Home / All / Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo / Chapter Three: "Ang Pagbabalik ng mga ala-ala"

Share

Chapter Three: "Ang Pagbabalik ng mga ala-ala"

Author: FirePhoenix
last update publish date: 2020-10-17 20:18:52

Hinawakan ng nilalang na 'yun ang palad ko at ramdam ko ang malamig na enerhiya taglay na nanggagaling sa kamay niya.

 "Halika may ipapakita ako." Aya niya na sa akin.  Hindi bumubuka ang kaniyang bibig tanging sa isip niya lang ako  kinakausap.

Tinakpan niya ng isang palad niya ang mata ko at sa pag alis niya ng kanyang kamay ay nasa isang tagpo ako ng nakaraan ng aking kabataan.

Nasa baba kami noon flag ceremony ng mga Prep at Grade 1 at isang musmos ang pumukol ng atensyon ko. 

Nakashorts sya nun t-shirt na puti, naka pusod  ang magkabilang buhok at me hawak na pompoms.

 "Foundation day ito ah." Sambit ko sa sarili ko.   

At ang batang iyon na singkit ang mata na nakadungaw sa taas sa bandang 3rd floor ng gusali ng eskwelahan na iyon ay ako  habang ang mga katabi niya ay naglalaro, naghaharutan.

 Siya naman ay nakatingala lang sa taas sa bandang kanan.

 Sinundan ko ang tinitingnan niya. Kinilabutan ako sa nakita ko sa 3rd floor! 

Isang duguang babae na mahaba ang buhok na nakasuot ng puting sillouhette na damit kumakaway sa batang babae sa ibaba.  

Duon ay bumalik sa akin ang mga ala- ala. Ako iyong batang iyon. Musmos pa ako ay nakakakita na pala ako nuon ng  mga  hindi maipaliwanag na nilalang at sa pag aakalang sila lang ay normal din na mga tao.

Ang sumunud na tagpo ay nasa bahay na kami sa apartment na inuupahan namin ng nanay ko sa may San roque Marikina madalas naiiwan ako mag isa kasama ng sanggol ko pang kapatid nuon kasama ng katulong namin. 

Ang nanay ko kasi ay guro at ang tatay ko naman ay nagtatrabaho sa opisina. 

Kahiligan ko na noon  pa maglaro mag isa lalo na pag tag-ulan at hindi makalabas ng bahay at lagi kong kasama sa paglaro ko si Valcan ang batang  lagi lang nakamasid sa akin sa malayo nakatayo duon sa may pintuan sumisilip pagdaka'y nanunuod sa akin habang   ako'y natutulog.

 Kulay pulbos ang kaniyang  kutis at ang mata niya ay mapusyaw na lila kulay puti ang buhok niya na matulis ang dulo ng tenga.

 Inaya ko siyang sumali sa akin at mula nuon ay lagi na kaming magkalaro. 

Nagtataka lang ako na  ang pader namin ay nagkakaron bigla ng lagusan at pag siya ay uuwi na duon siya dumadaan.  

Minsan naisipan kong sumilip sa butas ng pader at nakita ko sa loob ng butas na iyon  ay isang pamilya na nasa hapag-kainan pinagtataka ko lang ay bakit ako nandoon? Kasama ang magulang ko! Napaatras akong bigla sa takot. Totoo ba tong nakikita ko? 

Dali-dali kong tinawag ang katulong namin  at tinuro ang butas sa ding-ding pinipilit ko siyang sumilip sa butas duon. Natatawang sumunod naman ang katulong namin nuon at sumilip siya doon.

"Ate ano nakita mo?" Tanong ko pa sa kanya.

"Iyong sa labas ng kalsada natin. Ano ba nakita mo dyaan?"  Balik na tanong niya. 

Napakamot na natatawa si ate sa akin. Kinwento ko iyong nakita ko at ang kalaro  kong si Valcan ay tumatagos din sa pader na iyon pero hindi siya naniwala sa akin.

Doon na tumigil ang pagtanaw ko sa nakaraan tumingala ako sa katabi ko pinagmasdan ko mabuti ang katabi ko at nangingilid na ang luha kong tinanong ko siya.

"I-ikaw ba ang batang kalaro ko noon?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya ng pag sang-ayon  at hindi ko mawari naramdaman ko ng sandaling iyon ay naghalo ang tuwa at pagkamangha dahil sinong mag aakala na totoo pala mga nangyari sa aking kabataan?

 Sumusundot-sundot ito sa aking panaginip mga putul-putol na tagpo oh eksena sa pag aakala na ito'y bahagi lang ng ala-ala ng isang panaginip pero heto siya sa harap ko! 

"Oo Gwen andito lang ako lagi sa tabi mo lahat ng sandali sa buhay mo. Nandoon din ako lagi kapag nalulungkot ka gustuhin ko man na yakapin ka kausapin ka pero naagaw ka ng atensyon mo sa mundong ito pero tahimik lang akong nagmamasid sayo kuntento nako sa ganung paraan." Lahad niya.

"Hanggang sa dumating iyong  sandali na patawid ka noon at parang wala sa sarili at padating ang  isang sasakyan pinatigil ko ang  oras noon at dali-dali akong sumaklolo saiyo at iyon ang unang pagkakataon na  nakita mo uli ako pagkalipas ng maraming taon." Dagdag nito.

Maraming tanong ang pumasok sa isip ko."

"Sino iyong nakita ko sa lagusan? Bakit andoon ako?" Tanong ko sa kaniya ang sabi niya ako iyon sa mundo nila. Ako at siya ay iisa ang buhay ko na tinatahak ngayon sa mundong kinikilala ko  ay isang repleksyon lamang sa salamin na nakaprogram lang sa aking isipan  isang hologram na na-installed sa aking memorya at gayundin daw ang libo-libong tao na nakakulong sa isang kahon.

Ang nasilip ko daw na lagusan ay ang tulog kong Subconscious mind at iyon  daw ang internal realm ko ang totoong mundo ko!

"Nahawakan mo na ba ang hangin? Oh kahit ang dulo at simula ng buntot ng buhawi? Oh narinig mo na ba ang awit ng mga ibon  sa puno ng mga Methu Selah?" Tanong ni Valcan.

"Nasuyod mo na ba ang pusod ng dagat na tinatawag na lagusan sa  Ecuador? Doon mo matatagpuan ang mundo ng Atlantis." Dagdag pa nito.

 "Nakasakay ka na ba sa matayog na pakpak ng mga Vulture o buwitre kung tawagin? Ang mga ibon na kasing tayog ng agila lumipad." Patuloy niya.

 "Nakita mo bang dumaan  ang mga ibong dumagat oh falcon kung tawagin? Kasinbilis ng kidlat ang kanilang paglipad na lumalabas lamang sa tuwing panahon ng tag sibol." Lahad niya.

"Halika ipapakita ko kung gaano kaganda ang nilikha ng Ama." Aya niya sa akin at sa isang kisap-mata ay nasa tuktok na kami ng pinakamatayog na bundok sa mundo at tanaw ko ang langit  na nakalatag sa mga matatayog na bundok.  

Habang  ang mga ibon na vulture kung tawagin ay malaya silang nakakalipad sa mala-paraisong mundo tanaw ko .

Ang pagbukang liwayway, ang sinag ng araw na mayrong labindalawang  kulay  na sumisikat mula sa Kanluran hanggang Silangan.

Napakaganda ng tanawin!  Nilahad niya ang kamay niya sa akin at sa isang iglap ay lumabas ang kanyang matatayog na mga pakpak apat na pakpak na may kulay ginto at bughaw kung paanong ang mata niya ay nagpalit mula sa lira ay naging bughaw, ang kutis niyang parang mga batong crystal na nagliliwanag. 

Binuhat niya ako ng kaniyang malalakas na bisig at saka siya lumipad napayakap ako at nagtago sa dibdib niya pero kalaunan ay naramdaman ko ang kapanatagan sa mga bisig niya napatingin ako sa paligid ko at napakaganda nga! Walang kasing ganda! 

Dinala niya ako sa mga lugar kung saan nandun ang mga kamangha-manghang mga lugar! 

Ang lagusan pala ay nagkalat sa buong kontinente ng mundo!

 Lagusan papunta sa nakaraan at hinaharap, lagusan papuntang Eden lagusan palabas ng mundong ito!

Nang napagod ako ay bumalik kami sa bundok na yun at dun ay masaya kaming umupo tahimik na nakatanaw sa napakagandang paraiso. 

Luminga siya sa akin pinagmamasdan niyako. Tumingin ako pabalik sa kaniya malungkot ang mga mata na iyon.

"Bakit ka malungkot?" Tanong ko.

"Lahat ng ito'y saglit na mawawala sa ala-ala mo  Gwen dahil haharapin mo na ang bagong yugto ng buhay mo.

"Darating ang lalakeng magpupuno ng mga bagay na hindi ko mapuno sa mundo mo pero babalik ako sa panahon na kailangan mo ako at maalala mo uli ako." Buong lahad niya. 

Hindi ko alam pero parang may punyal na tumarak sa dibdib ko mas masakit mas malalim kaysa sa pag iwan sa akin ni  Mark.

 Umagos ang mga luha ko  sa mata ko  at hinawakan ko palad niya ng mahigpit tinignan ko siya kung maari 'wag na matapos ang sandali na iyon. 

Nagising ako  na nakahandusay sa damuhan  humihikbi pero hindi ko alam sa anong dahilan napahagulgol ako na parang may nawala sa akin na hindi ko alam.

 Ilang gabi ako nagigising na umiiyak pero sa pag gising ko ay para namang hamog na nawawala sa ala-ala ko ang mga  panaginip ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 11: "Ang Taga-Bantay"

    1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 12: "Nang tumigil ang Mundo"

    Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Ten: "Ang Pamamaalam"

    Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Nine: "Ang Buwan sa Gitna ng Dilim"

    Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Eight: "Ang Pag-gising ng aking Kamalayan"

    "Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Six: "Sa muli niyang Pagbabalik"

    Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status