LOGINTEASER Mahusay na empleyado si Alex. Sa katunayan, siya ang Most Valuable Employee sa kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan for five years. Puring-puri pa nga siya mismo ni Sir Ronwaldo, ang CEO ng Sharco Corporation. Mahusay nga sa trabaho ang dalaga pero may kahusayan din ito pagdating sa chismisan. Hindi niya pinagligtas sa kaniyang kamandag ang anak ng CEO na si Jc dahil ang anak mismo ng may-ari ay nagawa niya pang gawan ng issue. Pero may ebidensiya naman siya sa kaniyang chismis dahil nahuli niya itong nakasuot ng spaghetti black night dress. Parisan pa ng black high heels na tantiya niya ay two inches ang taas ng takong, may cutics na kulay pula ang daliri sa paa at kamay. Pati ang boses ay baklang-bakla. Hindi maipagkakailang macho gay ang kaniyang Sir Jc. Macho dahil namumutok sa muscle ang braso at hita nito. Dahil likas siyang chikadora, naipagkalat niya sa kaniyang nasasakupan ang sikreto nito. Na nakarating din sa kaniyang Sir Jc kaya naman ihanda na ni Alex ang kaniyang sarili dahil may matinding ganti sa kaniya si Pamintang Durog na siyang binigay niyang titulo sa binata.
View MoreCHAPTER 1
"Good morning din po, Ma'am Alex," sabay-sabay nilang pag-bati.
"Kompleto na ba tayong lahat?" Isa-isa niyang tiningnan ang bawat naroon.
"Okay na po, Madam. Kumpleto na po," sagot ng kaniyang Security Staff na si Rolland.
Bago sila nag-umpisa sa kanilang meeting, sinimulan muna nila iyon sa taimtim na panalangin na pinangunahan ng kanilang kahera.
Isang beses sa isang buwan kung ganapin iyon. Dahil Store Supervisor ang tungkulin na ginagampanan ni Alex, sa kaniya nakaatang ang malaking responsibilidad ng tindahan. Sa kanya nakasalalay kung panalo o talo ang kanilang kita.
Mahigit limang taon na siyang nagtatrabaho sa Sharco Printing. Isa siya sa mga hinahangaan na empleyado sa kanilang kompanya dahil sa kaniyang sipag at dedikasyon sa trabaho. Humakot na rin siya ng hindi mabilang na parangal dahil sa angking husay niya sa paghawak ng isang tindahan. Nakakaya niyang palaguin at buhayin ang isang sangay ng tindahan na papalubog na. Kaya naman halos lahat na yata ng branch ng Sharco Printing ay napag-duty-han na niya.
Pero sa kabila ng kaniyang angking talino, husay, sipag at dedikasyon sa trabaho, mayroon pa rin talagang maipipintas ang ibang tao sa kaniya. Sabi nga ng karamihan, "Nobody's perfect." Nasa iyo man ang lahat ng magagandang katangian, mayroon at mayroon pa rin talagang mahahalungkat na masamang katangian mula sa iyo. Sa kaso ni Alex, hindi maitatangging certified "CHIKADORA" siya dahil always siyang updated sa latest chika ng bayan.
"Kung ganoon, magsimula na tayo," saad niya.
Ginanap ang kanilang meeting sa loob lamang ng kanilang tindahan na nasa loob din ng malaking mall sa Alabang. Nasa harap niya ang kaniyang sampung tauhan na kinabibilangan ng dalawang kahera, isang security staff, isang encoder at anim na lalaki na siyang nag-iimprinta ng iba't-ibang design sa college shirts, jersey, P.E uniform, company jackets, at iba pang aksesorya na kalimitang ginagamit ng mga estudyante. Hawak niya ang kaniyang Record Logbook dahil nakasulat doon ang kaniyang itatalakay sa mga kasama. Kung magkano ang naging sales nila for the previous months, kung na-hit ba nila ang kanilang target budget versus last year, nag-increase or decrease ba ang kanilang Store performance. Kasama rin sa meeting na iyon ang kanilang plano para sa susunod na buwan, kung magkano ang bagong target budget at kung anong strategy para ma-reach ang kanilang quota. Usually, ganoon lang naman ang tinatakbo ng usapan kapag meeting. Pero, hindi na talaga mawawala sa mga Pinoy ang ugaling chismisan sa banda roon at banda rito. Aba'y, hindi magpapahuli si Alex pagdating sa ganiyang usapan.
"Ma'am Alex, nakita niyo na po ba si Sir Jc?" tanong ng kanilang kahera na si Melanie.
"Oo, pero isang beses pa lang eh. Bakit mo naman iyon natanong?" kunot-noo niyang tanong.
"Sabi po kasi nila, sobrang guwapo raw po ng anak ni Sir Ronwaldo. Kamukha raw po ni Marco Gumabao. Oh, ka-apelyido mo pa iyon, Ma'am, Gumabao din. Nasa dugo nga talaga ng Gumabao ang magagandang lahi," nakangiting wika ni Vivian.
Natawa siya sa sinabi ni Vivian nang marinig niya ang papuri nito.
Alexandra Cathyrine Mae Gumabao kasi ang buo niyang pangalan. Hindi lang talaga halata na masipag ang kaniyang mga magulang na pahabain ang kaniyang pangalan. Kilala siya sa lugar nila as AC habang dito naman sa trabaho ay Alex. Ka-apelyido nga niya ang sikat na aktor ngunit hindi naman sila blood related.
"Eh ang super hot kaya ni Marco, kaya siguradong bonggang hot din ni Sir Jc," sabi ni Melanie.
Napalis ang pagkakangiti niya sa sinabi ni Melanie. "Grabe ka naman maka-describe. Hindi naman guwapo iyon 'no. Parang ordinaryo lang ang hitsura noon. Feeling ko nga mas guwapo pa doon si Vhong Navarro eh," simangot na saad niya.
Sa totoo lang, hindi maganda ang una nilang pagkikita ng anak ni Sir Ronwaldo. Mahigit isang taon na nang mangyari iyon pero sa tuwing nababanggit ang pangalan niyon, hindi niya mapigilan ang hindi mangitngit. Paano ba naman kasi, pinagkamalan lang naman siyang Janitress nang minsang umattend siya ng meeting ng mga Store Heads sa main office nito sa Shaw Boulevard. Gahol na siya sa oras noon at male-late na siya sa meeting kaya sobrang pagmamadali ang ginawa niya. Siguro haggardess na rin talaga ang beauty niya at kahawig pa ng suot niya ang uniform ng mga Housekeeping Department kaya naman agad siyang sinita at inutusan nang minsan madaanan nito ang hallway na natapunan ng isang cup ng kape. Hindi kilala ni Jc ang mga Store Supervisor ng bawat branch kaya hindi nito alam na isa siya sa mga iyon na aatend ng meeting. Noong mga panahon na iyon ay hindi pa nagtatrabaho si Jc sa kompanya ng daddy niya. Pero mula sa nasagap niyang chismis mula sa kataas-taasan ay ito na raw ang bagong CEO ng Sharco Corporation, ewan lang kung totoo.
"Uy, grabe ka, Ma'am huh. Guwapo nga si Vhong Navarro pero mas latest and in demand ngayon ang kamachohan ni Fafa Marco. Mas nakakatakam ang abs niya kaysa sa dancing moves ni Vhong 'no. Saka matanda na si Vhong kumpara sa batang-bata at yummy na katulad ni Marco," kilig na turan ni Lara, ang bading na empleyado sa Sharco Printing.
"Ano? Kamukha ng gunggong na iyon si Marco Gumabao? Haller! Ang layo 'no. Mukhang puwet ng kambing kaya ang mukha ng Jc na 'yon." Hindi talaga magawang pigilan ni Alex ang kaniyang pagkainis kapag ganitong napag-uusapan ang anak ng may-ari ng Sharco Corporation na si Jc.
CHAPTER 8“Ugh! Buwisit talaga! Buwisit!” Nanggigigil sa galit si Alex habang naglalakad sa loob ng mall.Buwisit na buwisit siya dahil tinakasan siya ng dalawang ungas na iyon. Ang unang tinutukoy niya ay si Lara. Hindi niya nabugbog ang bakla kanina dahil naka-schedule na ito mag-halfday sa araw na iyon. Nagpaalam na ito sa kanilang boss one week ahead na may importante itong aasikasuhin kaya maaga ito umuwi kanina. Habang ang pangalawang ungas naman na si Jc ay maaga rin umuwi dahil may importante raw itong pupuntahan."Daming dahilan. Talagang tinakasan niyo lang ako," parang baliw na kausap niya sa kaniyang sarili.
CHAPTER 7 "Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo riyan, Lara. Para kang namatayan ah." Imbes na makaramdam ng awa ay naiinis pa siya sa pag-atungal nito sa kaniyang tabi."Madam, naman eh. Mas masahol pa ako sa namatay. Hindi ko talaga matanggap eh. Ang sakit-sakit. Mas masakit pa sa naging break-up namin ng boyfriend ko." Hindi naman talaga ito tunay na umiiyak dahil wala naman siyang makitang luha mula sa mata nito."Huwag kang ilusyonada. Wala kang jowa kaya tigil-tigilan mo ako riyan sa kakadrama mo.""Eh kasi naman, Madam. Ayoko tangg
CHAPTER 6HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex sa natuklasan na kasarian ni Jc. Walang bakas ng kabaklaan sa katawan, sa hitsura, sa pananamit, sa kilos, at maski sa boses nito magmula nang makilala niya ito. Pero nang dahil sa hindi sinasadyang pangyayari kahapon ay natuklasan niya ang pinakatatago-tago nitong sikreto. Paniguradong walang kamalay-malay si Sir Ronwaldo tungkol sa totoong pagkatao ng kaniyang anak.Patungo siya ngayon sa eskwelahan ng kaniyang pamangkin para manood ng stage play nito. Naroon na ang kaniyang Ate Celestine at kanilang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na day off niya mula sa trabaho. Gusto niyang supresahin si Hayden kaya naman sinadya niya talagang huwag ipaalam ang tungkol sa pagpunta niya. 
CHAPTER 5“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa’yo at puring-puri ka niya. I don’t know what would he says once he discover that his Most Valuable Employee is having an attitude problem. I feel so disappointed for him.”“Teka lang, Mister ─”“See? You’re calling me Mister instead Sir Jc? Is that the right thing to call me as your boss?”Nanggigigil na talaga siya sa kahambogan ni Jc pero kahit pa na anak ito ni Sir Ronwaldo at sila ang nagpapasahod, hinding-hindi na niya hahayaan na maulit muli ang nangyari sa pagitan nila isang taon na ang nakararaan.&nbs





