tusong sagot nito.

Nasaksihan nila Metraton at Seraphim ang sinapit ng dalawa at dahil dun ay hinarap ni Seraphim si Lucifer nag pang abot sila lakas sa lakas..habang naglalaban ang dalawa ay isang bulalakaw ang bumagsak na nahati sa dalawa ang isa ay lumamon kay Kenneth at ang isa naman ay kay luis bagama't wala nasilang buhay ay binalot sila ng napakalakas na enerhiya na nagmumula sa liwanag at binangon ang dalawang wala ng malay at sa gitna ng apoy ay pinag isa sila at ang lumuwal dun ay isang apoy na nagkorteng ibon na Phoenix isang higanteng phoenix at ang dalawa ay nagsanib si Kenneth at Luis  at mula sa dalawa ay  nakalikha ng isang banal na anghel  tripleng gahigante higit na mataas kaysa sa mga anumang anghel  nababalutan siya ng gintong balute at apoy na kulay asul ang kanyang buong katawan ay nababalutan n gintong tatak na mga pangalan ng iisang Dios at sa gitna ng nuo niya ay ang simbolo na itinakda na natupad sa propesiya. 

Ang anghel na pinakapangyarihang anghel na siyang itinakdang tatapos ke Lucifer si Arkanghel Michael  ang espadang tangan nito ay walang kasing tulad na espada dahil ang tangan nito ay ang espada  ng katotohanan at ng espiritu-santo ang bawat paghampay nito ay naglalabas ng isang napakamakapangyarihang enerhiya na nagmumula sa mga salita ng Ama na nakatatak sa tabak nito na  nagbabaklas ng mga kapangyarihan ng mga kalaban nalupil si Lucifer at ang kanyang mga kampon kasama ng mga makasalanan ay nalupig sila at itinapon sa dagat dagatang apoy magpakailanman samantalang sa pagbaba ni Cristo ay niligtas ang mga hinirang kasama nilang sinama sa bagong bayang banal kasama ng mga anghel na nagsisisi sa kanilang mga kasalanan mga elemento na naging bantay ng kalikasan at di namerwisyo sa tao ay kasamang nanahan duon sa bayang banal binuhay uli si Valcan at si Dolor at ang mga lahi ng mga anghel na nagkatawang tao kagaya nila Eunice, Melissa at nila Felicity ay naging mga cherubin na payapang namumuhay sa bagong bayan kasama ng mga taong nakasamang tinubos ni Cristo para maligtas. Lahat ay namuhay ng malwalhati at payapa magpakailanman.

Wakas

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 11: "Ang Taga-Bantay"

    1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 12: "Nang tumigil ang Mundo"

    Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Ten: "Ang Pamamaalam"

    Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Nine: "Ang Buwan sa Gitna ng Dilim"

    Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Eight: "Ang Pag-gising ng aking Kamalayan"

    "Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Six: "Sa muli niyang Pagbabalik"

    Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status