LOGINDala ng stress at lungkot na hindi ko mawari. Isa sa mga naging libangan ko ay magbasa ng mga horror stories sa Spookify at pagkatapos ko magbasa ay mahilig din ako magbasa ng mga comment ng mga readers. Isa sa pumukaw ng atensyon ko ay ang comment ng isang reader pini-em ko siya dahil interesado ako malaman din mga experiences niya lalo about 3rd- eye.
Siya ang nag introduce sa akin sa group chat ng mga taong naniniwala sa mga paranormal stories.
Nag-send ako ng picture ko sa kaniya sa office ko at nag-pm siya sa akin na may kasama daw ako sa office ko.
Kinilabutan ako sa sinabi niya kasi ng mga oras na 'yun ay mag isa lang ako sa office ko.
"Bes, 'wag ka magbiro ng ganyan at mag isa lang ako dito!" Saad ko. Luminga ako sa paligid ko; actually kalilipat lang namin sa bagong office or pansamantalang opisina namin dahil under-renovation 'yung dati naming room inilipat kami sa Dietary Conference room medyo kalumaan at napakaluwang niya kaya kahit sumigaw ka mag-eecho ang boses mo. May mga gamit pa kami na hindi ko pa na aalis sa mga kahon at nakatambak pa ang ibang gamit ng mga sa Dietary.
Sa hospital kasi ako nag-wowork at sa Dietary Conference room office kami pansamantala nilagay.
Nanlamig ang pakiramdam ko tanaw ko mula sa lamesa ko ang salamin ng comfort room namin at sa bandang kaliwa ay ang malaking food tray dispenser bigla kong niyakap ang sarili ko at luminga linga.
Maya-maya ay nag-send ng pm ang friend ko at may binilugan siya sa picture na send ko.
"Pagmasdan mo mabuti yung binilugan ko ano nakikita mo d'yan?" Patuloy na panakot niya sa akin.
Sinipat kong mabuti ang picture at nakita ko ang isang malaking shadow na hugis tao.
Napatingin ako sa mismong spot na sinasabi nya. Wala naman ako nakikita kung 'di yung madilim na spot doon dahil natatakpan ng mga nakatambak na mga kahon at mga cabinet.
"Uyy bes! Tama na nga yan change topic na lang tayo." Chat ko sa kanya.
Nag-reply siya ng emoji na nakatawa.
Ang labas ko ng work ko ay 5 pm kaya quarter to 5 pm pa lang ay hindi na ako magkandaugaga ng pagliligpit ko sa mga gamit ko.
Alam kong may bantay kami saan man kami lumipat ng department laging sumasama siya sa amin katunayan noon ay lagi nalang kami nawawalan ng mga gamit at pag malingat lang ay nasa harap na namin ang hinahanap namin. 'Beshy' tawag ng boss ko doon sa bantay ng room na iyon.
"Beshy! labas mo na nahihilo na ako kakahanap." Laging pakiusap ng boss ko at pag kami ay maiyak-iyak na sa kakahanap saka lang siya lalabas.
Sliding glass door ang aming main door at pag pinatay ko ang room ay talagang super black-out talaga eh ang main switch ay malayo sa sliding door kaya tili-takbo ginawa ko ng mga oras na iyon palabas.
"Dahil saiyo; nagkandarapa na ako makalabas lang." Tukoy ko sa ka-chat ko.
Nang malapit na ako sa information desk doon ko naalala ang celphone ko wala sa bag ko.
"Shit naman! Babalik uli ako doon?" Maiyak-iyak na lahad ko sa sarili ko. Hindi ko pwedeng iwan ang celphone ko doon dahil off ko na bukas kaya wala akong choice kung hindi balikan uli ang Dietary Conference.
Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Dahil nakabukas mga ilaw sa hallway ay kita ko pa ang loob ng office ko. Dali-dali akong pumunta sa lamesa ko at sinalat ang celphone ko.
Nang walang kaabog-abog biglang may kamay na humawak sa akin! Napatili ako palabas ng kwarto.
"Shit!" Takbo ako! kandarapa papunta ng Information Desk at tinawag ko ang guard na duty.
"Rico!" Habol hiningang tawag ko sa guard.
"Samahan mo ako oh; nalimutan ko isara iyong room ko sa Dietary samahan mo ako natatakot ako." Pakiusap ko sa guard ng pang hapon na iyon at sinamahan niya ako nakabuntot ako sa likod niya at saka namin ni-lock ang kwarto sa labas.
Nakasakay na ako ng bus ramdam ko pa ang kabog ng dibdib ko kaya ng tumunog ang celphone ko ay nagulat ako; nilabas ko ang celphone ko nakita ko pm ng beshy ko.
"Besh, sabi ng kasama mo dyaan sa kwarto naiwan mo daw celphone mo!"
1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb
Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup
Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a
Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m
"Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga
Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.