LOGINAng sumunod na tagpo ay para akong nakasakay sa isang tunnel at ang bilis ng pagbulusok ko sa loob ng tunnel na iyon para syang vacuum na hinihigop ang kaluluwa ko pabalik sa aking katawan.
Nagising na lang ako na habol ang hininga ko na parang galing sa pusod ng dagat at napasinghap ako at sabay mulat ko ng aking mga mata.
Nakita ko ang ilaw sa kisame na mapusyaw at sa kanan ko ay rinig ko ang ventilator na nag-alarm biglang tayo ang mama ko at masayang lumapit sakin.
"Anak buti nagising ka na! Marife tawagin mo yung doktor dali!" Utos ng mama ko sa kapatid ko.
"Mabuti anak at hindi ka napuruhan at ligtas ka! Sa lakas ng impact ng sasakyan nayupi nga yung harapan! Anak hindi aakalain ng mga doktor na mga galos lang mga natamo mo." Buong pag-alalang kwento ng mama ko sa akin.
"Akala namin na comatose ka na anak?" Patuloy niya habang hawak niya ang kamay ko.
"Si Mark tinatawagan ko sinabi ko yung nangyari saiyo kakaalis niya lang." Kwento ng mama ko sa akin at dahil duon ay nagbalik-tanaw sa akin ang mga ala-ala.
"Ma wala na kami ni Mark" Pagtatapat ko.
Nagulat man ay pakunswelong lahad niya sa akin na magkakaayos din daw kami kagaya ng dati.
"Ma wala na kami. Nakipag break na siya sa akin for good ma. Hayaan nyo na ma." pakiusap ko sa mama ko.
"Huwag mo muna iyon intindihin anak ako na bahala duon." Pakunswelo sa akin ng mama ko.
Ang pinagtataka ko lang ay bakit sa pagmulat ko ng mata ko ay siya agad ang hinanap ko? Ang nilalang na iyon.
May naramdaman ako sa kanang palad ko na nakapaloob duon isang bato na iba't -ibang kulay ang nagsama-sama malamig ang pakiramdam noon at may kinang ang aura na nasisinag ko dito at bigla sa kawalan may malamig na dampi sa aking pisngi akong naramdaman at sa hindi mawaring dahilan kinilabutan ako sa naramdaman ko.
Mula nuon maraming pagbabago akong napansin sa sarili ko sapagkat ang mundong kinamulatan ko ay isa palang kahon na nababalot ng misteryo at sa unang pagkakataon nakalabas ako sa kahon na iyon.
Nagpasya akong mag iba ng course mula sa Dentistry sa CEU ay nag-shift ako ng Nursing dahil kaya lang naman ako kumuha ng course na iyon ay dahil sa suhestyon ng mama ko dahil nakilala ko si Mark bilang doktor na at ako naman nuon ay third year high school pa lang.
Napagpasyahan kong lumipat ng school malayo sa kaniya at nag enroll nga ako sa Baguio at kumuha ng course ng BS Tourism.
Ang malamig na klima at magagandang tanawin at malapit sa nature ay nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa sa pagharap ko sa panibagong buhay.
Sinubsob ko ang panahon ko sa pag aaral pero sa mga sandali na nalulungkot ako ramdam ko ang presensya niya.
Kahit saan ako mapunta naamoy ko ang lavender scent niya. Mahilig akong tumambay pagka vacant hour ko sa labas ng campus tabi ng dorm na tinitirhan namin malapit din sa aming church.
Maganda ang mga tanawin duon bukod sa mga naglalakihang mga pine trees sa paligid ay gusto ko ang tahimik at malamig na simoy ng hangin.
Inilabas ko ang headset ko at ang Nihonggo book ko isa sa mga language subjects na dapat naming matutunan sa kurso kong BS Tourism.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkakabisa ng Nihonggo ng maamoy ko uli ang pamilyar na amoy na iyon luminga ako sa paligid ko ngunit wala naman ako nakita ikinibit-balikat ko na lang iyon at tinuloy ko ang binabasa ko nang biglang sa hindi inaasahan nang kukunin ko na ang ballpen ko sa bag ko ay nagulat ako nang me isang pumpon na lavender flowers ang biglang sumulpot sa tabi ko!
Kinilabutan ako dahil ganitong - ganito ang nakita ko sa mundong pinagdalhan niya sa akin hinawakan ko ito at hindi ko mapigilan na amuyin ang pamilyar na amoy na yun.
Siya at ang kulay lira niyang mga mata ay napakalinaw parin sa aking isipan.
"Asan ka?" Tanong ko sa kawalan.
"Saan ka man salamat sa bulaklak na ito naibsan mo kahit saglit ang pangungulila ko." Pagtatapat ko sa kanya.
Napangiti ako sa tinuran ko. "Desperado ka na ba? Or nababaliw na? Tanong ko sa sarili ko.
"Di ka ba likha lamang ng kalungkutan ko?" tanong ko sa kawalan.
"Marahil nga nahihibang ka na." sagot ko din sa tanong ko. Napailing ako sa naisip ko .
"Uy Gwen gising ka nga! Panaginip lang yung mga nakita mo nuon kaya you need to bring back your senses!" Pagsita ko pa sa sarili ko.
Tumayo ako at pinagpag ko ang mga damo sa puwitan ko at inayos ko mga gamit ko pabalik sa bag ko nang aktong paalis na ako pumukaw sa aking atensyon ang sinag ng araw na biglang tumama sa akin tinakpan ko ng kamay ko ang mata ko panangga sa sinag ng araw at sa aking pagkurap at pag mulat ay may naaninag ako mula sa liwanag ang lalakeng nakita ko sa aking panaginip or panaginip nga bang maituturing?
Pero ng sumandaling iyon ay dilat ang mga mata ko pinilit kong idilat pa lalo ang singkit kong mga mata at kinusot ko pa ang mata ko para malaman kung namamalikmata lang ako.
Pero siya nga! Ang mahiwagang lalakeng ito! Gulat man ay pinilit ko pa din ihakbang palayo sa nilalang na nakita ko tinignan ko siya at gayundin siya sa akin at di man niya ibuka ang kanyang bibig ay dinig ko sa isip ko ang kaniyang tinig kinausap niya ako sa pamamagitan ng isip. Kinukumusta niya ako at sabi niya hindi lahat ng iyon ay bahagi ng isang panaginip ang katunayan nito'y nakikita ko daw siya at naririnig.
Lumapit ako kung saan siya nakatayo at kinilabutan ako! Totoo nga talaga siya!
1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb
Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup
Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a
Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m
"Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga
Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.