Share

Chapter Four: "Bulong"

Penulis: FirePhoenix
last update Tanggal publikasi: 2020-10-17 20:19:13

Naramdaman ko ang pagod sa likod ko sa maghapong pagtatrabaho  inunat ko ang mga kamay at napalinga ako sa orasan mag 9.30p na pala!  

Dali dali kong hinubad ang tsinelas ko at hinagilap ang sapatos ko kanina pa nag-alisan mga katrabaho ko.

Tinapos ko lang yung draft na ginawa ko  para sa presentation ko ng proposal project namin  for the up coming event. 

Sumakay ako ng elevator at pinindot ko ang ground floor may kasama ako dun isang babae nakayuko sa may sulok sa right side ko tinanong ko siya anong floor siya di siya kumibo  kinibit-balikat ko na lang  iyon. Ang floor ng office ko ay mula 17th floor  kaya medyo matagal pa bago ito bumaba.

 Napansin ko sa reflection ng elevator sa likod ko ay wala naman ako katabi! Biglang nanlamig ang buo kong katawan sinilip ko sa baba ang paa ng babae na kasabayan ko ay di nakasayad sa sahig! 

Abot-abot ang panalangin ko umuusal na sana may makasabay man lang ako. Luminga ako nasa 10th floor pa lang ako! Nang  may bigla bumulong sa likod ko.

"Papindut sa  8th floor."  Bulong niya sa akin pag linga ko ay 'yung babae  na nanlilisik ang mata at nakangisi sa'kin malapit ang mukha niya sa'kin sa right side bali ang leeg  niya at naamoy ko ang masangsang niyang amoy! Gusto ko tumili pero walang lumalabas sa bibig ko!

Paulit ulit niya sinasabi  ang 8th floor nanginginig ang kamay ko na pinindot ang 8th floor at pagdating ng 8th floor ay  parang isang shadow na nakayuko siya na nakaangat ang paa na lumabas   sa pintuan ng elevator kita ko 'yung 8th floor wala ng tao  at naka-off na mga ilaw. 

Dali dali kong sinara 'yung elevator  at napa-upo ako at nanlambot ang mga tuhod ko sa takot.

'Diko na namalayan na nasa ground floor na ako!  Pagbaba ko sa main ground nakita ko si Manong guard si Kuya Simon  takbo ako agad sa kaniya.

"Kuya Simon!  sa may elevator!" utal- utal kong lahad nagulat si Kuya Simon dahil nakita niya ang takot sa mga mata ko.

"Ay Mam Gwen bakit po? ano po nangyari? Na-stock po ba kayo sa loob?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako,  nakita ko ang water dispenser sa gilid dali-dali akong pumunta doon at kumuha ng cup sa tabi noon at nagsalin ng tubig. 

Nanginginig pa ang mga kamay ko noon  habang nilalahad ko kay Manong Simon ang mga nakita ko. 

Si Kuya Simon ay  nagtatrabaho na sa company namin mga 6 years na at naikwento niya na mayroon daw nag patiwakal gamit ang lubid mula sa 8th floor dahil sa iniwan siya ng boyfriend niya dahil married na daw iyon. Bigla kong naalala na bali ang leeg niya ng makita ko.

Nang mahimasmasan ako  ay doon ko namalayan na umuulan pala sinipat ko ang bag ko kung may dala ba ako payong at kagaya ng dati hindi ko na naman dala kung kailan kailangan mo.  

Wala ako magawa kung 'di hintayin na tumila ito.

Napalinga ako sa katabi ko na babae.

"Mukhang wala din itong dalang payong. Buti nalang may kasama ako.'

Sinipat ko muna kung tao nga ba itong katabi ko nakasayad naman ang paa niya sa lupa at may anino naman siya.

"Ay salamat!" Usal ko sa sarili ko.

Makalipas ang isang oras ay may lalakeng sumundo sa babae. Boyfriend yata niya. Nilabas niya ang payong at inalalayan ang babae palabas. 

Napabuntung-hininga ako.

"Sana all." Usal ko sa sarili ko. Mula ng kinasal ako hindi na ako sinusundo ng asawa ko ang natatandaan ko lang na sinundo niya ako ay noong kabuwanan ko na sa bunso namin. 

Ng paambon-ambon nalang ay napag pasya ko na lumabas na. Tabing-tabing ko sa ulo ko ang clatch bag na dala ko at patakbo na kong lumabas ng office namin. 

Mabuti nalang nakasakay ako agad ng bus pasalamat ko nalang at 'di ganoon karami ang pasahero pag ganoong oras nakahanap pa ako ng two-seater seat pinili kong pumwesto sa may bintana habang  tumutulo ang ulan sa bintana ko.

May bumalot uli'ng lungkot sa puso ko hindi ko na namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. 

"Bakit sa tuwing umuulan malungkot ako?" Tanong ko sa sarili ko .

Nakauwi na ako at nadatnan kong gising pa ang mga bata. Si Faye ay 13 years old lang  at si Daniel ay  8 years old lang nun. Tuwang tuwa sila na sinalubong ako at syempre bag ko agad  ang kinuha nila at hinalungkat kung may pasalubong ako.

"Si Tatay niyo umalis na?"

"Opo nay pumasok na." Sagot ni  ate.

Gabi kasi shift niya. Ang kainaman noon ay nakapagluto na ang asawa ko. Inalis ko sa pagkatakip ang  ulam sa lamesa  adobong manok ang ulam naramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko.

"lKumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila. 

"Opo!" Sabay nilang sagot at balik na sila sa panunuod sa laptop sa Youtube. 

Pabagsak akong humiga sa kama at napatingin sa kisame at bumalik sa ala- ala ko ang nangyari sa elevator. Kinilabutan ako at nag-usal ako ng panalangin  na sana 'wag ko na iyon makita uli.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 11: "Ang Taga-Bantay"

    1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 12: "Nang tumigil ang Mundo"

    Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Ten: "Ang Pamamaalam"

    Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Nine: "Ang Buwan sa Gitna ng Dilim"

    Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Eight: "Ang Pag-gising ng aking Kamalayan"

    "Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Six: "Sa muli niyang Pagbabalik"

    Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status