LOGINHindi ko alintana ang pagbuhos ng ulan ng sandaling iyon kasabay din ang pag agos ng luha ko ramdam ko ang pagpasok ng malamig na ulan tagos sa puso ko. Nagbabakasakali na sa ganung paraan ay mahugasan ang hapdi at sakit na dulot ng sandaling iyon.
"Sige ibuhos mo pa!" Tawag ko sa ulan.
"Ilakas mo pa! Kung maari tangayin mo na ang nararamdaman ko ngayon!" Pakiusap ko.
Ilang araw na akong ganito mula ng hiwalayan ako ni Mark ang first boyfriend ko for 8 yrs kulang nalang samin ay kasal masakit dahil naging kampante ako nun na lahat ay planado ni walang bahid na anomang pagdududa.
Pero sa isang iglap lang, sa isang tawag lang tinapos nya na ang lahat.
"Gwen let's end it here di sinasadya pero mahal ko na siya and now she's pregnant." Ang huling paalam niya at binaba niya na ang telepono.
Namanhid buong katawan ko parang hindi padin nag sisink in sa isip ko ang mga sinabi niya.
Dali dali akong umalis mula sa klase ko diko na pinasukan ang next subject ko at parang lutang na dali dali akong sumakay ng taxi umaagos na ang luha ko.
"Hindi! Maraming beses na kaming nag cool off at nareresolve din toh agad I'm sure maayos din 'to!" Kumbinsi ko sa sarili ko.
Dali dali akong pumunta sa clinic niya para siya ay harapin niyakap ko siya at tinanong anong problema pero inalis niya ang kamay ko sa pagkakayakap tinignan ko siya sa mata niya at nakita ko ang malamig na tingin niya sa akin ang dating punung puno ng pag ibig ay napalitan ng napakalamig na tingin na tumagos sa dibdib ko.
Hindi ko alam pero habang naglalakad ako pauwi sabay naman bumuhos ang ulan.
Mga ala ala ng kahapon ay bumalik tanaw sa akin ang pangako niya na wagas ay nagwakas nadin ng isang saglit lang.
Bigla akong nasilaw sa maliwanag na ilaw mula sa sasakyan at ang sumunod na tagpo na yun kasabay ng pagbagsak ko sa kalsada ay isang nilalang ang bigla kong naaninag galing sa kawalan ang sumalo bago ako nawalan ng malay.
Hindi ko alam na iyon na pala ang hudyat ng pagbukas ng lagusan sa isang mundong diko akalain na totoong nagaganap.
Ang sumunod na tagpo ay nakita ko na buhat buhat nako ng isang nilalang na triple ang tangkad niya sakin.
Nahintakutan ako dahil hindi siya tao ang kutis niya ay parang bato sa loob ng kweba na kulay pulbos na kung tawagin ay lime stone na pag nasisinagan ng liwanag ay kumikinang siya.
Ang kanyang mga tenga ay matutulis at buhok niya ay kulay puti na hanggang balikat ang haba ang masamyong pabango niya na amoy lavender na bumabagay naman sa kulay lila (violet) niyang mga mata na pag naarawan ay nagiging bughaw.
May binigkas siyang lengwahe na siya lang nakakaalam at sa kawalan ay may lumitaw na maliwanag ang isang sphere or bilog at dun ay pumasok kami sa lagusan at sa isang iglap ay naroon na ako sa ibang mundo!
Nilapag niya ako at naramdaman ko ang malambot na damuhan na aking tinatapakan para akong nasa panaginip nag iba din ang aking kasuotan nakayapak ako at may putong ng bulaklak sa aking ulunan.
Maraming mga bulaklak sa paraisong iyon na nag iiba ng kulay sa bawat ihip ng hangin at ang hangin ay nakikita ko sa ibat ibang kulay din!
Ang mga puno na namumunga ng iba't ibang kulay na prutas na bilog lahat
at ang mga nilalang na ni sa hinagap ay totoo palang nag- eexist!
Mga fairies na maliliit pero ang hitsura nila ay parang tao pero ang katawan ay parang mga petals ng bulaklak ang mga pakpak ay parang tutubi.
Ang mga kapre pala ay parang taong lobo na mabalasik at mabalahibo malaki at matulis ang dulo ng mga tenga gahigante din ang laki nila tumingin pa nga siya sa akin at kumindat sabay subo ng kanyang tabako.
"Hello magandang dilag." Bati niya sakin. Napahawak ako sa braso ng lalakeng nagligtas sa akin.
Napangiti lang siya at binati ang kapre na nakasalubong namin.
Sa di kalayuan ay bumungad sa akin ang water falls at nandun naman masayang nagtatampisaw ang mga diosa or diwata kung tawagin nila.
Ang ganda nila'y walang kaparis para silang mga foreighner or greek god na kulay mais ang mga buhok na hanggang baywang mga mata ay iba't ibang kulay. May asul, me lira, me dilaw at mayrong silver.
Ang kutis nila ay kumikinang na parang bato sa loob ng kweba at ang may mga tangan silang brilyante sa gitna ng nuo nila.
Napadako din ang tingin nila sa akin at sa kasama ko bigla silang nagtalimahin at yumuko bilang pag galang sa lalakeng kasama ko.
Meron isang kabayo na kulay puti ang sumalubong sa amin kulay ginto ang buhok nito at ang kakaiba sa kabayong iyon ay meron siyang sungay na parang sa deer na nagsasanga kabilaan na patulis paharap nakasuot ng gintong balute ang kabayo at meron siyang kwintas sa gitna ng mga mata nya na malapad ang nasa gitna nun ay me tatak na apoy at binabalutan ng ipo-ipo.
Malapad ang puting puting pakpak nito napakalaki nitong kabayo kumpara sa ordinaryong kabayo.
Binuhat ako ng nilalang na kasama ko at maingat niya akong sinakay duon sa kabayo at siya naman ay sumunud at sumakay sa likod ko at payakap sa akin na kinuha ang lubid ng kabayo at hinampas ito hudyat ng paghanda sa pag lipad nito.
Napapikit ako sa takot pero mabilis na kumapit sa akin ang nilalang sa likod ko at dun ay pumailanlang kami sa alapaap tanaw ang napakagandang tanawin sa ibaba at bumulong siya sa akin.
"Kumapit ka lang at wag matakot ligtas ka sa piling ko magtiwala ka lang." Pakumbinsi niya sa akin.
Ang boses niya ay malalim, makapangyarihan pero banayad. Parang namamalikmata ako. Eto ba ay isang panaginip?
1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb
Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup
Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a
Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m
"Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga
Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.