Home / All / Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo / Chapter: 25: "Ang pag-tutuos" Part one of Final Chapter:

Share

Chapter: 25: "Ang pag-tutuos" Part one of Final Chapter:

Author: FirePhoenix
last update publish date: 2020-09-17 08:42:32

Messenger:

Anonymous sent a picture:

 Isang  tagpo na nakahiga si Emmerson kasama ang isang hubad na babae pero nakatalikod ang babae si Emmerson ay nakayakap sa hubad na babae habang mahimbing itong natutulog.

Nagdilim ang paningin ni Clarise ng makita ang picture na send sa kaniya ng isang nagngangalang anonymous sa messenger niya. 

"If you want to catch the bitch go to this address." pm uli ni anonymous  at sumunod nun ay isang voice message  nakakalokong tawa.

‘Di nag aksaya ng sandali si Clarise at pinuntahan niya ang address at ang gumulantang sa kaniya ay  isang nakakapangilabot na tagpo.

Naliligo sa sariling dugo si Emmerson  wakwak ang nuo at wakwak din  ang dibdib sa kaniyang kama at may nakita silang  nakaukit     sa likod nito na nagmistulang tatoo na nakasulat:

"Your late he died out of ecstacy of lust." At isang krus na pabaligtad ang nakaguhit sa dulo. 

Maraming pulis ang pumunta pagkaraan nun si Claire ay tulala parin sa  mga nangyari.

Walang makitang bakas na ebidensya sa crime scene kahit ang pag-ukit  sa katawan ng biktima ay walang bakas ng finger prints ang  suspect  parang pinagplanuhan ang pagsagawa ng krimen.

Isa sa pangunahing suspect na tinuturo ng karamihan sa mga estudyante ay si Veronica kaya inimbitahan siya sa pulisya para imbestigahan ang huling text na galing kay Claire ay  minapula ng isang hacker at ang simcard na nagmamay-ari nun ay matagal nadin patay kaya wala silang lead kung sino talaga ang killer.

Hawak-hawak ng pulis ang letrato na print nila kuha mula sa picture na-send kay Clarisse. Pinagmamasdan nila kung siya nga yung babaeng kasiping nito. 

Pinaghubad ito na nakatalikod ngunit wala silang makitang pagkakapareha ng babaeng nakatalikod. Kinuhanan na din siya ng dna test at blood samples kung sakaling mag match sa crime scene.

Pinakawalan din kalaunan si Veronica ng wala silang makitang ebidensya na magdidiin dito.

Mula ng mamatay si Emmerson ay lalong nilayuan siya ng mga classmates niya at lalo silang naghinala na siya ang may kagagawan nun. Nang buksan ni Veronica ang locker niya ay tumambad ang isang sulat at nakasulat dun ay I know you did it! Evil witch! Burn in hell!" Nilamukos lang ni Veronica yun at saka binato. At nang pagsara niya ng locker ay bumulaga sa kaniya si Kenneth. Sa kaniya nabato yung papel.

“Ouch! Sakit ah!" Natatawa na hinawakan nito ang tungki ng ilong niya.

"Ay sorry! Ikaw kasi bigla ka nalang sumusulpot." natatawa nitong paumanhin.

"Ba't ‘di ka pumasok kahapon?" Tanong nito.

"I spent five hours sa police  for intensive investigation." pairap nitong sagot naalala niya kung paano siya pigain ng mga pulis para paaminin sa krimen na ‘di naman niya ginawa.

"Grabe naman limang oras talaga?" Gulat na tanong ni Kenneth.

"I know right?" Sagot nito.

"So may lead na ba sila sino gumawa nun?" Tanong nito.

"I don't know kahit gaano ako ka badtrip dun sa gago na yun I woudn't do such a thing! Duh! He's not worth my energy." pairap niyang paliwanag saka niya sinuot ang head-set nito. 

Isang palaisipan kay Kenneth ang nangyari kay Emmerson alam niyang hindi ordinaryong tao ang pumaslang dito at yun ang aalamin niya.

Lingid sa kaalaman nila ay may isang misteryong nilalang ang nakamasid kay Kenneth at Veronica mayron siyang kwintas na pabaligtad ang krus. 

Sa kalawakan: Isang napakalakas na enerhiya na galing sa itim na kalawakan (dark matter) ang unti-unting kumakain sa mga ibang planeta pumapaloob sila sa bilog na lagusan na siyang humihigop  dito paloob ang mga  taga-bantay ng 12 lagusan papunta sa mga banal  (Gate keepers) ay nahahati  sa 4 na mga bahagi ng kontinente ng mundo ngunit ang mga ilang libong lagusan mula sa iba’t- ibang lagusan ng kawangis ng mundo ng mga tao (multi verse) ay binabantayan ng mga libo libong anghel sa iba’t-ibang dimensyon at panahon.    Mula sa kanluran, hilagaan, timog at silangan ay nababahala  dahil   sinasakop na ni Lucifer ang kadiliman. 

Nagpulong-pulong ang mga banal dahil batid nilang nalalapit na ang wakas at bumibilis ito simbilis ng bulalakaw. Magugunaw di lang ang sansinukob maging ang  mga daang-daang mga kalawakan sa iba’t- ibang planeta.

Hadraniel  (ang ikalawang taga- bantay ng pintuan papunta sa mga banal.) :  "Ang lagusan mula sa hilaga at kanluran ay nagbabadya nang isang pagkawasak sanhi ng  ang dilim na lagusan ay unti- unti nang lumalawak at lahat ng malapitan nitong kalawakan ay naglalaho at pumapaloob sa itim na enerhiya na humihigop dito." Pagbabalita niya. 

"Hindi na yan mapipigilan pa dahil iyan ang itinakda." Lahad ni Metatron. Ang tanging solusyon ay ihanda na ang nalalapit na digmaan. 

"Paano yung itinakda? Na siyang tutubos at pag-asa ng mga anghel na napatapon sa lupa?" Tanong ni Meshilemiah ang taga-bantay ng lagusan sa Silangan.

"Ngunit ang itinakda ay mula sa binhi ng dilim at liwanag paano kung ang dilim na yun ay maghari ang kasamaan sa puso niya?" Tandaan mo may dugo ni Lucifer nanalaytay sa kanyang dugo?" Pag papa-alala ni Metraton sa mga taga-bantay.

"Kailanman di mananaig ang kasamaan sa kabutihan kung siya nga ay itinakda para matubos ang mga anghel at manumbalik sila sa Dios ay yun ang magaganap ngunit kailangan na nating kumilos." Lahad ni Sandalphon isa sa pinakamakapangyarihang pandigmang anghel.

Part 3: 

Bulwagan ng mga nililitis mula sa matagal na pagkakatulog ay ginising nilang muli si Valcan at inihayag ang mga nangyayari sa kasalukuyan at ang sinapit ni Dolor agad pinuntahan ni Valcan si Dolor na bihag ng mga Zabaniyah mga taga- bantay ng impyerno. 

Nakipag-buno  si Valcan kasama ang mga mandirigmang anghel na pinangungunahan ni Seraphin at Metatron nakuha nila si Dolor. 

Ibinalik nila si Dolor sa mga banal at dun ay naging ganap syang anghel kapiling ni Valcan at dahil sa napipintong panganib sa kaniyang mga anak ay sinugo sila para paalalahanin ang kanilang mga anak lalo na si Kenneth.

Sa mundo ng mga tao: 

Ang mga anghel na sugo ni Lucifer ay kasalukuyang pinapaslang lahat ng mga pinili at may mga tatak na krus sa nuo dahil ang mga may tatak sa nuo ay siyang mga alagad ni Metatron na siyang magliligtas sa sangkatauhan. 

Pauwi nun si Felicity mula sa kaniyang klase at kagaya ng nakaugalian ni Luis ay hinintay niya itong lumabas mula sa dati nilang tagpuan nakita niya itong kumaway pa sa kanya patawid na ito papunta sa kaniya ngunit may isang lalaking biglang humablot kay Felicity nakangisi ito sa kanya at sa isang kisapmatay biglang naglaho si Felicity kasama ang lalakeng kumuha sa kaniya!

Nagulat si Luis sa nangyari.

"Hindi! Hindi maari ito!" Sigaw ni Luis. Hinanap ni Luis si  Felicity sa isip niya ngunit may humaharang sa isip niya ‘di niya makita si Felicity!

Kasabay ng pagkawala ni Felicity ay siya ding paglaho ni Veronica ganundin ang tagpo  magkasama pa sila ni Kenneth nun sa school breaktime nila at nginitian pa ni Kenneth si Veronica palapit dito sa table niya ng biglang may isang lalake ang biglang lumitaw sa likod ni Veronica at tinakpan ang bunganga nito at nakangisi ito bago ito naglaho kasama ni Veronica hinabol ni Kenneth ito pero mabilis itong naglaho dun din nalaman nila Luis at Kenneth na maging sila Melissa at si Eunice ay nawawala! 

Lahat ng mga anghel sa lupa mula sa 4 na sulok na mundo ay binihag ng mga kampon ng mga Fallen angels na umanib ksy Lucifer sila ang  mga anghel din na nagkatawang tao na nagmamanman sa mga kaalyado ni Arkanghel Michael.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 11: "Ang Taga-Bantay"

    1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 12: "Nang tumigil ang Mundo"

    Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Ten: "Ang Pamamaalam"

    Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Nine: "Ang Buwan sa Gitna ng Dilim"

    Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Eight: "Ang Pag-gising ng aking Kamalayan"

    "Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Six: "Sa muli niyang Pagbabalik"

    Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status